Propesiya 128
Shavu’ot na Propesiya 2016
Ang Langit ay Nagsasaya sa Bagong Liderato ng Amightywind
Isinulat/Sinalita sa ilalim ng Pagpapahid ng BANAL na ESPIRITU (RUACH ha KODESH)
Sa pamamagitan ni Apostol at Propeta Elisheva Eliyahu
Shavuot/Pentekost 2016- 12 Hunyo 2016
* * * * * * *
Nilalaman ng propesiyang ito ang HEBREONG mga PANGALAN ng DIOS:
YAH/YAHU ay ang BANAL, SAGRADO na PANGALAN ng DIOS
katulad sa “Alleluia” o “Hallelu YAH,”
na ang literal na kahulugan ay “Purihin si YAH”
YAHUVEH/YAHWEH ANG AMANG DIOS
YAHUSHUA/YAHSHUA ANG KAISA-ISANG BUGTONG NA ANAK NG DIOS-
HA MASHIACH ay nangangahulugang “ANG MESYAS”
ELOHIM ay nangangahulugang “DIOS”
Ang Rebelasyon ng “SH’KHINYAH GLORY”
—bilang PERSONAL na PANGALAN ng RUACH HA KODESH,
sa Ingles ay tinatawag na “The HOLY SPIRIT”- ay naririto rin sa site na ito.
(HA SH’KHINAH {SHEKINYAH} ay HEBREO
para sa NAMAMALAGING DIBINONG PRESENSIYA ng DIOS.)
Bukod pa rito, ABBA YAH ay nangangahulugang “AMANG YAH”
at IMMA YAH ay nangangahulugang “INANG YAH.”
Ang mga banggit ng Kasulatan ay KJV o NKJV maliban kung naipahiwatig.
* * * * * * *
Mga Salita ni YAHUVEH kay Elisheva na maidadagdag bago ang mga Propesiya:
Binalaan kita matagal nang panahon Elisabeth [Elisheva],
na huwag ipangalan ang Ministeryong ito sa sino mang lalaki o babae.
Bago pa man nagkaroon ng Ministeryo. Inilagay ko ito sa iyong espiritu.
Pagka’t wala ni isa sa mga ito ang nagawa ng iyong mga kamay.
Wala ni isa sa mga ito ang nagmula sa iyong bibig.
Mula ito sa bibig ni YAHUVEH na nagbigay buhay.
Mula ito sa bibig ni YAHUSHUA,
Ang iyong MASHIACH (Tagapagligtas), na nagbigay buhay.
Mula ito sa bibig ng RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu),
Ang iyong IMMAYAH, na nagbigay buhay.
Kung ito lamang ay gawa ng iyong kamay, ito’y nabigo na noon pa man.
Ito ay sa pamamagitan ng hangin ng Kaluwalhatiang SHKHINYAH
Na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na hangin ng Pagpapanibagong-buhay.
Hindi ng iyong hininga o ito’y nabigo lamang.
“AKO ang PANGINOONG YAHUVEH: iyan ang AKING PANGALAN:
At ang AKING KALUWALHATIAN ay hindi KO ibibigay sa iba,
Maging ang AKING KAPURIHAN sa inukit na mga imahe.” Isaia 42:8
(Prophecy 105)
Sa Hulyo 2010, sinabi rin ng Diyos na si YAHUVEH na isama ang sumusunod bilang isang babala sa mga nanlilibak:
Ngunit hinamak nila ang mga Mensahero ng DIOS, kinamuhian ang kanyang mga salita, kinutya ang kanyang mga Propeta, hanggang umabot sa sukdulan ang galit ni YAHUVEH Elohim sa kanyang bayan at sila’y hindi na makaiiwas pa sa kanyang pagpaparusa.
—2 Cronica 36:16
* * * * * * *
Ang propesiya ay nagsisimula:
Shavu’ot/Pentekost 2016 — 12 Hunyo 2016
Ang labanan ay nag-iinit! Ito ay hindi lamang isang ordinaryong ministeryo! Hindi ba ninyo inaakala na alam ito ni satanas?— nawala niya ang ilan sa kanyang mga nagungunang heneral!—nawala niya ang ilan sa kanyang mga nangungunang mga punong kumander!
Ito ay hindi lamang isang pag-aanunsiyo sa isang lalaking lider— kinailangan niyang [si satanas] lumaban sa dalawang magkaibang harapan [fronts]: kinailangan niyang labanan si Elisheva sa mga paraang hindi niya {Elisheva} nalalaman; kinailangan niyang labanan ang mga kumilos na gawing posible ang milagrong ito— ang mga YDS na nagbigay ng sobrang pagmamahal at trabaho at Pagpapahid. At iyan ang dahilan AKING binasbasan ang lahat ng anumang kanilang hinawakan.
Nguni’t siya ay isang ‘pri—‘1(“prinsipe ng mundong ito,” Jn 12:31; 14:30; 16:11) — si satanas ay isang prinsepe at isang kapangyarihan at ang prinsipalidad ng himpapawid (Efeso 2:2) kaya’t kinailangan ng YDS na labanan siya roon. At pagkatapos’y nandiyan ang ‘Buto ng Aking Buto’: pagkatapos’y nariyan ka Ezra at ikaw Elisheva na AKING naipropesiya sa napakatagal nang nakalipas— bagaman hindi ninyo ito alam.
At ngayong araw ay araw ng Tagumpay! Sa Shavu’ot (Pentekost) na ito ay araw ng Tagumpay! Sapagka’t ang Golayat2 ay babagsak! At AKO’y tumutukoy sa higit pa sa isang Golayat!
Ngayong araw ang Tagumpay! At ito ay kikilalanin bilang gayon. At ito ay hindi lamang isang selebrasyon ng isang araw. Sapagka’t habang ang AmightyWind Ministry ay nasa Internet, mangyayaring para sa pag-aala-ala ng araw na ito—sa isang linggo—kayo ay magdidiwang!
Kayo ay magbibigay sa AKIN ng Karangalan at Kaluwalhatian! At ang lahat ng mga tumuturing sa Ministeryong ito na isang biyaya at ang lahat ng mga nagpapala sa pagkakaisa na AKING pinagsama sa araw na ito— sa harap ng publiko, sa harap ng mundo— sila ay AKING pagpapalain nang masagana!
Ang Pagpapahid sa inyong dalawa ay aapaw patungo sa bawat Ministro, sa bawat sumusuporta, sa bawat isa na nagsasabing, “Ang Ministeryong ito ay isang biyaya at ito ay aking ipagtatanggol, kahiman ipagtatanggol sa panalangin”— ang AKING Tinga ay nakainklinado upang makinig!
Ito ay AKING sinasabi sa inyo.
Ang langit ay nagsasaya! Ang mga anghel ay nagsasaya! Dahil nang ginawa ninyo ito— sa araw na ito— inyong minagmadali ang oras {na} si YAHUSHUA HA MASHIACH ay darating para sa KANYANG Ikakasal [Bride]. At ang dragon ay nagngingitngit ng kanyang ngipin sa pagkapoot dahil hindi niya nakayanang pigilan ang kung anong naganap ngayong araw na ito!
Ito ay hindi lamang isang lidirato, ito ay isang pagmamahal na nagmumula lamang sa Langit sa itaas: nilaan, hinirang, pinili,3 ang “kapunuan ng Pagpapahid” na naipropesiya4 na hindi pa kailanmang nangyari— hanggang AKING inilapit si Ezra sa iyong tabi. Kaya’t magalak para sa Tagumpay!
Hindi ba’t binalaan KO kayo5 Ezra at Elisheva na may digmaan sa Makalangit na lupain?— isang digmaan— habang ang mga lehiyon ng lehiyon ng mga makaanghel na mandirigma mula sa Langit ay kinailangang bumaba at lumaban.6
Ngunit ito ay AKING sinasabi sa inyo. AKO, si YAHUSHUA, ay napanalunan ang yaong labanan sa Krus! Ito {noon pa} ay AKING labanan. Sapagka’t ang Ministeryong ito ay hindi pag-aari ng isang lalaki o isang babae. Ang Ministeryong ito ay pag-aari ni YAHUVEH, AKO si YAHUSHUA & IMMAYAH! Ito ay AMING Tagumpay. At ngayon ito ay AMING ibinabahagi sa inyo. At milyon-milyon ang maaabot!
Makikita ninyo at mahihiwatig ng mga tao ang bagong Pagpapahid sa mga Propesiya! Kung saan ang “Ringmaiden” ay tumayo nang mag-isa na walang isang lalaking lider sa kanyang tabi— hindi na kailanman magpopropesiya sa loob ng pagkakaalipin, hindi na kailanman magpopropesiya samantalang inaabuso.
Ngayon!— siya’y magpopropesiya—sa kalayaan! Kasama ang isang lider na siyang tangi lamang nagmamahal at nagpoprotekta, ang siyang magpapalakas lamang ng kanyang loob na magpatuloy magpumilit na sumulong! Sapagka’t silang dalawa ay pumupumilit sumulong! Para sa higit pang Pagpapahid at hindi kulang.
Kaya’t sa mga lumapit sa Ministeryo sa araw na ito ng Shavu’ot, AKIN itong sinasabi sa inyo.
Huwag magdalamhati para sa isa na minsang tinawag na ‘Nikomia’! Magalit sa isa na minsang tinawag na ‘Nikomia’! Nagdalamhati ba kayo {dahil} kay Hudas? Kung gayon huwag kayong magdalamhati {dahil} sa ‘Hudas’ na ito.
Sa halip magsaya kayo! Sapagka’t AKO’y nagbigay sa inyo ng mas higit pa! Hindi lamang isang Apostol, dalawang Apostol! Hindi lamang isang Propeta, dalawang Propeta! Hindi lamang iisa! Hindi lamang isang Pastor, ngunit dalawang Nakatataas [Senior] na Pastor! Hindi lamang isang Guro, ngunit dalawang Guro! Hindi lamang isang Ebanghelista, ngunit dalawang Ebanghelista!
AKO si YAHUVEH ay nagsasabi kung saan nagkaroon ng isang lider, lagi {ay} naging iisang lider—ito’y naging isang ilusyon {na} kailanman’y nagkaroon ng isang lalaking lider!— ngayon kayo ay AKING binibigyan ng isang pinahiran, pinili, hinirang na lalaking lider. At sa pagkakaisa si Ezra at si Elisheva ay tatayo nang magkatabi, hawak-kamay— magkabiyak na mga kaluluwa [soulmates]— na may kasamang isang pagmamahal na hindi kailanmang maiintindihan ng mundong ito. Sapagka’t sila man ay iniiling ang kanilang ulo sa pagkahanga.
At kung nakita ninyo ang yaong unang video chat noong Marso 7, 2016 makikita ninyo sa harapan ng inyong mga mata kung ano ang AKIN nang ginagawa. Makikita ninyo kung paanong sinabi ni Elisheva na hindi niya madaling pinagkakatiwalaan ang sinomang lalaki maliban ang kanilang mga lalaking anak sa YDS at syempre si Adam. Nguni’t makikita ninyo na AKING isinalita na si Ezra ay maaaring pagkatiwalaan, dapat pagkatiwalaan.
Makikita ninyo ang pagkamapagpatawa. Maririnig ninyo ang tawanan. Makikita ninyo ang pagmamahal. Makikita ninyo ang Pagpapahid. Maririnig ninyo ang aral— kung saan nararamdaman kahit ni Elisheva ang karangalan at hindi kailanmang napapagod na marinig siyang nagtuturo— na kung saan walang lalaki, walang lalaki, walang lalaki ang kailanma’y pumaroon noong una. Sapagka’t hindi KO ito papayagan.
Ito ay para sa itong itinakda at hinirang na oras.
Maaaring pagkatiwalaan ni Elisheva ang lalaking ito, maaaring matuto mula sa lalaking ito. At dahil siya ay nagtitiwala, ang kongregasyon ay maaring magtiwala.
Kilala ninyo ang AKING Boses— ang mga yaong nakapakinig sa mga Propesiya at naniwala— kaya’t alam ninyo na ito ay AKO, si YAHUVEH ngayon na nagsasalita! Magdiwang!
Magdiwang kayo sapagka’t ang lahat ng ito ay para sa isang layunin. Upang magdala kay YAHUSHUA ng lahat ng pagpupuri, karangalan, at kaluwalhatian habang inilalapit NIYA ang mga kaluluwa at ipinapakita sa kanila kung gaano NIYA sila minamahal! SIYA’y nahahandang pagbayaran ang KABAYARAN sa Kalbaryo dahil SIYA ay umiibig sa paraang walang sinuman ang makakaunawa at SIYA ay nagpapatawad tulad ng kung gaano ang layo ng silanganan sa kanluran (Ps 103:12)! Mangagsisi lamang kayo. Iniaangat ng Ministeryong ito ang PANGALAN NI YAHUSHUA at inaakay nga ang mga lalaki at mga babae palapit.
Nguni’t sasabihin KO ito sa inyo!
Ang mga yaong mga pangalan na nakasulat sa Aklat ng Buhay ng TUPA/KORDERO— walang sinuman ang magkakaila na ang Ministeryong ito ay niluluwalhati AKO si YAHUVEH, YAHUSHUA, at IMMAYAH.
At kapighatian sa mga yaong inilapit sa Ministeryong ito para sa layunin ni satanas na gamitin sila upang subukang sirain ang babaeng ito at ang lalaking ito.
Ang Ministeryong ito ay napag-ilalim sa marahas na pagsalakay. Ngunit ngayon na ang oras! Ang 500,000 na tinipong mga mandirigma sa buong mundo na ito— sa oras na marinig nila itong mga Katotohanan— ay gaganting lalaban! Sapagka’t may kalakasan/tibay sa dami.
Kaya Ikakasal ni YAHUSHUA sa araw na ito AKO, si YAHUVEH, binibigyan kayo ng isang biyaya— at samantalang binabasbasan ninyo ang lalaking ito at ang babaeng ito, ang mga lider na AKING hinirang, samantalang binabasbasan ninyo ang lahat ng mga Ministro, samantalang binabasbasan ninyo ang “YAHUSHUA’S demon stompers,” samantalang binabasbasan ninyo ang mga tagasuporta— AKIN itong sinasabi sa inyo. Mga pagpapala ay mapapasainyo.
Para sa mga gustong sumuklam, ang mga yaong may kuhilang7 [reprobate] [espiritu/isip], kayo lamang ay napunta rito para sa inyong kahatulan at inyong sentensiya para sa AKING Matinding Poot at Kabangisan, si YAHUVEH! Kayo ay nabalaan na. Kayo ay nabalaan na. Masmabuti na takpan niyo ang inyong bibig at tumakbo paalis sa Internet. Sapagka’t kayo ay nabalaan na.
At AKING binabasbasan ang bawat isa at ang lahat sa YDS na mga nagbuhos ng kanilang pagmamahal at kanilang trabaho sa bawat video. At AKING binabasbasan nang masagana ang mga web manedyer.
At ito ay AKING sinasabi sa inyo. Maaari kayong maghanap sa buong Internet at hindi kayo makakakita ng isang higit na pinahirang Ministeryo! Hindi kayo makakakita ng isang higit na maganda— higit na magandang video.8 “Higit na maganda” sapagka’t sinabi ko sa kanya matagal nang nakalipas kailangan mong maglibang at saka pabatiran ang Huling Oras na Henerasyong ito.
Dalawampu’t isang taon nang nakaraan wala sa mga ito ang posible! Ngayon masdan niyo ang pinakamagandang website na AKING ginamit ang mga pinahirang mga kamay upang ilabas ito!
Ito ay isang labanan na walang katulad, sa Internet! Nguni’t AKO, si ABBA YAHUVEH ang inyong ABBA YAHUVEH, ay ipinapangako sa inyo. Kayo ay nanalo! Gaya nang walang pag-alinlangan na pinatay ni David si Golayat, gaya nang walang pag-alinlangan na si Daniel ay naligtas sa yungib ng leon, gaya nang walang pag-alinlangan na si Jonas ay nakalabas sa bibig ng tiyan ng balyena— gaya nang walang pag-alinlangan na AKO’Y nagdala ng Pagpapalaya sa araw na ito.
Ang mga makaanghel na mandirigma at si Arkanghel na si Miguel {Micheal} at Gabril at marami pang iba— ito ay AKING sinasabi sa inyo—sila ay magpapatuloy na mandigma alang-alang sa inyo!
Sa araw na ito AKING binubunot paalis ang ngipin ng umuungal na leon na sumubok lumamon!
At ang huling bagay na sasabihin KO, AKO, si YAHUVEH: sinumang hindi nagugustuhan ang pagbabago sa bagong lalaking liderato?— bagama’t kailanma’y hindi ninyo kahiman nakilala siya [minsang tinawag na ‘Niko’]— DALHIN NIYO ITO SA AKIN! Dalhin niyo ito sa AKIN sa panalangin!
Hinahamon KO kayong magreklamo! Sapagka’t nakita ninyo ang Katotohanan dito. Dalhin niyo ito sa AKIN! Makipagtalo kayo sa AKIN! Ipasakatwiran ninyo ang inyong kaso sa harap ni YAHUSHUA MASHIACH— AKO, si YAHUVEH, hinahamon KO kayo.
Hinahamon KO kayo.
Kaya mga kaaway ng Ministeryong ito mas mahusay na magsi-alisan kayo patakbo!
Sapagka’t mayroong lalaki rito na hindi masisindak, na hindi magtataksil, na hindi tamad, na isang lubosang pinahiran— samantalang ang dalawang pagpapahid ay naging iisa- mas mahusay na kayo’y magsi-alisang tumakbo! Mga kaaway, sa pitong magkaibang mga kaparaanan!9 Dahil ang Gabilya [Rod] ng AKING Matinding Poot ay bababa sa inyo sa araw na ito!
Mas mahusay na kayo’y makalawang magisip! Dahil ang Deuteronomy 28, ang mga sumpa, ay lalatag10— mailalatag sa inyo na yaong AKO, si YAHUVEH, ang nagsulat— kung kayo ay mag-angat ng isang salita, magsulat ng isang salita, manirang-puri, libelunin, subukang magparungis— wala sa inyo ang matinding poot ng isang babae o isang lalaki, kayo ay magkakaroon at mararamdaman niyo mismo ang HININGA ni YAHUVEH, yaong iihip sa inyo palayo na parang dayami sa hangin!
Hindi KO na pahihintulutan ang anong nagawa na sa mga nakaraang taon.
Sa bawat kaaway na gumawa nito, kayo ay sasagot para dito. Sapagka’t inyo lamang iniyari ang inyong daan pababa patungo sa patag ng empyerno dahil sa mga salita ng inyong bibig.
At para sa bawat isa na naniwala sa mga kasinungalingan at gayon pa man umaangking sila ay sa AKIN- umaangking sila ay hinugasan ng dugo sa pamamagitan ng DUGO ni YAHUSHUA at gayon pa man inyong inulit at inyong “pinaniwalaan ang kasinungalingan,” (2Ti 2:11)11 mas mahusay na kayo’y12— mas mahusay maski alin na kayo’y mangagsisi nang daglian o alamin ito: AKIN kayong panghahawakang managot sa bawat salita na inyong sinalita, bawat salita na inyong sinulat at bawat kasinungalingan na inyong pinaniwalaan— sa panahon na kayo ay haharap sa Upuan ng Paghuhukom.
At sa mga tagapagtanggol, para sa mga yaong tagasuporta, mga tagapagpalakas ng loob— AKO si YAHUVEH ay nagsasabi sa inyo nito. Salamat. Kayo ay gagantimpalaan. Sapagka’t narinig ninyo ang Boses KO, AKO, si YAHUVEH, ang Boses ni YAHUSHUA at IMMAYAH. Nararamdaman ninyo ang Pagpapahid. At kayo ay naligo sa yaong Pagpapahid (Anointing). At kayo ay nagdidiwang sa yaong Pagpapahid. At kayo ay nagangsisi dahil sa Pagpapahid. At labis ang inyong mga gantimpala habang inyong pinagpapatuloy gawin ito.
Sapagka’t wala sa isa sa mga Ikakasal ni YAHUSHUA ang maghahagis ng mga bato sa Propetang ito [Elisheva] at ngayon sa bagong Propeta na ito [Ezra]. Wala ni isa sa mga Ikakasal ni YAHUSHUA ang susubok na saktan ang AKING mga maliliit na bata.13
At ang mga naging panalangin ng mga banal ang yaong nakatulong nang higit (Jms 5:16) sa paligid ng sanlibutang ito, ang mga panalangin ng “YAHUSHUA’s demon stompers” yaong nakatulong nang higit— ang pakikipagdigma ng mga makaanghel na mandirigma— yaong nagpanalo sa Tagumpay na ito. At ang lahat ay dahil sa DUMALOY na DUGO NI YAHUSHUA na ibinuhos para sa inyo sa Kalbaryo!
Katapusan ng Salita
Eliseva: Oh boy, wow! Purihin si YAHUSHUA!
[Si Kathrynyah ay mahinang narinig rin sa likuran: Amen, Purihin KAYO ABBA YAHUVEH, YAHUSHUA, IMMAYAH…!]
Ezra: Oh, purihin si ABBA YAHUVEH! Purihin KA YAHUSHUA! Purihin KA RUACH HA KODESH! SALAMAT! SALAMAT ABBA para sa tagumpay na ito— para dito— napagpanalo ang labanan at ang lahat ng mga bagay na IYONG nagawa alang-alang sa amin.
Kathrynyah: Amen.
Ezra: Kami ay nagpapasalamat sa IYO ABBA YAHUVEH! IKAW ay aming binabasbasan! IKAW ay aming niluluwalhati at kami ay magdidiwang para sa buong 7 na mga araw ayon sa IYONG iniutos na aming gawin. Magsaya at magdiwang!
[Si Elisheva ay masayang tumawa.]
Ezra: Dahil ang Tagumpay ay nasa amin! Ang Tagumpay ay sa IYO! IKAW ay lumaban alang-alang sa amin — habang kami ay kumakanta ng mga pagpupuri sa IYONG PANGALAN AMA. Gaano KA kahanga-hanga! Gaano kadakila ang IYONG PANGALAN. Gaano kadakila ang INYONG PANGALAN!(Zec 14:9)!14
Elisheva: Amen! Amen! Amen!
Ezra: Amen at Amen!
Katapusan ng Pagtatala
1 Si satanas ay hindi makahari, hindi karapat-dapat na “prinsipe”- nguni’t ay “prinsipe ng mundong ito” (Jn 12:31; 14:30; 16:11) at “prinsipe ng kapangyarihan ng hangin” (Efe 2:2), Biblikal na mga etiketa na ginamit upang kilalanin ang kanyang limitado at pansamantalang dominyo/pamamahala bagaman siya ay tumatayong nahatulan na (Jn 16:11). Hindi matatagalan siya ay magiging permanente na itinaboy mula sa lahat ng mga Makalangit na lupain ng kapaligiran/atmospera (Rev 12:7-9), at itinaboy mula sa mundong ito patungo sa Dagat ng Apoy (Jn 12:31; Rv 20:10).
2 Ang pangalan na Golayat ay madalas na ginagamit na idyoma bilang isang metapora upang tumukoy sa higit sa isang tao—halimbawa {i.e.} isang grupo ng tao o isang organisasyon ng napakalaki o lubhang sukat. Sa kasong ito, ang ibig sabihin ni YAH ay isang panlahat na katawan, isang grupo ng mga kaaway. Sa ibang mga Propesiya at mga Salita, ipinangako ni YAHUVEH na maraming mga kaaway ang malalaglag nang daglian sa isang may epektong ‘domino’ halimbawa {i.e} mabilisang pagpakilos sa chain reaksyon sa maikling panahon.
3 Ang lahat ng ito ay mga salitang kasingkahulugan, gayunman ang ibig sabihin ng naitalaga ay opisyal na naitatag, lalo na ang patungkol sa isang tanggapan ng autoridad; hinirang gayon din ay may parehong kahulugan, nguni’t ay mabigat na ipinapahiwatig pinipili ng kamay para sa isang espesyal na okasyon o partikular na oras at layunin; at ang ibig sabihin ng pinili ay napili na may kasamang pabor mula sa gitna ng iba.
4 “AKO ay nagdadala sa iyo ng isang lalaki na lumalakad sa kapunuan ng Pagpapahid upang ipagkaisa sa isang babaeng…” (Buto ng AKING Buto Laman ng AKING Laman na AKING Binibigay” Propesiyang-tula).
5 Ito ay tumutukoy sa isang kamakailan lamang na personal na Propetik na mga Salita.
6 Tingnan ang Propesiya 94 AKO, si YAHUVEH, ay nagsasabi, “Huwag Maliitin ang AKING Poot sapagka’t ito ay Nangagbubuo bilang isang Nagngangalit na Apoy/Impyerno” at ang mga katapusang kommento ng Propeta kung saan si Ezra bilang “Caleb” ay naipropesiya na darating, at ang koneksyon sa dumadaming labanan sa Makalangit na kaharian na bumababa sa mundo.
7 2 Tim 3:8 Ang mga ito'y nagsisilaban sa katotohanan; mga taong masasama ang pag-iisip, mga itinakuwil tungkol sa pananampalataya. Tit 1:16 Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil {kuhila} sa bawa't gawang mabuti. Ang mga itinakuwil/kuhila ay maaring liwanangin bilang isang taong tinanggihan ng DIOS na wala nang pag-asa ng kaligtasan (Jer 6:26-30; Heb 6:4-8), na sinong pinaglapastangan ang BANAL na ESPIRITU (Mt 12:31; Heb 10:26-31), na ang alin ay ang kaisa-isang hindi mapapatawad na kasalanan (Lk 12:10) at kung kaya ay naisisiguradong ‘naitalaga’ sa kapahamakan/sumpa (Ro 9:22). “Itinakuwil/kuhila”ay maari ring gamitin bilang isang adhetibo na inilalarawan ang isang relasyon sa katayuang ito.
8 Sa ibang mga salita, sinasabi ni YAH na walang isang video o website na umiiral na maaaring maikompara sa maraming magagandang pinahirang mga video at site ng AmightyWind.
9 Isinasalita ito ni YAH upang umiral.
10 Parehong ang Deutoronomi 28 na mga basbas o mga sumpa ay hindi maiiwasan: “[Itong mga biyaya] ay maisasakatuparan kung iyong didinggin nang masigasig ang Tinig ni YAHUVEH ang iyong DIOS” (v1)
at “[Itong mga sumpa] ay maisasakatuparan, kung hindi mo didinggin ang Tinig ni YAHUVEH ang iyong DIOS” (v15).
11 “Paniwalaan ang kasinungaligan” ay iniuulit ang mga salita sa 2 Mga Taga-Tesalonica 2:11 at tumutukoy sa Malaking Apostasya, ang Malaking Pagtaliwakas, naglalarawan sa mga sinong tumatanggi sa Ministeryong ito at mga Huling mga Oras na mga Propeta ni YAH— at kung hindi sila mangagsisi, ay sa halip tatanggap sa anti-mesyas (a.k.a. ang anti-kristo) at ang kanyang mensahe: ”Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan, At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas. At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan: Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan” (2 Th 2:9-12, YLT). “Ang kasinungalingan” ay nangangahulugang isang kasinungalingan na magbibigay sanhi sa isang tao na mawala ang kanyang kaluluwa— ang kasinungalingan na ayos lang na lapastangin ang BANAL na ESPIRITU, RUACH HA KODESH at sa halip ay paniwalaan ang espiritu ng anti-Kristo. Tingnan ang Propesiya 71 Ang Anong Naselyaduhan ay Ngayo’y Naibunyag!
12 “Mas mahusay ikaw’y {You better}” ay isang palasak na mayroong malakas na diin, para sa “Mas mahusay na ikaw’y {You would better}…”
13 ”Mga maliliit na bata” ay maaaring tumutukoy sa mga bata, subali’t ay pati rin ang sinumang mga anak ni YAH na mga mapagpakumbaba na tulad sa isang maliit na bata, at lalo na ang mga sinuman na KANYANG Propeta (Mt 10:41-42; 18:1-6).
14 Ang mga/PANGALAN ng THREE-IN-ONE, BANAL NA TRINIDAD ay TATLONG MGA PANGALAN (YAHUVEH, YAHUSHUA, SHKHINYAH), gayun pa man ISANG PANGALAN, YAH.
* * * * * * *
|