Propesiya 13

Sabihin Mo Sa Kanila AKING Anak, Sabihin Mo Sa Kanila Para Sa AKIN!

Ibinigay kay Rev. Sherrie Elijah (Elisheva Sherrie Eliyahu)

Enero 24, 1998

Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa lahat ng mga Propesiya mula ngayon:

Noon pa man binalaan na kita Elizabeth [Elisheva] na huwag mong papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit bago pa nagkaroon ng isang Ministeryo. Inilagay KO ito sa iyong espiritu dahil walang anuman nito ay gawa ng iyong mga kamay, walang anuman nito ay nagmula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESIYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong RUACH ha KODESH (ESPIRITU SANTO) ang inyong IMMAYAH (INA YAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay gawa ng iyong mga kamay ito ay matagal na sana nabigo. Ito ay sa pamamagitan ng Hangin ng SHKHINYAH GLORY [KALUWALHATIAN] na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na Hangin ng Muling Pagbabangon (Revival), ito ay hindi sa pamamagitan ng iyong hininga, o nabigo na sana ito. (Isaias 42:8).

Noong Hulyo 2010 sinabi rin ni YAHUVEH [ang] Diyos na idagdag ang sumusunod [na salita] mula sa Ika-2 Cronica sa harap ng bawat Propesiya:

2 Mga Cronica 36:16, “Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng DIOS, at niwalang kabuluhan ang KANYANG mga SALITA, at dinusta ang KANIYANG mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng PANIGNOON ay bumugso laban sa KANYANG bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”

*******************************************************************

Sa panahon ng pagdadasal ngayon, 1/23/98, nagdadasal ako kasama ang aking kaibigan na si Sharon. Sinasabi ko sa kanya ang tungkol kay Gabriel at kung paano ko parin nakikita ang pangitain ng trumpeta na pinipisil ng kanyang labi, naghihintay sa hudyat para hipan ito mula kay Ama YAHUVEH na nasa trono.

Sabi niya, “Oh Sherrie (Elisheva Sherrie), nakita mo iyon?” At habang tinangka kong sumagot, sa halip mga wika [tongues] ang pumilas (tore out) mula sa akin. Nguni’t iba sila, mapilit/mapag-apurang mga wika; mainit na mga luha ang bumagsak sa aking mukha. Pagkatapos ipinakita ng RUACH ha KODESH sa akin si YAHUSHUA. SIYA ay nakaluhod sa lupa. Nakaharap SIYA kay Gabriel at nakatakip ang KANYANG mukha gamit ang KANYANG mga kamay at SIYA’y umiiyak. Humihikbi ng napakahigpit/matindi. SIYA’y nagsalita at naririnig ko ang mga salitang ito. Ang mga hikbi ay pumilas (tore out) mula sa akin na parang SIYA ang umiiyak sa pamamagitan ko. Ang mga luha na aking hinayaang matuyo sa aking mukha, napakainit ang mga ito. Alam na kahit papaano ang mga ito ay hindi panlaman (flesh) na mga luha nguni’t mga luha na nagmula kay YAHUSHUA. Nararamdaman ko pa rin sila sa aking mukha na parang sila ay natuyo duon at nanatili.

Ito ang mga salita na ibinalik ng RUACH ha KODESH ngayon sa aking espiritu sapagka’t ako ay inutusan na, “Sabihin Mo Sa Kanila AKING Anak, Sabihin Mo Sa Kanila Para Sa AKIN.” 1/24/98 ibinigay sa Anak na ito, Mandirigma, Ikakasal/ Nobiya (Bride) ni YAHUSHUA ha MASHIACH.

*******

Bagama’t AKO’y nagagalak sa pagdating upang ilabas ang AKING mga Anak mula sa masamang sanlibutang ito, upang kargahin pauwi ang AKING Ikakasal/Nobiya sa AKING mga bisig, AKO ay umiiyak at AKO ay humihikbi sapagka’t AKO ay napunit sa kalahati. Napakarami ang maiiwan, napakaraming tumatawag sa kanilang mga sarili na AKIN at gayunman ang AKING Espiritu ay wala sa kanila. Sila ay maiiwan upang pagdusahan ang matinding galit ng Makapangyarihang Dios na si YAHUVEH. Sabihin mo sa kanila AKING babaeng anak, sabihin mo sa kanila para sa AKIN. Bigyan sila ng babala. Marami ang makikinig at susunod sa propesiyang ito. AKO ay umiiyak para sa mga simbahan na umaapaw at ang mga tao ay pumipila upang pumasok sa mga simbahan.

Gayunman ang AKING RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu) ay wala sa mga simbahang ito. Tinatawag ng mga taong ito ang kanilang mga sarili na AKIN, at hindi nila AKO kilala. Sila ay ang mga simbahan ng mga mapagkunwari. Sabihin Mo Sa Kanila AKING Anak, Sabihin Mo Sa Kanila Para Sa AKIN. Sila ay maiiwan upang pagdusahan ang matinding galit ng Makapangyarihang Dios na si YAHUVEH kung hindi sila MAGSISISI. Anong isang trahedya. Sabihin Mo Sa Kanila AKING Anak, Sabihin Mo Sa Kanila Para Sa AKIN, si YAHUSHUA ha MASHIACH AY PAPARATING NG MABILIS! AKO ay umiiyak para sa mga asawang lalaki na iiwan ang kanilang paganong mga asawang babae. AKO ay umiiyak para sa mga asawang babae na iiwan ang kanilang mga paganong mga asawang lalaki. AKO ay umiiyak dahil sinubukan nila nguni’t ang mga paganong asawa ay ayaw makinig.

Sabihin Mo Sa Kanila AKING Anak, Sabihin Mo Sa Kanila Para Sa AKIN sapagka’t AKO ay paparating ng napaka-bilis. AKO ay umiiyak para sa mga taong nag-iisip na kinamumuhian KO sila. Gayunman para sa kanilang mga kasalanan AKO ay namatay at bumangon para sa kanila. Sabihin Mo Sa Kanila AKING Anak, Sabihin Mo Sa Kanila Para Sa AKIN sapagka’t AKO ay paparating na ngayon ng napaka-bilis. Alam KO na ito ay tila parang kakaunti lamang ang nakikinig at marami ang magtatakip sa kanilang mga tainga, kaysa makinig. Nguni’t walang nagbago. Hindi ba iyon din ang ginawa nila sa AKIN? Hindi ba nila AKO pinanood na ipinako sa krus sa Kalbaryo? Hindi ba ang parehong mga tao na nakakita sa mga milagro na AKING ginawa, ay sumigaw ng ipako SIYA sa puno na iyon? Habang ang gusto KO lamang ay maging isang biyaya sa kanila at sa iyo, at AKO ay namatay para sa lahat mula sa mahigpit na kapit/pagkakahawak ni satanas upang pakawalan kayo [para] sa lahat ng kawalang hanggan (eternity).

At gayun pa man gaano karaming mga labi pa rin ang sumusumpa (curse), tumatanggi, sumusuway, kumukutya at lumapastangan sa AKIN? Ikaw ay magiging tulad ng isang tinig na sumisigaw sa kagubatan at AKING Babaeng Anak, ito ay maging para bang naririnig mo lamang ang iyong sariling alingawngaw (echo) na bumabalik sa iyong sariling mga tainga. Gayunman ito ay hindi ang iyong alingawngaw (echo), kundi ang AKING alingawngaw na maririnig ng mundo na nagsisilabas mula sa iyong mga labi na AKING itinadhana/itinalaga at pinahiran upang sabihin ang AKING mga Salita, hindi ang iyong mga salita.

Napakalaki ang naging presiyo/halaga mo at ng iba na AKING itinadhana, pinahiran upang sabihin ang AKING mga Salita, isang napakalaking sakripisiyo ang inyong binayaran. Nguni’t napakalaki ang magiging mga gantimpala ninyo. Sapagka’t walang anumang bagay na isinuko ninyo para sa AKIN, na hindi magagantimpalaan. Walang sakit o pagdurusa na inyong tiniis na hindi magagantimpalaan. Anuman ang inyong pinagdusahan para sa kapakanan ng AKING PANGALAN. Kayo ay AKING gagantimpalaan hindi lamang sa mundong ito nguni’t pati rin sa lahat ng kawalang hanggan sa Langit. Sabihin Mo Sa Kanila AKING Anak, Sabihin Mo Sa Kanila Para Sa AKIN sapagka’t AKO ay paparating ng napaka-bilis.

Napakalaki ang magiging mga biyaya na AKING inilaan/itinakda para sa lahat na naglingkod, sumunod, nagbibigay ng katiting na bahagi/ ikapu (tithe), na mga banal at sumasamba sa AKIN. Sabihin Mo Sa Kanila AKING Anak; Sabihin Mo Sa Kanila Para Sa AKIN sapagka’t AKO ay paparating ng napakabilis. Sinasabi KO sa iyo ang iba ay maririnig ang propetikong alingawngaw na ito sa buong mundo. At hindi nila maririnig ang boses ng isang babae na nagsasalita, kundi maririnig ang boses ng Makapangyarihang Dios na si YAHUVEH na nagsasalita. Hindi nila maririnig ang isang tinig nguni’t marami ang aalingawngaw/magpaparinig ng AKING boses.

Kahit ang mga pagano ay mapipilitang makinig sa AKING boses. Hindi ba ninyo naririnig ang isang alingawngaw kahit malayo? Bagaman isinara nila ang kanilang mga tainga, maririnig nila ang AKING boses na nagsasalita. Ito ay desisyon nila kung sila ay susunod, nguni’t pipilitin KO silang makinig. Huwag ikatakot ang pagkamuhi, matinding galit, o pagtanggi, at mga pagbabanta ng kaaway. Katulad ng kinasuklaman AKO ng mundo kasusuklaman rin nila kayo at ang lahat ng tunay na pag-aari KO/ nabibilang sa AKIN. Sabihin Mo Sa Kanila AKING Anak, Sabihin Mo Sa Kanila Para Sa AKIN upang ang mga kaluluwa ay maaari pa rin sa AKING Pangalan at Dugo na mapalaya/mailigtas mula sa matinding poot ni YAHUVEH na Makapangyarihan na sasapit sa mundong ito ng mabilis. Una AKO ay darating upang iuwi ang AKING mga Anak nang buong pagmamahal! Alam KO kung sino ang sa AKIN; ang mga tao na may Espiritu KO ay mayroon nang hindi nakikitang mga pakpak upang lumipad.

Sabihin mo sa kanila AKING anak, sabihin mo sa kanila para sa AKIN, sapagka’t AKO ay Paparating nang Napaka-bilis. Ang mga tao na AKING tinatawag na AKING mga Anak ay maririnig at makikilala ang AKING boses. Ang mga tao na hindi KO mga Anak kundi ng simbahan ng mga mapagkunwari/mapagpanggap ay magtatakip sa kanilang mga tainga at magsasabi, Lumayo ka. Ayaw naming pakinggan ang kung anong sasabihin mo. Kahit na kung anong AKING napropesiya ay natupad/nangyari na sa wakas, pagbibintangan ka nila sa pagsanhi nito. Sapagka’t isinalita mo ito at kung anong iyong napropesiya sa iba ay mangyayari ng napakabilis.

Ang mundong ito ay hindi kailanman yayakap/tatanggap sa AKING mga Anak. Ang mundong ito ay napaka-makasalanan at isang mabahong amoy sa mga butas ng AKING ilong. Ang mabahong amoy ng kasalanan sa Amerika at sa mga pinuno ng [mga] bansang ito at ng mundong ito ay bumubusal (gagging) sa AKIN. At mula sa mabahong amoy na ito AKO ay mapapalaya. Iyan ang dahilan kung bakit AKO ay darating upang kunin ang AKING mga Anak ng ligtas ng mabilis. Pagkatapos ang paghuhukom/paghahatol ni YAHUVEH ay sasapit sa mundong ito sa paraan na hindi kailanman pinapangarap o kailanma’y mangyayari muli. At ito ay mangyayari sa paganong lupaing ito. Nguni’t kung ang mundo ay tinatanggap/niyayakap kayo sa panahong dumating AKO, kung gayon alamin ito at mag-ingat sapagka’t ikaw ay hindi KO Anak. Nabibilang kayo kay satanas, at ang inyong pangalan ay hindi nakasulat sa Aklat ng Buhay ng Tupa (Lambs Book of Life) na nasa ilalim ng pamagat ng tinubos. Kayo ay nababagay lamang para sa paghuhukom/paghahatol at matinding poot ng Makapangyarihang Dios na si YAHUVEH. Ang impiyerno ang inyong makikita.

Mayroong isang Aklat ng Buhay ng Tupa na nilikha bago nabuo ang mundo, at alam KO na sa umpisa kung kaninong pangalan ang maisusulat at sa ilalim ng kung anong pamagat. Mayroon lamang tatlong mga pamagat doon. Ang tinubos (redeemed)… ang binura/tinanggal (blotted out)… ang sinumpa (damned)…ang inyong pangalan ay naroroon na sa isa sa mga puwesto. Kahit na ang mga taong nailista sa ilalim ng tinubos ay maaari parin mabura/ matanggal, at kung ito ay mabubura/ matatanggal (blotted out), ito ay dahil alam ninyo ang kabutihan ni YAHUVEH ang Ama, gayunman ay piniling maglingkod sa dios ng mundong ito panlaman na pagnanais (fleshly desire) at tumalikod sa AKIN at nagkunwari lamang na ibinigay ang inyong mga puso at mga buhay sa AKIN. Alam KO na sa simula/umpisa ang lahat ng ito kung aling mga pagpipilian ang pipiliin ninyo, sapagka’t AKO ang Dios ng lahat ng karunungan at kaalaman AKO ay hindi kailanman nagugulat sa anumang bagay na nangyayari.

Tandaan kahit anoman, kahit sinuman ang higit na minamahal ninyo ay ang Diyos na inyong pinaglilingkuran. Si Mick Jagger ay yinayakap/ tinatanggap at pinapalakpakan ng mundo, gayunman siya’y naglilingkod sa ibang diyos. Ang diyos ng kasamaan at bagama’t pinayagan KO ang kasikatan at yaman, ito lamang ang lahat na malalaman niya sapagka’t binenta/ipinagbili niya ang kanyang kaluluwa sa Impiyerno noong matagal ng nakalipas/panahon (long ago). Ngayon siya’y naghahangad lamang na dalhin ang iba patungo sa kung saan siya pupunta. Napaka-raming rock [bato] star [bituin] kung sila’y tawagin, kahit na sa pangalang ito ay kinukutya AKO ni satanas sapagka’t alam niya na may isa lamang Nabubuhay na Bato at ito ay AKO ang inyong Panginoong YAHUSHUA ha MASHIACH. Alamin ito, ang rock[bato] na musika (rock music) ay hindi sa Nabubuhay na Bato. Wala sa mga rock star ang espiritu ng Nabubuhay na Bato. Ibinenta/ipinagbili nila ang kanilang mga kaluluwa para sa kasikatan at yaman. Gumawa ng kasunduan sa diyablo na maaari KONG madaling baliin/sirain at ginagawa KO ito ng maraming beses. Gayun pa man maaari parin silang magsisisi, tumalikod, at mahugasan/malinis sila sa AKING ibinuhos na Dugo ng Kalbaryo.

Mga tagapaglibang (entertainers), inyong binenta/ipinagbili ang inyong mga kaluluwa. Kayo ay binayaran upang isumpa ang lahat ng Banal at ang AKING pangalan para lang sa makamundong katanyagan/kasikatan at yaman. Gayon pa man hindi ninyo maaring bilhin ang inyong daan patungo/papasok sa Langit. Ang mayayaman at sikat sa mundong ito ay hindi mayayaman at sikat sa mga mata ng Makapangyarihang Dios na si YAHUVEH. Kayo ay mga pulubi, gayon pa man ito’y hindi ninyo alam. Kayo ay nagugutom para sa Tinapay ng Buhay, gayon pa man ito’y hindi ninyo alam. Kayo ay namamatay sa uhaw para sa Nabubuhay na Tubig (Living water), gayon pa man ito’y hindi ninyo alam. Kayo ay nakahubad, at walang pantakip, gayon pa man ito’y hindi ninyo alam. Kayo ay papunta sa Impiyerno, at ito’y hindi ninyo alam. Kayo ay mayaman sa makamundong mga pag-aari, nguni’t mga pulubi sa espirituwal na mga regalo/kaloob. Hindi mabibili ng inyong pera ang kung anong ibinigay KO sa AKING mga anak ng libre. Ang AKING mga anak ay naglilingkod sa AKIN, at nilalagay AKO una sa kanilang mga buhay, namumuhay ng Banal para sa AKIN, at sumasaksi para sa AKIN, nagdurusa para sa Kapakanan ng AKING Pangalan. Ang AKING mga anak ay nagbibigay ng mga ikapu (tithe), nagbibigay ng mga paghahandog upang suportahan ang trabahong AKING iniutos sa ibang mga ministeryo na gawin, gamit ang mga banal na katiting na bahagi/ikapu (tithe) at mga pag-aalay/ paghahandog. (offerings)

Sa dahilang ito sila ay AKING ililigtas/kakaawaan sa Araw ng Paghuhukom ang AKING mga Anak ay hindi natatakot na tumayo para sa Kabanalan. Sila ay magsasalita laban sa homoseksuwalidad, at pagpapalaglag, pornograpiya (malalaswang bagay), at sa lahat ng uri ng kasalanan. Hindi ba AKO nagmahal ng sapat upang bigyang babala ang mga Pariseo? Gaano pa kaya kapag kayo? Hindi KO ba ipinadala si Moses upang balaan ang masamang Paro (Pharaoh)? Gaano pa kaya kapag kayo? Alam ng AKING mga anak na ipinangako KO, ang parehong gantimpala na matatanggap ng ministrong ito sa Langit para sa paglilingkod sa mga tao, nagdadala ng mga kaluluwa sa AKIN, nagdadasal, nagtuturo, nagpapalaya sa mga bilanggo sa AKING Pangalan. Nagsasalita laban sa kawalan ng kabanalan at sinasabi ang AKING mga Propetik na Mensahe.

Ang parehong kayamanan ay inilatag para sa kahit sinomang sumusuporta, naghihikayat, at nagdadasal para sa mga apostol, mga propeta, mga ebanghelista, mga pastor, mga guro na ito ang mga taong nagpapalaya sa mga bilanggo para sa AKING Kaluwalhatian. Sila rin ay makakatanggap ng parehong mga gantimpala na naka-imbak para sa kanila sa Langit.

Kayo ay AKING pinapayuhan, ihasik lamang ninyo ang inyong punla/binhi sa mga ministeryong nagpapangaral at nagtuturo ng buong katotohanan, kahit na ito’y nagpapayamot/ nagpapagalit. Magdasal para sa mga ministrong ito, suportahan sila. Hindi KO tinutukoy ang mga lisensiya na gawa ng tao na tinatawag ng mundong ito na mga espirituwal na kredensyal. Marami ang mayroon nito at mayroong napakalaking mga simbahan din, gayon pa man ginagamit nila ito upang iligaw ang mga tao. Ang Makapangyarihang Dios na si YAHUVEH lamang ang nagtatalaga/nagpapasiya, hindi tao.

Sapagka’t alam/kilala KO ang Espiritu ng lalaki o babae na iyon, alam KO kung sila ay karapat-dapat na maging isang espirituwal na lider. Muli ang tao ay naglalaro na dios. Marami ang tinawag, at kakaunti ang mga pinili KO. Kaya huwag payagan si satanas na manlinlang. Kayo ay mananagot kung kayo ay nagbibigay ng mga katiting na bahagi/ikapu (tithe) at naghahandog (offering) ng pera sa isang simbahan na alam ninyo na hindi nagpapangaral sa totoong ebangheliyo ni YAHUSHUA. Kung ang yaong pastor ay nagtuturo ng kamalian at nangunguna na iligaw ang iba at tinutulungan ninyo siya sa pamamagitan ng inyong mga katiting na bahagi/ ikapu (tithe) at mga paghahandog (offerings) mararamdaman ninyo ang paghahatol/kombiksyon kahit na habang inyong binabasa ito, at malalaman ninyo na AKO ay hindi natutuwa. Sapagka’t sa paggawa nito natulungan ninyo ang kaaway na magdulot sa pagkatalo ng AKING mga Anak.

AKO ay natutuwa kapag kayo ay nagbibigay ng mga katiting na bahagi/ ikapu (tithe) at mga paghahandog (offerings) sa mga tao na sa araw-araw ay naglalatag/tumataya ng kanilang buhay para sa AKIN. Sa araw-araw ay isang tagapaglingkod sa mga tao at sa AKIN. Halos lahat ng oras sila ay naaabuso, tinatanggihan at kinamumuhian dahil sa pagtayo/pagtindig para sa kabanalan, at pagsasabi ng AKING mga mensahe.

Napakaraming mga ministro ay nagdadala sa pinansiyal na pasanin ng mag-isa. Nasaan ang AKING mga anak na AKING pinagpala? Bakit kayo naghahasik ng punla/binhi sa matigas na tuyong iritadong lupa (infertile soil)? Bakit hindi kayo nagdadasal at nagtatanong kung saan ninyo itatanim ang inyong mga banal na katiting na bahagi/ ikapu (tithe) at mga paghahandog (offerings)? Oo, AKING inilantad ang huwad ni satanas na nagnanakaw sa AKIN sa pamamagitan ng pagnakaw sa Banal na katiting na bahagi/ ikapu (tithe) at mga paghahandog (offerings) at ginagamit lamang ang mga ito para sa kanilang sariling mga layunin. Ang mga lobo na nasa loob ng damit ng tupa ay inilalantad, at sila ay tatayo sa harapan ng Makapangyarihang Dios na si YAHUVEH na kanilang ninakawan mula sa Araw ng Panghuhukom. Kapighatian sa mga ministrong ito.

Ipagdasal na ipapakita KO sa inyo ang totoo/tunay sa kahuwaran/imistasyon ni satanas. Mayroon AKO noong isang sakim na disipulo, isang lalaking anak ng Impiyerno, gayon pa man ay hindi ito nangangahulugan na ang lahat ng mga disipulo ay mga traydor [at] ginawa ito diba? Kaya muli ito ay totoo. Kayo ay nagtanong, “Bakit ba hindi ako pinagpapala para sa pagbibigay ko ng sampung porsiyento?” Sasabihin KO sa inyo, dahil kayo ay naghahasik ng punla/binhi sa matigas na tuyong lupa na nagtuturo ng kamalian at pinangungunahang maligaw ang iba patungo sa mismong bituka ng Impiyerno. MAGSISI NGAYONG ARAW! Kung kayo ay AKING Anak at kayo ay hindi nagbibigay ng mga katiting na bahagi/ ikapu at mga paghahandog kung gayon kayo ay hindi sumusunod sa AKIN. Kung ganoon bakit ninyo sinasabi na mahal ninyo AKO kapag kayo naman ay hindi sumusonod sa AKIN? MAGSISI NGAYONG ARAW! Upang maaari KO kayong biyayaan/pagpalain katulad ng mga tinapay at mga isda na mga milagro. Upang ang inyong mga panalangin ay makakatanggap ng mabilis na mga kasagutan.

Ang ilan sa AKING mga anak ay naririnig KO ngayon na nagsasabi, “Oh hindi, hindi ako magbibigay ng anumang pera KO sa isang ministeryo, hindi ako naniniwala sa pagbigay ng katiting na bahagi/ ikapu”, at ang iba ay magsasabing, “Nagbibigay ako sa isang ministeryo, hindi ko ito gusto at inaamin ko na ako’y nagbibigay na pagalit nguni’t ako ay nagbibigay hindi malaki, nguni’t nagbibigay ako.” Narito ang AKING sagot sa unang grupo na tumatawag sa kanilang sarili na AKIN. Suriin ninyo ang inyong sarili, sapagka’t kung hindi ninyo sinusunod ang Salita ni YAHUVEH, paano ninyo masasabi na ang AKING RUACH ha KODESH ay nasa inyo? Paano ninyo masasabi na mahal ninyo AKO at hindi AKO sinusunod? Para sa mga taong nagbibigay ng matipid at ng pagalit ang sasabihin KO sa inyo, AKO rin ay magbabalik sa inyo ng matipid at ng pagalit.

Para sa parehong sukatan na inyong ibinibigay, at sa parehong saloobin/pag-uugali ay ang parehong saloobin/pag-uugali na AKING ibabalik sa inyo. Kaya kayo ngayon ay mayroon ng mga sagot. Kapag hindi KO sinasagot ang inyong mga dasal ng mabilis, alam na ninyo ngayon kung bakit. Kapag tila parang ang mga butas ay nasa inyong mga bulsa, at ang mga sumisila/lumalamon (devourer) ay dumarating at kumakain sa inyong mga punla/binhi dahil dito ay wala kayong sapat [na pera] upang bayaran ang inyong mga inuutangan, alam na ninyo ngayon kung bakit. Mayroong isang sumpa sa lahat ng pananalapi na hindi nakakaalala na magbigay ng 10% bilang ikapu, ang paghahandog/pag-aalay ay ang anumang bagay na higit pa diyan. Kapag ito ay parang ang lahat ng bagay na maaring maging mali sa inyong buhay ay nagiging mali. Alam na ninyo ngayon kung bakit.

Ninakawan ninyo si YAHUVEH. Malakias 3 ay hindi nagbago. Ang mga sikat na mga ministro ng mundong ito ay hindi laging nagsasabi ng katotohanan nguni’t sa halip suriin ang anumang sinasabi nila, ito ba ay nakahanay/nakalinya (line up) sa mga salita ni YAHUVEH o binabaluktot/pinapaikot ba nila ang kasulatan upang ihanay/ ilinya sa Salita ni YAHUVEH o upang sumunod sa imahe ng tao? Ang inyong mga ikapu at mga paghahandog/pag-aalay kahit gaano kalaki ang sakripisiyo ay hindi Banal para sa AKIN, kung kayo ay naghahasik/nagpupunla sa kaharian ni satanas! At iyon ang inyong ginagawa kung inyong sinusuportahan ang isang tao na nagtuturo ng kamalian, at nagtuturo ng doktrina na gawa ng tao, hindi ang Banal na Salita ni YAHUVEH na hindi maaaring magsinungaling. AKO ang Salita na ginawang laman (flesh). Kayo ngayon ay may pananagutan sa kung ano ang hindi ninyo alam, o itinuro.

MAGSISI NGAYON!

Maari AKONG magpaulan ng pera mula sa Langit upang suportahan ang mga pangangailangan ng mga ministro, gayunman pinipili KONG huwag gawin ito para sa halip ay gusto KONG makibahagi kayo sa pagpapala/biyaya sa pamamagitan ng pagiging parte ng pagbibigay ng inyong 10% na ikapu at mga paghahandog/pag-aalay upang suportahan ang gawain ni YAHUSHUA. Marami sa inyo ay nag-aakala/nagiisip na ang ikapu ay pagkatapos ng mga buwis, pagkatapos ninyong bayaran ang inyong mga bayarin/utang (bills) nguni’t basahin ang Malakias 3 nang dahan-dahan/nang mabuti at makikita ninyo na ito ay ang pinakamabuti (best), hindi ang mga tira-tira (left overs). MAGSISISI, noon hindi ninyo alam ang makatarungan, ngayon kayo ay may pananagutan kung anong nalalaman ninyo. Malalaman ninyo na kayo ay talagang AKIN, kapag nanaisin/hahangarin ninyong magbigay ng ikapu at natutuwa/nasasabik habang sumasapit ito sa inyong Espiritu. Kapag kayo ay nagbibigay ng ikapu kayo ay nag-iimbak lamang ng inyong mga biyaya sa Langit upang mapakawalan/ilabas sa oras ng pangangailangan at mabilis na mga sagot sa inyong mga dasal. Subukan ninyo AKO at tingnan kung AKO ay isang Dios na nagsisinungaling. Basahin ang Malakias 3, pagkatapos ilagay AKO sa pagsubok.

Sapagka’t alam KO na ang karamihan ay hindi maglalaan ng oras upang basahin ito, pahihintuin KO ang AKING tagapaglingkod dito at i-type ito para sa inyo. Tandaan nilinlang kayo ng diyablo sa pamamagitan ng paggamit sa kanyang mga utusan upang maisip ninyo na ang lahat na mga pastor ay nagmamaneho ng Rolls Royce, at may mga pribadong jets, at nagiimbak sa kanilang mga bulsa ng may pilak at ginto. Ang mga yaong gumagawa ng mga bagay na ito ay ninanakaw ang mga ikapu, mga pag-aalay mula sa mga ministro na nangangailangan nito at sa mga sinabihan KO na AKING mga Tao na magbigay ng ikapu at magbigay rin ng mga pag-aalay. Bakit AKO nagsasalita tungkol dito sa pamamagitan ng propetikong mensaheng ito? Ito ay dahil hindi ninyo maririnig ang mga katotohanan na ito sa mga mayayamang ministeryo, sila ay lubhang natatakot na masaktan ang damdamin/magpagalit ng mga tao. Hindi nila kayo bibigyan ng babala kung nasaan ang mga lubo. Hindi nila sasabihin sa inyo na ang kasalanan ay kasalanan, si YAHUVEH ay hindi nagbago, ang mga tao ang nagbago. Ang mayayamang mga ministro ay kinukuha ang pera ng mga pagano at wala man lang pakialam na sabihin sa kanila na kailangan nilang magsisi, sapagka’t sila ay nasa kanilang landas patungo sa impiyerno.

Ang mga ministro na AKING itinatayo/itinataas ay magsasabi sa AKING mga salita; wala silang yaman ng mundong ito upang ikatakot na mawala. Nguni’t sa mga oras ng pagtatapos na ito ay kailangan nasa kanila din ang inyong suporta. Ang mga ministrong ito na sa katapangan ay magiging tulad ni Juan Bautista. Marami sa AKING mga Anak ay nag-iisip na dahil ang mayayaman at sikat na mga ministro ay may mga simbahan na umaapaw, mga linyang tumatayo upang pumasok, sa TV at radyo ang mismong mga pangalan [ay] sikat, kung ganoon sigurado ang ikapu ay aani ng masmarami pang binhi na ibinigay sa isang tao na gumagawa sa AKING trabaho, nguni’t ay hindi sikat, o mayroong materyal na mga pag-aari na nakalista sa itaas. Ang AKING mga matapat na ministro ay sumusuporta sa mga ministeryo gamit ang kanilang mga sariling salapi. Sila ay umaasa sa AKIN upang gumalaw sa mga puso ng mga tao upang maghasik/magpunla ng binhi sa mga mapagpakumbabang ministeryo. Nakipag-usap AKO sa lingkod na ito na AKING ginagamit ngayon upang ihatid ang mensaheng ito noong tinanong niya AKO kung bakit hindi KO pa ipinadala ang isda na may gintong barya sa kanilang mga bibig. Ganito ang sabi ng Makapangyarihang Diyos na si YAHUVEH, sa lahat ng AKING mga tagapaglingkod at mga ministro na nagtanong sa parehong tanong. Sila ay AKING ipinadala, sinabi KO sa kanila na magbigay, nguni’t ayaw nilang sumunod.

Kaya AKO ay magpapaunlad/magtataas ng mga masunuring mga tagapaglingkod na maghahasik ng kanilang binhi sa malusog na nananlo ng kaluluwa na mga ministeryo. Oo pati rin ang ministeryong ito sapagka’t ang mga trabahador/nagtatrabaho ay karapat-dapat ng mga suweldo. Bakit kapag ang isang tao ay may isang makamundong trabaho, ang lahat ay nag-iisip ng oo sila ay dapat mabayaran para sa pagsusumikap. Nguni’t kapag ang isang tao ay nagtatrabaho para sa AKIN at mas nagsisikap pa. Sapagka’t ang isang ministro ay nagtatrabaho sa bawat gising na sandali (waking moment), at sa bawat araw ng kanilang buhay. Ngunit gaano karami ang nakakaunawa na ang mga ito ay karapat dapat na bayaran rin. Hindi nga ba/Hindi ba dapat? Ito ang dahilan ng ikapu. Hindi KO ba inutos na ang unang ikapu ay mapupunta kay Paring Aaron? Basahin ang lahat ng Malakias 3 at tanungin AKO na ituro sa inyo kung bakit may biyaya sa mga ito, hindi lamang para sa lupa na ang binhi ay nakatanim, kundi pati rin sa naghahasik ng binhi. Kayo na nagbabasa nito, hinahatulan ng AKING RUACH HA KODESH at pinapakita kung kayo ay masunurin o hindi. Malakias 3:6-18. AKO, si YAHUVEH, ay hindi nagbabago. Kaya kayo, oh mga supling (descendants) ni Jacob, ay hindi nawasak.

Mula noon sa panahon ng inyong mga ninuno, kayo ay tumalikod mula sa AKING mga utos/batas at hindi iningatan ang mga ito. Bumalik kayo sa AKIN at AKO ay babalik sa inyo, sabi ng MAKAPANGAYARIHANG DIYOS na si YAHUVEH. Nguni’t kayo ay nagtatanong, paano kami babalik? Ang isang tao ba’y magnanakaw kay YAHUVEH? Gayunman pinagnanakawan ninyo AKO. Nguni’t kayo ay nagtatanong, paano KA namin ninanakawan? Sa mga ikapu at mga pag-aalay. Kayo ay nasa ilalim ng isang sumpa, ang buong bansa, sapagka’t ninananakawan ninyo AKO. Dalhin ang buong ikapu sa kamalig (storehouse), upang maaaring may pagkain sa AKING bahay. Subukan ninyo AKO dito, sabi ng Makapangyarihang Diyos na si YAHUVEH at tingnan kung hindi KO bubukasan ang mga bintana ng Langit (umaagos) at bubuhos ng napakaraming biyaya na hindi kayo magkakaroon ng sapat na lugar para dito. Pipigilan KO ang mga peste mula sa paglamon sa inyong mga pananim, at ang mga prutas/bunga ng mga puno ng ubas na nasa inyong mga bukid ay hindi mahuhulog/matatapon sabi ng Makapangyarihang Diyos na si YAHUVEH. Pagkatapos ang lahat ay tatawagin kayong pinagpala, sapagka’t ang sa inyo/mapapasainyo ay magiging isang kagiliw-giliw na lupa, sabi ng Makapangyarihang Diyos na si YAHUVEH at kayo ay nagsabi ng mga napaka-lupit na bagay laban sa AKIN, sabi ni YAHUVEH.

Gayunman kayo ay nagtatanong, “Ano ba ang sinabi namin laban sa IYO?” Kayo ay nagsabi, “Walang saysay ito ang pagsilbihan/ paglingkuran si YAHUVEH, ano ba ang napala/nakuha natin sa pagsasakatuparan ng KANIYANG mga kinakailangan at sa paglilibot bilang mga nagdadalamhati sa harap ng Makapangyarihang Diyos na si YAHUVEH?” Nguni’t ngayon tinatawag natin ang mga mapagmataas na pinagpala. Tiyak na ang mga taong gumagawa ng kamalian ay uunlad/sasagana, at kahit ang mga taong humahamon kay YAHUVEH ay nakakatakas. Pagkatapos ang mga taong natatakot kay YAHUVEH ay nag-uusap sa isa’t-isa, at si YAHUVEH ay nakinig at nakarinig, isang dokumento/kasulatan (scroll) ng pag-alala ay nakasulat sa kanyang presensya tungkol sa mga taong natatakot kay YAHUVEH at pinarangalan ang KANIYANG Pangalan. Sila ay magiging AKIN sabi ng Makapangyarihang Dios na si YAHUVEH, sa araw na binubuo KO ang AKING mga mahal na ari-arian sila ay paglalaanan KO, gaya ng sa paghahambing sa isang lalaking/taong naglalaan sa kanyang lalaking anak na naglilingkod sa kanya at makikita ninyo muli ang pagkakaiba sa pagitan ng matuwid at ng masasama, sa pagitan ng mga taong naglilingkod kay YAHUVEH at sa mga taong hindi nagsisilbi sa KANYA. Ang mga taong sumusuporta sa AKING mga ministeryo na nagsasalita ng AKING Salita, ay ginagawa ito hindi para sa kanilang kapurihan, karangalan, at kaluwalhatian, kundi para sa AKING Kapurihan, Karangalan, at Kaluwalhatian. Upang ang kanilang kabutihan ay maging isang paglalarawan ng Diyos na kanilang pinaglilingkuran. Anong [isang] kaligayahan kayo para sa AKIN.

Oh ang kahihiyan na mayroon AKO para sa inyo na sumusuporta sa AKING mga ministro nguni’t pagkatapos ay ginagawa ito para sa isang pagbawas ng buwis (tax deduction). Talagang wala ng iba pang pagpapala/biyaya maliban dito. Mag-ingat sa mga taong nagbibigay sa mga kawanggawa (charities) upang makuha nila pabalik ang pera sa kanilang mga buwis. Alam KO ang inyong mga puso. Sila ay malayo sa AKIN. Ito ay isang masamang amoy ng isang sakripisyo na hindi nakalulugod sa mga butas ng AKING ilong. MAGSISI NGAYON! Mayroon AKONG napakaraming milyonaryo gayunman napakaliit/kakaunti ang sumusuporta sa mga taong naglalakas-loob na maging mga mensahero KO. Sila ay mananagot sa Araw ng Paghuhukom.

MAGSISI NGAYON!

Mamuhunan sa mga kaluluwa. Hindi ninyo madadala ang pera at mga pag-aari sa panahong iiwanan ninyo ang mundong ito. Tatanungin KO ang mga taong binasbasan/pinagpala ng masagana, “Paano ninyo ginamit ang inyong pera para sa AKING kaluwalhatian, para sa AKING mga Anak?” Ano ang sasabihin ninyo? Si satanas ay mayroong mga taong naghahasik ng binhi/punla sa mga masasamang gawain, masasamang mga pastol na nagbabaluktot/nagpapaikot sa AKING mga Salita, nagsasabi ng mga mensahe na hindi nakakasakit ng damdamin maliban na lamang kung sila ay magdusa sa pananalapi, o mawala ang kanilang libreng katayuan sa buwis (tax exempt). O [sila na] natatakot na masaktan ang damdamin ng mga pagano at hindi natatakot na masaktan ang damdamin ng Makapangyarihang Diyos na si YAHUVEH. Kapighatian sa inyo. Mayroon AKONG itinayong mga ministro na walang makamundong kayamanan. Nguni’t sa katapangan ay sinasabi ang AKING mga salita, pinagpapala ang AKING mga Tao at AKO.

AKO ay nagsasalita sa mga puso ng AKING mga Tao, at nagsasabi na magbigay ng ikapu, magbigay ng mga pag-aalay/paghahandog na pag-ibig at sila ay kumikilos na parang sila ay bingi at bulag sa mga pangangailangan ng mga ministro. Kapighatian sa inyo mga suwail na mga bata/anak! Kukunin KO ang kung anong AKING ibinigay sa inyo at ibibigay ito sa isa sa AKING mga Anak na hindi sakim. Ang trabaho na mayroon kayo na ibinigay KO sa inyo, [ay] hindi para magimbak kung sakaling kakailanganin ninyo ito sa balang araw, kundi para gamitin ito upang ipangaral ang Ebangheliyo sa buong mundo. AKO ay nakiki-pagusap sa mga puso ng mga taong sumamba sa mga materyal na ari-arian nang higit pa sa AKIN. Na sinamba ang pera nang higit pa sa AKIN. Ang mga bagay na ito ay hindi magliligtas sa inyo kapag AKO ay dumating muli. Itayo/buuin ang inyong mga kayamanan sa Langit, kung saan hindi maaaring sirain ng gamugamo at kalawang ang mga ito, kung saan hindi maaring manakaw ng mga mangnanakaw ang mga ito. Ilan sa inyo ang gumagawa nito? Binibigyan ba ninyo ng damit ang hubo’t hubad? Pinapakain ang mahihirap? Hindi sa inyong pangalan kundi sa AKING Pangalan! Hindi para sa inyong kaluwalhatian, kundi para sa AKING kaluwalhatian.

Ang mga Tagapaglibang (entertainers) at mayayaman ay nagbibigay sa lahat ng uri ng mga kawanggawa, iniisip na ito ay magpapayapa sa AKING galit, gayunman ay hindi. Sapagka’t marami ang gumagawa ng mga ito, nagbibigay ng kaunti mula sa kanilang kasaganaan para sa kanilang kapurihan, karangalan at kaluwalhatian hindi para sa AKIN [kundi] sa kanilang pangalan hindi sa AKING [mga] Pangalan. Talagang ito lamang ang kanilang gantimpala. Hindi maaring punuin/punan ng pera ang kahungkagan (void) na AKING sinadya/inilaan upang punuin. Ang lahat ng tao ay may isang kahungkagan (void); ito ay isang bakyum (vacuum) na inilagay sa loob ng bawat taong nilikha sa AKING imahe upang mahalin AKO at naisin na mahalin ang kanilang TAGAPAGLIKHA. Subali’t pinupuno ng sangkatauhan ang yaong kawalan ng napakaraming makamundong bagay, mga materyal na bagay naghahanap ng iba pang mga diyos, gayunman AKO lamang ang makakapagpuno sa kawalan na iyon. AKO ay nagdadalamhati sapagka’t iniisip ng mundo na kapag ang isang tao ay kinuha ng kamatayan yaong mayaman o sikat at alam ng lahat ang pangalan ng taong ito, na ang taong ito dahil sa kanyang kasikatan/katanyagan at yaman sa mundong ito ay magmamana sa kaharian ng Langit. Gayuman ito ay isang kasinungalingan mula sa impiyerno! Kung ang mayaman at ang sikat ay minamahal ng mundong ito, at hindi tinanggihan dahil sa pagiging AKIN; kung ganoon muli ay sasabihin KO na wala sa loob nila ang Espiritu ng Nabubuhay na Diyos!

Sabihin mo sa kanila AKING anak; sabihin mo sa kanila para sa AKIN, ito ba talaga ay karapat-dapat para sa presyo/halaga ng impiyerno para sa lahat ng walang hanggan? Sabihin mo sa kanila na tanging paglilingkod at pagsasamba at pagmamahal lamang kay YAHUSHUA HA MASHIACH, inuuna AKO sa kanilang mga buhay, sinusunod AKO, namumuhay na banal, nagtatanggol sa kabanalan, nagmamahal sa iba ng sapat upang bigyan sila ng babala, ito ang maghahatid/magpapapunta sa kanila sa Langit. Sabihin mo sa kanila AKING anak; sabihin mo sa kanila para sa AKIN, ninakaw nila ang pagmamahal at pagsasamba na dapat para sa AKIN. Sabihin mo sa kanila AKING anak; sabihin mo sa kanila para sa AKIN, kung nais nila ng kaligtasan ito ay dumarating sa pamamagitan ng Dugo na AKING ibinuhos sa Kalbaryo.

Ang mga Tagapaglibang (entertainers) ay gumagawa ng napakaraming mabubuting gawain, gayon pa man ito ay hindi nila ginagawa para sa AKIN, para sa AKING kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatian. Sabihin mo sa kanila AKING Anak, sabihin mo sa kanila para sa AKIN. Sabihin mo sa kanila na MANGAGSISI; tumalikod mula sa kanilang mga kasalanan, mayroong kapatawaran sa AKING ibinuhos na Dugo sa Kalbaryo. AKO ay namatay para rin sa kanila upang palayain sila. Sabihin mo sa kanila AKING Anak; sabihin mo sa kanila para sa AKIN sapagka’t ikaw ay hindi lamang ipinadala sa mahihirap, at sa mga naaabusong tupa, ikaw ay ipinadala sa mga taong naglalagay sa kanilang mga sarili sa itaas ng pamantayan/pamantungan na naniniwala sa kanilang sariling katanyugan/kabantugan na kanilang binili. Ikaw ay ipinadala sa mga pinuno ng lupaing ito, at sa maraming bansa. Sabihin mo sa kanila AKING anak, sabihin mo sa kanila para sa AKIN sapagka’t ang mayayaman at mahihirap ay pareho/magkatulad para sa AKIN. Ibinuhos KO ang AKING Dugo para sa kanila sa Kalbaryo, upang mula sa impiyerno sila ay maaaring mapalaya. Sabihin mo sa kanila AKING Anak, sabihin mo sa kanila para sa AKIN sapagka’t AKO ay darating ng napakabilis! Ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay! Marami sa mayayaman at sikat ay hindi nananampalataya/nagtiwala sa AKIN, ngunit’t sa katanyagan ng mundong ito. Sa kapangyarihan ng isa na mayroong pinakaraming pera.

Kahit ang isang minamahal na punong-abala {talk show host} na alam ng mundo ay minsan ay AKIN ngunit ngayon ay naligaw. Tinatanggap/ Niyayakap siya ng mundo sapagka’t siya ay tumatayo para sa mundo. Hindi na siya tumatayo para sa kabanalan, nguni’t sa halip ay nangungutya sa kung anong alam niya ay banal. Kinukutya niya ang Salita ni YAHUVEH na minsan ay pinaniwalaan niya, naghahanap ng ibang mga diyos para sa kanyang kumakating mga tainga. Siya ay lumalandi/ humahabol (a whoring) sa ibang mga diyos, gayun pa man sabihin mo sa kaniya na MAGSISI siya at bumalik sa AKIN sapagka’t AKO ang nagbigay sa kanya ng pabor at katangyagang ito, upang maakay/pamunuan niya ang mga iba sa AKING nakapagliligtas na Dugo sa Kalbaryo. Sabihin mo ito kay Oprah Winfrey. Sabihin mo sa kaniya AKING Anak, sabihin mo sa kaniya para sa AKIN sapagka’t ang kapalaran ni Prinsesa Diana ay mapapasakanya sa lahat ng walang hanggan kung hindi siya kaagad magsisi at bumalik kay YAHUSHUA HA MASHIACH, na nagbayad sa presyo/halaga, upang siya ay makalaya mula sa kapit ni satanas. Sabihin mo kay Oprah Winfrey, na bumalik sa Kalbaryo na bumalik sa mga ugat ng kanyang mga ninuno kung saan siya nabibilang. Sabihin mo sa kaniya na walang sinuman ang magmamahal sa kanya kagaya ng pagmamahal KO sa kanya.

Sabihin mo sa kaniya na siya ay AKING pinagpala sa bawat kagustuhan ng kanyang puso, at walang anuman/sinuman ang makakapuno sa yaong ginawa ng Diyos na kahungkagan (void) maliban sa AKIN. AKO ay naghihintay sa kanya na bumalik at gayunman ay tinatawag ang kanyang sarili na AKIN, at ang AKING espiritu ay malayo sa kanya. Sabihin mo sa kaniya para sa AKIN, AKING Babaeng Anak, AKO’y umiiyak para sa kanya! AKO’y umiiyak para sa mundong ito na kanyang nililigaw. Sabihin mo kay Oprah, AKING anak, sabihin mo sa kaniya para sa AKIN kahit na maaari siyang mangutya, malalaman niya sa kanyang espiritu na ang isang propeta ni YAHUVEH ay nagbigay ng babala sa kanya at ang taong AKING ipinadala ay ikaw. Sabihin mo sa kaniya AKING anak, sabihin mo sa kaniya para sa AKIN, bumalik sa Diyos ng Kabanalan na minsan niyang sinamba, si YAHUSHUA ha MASHIACH na nagbayad sa presyo sa Kalbaryo. Sabihin sa kaniya na kailangan niyang mamuhay ayon sa Banal na Salita ni YAHUVEH, o hindi niya kailanman makikita ang kanyang pamilya na naghihintay sa kanya sa Langit. Sabihin mo sa kaniya, sabihin mo sa kaniya AKING Babaeng Anak para sa AKIN, sapagka’t ikaw ay AKING tinawag upang magministro sa punong-abala (talk show host) ng mundo na si Oprah Winfrey.

Sabihin mo sa kaniya na siya ay inilaan para maging AKIN, gayunman siya ay tumakbo mula sa AKIN sa oras-oras (time after time). Sabihin mo sa kaniya AKING Babaeng Anak, sabihin mo sa kaniya para sa AKIN. Ang lahat ng AKING mga Anak na nanonood sa kanya sa bawat araw, at nagpapayaman sa kaniya, inuulit ang mga salita na kanyang sinasabi, kayo ngayon ay AKING hinahatulan ng malupit sa pamamagitan ng isang mensaheng katulad nito. Tinatawag ninyo ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng AKING Pangalan, gayunman pinanonood ninyo siya sa araw-araw kinukuha ang kahulugan ng kabanalan at nilalapastangan/dinudungisan [ito]. Tumindig at sabihin sa kaniya, sabihin mo sa kaniya para sa AKIN, kayo rin ang AKING mga tinig na kailangang magbabalik sa kaniya sa Espiritu ng pagsisisi sa pamamagitan ng AKING Dugo na ibinuhos sa Kalbaryo. Sabihin mo sa kaniya AKING mga Anak, Sabihin mo sa kaniya para sa AKIN kayo ito ang sinisikap niyang palugurin/pasayahin at hindi AKO.

AKO ay nasasayahan sa inyo, AKING mga Anak na mayaman sa pananampalataya. Hindi inilalagay ang inyong pananampalataya sa mga yaman ng mundong ito. Hindi kayo maaaring maglingkod sa dawalang Amo/Maestro. Kamumuhian ninyo ang isa at mamahalin ang iba (you will hate one and love the other). Hindi kayo maaring maglingkod sa dalawang mundo, ang mundo ng laman (flesh), at ang mundo ng Kaharian ng Langit. Tanging ang mga tumatanggi sa laman at namumuhay at lumalakad sa RUACH HA KODESH lamang ang AKING matitira/maliligtas. Sabihin mo sa kanila AKING Anak, maging boses KO at sabihin mo sa kanila para sa AKIN. Sa mga taong binigyan ni YAHUSHUA ng espirituwal na mga tainga at mga mata, sa pamamagitan ng mensaheng ito ay mapapalaya. Sabihin mo sa kanila AKING anak, sabihin mo sa kanila para sa AKIN. AKING itim na tupa, kahit gaano kalayo pa man kayo gumala/lumihis, bumalik kayo sa inyong kaisa-isang Mabuting Pastol, bumalik sa AKIN.

Pagwikaan si satanas at mula sa mga demonyo ng kawalang banal (unholiness) na ito ay tumakas at ang Langit ay inyong makikita. Sabihin mo sa kanila AKING anak; sabihin mo sa kanila para sa AKIN, binayaran ni YAHUSHUA ang presyo sa Kalbaryo. Ginawa KO na ang lahat ng magagawa KO; ngayon iiwan KO ang mga desisyon/pagpipilian sa inyo. Sabihin ninyo sa kanila, ang lahat ng mayroong mga tainga upang makinig, at mga mata upang makakita, ipasa ang mga mensaheng ito na AKING sinalita sa inyo, upang maging karapat-dapat kayo sa darating na araw, habang tinitipon KO ang AKING mga hinirang (elect) sa AKING mga bisig at iuuwi sila sa kanilang tahanan. Malalaman ninyo dahil sa inyong mga salita hindi kayo pupunta/aalis na nag-iisa. Sabihin mo sa kanila AKING mga Anak; sabihin mo sa kanila para sa AKIN, si YAHUSHUA ha MASHIACH ay paparating ng mabilis. Sapagka’t ang mga mata ni Gabriel ay nakatutok/nakatingin sa ating Ama na si YAHUVEH, ang tambuli (horn) na nasa kanyang labi, siya ay naghihintay lamang sa senyales ni Ama YAHUVEH, at pagkatapos si AMA YAHUVEH ay iikot sa AKIN at magsasabi, “PUMAROON, NGAYON NA ANG ORAS, PUMAROON AT KUNIN MO ANG IYONG IKAKASAL/NOBIYA!” Hanggang sa oras na iyon AKO ay maghihintay, nanonood at nakikinig nalalaman kung sino ang susunod, at magpapasa sa babalang ito ng darating na araw ng Paghuhukom.

Sabihin ninyo sa kanila AKING mga Anak, sabihin ninyo sa kanila para sa AKIN. Nang sama-sama hayaan ninyo ang inyong mga boses ay umalingawngaw kasama ng AKING propetang ito habang mayroon pang oras. Sabihin mo sa kanila AKING mga Anak, sabihin sa kanila para sa AKIN. Sabihin mo sa kanila AKING mga anak, sabihin mo sa kanila para sa AKIN. Ang pagkakaroon ng pananampalataya sa AKIN ay ang susi ng kanilang tadhana. Nguni’t hindi ito sapat na paniwalaan lamang ang kung sino AKO, ang AKING mga Anak ay kailangang sumunod, magmahal, maglingkod sa Dakilang Diyos na si YAHUVEH [na] “AKO!” Sabihin mo sa kanila AKING anak, kahit na marami ang hindi makikinig, sabihin mo sa kanila para sa AKIN! Ang Langit o ang Impiyerno ay para sa kawalang-hanggan. Sabihin ninyo sa kanila AKING mga Anak, sabihin ninyo sa kanila para sa AKIN. Kayo ay binigyan ng babala sa araw na ito, ano ba? Sasabihin KO ba,”Mahusay ikaw na mabuti at matapat na tagapaglingkod, pumasok,” o sasabihin KO ba, “Lumayo sa AKIN ikaw na manggagawa ng kasamaan at kasalanan, Ang RUACH ha KODESH ng inyong Ama na si YAHUVEH ay hindi kailanma’y nasa iyo. Iyong pinaglingkuran ang diyos ng mundong ito at kasalanan, ngayon ikaw na naglingkod kay satanas ikaw ay magdurusa sa magpakailanman ng kasama niya.” Sabihin ninyo sa kanila AKING mga Anak, sabihin ninyo sa kanila para sa AKIN. SI YAHUSHUA HA MASHIACH AY PAPARATING NANG MABILIS! Sabihin mo sa kanila AKING Anak, sabihin mo sa kanila para sa AKIN!

Ibinigay sa Anak, Mandirigma, Ikakasal kay/ Nobiya ni YAHUSHUA, Propeta Sherrie Elijah (Elisheva Sherrie Eliyahu)
12:46 a.m. 1/24/98.


* * * * * * *

Print Friendly and PDF