PROPESIYA 11
Bumangon kayo, Magsalita, Sabihin sa Diyablo na Tumahimik, sa AKING Pangalan!
Ibinigay kay Apostol Sherrie Elijah (Elisheva Sherrie Eliyahu)
* * * * * * *
Huwag niyong hadlangan ang mga regalo na AKING ibinigay sa inyo, marami ang tinawag, kakaunti ang mga pinili. Ang mga hukbo ni Gideon ay tinawag, ngunit kakaunti ang mga pinili. AKO, ang inyong Amang YAHUVEH, ang gumamas [weed out] sa kanila. AKING Liyag, ganito ang sinasabi ni YAHUVEH, alamin niyo ito, hindi KO kayo tinawag upang mabigo, nguni’t upang magtagumpay sa AKING Pangalan. Hindi AKO nakapagsisimula ng isang mabuting trabaho, pagkatapos hindi tataposin. Ang pagkatawag na ito ay hindi mula sa inyo nguni’t mula sa AKIN. Hindi ba sabi ng AKING salita, “Pinipili KO ang mga mahihina upang ang AKING Kapangyarihan ay maipahayag?
Malalaman ng lahat na hindi kayo ang naglilingkod [ministering] nguni’t AKO ang naglilingkod sa pamamagitan ng mga pinahirang luad [clay] na mga sisidlan. Hindi maaaring kunin at hindi kinukuha ni Sherrie [Elisheva Sherrie] ang mga kapurihan para sa anumang mga bagay na ginagawa niya para sa AKIN, dahil alam niya na ito ay hindi galing sa kanya nguni’t galing sa AKIN. Alam niya na ngayon AKO ay nagsasalita sa inyo sa pamamagitan niya. Ang mga doktor na nagsasagawa ng mga pagmamanipula ng isip ay magsasabi na ito ay sakit sa pag-iisip, nguni’t ang pagsuko ng iyong sarili sa isang nagbigay sa iyo ng bibig, mga damdamin, at isip ay hindi sakit sa pag-iisip.
Nguni’t ang pagtanggap o kahiman ang naniniwala na si YAHUVEH ay maaaring magsalita mula sa isang tao, iniisip ng mga doktor sakit ito sa pag-iisip. Wala na sanang Bibliya kung sila’y nagtagumpay sa pagkumbinsi nito sa AKING mga Disipulo. Oo, mayroong huwad [counterfeit] at ang mga taong ito ay maroong sakit sa pag-iisip nguni’t ang AKING mga Propeta ay hindi isa sa kanila. Si satanas ang nagdudulot ng sakit sa pag-iisip at ang mga mayroong sakit sa pag-iisip ay kailangan ng pagpapalaya. Hindi ba nila dapat inakusahan si Pedro na lumakad sa ibabaw ng tubig ng paniwala [suicidal]? Mga delusyon ng kadakilaan. Ang tatlong Hebreong mga anak, hindi ba nila dapat sinabi na ang Hebreong mga anak na hinagis sa loob ng nag-aapoy na pugon ay mayroong isang martir na sali-salimuot [martyr complex] at mga espiritu ng pagpapakamatay?
Nguni’t ang laman ay palaging nakikipaglaban sa RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu) na nasa loob niyo. Kailangan ninyong pagtagumpayan ang laman upang maglingkod [minister]. Magagawa niyong magtagumpay kung gagawin niyo ito sa AKING Pangalan. Nguni’t palaging mayroong labanan. Kasunod ng bawat propesiya ang propeta’y kinakailangang makipagdigma laban sa kanyang laman. Samantalang nagtataas ito at sabihing sino ka ba sa tingin mo upang magsalita sa mga tao ni YAHUVEH at sabihin na SIYA ang nagsabi nito? Kung hindi ito nangyayari sa AKING mga Propeta at hindi nila inaamin ang labanang ito, kung gayon hindi AKO nagsasalita mula sa kanila.
Ang siguradong tanda na ang AKING Espiritu ay nagsalita o nagsulat mula sa isang tao ay kung masagupa nila ang yaong boses na nagdudulot sa kanila na magtaka ikaw ba talaga iyan YAHUVEH? Ang isang nagsusulat sa inyo ngayon, ang inyong babaeng kapatid ay laging mayroong labanan na ganito sapagka’t nararamdaman niya na hindi siya karapat-dapat na magamit sa ganitong paraan. Kailangan KONG ipaalala sa kanya gaya na ipapaalala KO sa iba sa pamamagitan ng pagdulot nito na ibahagi sa iba, tingin niyo ba talaga na kaya niyong magsalita nang sobrang napakaganda at puno ng pinahirang kapangyarihan? Tingin niyo ba talaga na mayroon kang ganitong karaming karunungan? Palaging ang AKING tunay na mga Propeta ay kailangang magsabi, “Tama KA, ito’y hindi maaaring ako.” Tingin niyo ba talaga na mayroon kayong ganitong klaseng katapangan?
Saka sabihing, “Patawarin MO ako, Makalangit na Ama, ikaw nga dapat ito, sapagka’t hindi ko kaya, ni hindi ko nanaisin na gawin ang ganyang bagay gaya ng magsabi, ganoon ang sabi ni YAHUVEH kung hindi naman ito totoo.” Ito ang tatak ng isang tunay na propeta; pinagdududahan nila ang laman, nguni’t mayroong katapangan sa RUACH ha KODESH na gumagamit sa kanila. Alam nila na wala silang magagawa o walang nanaisin na gawin kung wala ang RUACH ha KODESH na nagpapahid sa kanila na gawin ito. Tumigil kayo sa pagkatakot sa mga regalong ibinigay KO sa inyo. Hindi KO kayo pipilitin na pakainin ang AKING mga tupa at kayo pa rin ay tutungo sa Langit, nguni’t ang inyong mga gantimpala ay hindi magiging kasinglaki at AKO ay magtataas ng iba upang punan ang lugar kung saan na dapat ikaw ay naroroon. Mayroong mga kaluluwa na naghihintay sa iyo upang maglingkod sa kanila.
Ang takot ay ang kabaligtaran ng pananampalataya. Muli sinasabi KO ang apirmasyon, nguni’t huwag mo AKONG patuloy na sinusubok, para sa yaong alin na nakumpirma na. Ang oras ay maikli. Ang AKING pagdating ay ilang sandali na lamang. Gawin niyo ang anong gagawin niyo para sa AKIN ngayon na, hindi nang mamaya. Ngayon na ang panahon na kailangan KO ang AKING mga Ministro, ang AKING mga Mandirigma. Ngayon na ang panahon na kailangan KO ang mga yaong pinili na upang magtipon sa ani ng mga kaluluwa. Ngayon na ang panahon na ikaw ay AKING kailangan upang maging mangingisda ng mga lalaki at mga babae. Ngayon na ang panahon na kailangan KO ang AKING mga Propeta na upang magsalita.
Ngayon na ang panahon na kailangan KO ang mga ebanghelista, mga Espiritu gaya ng kay Juan Bautista [John the Baptist] na magsilabasan. Ngayon na ang oras ng Kaligtasan, bukas ay maaaring huli na. Napakarami sa yaong tinawag ang nagpapaliban hanggang bukas pa hanggang ang kondisyon ay tama lamang para sa kanila. Ngunit ang bukas at ang tamang kondisyon kailanman ay hindi sumasapit para sa kanila. Gumising kayo, ito ay pandaraya ng kaaway.
Isa pang pandaraya ay, “Ako ay hindi karapat-dapat na mangaral ng Ebanghelyo ni YAHUSHUA, mayroon akong masyadong maraming problema. Mayroon akong nakaraan na nakapagdadala sa akin ng kahihiyan, hindi mo ako maaaring gamitin.” GUMISING KAYO, AKO ang Siyang pumipili sa sinuman na magsisilbi sa AKIN. Hindi kayo. Hindi ba’t pinili KO si Pablo [Paul] (Saul) upang paglingkuran AKO sa makapangyarihang paraan at siya noon ay isang mamamatay-tao ng libu-libong mga Kristyano? Gaano kalala ang isang nakaraan na maaaring nagkaroon siya? Nguni’t kinuha KO yaong nakaraan at ginamit ito para sa AKING Kapurihan, Karangalan, at Kaluwalhatian. Ang anong sinadya ni satanas para sa kasamaan ay AKING ililiko para sa iyong kabutihan. Ganoon ang AKING ginagawa; hindi KO tinatawag ang mga tao sa ministro na hindi mga nagdusa. Hindi sila makakikilala sa AKING mga nagdurusang mga anak. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang isang sugat, hangga’t ang sarili mo mismo ay masugatan.
Sino ang mas mabuti na mag-aalaga sa mga nasugatang mga tupa kaysa sa isa na nakabatid ng yaong sakit? Hindi mo malalaman kung paano dalhin ang isang tao palabas ng kasalanan at patungo sa paanan ng krus ng Kalbaryo, kung ang sarili mo mismo ay hindi nagkaroon ng isang bagay na upang kikilala sa kanila. Isang makasalanan na iniligtas ng grasya. Paano ka maglilingkod sa mga taong nanumbalik sa dating sama [backslider] kung ang sarili mo mismo ay hindi sa isang beses o sa isa pang pag-aakala nawala mo ang iyong pananampalataya sa AKIN. Ang inyong pinakamalaking kahinaan, AKING idudulot na maging inyong pinakamalaking mga kalakasan, sapagka’t gagamitin KO ang yaong kahinaan at tutulungan kayo na upang pagtagumpayan ito, at patunayan ang realidad ni YAHUSHUA. Sa oras na ikumpirma KO na ikaw ay pinili huwag kang tumayo riyan at tanungin AKO, “Bakit ako?” Alamin niyo lamang na AKO ang dakilang “AKO [I AM]” at hindi AKO nagkakamali. Ito pa rin ay inyong pamimili bagaman kung nais niyo na sumunod. Nguni’t kayo ay magiging miserable at palaging mababatid na sinuway niyo ang AKING tawag sa inyong buhay sakaling tanggihan niyo ito.
Iyan ang dahilan AKING sinabi, “Marami ang mga tinawag at kakaunti ang mga pinili.” Alin ang iyong pipiliin na maging? Alam KO na kung ano ang iyong pinili. Hindi ba’t sabi ng AKING Salita ang mga yaong naglalagay ng kanilang mga kamay sa araro at lumilingon sa likuran, ay hindi karapat-dapat? Iligay niyo ang inyong mga kamay sa araro; iwanan niyo ang inyong mga nakaraan sa paanan ng krus ng Kalbaryo. AKING pinayagan ang yaong mga bagay na nangyari upang gawin kang mas malakas para sa AKIN, hindi nang mas mahina. Sapagka’t ikaw ay mayroong testimonyo na gawa sa ginto hindi sa tanso. Gamitin mo ito upang magdala ng mga kaluluwa sa AKIN, gamitin mo ito upang magdala sa AKIN ng Kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatian.
AKO, ang inyong Maestro na si YAHUSHUA ha MASHIACH ay babalik sa lalong madali kaysa sa inyong iniisip. Samantalang ang kasamaan ay nagiging lalong walang pigil sa mundong ito, at ang mga masasama ay ipinaparangya ang kasalanan sa AKING mukha sinasabing, “Anong gagawin MO ukol dito YAHUSHUA?” Ipapakita KO sa kanila kung ano ang AKING gagawin ukol dito. Gaya na AKING ipinapakita sa AKING mga Anak tuwing pinapalo KO sila, AKING paparusahan ang mga nagpaparangya ng AKING mga Kautusan, homoseksualidad, imoralidad, at Biblya sa AKING mukha at mang-ahas na kutyain [mock] AKO. Ito ay pumaparating, ang AKING poot ay pumaparating sa mundong ito nang hindi nanghihina [undiluted].
Habang tinuturuan nila ang mga bata na magkasala at nang ang AKING mga Salita ay hindi na para sa panahong ito, magbabayad sila sa malaking paraan. AKO lamang ang yaong Tupang sakripisiyo minsan; babalik AKO bilang isang makapangyarihang mandirigma sa susunod. Nguni’t muna AKING titipunin ang AKING mga Anak pauwi. Ang AKING poot ay nakalaan para sa AKING mga kaaway hindi sa AKING mga Anak. Ang AKING mga Anak mga yaong nagmamahal at naglilingkod sa AKIN na ang mga kasalanan ay nahugasan sa dumaloy na Dugo sa Kalbaryo ay walang bagay na ikatatakot.
Nguni’t ang AKING mga kaaway ay hindi kailanman makikilala ang ganoong takot. Dahil ang anong ikinatatakot nila ay sasapit sa kanila at ang anong hindi nila kailanman ikinatakot ay lalamon sa kanila. Habang ang AKING Pangalan ay ginagamit bilang isang sumpa sa mga airwaves at ang lahat na mga banal ay pinagtawanan [mocked] sa kabila ng mga airwaves, papatunayan KO na AKO ang Makapangyarihang Diyos, ang dakilang YAHUVEH “AKO” [“I AM”] at hindi AKO ang yaong pinagtatawanan at sinusumpa. Ito ay kayo na mga nakikinig dito at hindi madamang malungkot sa pagdinig ng mga ito at pinatigas niyo ang inyong mga puso at ipinahintulot ito at hindi nagsalita laban dito. AKING mga Anak bawiin niyo ang mga airwaves, sa AKING Pangalan. Hindi niyo naririnig na sinusumpa si Buddha o satanas o Mohammed.
Nguni’t naririnig niyo ang pangalan ni Hesu Kristo (YAHUSHUA ha MASHIACH) na sinusumpa. Naririnig niyo ang Diyos na inyong pinaglilingkuran na sinusumpa. Hindi ang Diyos na Makapangyarihan ang nasusumpa; ito ay ang mga nagsasalita nitong mga sumpa sa kanilang mga sarili. Ang Dugo ni YAHUSHUA lamang ang makahuhugas sa kanila nang malinis mula sa kasalanang ito.
Sinasabi KO sa inyo tumingin kayo sa mga bulkan at mga lindol, ang mga kilabot sa langit at malalaman ninyo kung gaano nalalapit ang AKING pagdating. Habang AKING kinukontrol ang isang bagay na hindi kaya ng tao at hindi kailanman makokontrol ang mga elemento sa langit at ang panahon. Hindi kayang pigilan ng tao ang mga bulkan, mga lindol, niyebe o lamig o init, mga buhawi, mga bagyo, pagbaha mula sa malakas na buhos ng ulan habang ang masama ay nagiging mas masama, ang mabuti ay nagiging mas banal. AKING inihihiwalay ang AKING mga Tao ngayon at ang AKING pagdating ay natatanyag [eminent]. Gawin niyo ang anong gagawin niyo para sa AKIN agad.
Ang mga matatanda ay dapat tinatrato nang may pagmamahal at nang may kasamang respeto sapagka’t sila ay mga nakatatanda na mga kamalig [storehouses] ng maraming kaalaman. Sila ay AKING mga kayamanan sa mundong ito, nguni’t ilan ang mga kinalimutan, ikinulong, tinatratong parang hindi kanais-nais na basura. Ang kanilang sariling mga anak ay legal na pinapatay ang mga may sakit at may kapansanan. Sila ay mga kabigatan sa pinansyal “Hayaan ang mga mahihirap na mamatay, patayin ang kapakanan [welfare], anong kapakinabangan sa kanila?” Hindi ba’t AKING sinabi, ”Ang mga mahihirap ay laging makakasama ninyo”? Nguni’t dapat niyong ibahagi ang anong mayroon kayo sa kanila.
Pakainin ang mga mahihirap; damitan ang nakahubad, ang inyong mga kapatid na lalaki at babae. Ang mga yaong tinawag sa AKING Pangalan, hinugasan sa AKING Dugo at kayo ay nagkukunwari na hindi niyo sila nakikita. NAKIKITA KO SILA! NARIRINIG KO ANG KANILANG MGA IYAK! Ipinahintulot KO ito upang tingnan ilan ang mga nagmamalasakit. Nguni’t dahil sa grasya ng Diyos na si YAHUVEH, doon ka tumutungo. Ikaw ang tagapag-ingat ng iyong kapatid. Kapag ang isang parte ng katawan ni YAHUSHUA ay nagdurusa, itong lahat ay nagdurusa. Tigilan niyong binabalewala ang sakit.
Habang ang pagpatay sa mga inosenteng sanggol samantalang nasa loob ng sinapupunan ng kanilang ina ay pinagpipilas nang sobrang kalupitan at iniisip ninyo dahil ang makasalanang mundong ito ay ginawa itong legal, ito ay legal sa AKIN. Kahit ang inyong mga mamamatay-tao sa hilera ng kamatayan [death row], sinusubukan niyo at nag-iisip ng maawain at dagliang kamatayan para sa kanila. Ang mga batas ay nagbibigay ng sampung mga taon pa sa karamihang mga kaso sa gastos ng mga nagbabayad ng buwis, ang inyong perang buwis, para pahabain pa ang kanilang mga buhay. Upang mag-imbento pa ng mga mahabaging paraan para patayin ang mga yaong kumitil ng mga buhay nang walang anumang awa. Nguni’t mga sanggol na napakatangi sa AKIN, mga sanggol na AKING binilang ang mga araw hanggang sa kanilang pagsilang, nilagay ang AKING Espiritu sa kanila, nagdulot sa kanila na lumaki na malakas at malusog sa sinapupunan ng mga ina, upang sila’y huminga sa oras ng pagsilang, at ang mga inosenteng mga sanggol na ito hindi kailanman nakaalam ng mali ay pinahirapan nang labis [tortured] habang ang kanilang hindi marinig na mga sigaw ay umaalingawngaw sa AKING mga tenga.
Ang mga nagsagawa nitong mga pagpapalaglag at hindi nagtapat [confessed] at humingi ng kapatawaran at tumalikod sa kasalanang ito, sa kawalang-hanggan maririnig ninyo ang mga sigaw ng lahat ng mga yaong sanggol. Bilang isa sa inyong mga parusa na mayroon kayo naghihintay para sa inyo sa impyerno at walang kailanmang isang pahinga mula sa mga iyak ng mga pinatay na sanggol, o sa mga sigaw. Batid niyo ba kung paano tumamo ang isang umiiyak na sanggol sa inyong mga nerbiyo [nerves]? Ipalagay ang mga milyon sa inyong mga tenga nang magpawalang-hanggan.
MAGSISI KAYO NGAYON, mga nars, mga doktor, mga babaeng gumagawa nitong mga bagay para sa inyong sariling kapakanan. MAGSISI KAYO NGAYON, mga politiko na nagpasa nitong mga batas. Korte Suprema, kayo ay hindi suprema sa AKING mga mata. Kayo ay hindi nasa ibabaw ng AKING mga batas. Ang Makapangyarihang Diyos na si YAHUVEH lamang ang Suprema. Ang Makapangyarihang Diyos na si YAHUVEH lamang ang hukom at hurado at berdugo [executioner]. Dumating si YAHUSHUA ha MASHIACH upang ikaw ay magkaroon ng buhay at buhay na lalong masagana. MAGSISI KAYO! Tumalikod sa kasalanang ito sapagka’t kayo ay AKING papanagutin. Ang dugo ng mga hindi pa isinilang ay nasa inyong mga kamay.
Bakit, dahil binigyan KO ang sangkatauhan ng pagpipili? Isang pagpipili na sumunod sa yaong alin ay likas na ugali [instinct] na ibinigay sa bawat babae at lalaki, na protektahan ang mga musmos, palakihin ang mga musmos. At nguni’t ay sila’y masukal na pinatay. Kapighatian [woe] sa mga sinumang tumatawag dito na legal. Kapighatian ay mapasakanilang mga doktor at mga nars na nakikibahagi nitong pagpatay. Kapighatian ay mapasakanilang mga politiko na nagpasa sa mga batas nitong mga inosenteng mga sanggol na ipinagpapatay.
Kapighatian ay mapasainyong mga nanatiling tahimik nang sobrang kaytagal. Sapagka’t naririnig KO ang kanilang mga sigaw. Bumalik ang mga kaluluwa ng mga sanggol kung saan sila nagmula mula sa Langit. Nguni’t ang kanilang mga kaluluwa ay pinilas pawala sa mundong ito nang walang awa. Kalupitang lampas sa salita. Ipinahintulot KO ang mga kaluluwa na yumao upang patunayan lamang ang kawalang-damdamin ng tao sa tao. Nalalaman kung anong pagpipili ang ginawa na ng yaong ina. Pinapagdalamhati at ibinibigay sa kanya ang bawat pagkakataon upang magsisi. Nalalaman na hindi niya gagawin, galit dahil hindi niya magagawang magsisi.
Sabihin mo sa kanila, sabihin mo sa kanila AKING Babaeng Anak. Minsan pang muli bagama’t kahit sa mga yaong tumatawag sa kanila na ayon sa AKING Pangalan nguni’t walang anumang ginagawa maliban na iiling ang kanilang mga ulo at sa iba na labis KONG ipinagmamalaki na tawaging AKING mga Anak na nag-alay ng kanilang mga buhay, mga reputasyon, at mga pinansyal para protektahan ang mga inosenteng mga sanggol sa mga sinapupunan ng mga ina. Ito ang mga yaong AKING gagantimpalaan. Bakit hindi sinusuportahan ng mga simbahan ang mga yaong nahahandang isakripisyo ang kanilang lahat para magprotesta laban sa pagpapapatay nitong mga inosenteng mga sanggol?
Nawala nila ang kanilang mga trabaho, nabilanggo, pinagtawanan [mocked], at bakit? Dahil narinig nila ang AKING boses, at ang AKING kombiksyon na nagsabi, “Magsalita kayo, huwag kayong manatiling tahimik.” narinig KO ang kanilang mga panalangin, nakita KO ang kanilang mga luha, at naramdaman KO ang kanilang mga sakit, ginawa niyo ba ito? Bawat serbisiyo ng simbahan [church sevice] ay dapat nananalangin para sa kanila. Bawat serbisiyo ng simbahan ay dapat nananalangin para sa AKING kombiksyon, AKING paghuhukom sa mga yaong gumagawa ng mga ganoong bagay, na nagpapahintulot nitong pagpapatay, nguni’t iilan ang mga gumagawa. AKO ay NAGDADALAMHATI NA GALIT. Sapagka’t sinasabi niyo na kayo ay AKIN at pinagsasawalang-bahala niyo ang mga iyak ng mga hindi pa isinisilang, at ang mga iyak ng mga yaong isinasakripisyo ang kanilang lahat para protektahan at tigilan ang pagpapatay sa mga hindi pa isinisilang. Bumangon kayo, magsalita, sa AKING Pangalan, Manalangin, Manalangin, Manalangin hanggang makita niyo na tumigil ang malaking kilabot na ito.
Gusto niyong malaman kung bakit KO pinahintulot ito na magpatuloy, dahil AKO ay naghihintay sa AKING mga Anak na tumawag sa AKING Pangalan upang tigilan ito. Upang patunayan na sila ay may pakialam. Hindi lamang isang dakot, nguni’t milyon-milyon ang dapat na nagsalita habang ang mga batas na ito laban sa AKING mga batas ay ipinasa. Walang dapat na mangyaring serbisyo ng simbahan nang hindi nagaganap ang panalanging ito. Mga pastor kayo ay mananagot. Kayo ay binalaan. Mga kongregasyon balaan niyo ang inyong mga pastor. Sila ay dapat na kumakatawan sa AKIN. Himukin niyo sila sa bawat serbesyo na manalangin para sa kasindakang [horror] ito na tumigil, para sa AKING paghuhukom na sasapit sa mga yaon na tumatangging magsisi. Tumigil kayo sa pagbibigay sa AKIN ng maligamgam na mga panalangin. Hindi AKO makikinig. Bigyan niyo AKO ng mga panalangin na may kasamang silakbo ng damdamin [passion] at may kasamang puso na may pakialam. Tigilan niyo ang mga ritwal na mga panalangin na pawang nagsasaulo lamang ng mga salita, hindi AKO makikinig. Ito ay mula sa inyong isip at bibig, hindi ng inyong puso.
Napakalaking mga sinkhole (butas) ay bubukas at ang lupa ay lalamon sa mga abortion clinic na ito. Hindi anumang bagay na nagawa ng tao nguni’t ang AKING kamay ang susuntok sa mundo. Kung saan nabubo ang pinakamaraming dugo, inosenteng dugo. Sapagka’t hindi kahit sa gera na ang inosenteng dugo ay naibuhos nang ganito. Nguni’t sa mga altar ni satanas ang mga batang ito ay pinapatay para sa kapakanan ng kaluwagan, dahil sa pagkawalang-halaga, dahil sa pagkamakasarili, dahil sa takot at dahil sa kasakiman. AKO ang magbibigay sa kanila ng bagay na katatakutan. Katatakutan nila ang Makapangyarihang Diyos na si YAHUVEH na lumikha sa mga kaluluwang iyon na mabisyo nilang pinatay. Katatakutan nila si YAHUVEH na kanilang kinukutya at magsabing ito ay legal. Katatakutan nila ang mga yaong naglagay sa mga Kristiyano sa kanilang mga mukha para balaan sila pagpatay ito ng tao, ito ay kasalanan. Dahil hindi ito magiging anumang bagay na ginagawa ng mga Kristiyano para magdulot sa kanila na matakot, maliban na manalangin at ipakilos ang kamay ni YAHUVEH sa pamamagitan ng yaong mga panalangin.
Nguni’t ang mga babae, mga doktor, mga nars, mga politiko, mga yaong pumupuri sa pagpapapatay ng AKING mga inosenteng mga kaluluwa ay makikita ang AKING mukha at AKING Espiritu sa AKING mga Anak na ipinadala bilang mga hukbo para manalangin. Tandaan ang mga pader ng Jericho. Tandaan kung paano na hindi ang kamay ng tao ang gumuho sa mga pader ng Jericho. Gayon din ito’y gagawing muli at hindi nila magagawang magpatayo ng mga abortion clinic nang sapat na mabilis. Sabihin mo sa kanila AKING Anak at turuan sila.
May oras pa para magsisi, nguni’t sa madaling panahon mangyayaring wala na. Tandaan ang Sodoma at Gomorra hindi ang kamay ng tao ang yaong nagpadala ng apoy at asupre, umulan ito mula sa Langit kung saan ito naka-imbak at ito ay sasapit na muli. Mga masasama, mga yaong nagsasagawa nito at lubha pang masama, kayo ay nabalaan. Maaaring legalisahin ng inyong mga batas ang kasalang homoseksuwal nguni’t iniutos KO ito ay kasalanan. Ito ay pangungutya sa kasalan at sa anong AKING nilikha na maging Banal. Ito ay hindi legalisa sa AKING mga mata. Mga pastor, ilan sa inyo ang nakisama sa kapistahang pag-ibig na ito ng kakaibang laman. Sa pamamagitan ng walang anumang sinabi, ikaw ay nakibahagi dito. Bumangon kayo, magsalita, sabihin sa mga pagano na tumahimik sa AKING Pangalan. Huwag kayong makinig sa kanilang mga kasinungalingan kailanman. Lumabas sila para habulin ang mga bata. Kayo ay binalaan, ang inyong sariling mga anak.
Dapat kayong MAGSISI NA NGAYON o kayo rin ay pagdudusahan ang anong darating at dali-daling pumaparating. Kayo ay nabalaan. Sobra kayong nag-aalala sa inyong walang buwis na istado [tax exempt status] nguni’t hindi kayo nag-aalala sa anong gagawin sa inyo ng Diyos na inaangkin ninyong pinaglilingkuran, dahil sa hindi kayo nanalangin laban dito at dahil sa hindi niyo pinagalaw ang AKING kamay para wakasan ito. Muli walang dapat na nagtatapos na serbisyo ng simbahan kailanman nang walang panalanging nagaganap para wakasan ang espiritung ito na naipadala para dumihan ang lahat na yaong Banal. Ang mga panalangin ng makatarungang tao ay sobrang mapakinabang. Ang mga maligamgam na mga panalangin ay hindi KO pinakikinggan at AKING kinasusuklaman. Maski alin maging mainit o malamig nguni’t huwag kayong lumapit sa AKIN na maligamgam, dahil isusuka KO kayo palabas ng AKING bibig.
Huwag niyong sabihin na kayo ay AKIN at hindi tumayo para sa lahat na Banal o manatiling tahimik habang nakikita mo ang mga iba na tumatayo para sa Kabanalan at inaapi para sa AKING kapakanan, at hindi sila tulongan anuman ang iyong makakaya dahil sa takot na mawala niyo ang inyong walang buwis na istado [tax exempt status]. Mawawala niyo ang higit pa sa inyong walang buwis na istado. Mawawala niyo ang higit pa sa inyong mga buhay. Mawawala niyo ang inyong mga KALULUWA. Kayo ay nabalaan. Ang oras ay ngayon na. Bumangon kayo, magsalita, sabihin sa mga pagano na tumahimik sa Pangalan ni YAHUSHUA. Ang mag-isa kasama si YAHUSHUA sa kanilang panig ay kalamangan. Ang milyon na wala si YAHUSHUA sa kanilang panig ay kakulangan. Ang oras ay ngayon na.
Isang
basag na sisidlan ng luad, nguni’t makapangyarihang mandirigma
ni YAHUSHUA MESYAS!
Pastor Sherrie Elijah (Elisheva Sherrie
Eliyahu)
* * * * * * *
Mula ngayon inutusan akong isulat ang oras. Hindi ko alam ang dahilan. Saka habang isinusulat itong propesiya, nawala ko ang koneksyon sa Internet, sinubukan kong i-connect muli subali’t nalaman na ang lahat ng mga linya ng telepono ay inaatake sa ibang paraan, nangyari ito dalawang [2] oras. Ngayon at hindi ito naipadala. 3:37 pm na at hindi ko man maabot ang opereytor.
Sa maraming oras ito ay nagsabing, “Bisi ang linyang ito!” Hindi ‘yan kailanman nangyari noon. Aking nilulukuban ang kompyuter na ito, at e-mail kasama ng makapropesiyang mensahe sa pamamagitan ng dumaloy na Dugo ni YAHUSHUA ha MASHIACH ng Kalbaryo. Nang may pananampalataya, naniniwala ako na ang lahat na mga nais ng RUACH ha KODESH na makuha ang mensaheng ito ay makukuha ito. Hindi maka-connect buong gabi at ipadala ito ngayong gabi. Hindi rin maabot ang opereytor, o dumayal sa malayong distansiya. Mayroong bagay na nangyari sa mga kalangitan habang sinusulat ko ito. Mga lokal na mga tawag lamang ang pumapasok.
Ito ang unang beses na kailanma’y sinabihan ako na simulan ang pagsama ng oras, makikita mo ang ilang bagay na mangyayari katumbas sa petsya o aras na ito. Hindi ko alam kung ano. Hinihiling ko saan man ang propesiyang ito ay naipost, o naipadala, ipadala ang kompletong pahina.
Dahil may dahilan at muli alam ko ito ay si YAHUVEH na nag-uutos sa akin na sabihin, huwag ibahin o mag-alis ng isang salita, hayaan ito sa kompletong estado na ipinadala ko. Tiyak na ang diyablo ay galit. Sa huli ito ay ipinapadala sa likod ng airwaves at ang sabi ng Bibliya si satanas ay prinsipe at may kapayangyarihan sa dako ng mga airwaves kasama ng kanyang mga pamunuan. Nguni’t nilulukuban ko ang mga airwaves kung saan ito naglalakbay at ang mga kompyuter sa dumaloy na Dugo ni YAHUSHUA, at ang aming mga serbisyo sa telepono at mga serbisyo sa Internet. Ang Dugo ni YAHUSHUA ng Kalbaryo, at Nasareno ay laban sa iyo satanas.
At mga demonyo, hindi niyo matatawid ang Dugo. Sa pangalan ni YAHUSHUA. Ang mga linya ng telepono ay gumagana na ngayon sa 11:15 PM. Ngayon maari na itong ipadala. Ang mga yaong may mga tenga ng RUACH ha KODESH ay makaririnig sa boses ng Ating Makapangyarihang Diyos na si YAHUVEH, ang lahat ng iba ay mananatiling bingi. Sa pangalan ni YAHUSHUA ha MASHIACH, RUACH ha KODESH ihatid MO ang IYONG mga mensahe sa lahat na mga yaong makakikilala sa boses ng aming Maestro at Manlilikha.
Para lamang sa IYONG Kapurihan, Karangalan, at Kaluwalhatian YAHUSHUA aking hinihiling. Amen.
* * * * * * *
|