Propesiya 30
Mag-ingat! Gagawin KO Ang kung Anong Hindi Ninyo Inaasahan, Sa Oras ng Hindi Ninyo Inaasahan, Sa Paraan na Hindi Ninyo Inaasahan!
Ibinigay
kay Apostol Elisabeth Sherrie Elijah (Elisheva Eliyahu)
Febrero 8,
1999
***************
Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa lahat ng mga Propesiya mula ngayon:
Noon pa man binalaan na kita Elizabeth [Elisheva] na huwag mong papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit bago pa nagkaroon ng isang Ministeryo. Inilagay KO ito sa iyong espiritu dahil walang anuman nito ay gawa ng iyong mga kamay, walang anuman nito ay nagmula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESIYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong RUACH ha KODESH (ESPIRITU SANTO) ang inyong IMMAYAH (INA YAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay gawa ng iyong mga kamay ito ay matagal na sana nabigo. Ito ay sa pamamagitan ng Hangin ng SHKHINYAH GLORY [KALUWALHATIAN] na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na Hangin ng Muling Pagbabangon (Revival), ito ay hindi sa pamamagitan ng iyong hininga, o nabigo na sana ito. (Isaias 42:8).
Noong Hulyo 2010 sinabi rin ni YAHUVEH [ang] Diyos na idagdag ang sumusunod [na salita] mula sa Ika-2 Cronica sa harap ng bawat Propesiya:
2 Mga Cronica 36:16, “Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng DIOS, at niwalang kabuluhan ang KANYANG mga SALITA, at dinusta ang KANIYANG mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng PANIGNOON ay bumugso laban sa KANYANG bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
**************
Ang puso ng mga tao ay bibigo sa kanila sa takot habang nakikita nila ang kung anong darating sa mundong ito sa taong 2000 at sa hinaharap. Dahil ang mga taong kumutya sa kanila na nagbibigay babala, kayo ay makakatikim sa kung anong darating. Mag-ingat, sapagka’t huwag ninyo sayangin ang AKING awa, huwag tapakan ang Dugo ng AKING Anak sa ilalim ng inyong mga paa, ginagawa itong hindi banal, gumagawa ng kasalanan at sinasabing, “Oh buweno, ako’y pinatawad na.” Sapagka’t sinasabi KO sa inyo walang kapatawaran para sa paggawa nito. Mag-ingat sa mga taong nag-iisip na AKO ay isang Dios para kutyain. Mag-ingat sa mga taong hindi pinapansin/sinasayang ang AKING pagmamahal at awa at matiyagang pagtitiis. Mag-ingat sa mga taong nagsasabi, “Ang paghihiganti ay hindi sa akin sabi ng isang Dios ng balanse, kapwa pagmamahal at digmaan.”
Ang mundong ito ay aani sa kung anong hinasik/pinunla nito. AKING mga Sanggol, Nobiya/ Ikakasal, mga Pinili, at mga Hinirang na namumuhay ng Banal na parang ito ang mga huling araw at ikinararangal/ginagalang AKO sa Tunay na Sabbath (Araw ng Pahihinga) at pinapanatili itong Banal, pagmasdan ninyo AKO, AKO ay babalik at mahahanap ang AKING Nobiya/ Ikakasal na mayroong langis sa kanyang lampara, at naghihintay sa kanyang Nobiyo, ang kanyang Tagapagligtas. Siya’y AKING kukunin bilang AKING Nobiya/Ikakasal. Nguni’t ang mga tao na may tanging lampara lamang at hindi langis ay makikita na mayroon silang isang anyo ng kabanalan nguni’t walang kabanalan sa loob. Sila ay lalayo at hahanapin AKO at AKO ay hindi mahahanap.
Walang sinuman ang makakapagsabi na hindi sila binigyan ng babala sa araw na ito.
***********
Kaya ito ay isinalita, Kaya ito ay isinulat sa araw na ito na ibinigay kay Pastor Elisabeth Sherrie Elijah (Elisheva Eliyahu) 2/8/99
|