PROPESIYA 1

ANG PAGHUHUKOM AY NAGSISIMULA SA TAHANAN NI YAHUVEH

Ibinigay kay Rev. Sherrie Elijah noong Desyembre 31, 1996

Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na idagdag ito sa lahat ng Propesiya magmula ngayon:

Binalaan kita matagal nang panahon Elisabeth na huwag ipangalan ang Ministeryong ito sa sino mang babae o lalaki bago pa man nagkaroon ng Ministeryo. Inilagay ko ito sa iyong espiritu pagka’t wala ni isa sa mga ito ang nagawa ng iyong mga kamay, wala ni isa sa mga ito ang nagmula sa iyong bibig. Mula ito sa bibig ni YAHUVEH na nagbigay buhay. Mula ito sa bibig ni YAHUSHUA ang iyong MASHIACH (Tagapagligtas) na nagbigay buhay. Mula ito sa bibig ng RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu) ang iyong IMMAYAH na nagbigay buhay. Kung ito lamang ay gawa ng iyong kamay, ito’y nabigo na noon pa man. Ito ay sa pamamagitan ng hangin ng Kaluwalhatiang SHKHINYAH na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na hangin ng pagpapanibagong-buhay, hindi ng iyong hininga o ito’y nabigo lamang. (Isaia 42:8)

Hulyo 2010 sinabi rin ng Diyos na si YAHUVEH na isama ang sumusunod na kasulatan mula sa pangalawang aklat ng Cronica bago ang bawat Propesiya:

2 Cronica 36:16, “Ngunit hinamak nila ang mga Mensahero ni YAH, kinamuhian ang kanyang mga salita, kinutya ang kanyang mga Propeta, hanggang umabot sa sukdulan ang galit ni YAHUVEH Elohim sa kanyang bayan at sila’y hindi na makaiiwas pa sa kanyang pagpaparusa.

* * * * * * *

Isang katakot-takot at kakila-kilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng buhay na DIOS. Ang AKING poot ay maaaring maging napakalaki katulad ng AKING pag-ibig, subalit walang sinuman ang nagsasalita ukol dito. Sa taong 1997, ihahayag KO ang AKING SARILI bilang hindi lamang isang DIOS ng pag-ibig, ngunit para sa mga taong umuuyam [mock] at kumakaila/tumatanggi sa AKING kapangyarihan, o sa umaayaw ng AKING pag-ibig, at naghahangad na pangunahan and AKING mga tupa upang iligaw… matitikman nilang muli ang mga araw nina Ananias at Sapphira. Ang karunungan [wisdom] ay ang takot kay YAHUVEH! Marami sa AKING sariling mga tupa ang bumabaliwala sa AKIN. Gumagawa sila ng mga bagay-bagay at iniisip na ito ay natatakpan ng grasya. Gumagawa sila ng mga bagay-bagay na alam nila na hindi banal at ito ay ikinagagalit KO. 

Ngunit iniisip nila na AKO ay bulag at bingi. Sa taong 1997, patutunayan KO na AKO ay isang DIOS ng apoy at yaong sinu-sino na tumatayo sa daan/mga paraan ng AKING ministro ay tiyak na mauubos sa AKING galit. Sila na nangangahas na pigilan ang Ebanghelyo ni YAHUSHUA ha MASHIACH ay magdurusa ng pinakamalubha. AKO ay babalik para sa simbahan na walang dungis o kulubot at muli sasabihin KO sa inyo, balaan ninyo ang simbahan. Ang simbahan ay hindi ang pastor, ito ay hindi ang gusali. Ang simbahan ay ang mga tao, ang AKING mga tupa. Puno na AKO sa mga taong pinapangalan ang mga ministeryo batay sa kanilang mga sarili; wala silang karapatan na gawin ang kasuklamang ito. Hindi sila ang nagbayad sa pinakamataas na kabayaran; hindi sila sapat na banal upang gawin ito. AKO, si YAHUSHUA ha MASHIACH, ang nagbayad ng kabayarang ito sa Kalbaryo. 

Maliban na lamang kung sila ay walang kasalanan at perpekto, wala silang karapatang pangalanan ang isang ministeryo batay sa kanilang mga sarili. AKO lamang ay ang perpekto at walang kasalanan, hindi ang tao, “Sapagka’t ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ni YAHUVEH!” Kayo ay walang kasalanan sa AKING paningin dahil ang AKING Dugo ay naghuhugas ang inyong mga kasalanan. Ito ay hindi dahil sa kayo ay walang kasalanan dahil sa inyong kalubusan [perfection]. Kayo ay isang makasalanan na iniligtas sa pamamagitan ng AKING grasya/mabuting kalooban [grace] at awa. Ang Dugo ng/sa Kalbaryo ang naghuhugas ng inyong mga kasalanan, totoo. Nguni’t ang isang ministeryo ay kumakatawan sa AKIN, ang inyong Ama na si YAHUVEH, at ang ministeryo ay dapat pinapangalanan para sa kabanalan, hindi sa tao. 

Pagka’t muli, AKO ay nagpropesiya sa pamamagitan mo at sabihing “Mag-ingat.” Balaan mo sila, sapagka't kapag iyong imperpektong tao ay bumagsak (at siya nga ay talagang babagsak), ang ministeryo na nagdadala ng kanyang pangalan ay babagsak at ang mga tupa ay kakalat sa kampo ng mga kaaway. Sabihan mo sa kanila, AKING Handmaiden (Babaeng Lingkod) , balaan mo sila. Huwag na ninyong gawin itong kasuklaman [abomination] sa harap ng AKING mga mata. Pagka’t sinabi KO,”Magpakabanal kayo sapagkat AKO ay banal.” Kahit ang matataas na mga propeta at mga ministro na tumataglay ng AKING pagpapahid ay nasa mangmang na pagmamataas at pinapangalanan nila yaong alin na hindi sa kanila… ang pinahirang mga ministeryo batay sa kanilang mga sarili. Dahil dito, sila ay babagsak, ngunit AKO ay paroroon para pulutin sila pagkatapos silang parusahan/disiplinahin. 

Ngunit balaan mo sila. Ito ay parang isang batang pinapalo, ngunit nabigyan ng babala ng maraming beses. AKO, ay pumaparusa/dumidisiplina sa mga yaong AKING minamahal. AKO ay isang kordero para sa mga sinumang tumatanggap sa AKING regalong Dugo sa Kalbaryo. AKO ay isang LEON mula sa lipi/angkan ni Judah para sa AKING mga kaaway. AKO ay isang mandirigma at hindi isang duwag. AKING ibinaling ang kabilang pisngi minsan. Subali’t sa oras na AKO ay babalik nang muli para sa AKING mga kaaway, dala KO ang AKING malaking galit [fury]. Kapighatian [Woe!] ay mapasakanila yaong mga tumatawag sa kanilang mga sarili na AKING kaaway at nangangahas na sirain ang mga mabubuting gawain na ginagawa KO sa pamamagitan ng AKING mga lingkod. Pinupunit at ginugutaygutay ng isang leon ang kanyang biktima bago niya ito lamunin. Gayon din ang agila, na kumakatawan sa inyong makalangit na AMA. Tiyak ninyong makikita ang AKING matinding galit sa taong 1997. 

Nguni’t ang AKING mga anak ay walang dapat ikatakot, iyong mga sinumang tunay na umiibig, sumasamba, at inuuna AKO sa kanilang mga buhay. Maglilinis AKO ng tahanan sa loob ng mga templo. Patutunayan KO na AKO ay isang DIOS na upang lubhang katakutan. AKO pa rin ang isang DIOS na humihingi (demand) ng kabanalan mula sa AKING mga anak. Hindi AKO nagsasabi tungkol sa panlabas na anyo; ito ay pagkawalang-halaga (vanity) at kabanalang gawa ng tao. Ang totoong kabanalan ay nanggagaling sa loob. Mayroong paparating at ito’y nagsimula na ang digmaang sibil sa Amerika. 

Ngunit talagang dapat walang mangyaring digmaang sibil sa loob ng AKING mga simbahan. Talagang dapat wala silang paghuhusgang-walang-basihan (prejudiced), kahit na ito man ay sa panlabas na anyo o lahi. Para kapag makita ng AKING mga anak ang bawat isa, talagang dapat na makita lamang ay PULA, ang AKING DUGO! Tigilan ninyong hinahati-hati ang inyong mga simbahan ayon sa mga kulay. Wala AKONG nakikitang kulay. AKO ay lahat ng lahi sa isa [I am all races in one]. Tigilan ninyo ang paghuhusga sa isa’t isa ayon sa panlabas na anyo. Sapagka’t kung saan naroroon ang espiritu ng paghuhusgang-walang-basihan [prejudiced], ang AKING RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu) ay hindi mananatili, hindi mamamahay/ titira. Sa halip, ang mga masasamang espiritu ay pahihintulutang makapasok. Kayo ay nabalaan. 

Sherrie, (Elizabeth) hindi mo nalalaman kung ano ang iyong imamakinilya [type] mula sa isang salita patungo sa susunod. Ibigay itong propesiya sa lahat ng mga yaong mayroong mga tengang nakaririnig, hayaan ang lahat ng iba na manatiling bingi. AKO ay darating para sa isang simbahan na walang dungis at kulubot. Kung ano ang pumipigil sa AKIN ay siya ring pinakabagay na yaong dapat magdadala sa AKIN pabalik. Ang AKING simbahan! Ang AKING mga tao! Ang AKING mga pastor! Ang AKING mga ministro. Kinamumuhian KO ang pagmamataas [pride]. Ito ay isa sa pitong nakamamatay na mga kasalanan (7 deadly sins), nguni’t ang AKING sariling mga pastor na nagdadala/tumataglay ng AKING pagpapahid ay nag-iisip na sila ang nagtayo ng simbahan, pag-aari nila ang simbahan at kailangan nilang kontrolin ang mga tupa. AKO lamang ay ang tanging Mabuting Pastol [Shepherd]. Ang sa inyo ay ang maging daliri na yaong magtuturo sa daan patungo sa AKIN, YAHUSHUA. 

Ang pagmamataas, labis na pagmamataas, ay nakagapang paloob kahi’t sa mga templo kung saan KO naibuhos ang AKING pagpapahid. Sino ang mayroong pinakamalaking kongregasyon, ang pinaka maraming pera? Ito ay nakapagpapaduwal/nakapagpapasuka [sickens] sa AKIN. Sino ang magpapanalo ng pinakamaraming mga kaluluwa? Ang pagseselos at kayamuan (covetousness) ay nasa AKING sariling mga templo. Ito ay nakapagpapaduwal sa AKIN. Inyong sabi “Kailan ba babalik si YAHUSHUA?” Ang sabi KO, “AKO ay naghihintay para sa simbahan, ang mga templo, upang linisin ang kanilang mga sarili.” Tigilan ninyo ang pagtataltalan/pagtatalo [bickering] sa gitna ng inyong mga sarili. Inyong ibunyag/ilantad ang mga lobo (wolves) na yaong lumalamon sa AKING mga tupa. Sila ay nasa likod ng mga pulpito at ang lahat ay masyadong nag-aalala sa kanilang sariling mga simbahan, walang sino man ang pinahahalagahan ang mga tupa. 

Sino ang makapagpapatayo ng mas malaking mga templo? Sino ang makakukuha ng higit na pansin sa mga medya? Sino ang numero unong ebanghelista, propeta, pastor, simbahan? Sinasabi KO sa inyo sa pamamagitan ng babaeng propetang ito, inyo siyang pakinggan. Ang paghuhukom ay nagsisimula sa tahanan ni YAHUVEH! At pagkatapos AKING aatupagin ang mga pagano. Ito ay nakapagpapaduwal sa AKIN. Matagal KO nang nais iduyan kayong lahat sa AKING mga bisig, at sa halip kayo ay nagtataltalan/nagtatalo at iniinsulto/inaalipusta ang isa’t isa dahil sa inyong kasarian. Pinipili KONG gamitin ang sino mang pinipili KONG gamitin. Ang pinakamapagkumbaba ay gagamitin KO sa makapangyarihang paraan. 

Pinipili KONG gamitin itong sisidlan [vessel] dahil iniisip niya na siya ang pinakamahina sa marami, nguni't sasabihin KONG muli, gagamitin KO ang mga mapagkumbaba at mahinhin/maaamo, iyong mga yaong walang sinumang nag-aakalang gagamitin KO sapagka’t ang AKING kapangyarihan ay pinaka-maipapakita sa mga mahihinang tao. Alam ito ng iba na hindi ito nanggagaling sa kanila at hindi sila nagyayabang. Pagka't alam nila na ang AKING pagpapahid lamang ang bumabali sa bawa’t yugo [yoke], pangaw, kadena, posas at pagkaalipin. Ito ay hindi sa pamamagitan ng inyong lakas o kapangyarihan ngunit ay sa pamamagitan ng AKING Espiritu. Ganito ang sabi ni YAHUSHUA, “Pinili KONG pumarito bilang isang sanggol, ang pinakamahina sa lahat para patunayan, huwag ninyong tingnan ang panlabas, tingnan ang panloob! Ang pagpapahid ay walang nalalaman na kasarian, lahi, o edad. 

Ang RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu) ay gumagamit ng mga may kusang loob at masunuring sisidlang luwad (vessel of clay), hindi yaong mga sumisigaw ng, “Gamitin MO ako dahil ako ay napakaganda, ako ay mas banal kaysa sa iba.” Hindi KO gagamitin mga yaong nag-iisip na sila ay ginto; ginagamit KO mga yaong nangakakaalam na sila ay mga sirang sisidlang luwad nguni’t mga makapangyarihang mandirigma para kay YAHUSHUA ha MASHIACH. Sa 1997, AKING ilulunsad palabas mga yaong mayroong ministeryo na yaong nanatiling mapagkumbaba o hindi umiiral para sa karamihang masa. Iyong mga yaong hindi KO lamang tinawag nguni’t ang mga yaong pinili, pinili dahil sa kanilang pananampalataya na AKO ay ang autor/may-akda at tagapagtapos. Hindi AKO nagsisimula ng anumang bagay at pagkatapos ay mabibigo. AKO ang inyong DIOS na hindi nabibigo. 

Maghanda kayo, dahil sa 1997 sinasabi KO sa inyo ang yaman ng mga masasama ay mapapasakamay sa mga makatuwiran sa pamamagitan ng AKING PANGALAN at AKING Dugo ang kay YAHUSHUA ha MASHIACH. Ito ay magiging ang AKING mga tupa ang yaong magmamay-ari ng yaman at mga trabaho. Makikita ito ng mga anak ng kaaway at mangangalit ang kanilang mga ngipin sa galit at selos, nguni’t ginagawa KO ito upang patunayan na ang AKING mga banal na kasulatan [Scriptures] ay hindi isang kasinungalingan. Ang mga basbas sa Dyuteronomi 28 hanggang ngayon ay nakalaan para sa AKING mga Anak at kilala KO sila ayon sa pangalan at ayon sa mga buhok ng kanilang ulo. 

Maghanda kayo, sapagka’t para sa AKING mga Anak, ito pa ang pinakamalaking pagbubuhos ng AKING RUACH ha KODESH (Banal na Esperitu). Gagamitin KO yaong mga nag-iisip na sila ay hindi sikat, maganda, kulang sa edukasyon, iyong mga yaong nakakaalam na wala silang magagawa sa labas ng AKING pagpapahid ng RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu). Iyong mga yaong itinatapon, pinagsasamantalahan, binabalewala, pinagsasabihang sumuko na, ito ay walang kabuluhan. 

Iyong mga yaong walang salapi ay titingin sa Makapangyarihang Dios at AKING bubuksan ang mga bintana ng langit at pagpapalain KO sila nang napakasagana na mapipilitan silang magbigay sa iba para sila rin ay pagpapalain ng masagana. At ito ay magiging parang tanikalang reaksyon [chain reaction]. Sinasabi ng AKING SALITA, ”Liyag [Beloved], ang pinakanais KO sa lahat ng mga bagay ay kayo nawa’y uunlad at nasa mabuting kalusugan kaparis [even as] ng inyong kaluluwang sumasagana.” 

Patutunayan KO na ang AKING Salita ay hindi pweding babalik sa AKIN na walang bunga. Mag-ingat kung sinong inyong iniwawaksi bilang walang halaga. Sapagka’t ito ay ang pastor na may maliliit na kawan [flock], ngunit ipinipilit na ang RUACH ha KODESH ay may lubosang pamahala kahit na gaano pa karami sa mga tupa ang umaalis para sa mga simbahan na walang mga palatandaan [signs], mga kababalaghan, mga milagro, pagka't wala ring kombiksyon ng RUACH ha KODESH. 

Mag-ingat sa pagtanggi ng mga ebanghelista na kung sino sa inyong mga mata ay hindi kilala, at ginagamit ang kanilang sariling salapi para ikalat ang Ebanghelyo at makapanalo ng mga kaluluwa. Mag-ingat sa panunukso, pag-aabuso at pagsasawalang-pansin sa propetang pumapasainyo na may dalang propesiya at sapagka’t ayaw ninyong maniwala sa propesiya dahil sila ay nasa hindi tamang kasarian o sila ay taong walang kabuluhan at hindi popular. Mag-ingat sa pag-aagrabyadu sa mga kabataang AKING itinataas [raise up] para magpropesiya at oo, upang pagbalaan ang mga nakatatanda na makinig sa boses ng Makapangyarihang DIOS. 

Lumabas kayo sa kayabangan. Dahil ito ang mga mismong mga tao na AKING ipinapadala. Sa oras na galitin/agrabyaduhin ninyo sila, pinapagalit ninyo ang DIOS na nagpadala sa kanila. Sila ay mga mensahero KO lamang, kaya’t huwag ninyong batuhin ang mensahero. Magiging ang mga taong bale-wala ang mga yaong AKING itinataas, ang mga hindi kilala na yaong AKING pagyayarian ng AKING mga palatandaan, mga kababalaghan at mga milagro, at isang bibig para kay YAHUVEH. Pagka't hindi sila mga walang kabuluhan. Para lamang sa mga mata ng mayabang. Sila ay ang mga may-halaga [somebody] para sa AKIN pagka’t maaari at magagawa KONG gamitin sila sa makapangyarihang paraan [mightily] para sa AKING kapurihan, karangalan, at kaluwalhatian. Pagka't hindi nila nanakawin iyon mula sa AKIN gaya ng sinusubukang gawin ng iba. 

Hindi kayo ang nagtayo nitong mga matatagumpay na ministeryo. Ito ay dahil sa kapangyarihan at pagpapahid ng RUACH ha KODESH na ito ay isang matagumpay. Tigilan ninyo ang pagkukuha ng AKING kaluwalhatian. Hindi kayo ang manggagamot , tagapagligtas; si YAHUVEH na Makapangyarihan ang yaong nagliligtas lamang. Ang mensahe para sa simbahan ng 1997 ay maging mapagkumbaba sa harap ni YAHUVEH. Itong mensahe ay para sa mga Propeta, mga Ebanghelista at mga Pastor. Wala kayong kapangyaharin sa labas ng AKING pagpapahid. AKO ay isang selosong DIOS. Alisin ninyo ang pangalan ng tao sa AKING mga ministeryo. Kayo ay binabalaan! Ibigay ang papuri at pagkilala sa nag-iisa lamang na may karapatang magpangalan ng isang ministeryo alinsunod sa kanyang sarili, ang inyong Panginoon at Tagapagligtas, ang ISA na ipinapahayag ninyong pinaglilingkuran at sinasamba. Hindi KO ibinabahagi ang AKING kaluwalhatian sa kahit na sino man. 

Mayroong isang maling doktrina na gumagala-gala sa loob nitong huling mga oras (end times) at sa loob ng ilan sa AKING mga simbahan kung saan ang AKING pagpapahid ay naibuhos. Isang espiritu ng kayabangan at relihiyon ang nagpakalat ng kasinungalingang na ang mga pastor ay nagsasabing “kami” lamang ang may autoridad na magsabi kung sino ang pwedeng manalagin at sino ang hindi pwedeng manalagin. Kayo ay naipagbawalang manalangin para sa isa’t isa sa labas ng aming pahintulot. Hindi kahit si YAHUVEH na Makapangyarihan, Manlilikha ng Langit at lupa ay kailanma’y makapagsasabi ng ganitong bagay. 

Malinaw na sinasabi ng AKING Salita, “Manalangin kayo para sa isa’t-isa.” AKO ay hindi nagtatangi ng mga tao. Kaya’t bakit KO papayagan ang ganitong bagay. Habulin ninyo itong mga sinungaling na mga pastol palabas ng AKING bahay. Sabihin ninyo sa kanila na alam ninyo ang Salita ni YAHUVEH. Tumigil kayo sa paniniwala at sa pagpapakalat ng kasinungalingang ito. Oo, mayroong mga taong magnanais sumubok at sumumpa sa inyo sa halip ng magpala, nguni’t ang mga sumpa ay babalik lamang sa ulo ng alin na gumagawa ng sumpang nagpapakunwari na dasal. Ang okultismong espiritu na siyang naghahangad na sirain ang AKING Tupa ay magbubumumerang pabalik sa nagpadala. 

Ang RUACH ha KODESH ay ganap na kayang protektahan iyong mga yaong ipinagdarasal. Tigilan ninyo ang pagsusubok na gawin ang anong kailanma’y hindi inilaan sa inyo para gawin. Ito ay trabaho ng RUACH ha KODESH. Ito ay trabaho ng Mabuting Pastol at AKO lamang ang nag-iisang Mabuting Pastol; kaya KONG pag-ingatan ang lahat ng mga yaong AKIN. Kunin ninyo ang kalap paalis sa inyong sariling mga mata bago kayo manghusga kung ang isang tao ay karapat-dapat bang manalangin para sa iba. Ang paghuhukom ay nagsisimula sa tahanan ni YAHUVEH. Maglilinis bahay AKO sa makapangyarihang paraan sa taong 1997, bago KO husgahan ang mga pagano. Ang kasalanan ay kasalanan. Ang kawalan ng kabanalan ay hindi parin kabanalan. AKO ay hindi isang DIOS na nagbabago ayon sa inyong panahon. AKO ay pareho kahapon, ngayon, at magpakailanman. 

Dahil tumatanggi ang mga pastor na magkaroon ng katapangan na tumayo at magsabing mangagsisi [repent] at ang Salita ni YAHUVEH ay nagsasabing ito ay kasalanan. Natatakot silang mawala ang kanilang walang-buwis [tax exempt] na istado, at hinahayaang patahimikin sila ng gubyerno para sa kapakanan ng takot. Ngayon magkakaroon sila ng isang katatakotan, AKO, si YAHUSHUA. Dahil nanatili kayong tahimik, at hindi nagsalita at sabihing mangagsisi dahil kung hindi ay lalamonin kayo ng apoy ng impyerno. Ang isang bagay na kinatatakotan ninyong mga pastor at mga ministro ay sasapit sa inyo ng biglaan. Hindi na kayo magkakaroon ng walang-buwis [tax-exempt] na istado. Papayagan KO ang gobyerno na kunin ito para minsan pang muli kayo ay magsasalita ng walang takot, kung ano ang kasalanan. Ito ay magiging inyong palatandaan na itong propesiya ay sa AKIN pagka't makikita ninyo itong mangyari. Ang pagkakataas [promotion] ay nanggagaling wala saanman maliban sa norte na kung saan ay ang langit. 

AKO ang Siyang nagtataas [promotes] ng isa at nagpapababa [demotes] ng iba. Marami ang ibababa sa 1997 ang mga sinong kumikita sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga regalo ng RUACH ha KODESH. Ito ay hindi sa inyo para ibenta. Iyong mga pumapasok sa ministeryo na nag-iisip na ito ay isang paraan para maging mayaman ng madalian, at ang ilan sa matataas na mga ministeryo ngayon ay napakasakim [very greedy]. Sila ay alinma'y magsisisi o babagsak. Makikita ninyo itong magaganap. Ang mga ministro na nasa sekretong kasalanan, katulad ng umunang mga taon ay malalantad at mapapahiya upang makita ng lahat ng mundo. Sapagka’t ang espiritu na nasa espirituwal na lider ay ang espiritu na nasa loob ng kongregasyon. Kinakailangan KONG gumawa ng bukas na palabas at pagwikaan [rebuke] ang yaong mga nangangaral [preach] ng Salita ni YAHUVEH, gayunman ay walang takot sa AKIN, mga sinong nag-iisip na AKO ay nabubulag ng kanilang mga mabubuting gawa. Ito ay hindi sa pamamagitan ng mabubuting gawa na kayo’y makapapasok sa langit baka may sinoman na makapagyayabang. Sa sinomang marami ang ibinigay marami rin ang hihilingin. 

Mga Pastor, mga Ebanghelista, mga Propeta, mga Ministro, mga Anak KO… kayo ay mananagot sa ano man na nalalaman ninyo. May ilan na may mas maraming nalalaman kaysa sa iba, nguni’t magiging sila ay mas mananagot pagka't nakakaalam sila ng mas mabuti kaysa galitin AKO. Sa 1997, siyasatin/saliksikin ninyo ang inyong mga sarili at talikuran ang mga makasalanang uri ng pamumuhay at ang mga espiritu ng kayabangan at panghihimagsik. Dahil AKO ay isang DIOS na nakakaalam, nakakikita, at nakaririnig ng lahat. Iyong mga tumatawag sa kanilang mga sarili na AKING mga tupa at mga ministro ay mananagot sa anong alam nila na Kabanalan ngunit nagsasagawa ng hindi kabanalan. 

Iyong mga pastor na nagkukunwari lamang na nagmamahal at pinapangalagaan ang mga tupa,nguni’t ang totoo ay hindi na pinapangalaga, ay ibababa. Kung sila ay nasa ganoon dahil sa kasakiman (greed), kanilang malalaman ang kahirapan. Ang paghuhukom ay magsisimula sa tahanan ni YAHUVEH sa 1997 sa makapangyarihang paraan at kung kayo, yamang makatarungan ay bihirang naliligtas gaano pa kaya dapat mas matakot ang mga pagano. Subukin ang Espiritu na nagsasalita at makikita ninyo na ito ang boses ng RUACH ha KODESH na nagsasalita mula sa babaing propetang ito upang magwika [rebuke], magpala, at magbigay ng magandang halimbawa [edify] sa mga santo ni YAHUVEH. At patunugin ang sabog ng trumpeta ng parusa para sa mga kaaway ng ebanghelyo ni YAHUSHUA ha MASHIACH. 

Huwag ninyong galawin ang AKING mga pinahiran ng langis, o saktan man ang AKING mga propeta. Huwag ninyong batuhin ang mensaherong ito dahil sa pagbibigay ng AKING mensahe. Dahil kapinsalaan ang sasapit sa sinumang nagtataas ng salita laban sa AKING Mensahero. Subukan ninyo AKO at tingnan kung AKO ba ay hindi isang DIOS ng nakakatupok [consuming] na apoy. Ang apoy ng impyerno ay ang AKING galit na nasindihan. Huwag ninyong hayaan na ito ay sisindi laban sa inyo. 

Kopyahin ito at ibigay sa lahat na yaong mga mayroong mga tengang nakaririnig. Hayaan ang lahat ng iba na manatiling bingi. Dahil lamang na sa ayaw nilang maniwala, hindi nangagahulugan na hindi KO gagawin ang AKING sinabi, ito ay tiyak na magaganap. Ang Ezekiel 3:17-21 ay nagsasabing balaan ninyo sila at kung hindi sila didinig, ang dugo ay hindi mapapasainyong mga kamay. Kung hindi ninyo sila babalaan at ipapasa ang propesiyang ito, kung gayon sila ay mamamatay sa kanilang kasalanan nguni’t ang dugo ay mapapasainyong mga kamay. Ipinapadala KO ang AKING mga Propeta para magbabala bago dumating ang parusa [doom]. Ipinapadala KO ang AKING mga Propeta para sabihin na isang pagpapala ay darating, bago darating ang pagpapala.

Ibinigay sa araw na ito ng 12/13/96 kay Rev. Sherrie Elijah sa oras na hindi niya inakala habang nagsusulat sa iba na nagpapasalamat sa kanilang dasal. 

* * * * * * *