Propesiya 34
Ang mga Pader ng Dyerikou ay Babagsak Muli!
Ibinigay sa pamamagitan kay Rev. Elisabeth Sherrie Elijah (Elisheva Eliyahu)
Mayo 7, 1999
*************
Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa lahat ng mga Propesiya mula ngayon:
Noon pa man binalaan na kita Elizabeth [Elisheva] na huwag mong papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit bago pa nagkaroon ng isang Ministeryo. Inilagay KO ito sa iyong espiritu dahil walang anuman nito ay gawa ng iyong mga kamay, walang anuman nito ay nagmula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESIYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong RUACH ha KODESH (ESPIRITU SANTO) ang inyong IMMAYAH (INA YAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay gawa ng iyong mga kamay ito ay matagal na sana nabigo. Ito ay sa pamamagitan ng Hangin ng SHKHINYAH GLORY [KALUWALHATIAN] na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na Hangin ng Muling Pagbabangon (Revival), ito ay hindi sa pamamagitan ng iyong hininga, o nabigo na sana ito. (Isaias 42:8).
Noong Hulyo 2010 sinabi rin ni YAHUVEH [ang] Diyos na idagdag ang sumusunod [na salita] mula sa Ika-2 Cronica sa harap ng bawat Propesiya:
2 Mga Cronica 36:16, “Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng DIOS, at niwalang kabuluhan ang KANYANG mga SALITA, at dinusta ang KANIYANG mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng PANIGNOON ay bumugso laban sa KANYANG bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
********************
Kagaya ng sa mga panahon ng nauna, muli KONG wawasakin tulad ng ginawa KO [sa] mga pader ng Dyerikou. Ang mga bansa at mga ekonomiya ay matutumba. Ito’y nagsimula na. Ang mga bansa at mga tao na nagsasabi na hindi KO gagawin ang kung anong sinabi KO ay makakaramdam sa AKING galit sa mga paraan na hindi nila kailanman naranasan noon. Sapagka’t AKO’y kinukutya nang kahit sa mga mukha ng mga tao na tumatawag sa kanilang mga sarili na nilaan para sa AKIN at gayunman sila’y umiikot sa mga gintong idolo at dinideklara na AKO’y nagsasalita at nagpapahalata mula sa mga gintong idolo na ito. Gawa ng mga tao at gawa ng mga demonyo na mga idolo. Ang mga tahanan ng pagsamba ay minsan ay sumamba sa AKIN at ngayon kahit na sila’y tumatawag sa AKING Pangalan at kumakanta ng mga kanta ng pagsamba sa AKIN at nananalangin sa AKING Pangalan – kung saan nagpapakita ang pagpapahalata ng ginto sa mga bibig at sa mga katawan AKO’y hindi mahahanap doon. Ang mga kaluluwa na kanilang iniisip ay inaakay nila sa AKIN ay talagang inaakay sa iba. Makikita nila kung anong nangyayari habang kanilang inaalay ang insenso ng mga panalangin na ito yaon ay isang pagkakasala sa butas ng AKING mga ilong habang inaalay nila sa AKIN ang kakaibang apoy na ito. AKO’y nagbigay ng babala sa pamamagitan ng propetikong babaeng lingkod na ito kagaya ng sinabi KO kay Elias ng Dati/Luma [sa Hebreo, Eliyahu] na magsalita at harapin ang mga Propeta ni Baal kaya AKIN ngayo’y ginagamit ang AKING ‘Elias ng Bago’ [sa Hebreo, Eliyahu] upang gawin rin ito.
Mambabasa magtala kung ito’y hindi pa dumating sa inyong mga simbahan upang tuksuhin kayo; ito’y darating dahil gusto ni satanas na ilaan at MARKAHAN ang mga taong nabibilang sa kanya at ng hindi nila namamalayan sila’y nasimulan nang NAMARKAHAN! Hindi ang MARKA na umaakay sa anumang pagtubos, nguni’t ito ang simula ng panlilinlang na hahantong sa MARKA ng Halimaw! Ang Marka ng Halimaw ay magiging kasing-dali na tanggapin katulad ng gintong MARKANG ito ngayon. (Gintong ngiping mga pasta/ pamasak o mga gintong ngipin o gintong alabok) Sa panahong dumating ang Marka ng Halimaw, iisipin ng mga tao na ito ay isang basbas tuwing sila sa katotohanan ay nagsumpa/nagpahamak sa mismong mga kaluluwa nila sa walang hanggang apoy at asupre. Dahil ang AKING Elias ng Bago [sa Hebreo, Eliyahu] ay nagsasabi sa AKING mga Salita, siya’y nilalalayuan/iniiwasan at sinisiraan ng puri ng mga iba na nagnanais lamang na marinig ang AKING mga basbas na nagpapatatag at ayaw pakinggan ang kung anong AKING mga sumpa para sa mga taong ayaw makinig sa mga salitang sinasabi KO.
Dahil ang mayoridad ay ayaw makinig at magbigay-babala sa mga iba, pahihintulutan KO si satanas na ipagpatuloy na MARKAHAN at linlangin ang mga taong sa kanya sa pamamagitan ng pagpuno ng kanilang mga bibig ng ginto na ipinadala mula sa impiyerno, at payagan silang maniwala sa isang kasinungalingan sapagka’t tumanggi sila na mag-aral at ipakita ang kanilang mga sarili na aprobado. Tinanggihan nila ang katotohanan kaya pinapayagan KO silang maniwala sa isang malaking panlilinlang sapagka’t kinamumuhian nila ang mga mensaherong ipinadala sa kanila upang magbabala at sila ay sinisiraan ng puri nila sa lahat ng paraan, nagsasabi ng mga sumpa sa kanila/ sinusumpa sila; kaya papayagan KO si satanas na punuin ang mga bibig kung saan ang katotohanan ay iniwasan/inilayo ng kayamuan ng mundong gintong ito! Isang araw sila’y lalapit sa AKIN at sasabihin KO sa kanila habang sinasabi nila “Panginoon, Panginoon” at sasabihin KO, “Lumayo mula sa AKIN kayong manggagawa ng kabuktutan/kasalanan, hindi KO kayo kailanman kilala!”
Tumakas mula sa pagpapakita ng ginto na ito na matatagpuan sa mga simbahan sa maraming mga lupain. Ito ay simula lamang ng mga panlilinlang na darating sa mga taong nagsasabi na sila ay AKIN at gayunman ay hindi. Ang mga liderato/pinuno na nagsasabi na sila ay AKIN at gayunman ay hindi namamalayan na napunuan ng mga demonyong nagbubunga ng demonikong mga pagpapakita at iniisip na sinusundan nila AKO at gayunman ay sinusundan ang dios ng libog/kasakiman ng mundong ito, ang kanyang pangalan ay satanas. Ang mga taong nagpapatuloy na makibahagi sa kung anong labag KONG binalaan, na nagpapatuloy sa paninira ng puri at nagpapakita ng kasuklaman sa mga tao na nagsasabi lamang sa AKING mga babala ay makakaramdam ng AKING poot sa mga paraang hindi nila kailanman pinangarap. Ang mga taong minsan KONG tinawag na kaibigan ngayon ay AKING tinatawag na AKING mga kaaway. Ang Gintong alikabok ay nagpabulag sa kanilang mga mata. Binabalaan KO kayo ngayon, “Habang itinataas ninyo ang inyong mga kamay [laban] sa mga propeta na nagbabala, itataas KO ang AKING kamay at ilalayo kayo mula sa AKING totoong mga mensahero na isinugo/ipinadala na may kasamang mga mensahe KO at hindi ang kanila[ng mensahe]!”
Ano ba ang mapapala ng AKING totoong mga Propeta sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga salita na ayaw pakinggan ng karamihan? Sila’y siguradong hindi ginantimpalaan ng pananalapi kahit sa mga taong tumuturing sa kanila na mga propeta, sapagka’t iilan lang ang tutulong sa kanila kapag ang oras ay kinakailangan. Nguni’t ang AKING mga pinagkakatiwalaang mga mensaherong ito ay nakatamo sa tiwala ng kanilang TAGAPAGLIKHA. Ang iilan na mga tao na nagbasbas sa propetang ito na nagsasalita, ay patuloy KONG poprotektahan at kung anong AKIN ay sa inyo at kung anong sa inyo ay AKIN. Pinangangalagaan/Pinoprotektahan KO at pinagpapala ang lahat na nagbabasbas at nananalangin ng mga basbas sa mga taong nagsasabi sa AKING mga mensahe tulad ng ginagawa ngayon ng propetang ito. Ibabahagi KO sa kanila ang AKING mga sekreto at magbabala bago pa maaaring mag-aklas ang kaaway, upang maaari silang umalis sa daan at balaan ang mga iba na gawin din ito. Mga Banal na Kasulatan ay isinasalita sa labas ng konteksto ng mga bulaang propeta at mga liderato. BASAHIN ANG AKING SALITA!
Hindi ba sinabi KO sa isang lalaki na ginagawa ang lahat ng makakaya niya upang masiyahan at sundin AKO at gayon pa man noong dumating siya at sinabi, “Ano ba ang dapat kong gawin upang maging IYONG disipulo?” Hindi ba ninyo natatandaan ang sinabi ni YAHUSHUA sa kanya, “Ibenta ang lahat ng mayroon ka at sundan AKO?” Sinabi KO ito dahil alam KO na siya ay isang napakayaman na lalaki at ang kanyang mga mata ay nasa yaman niya at kahit na mahal niya AKO at sinunod ang AKING mga batas mayroon siyang ibang Dios na nangunguna sa AKIN at ito ay ang kaniyang kayamanan. Hindi ba sinasabi ng AKING salita na ang lalaki ay tumalikod at lumayo sapagka’t ang anong hiniling KO sa kanya na gawin ay tinanggihan niyang gawin. Maaari sana naging disipulo KO ang taong ito nguni’t pinili [niya] ang yaman ng libog/kayamuan ng gintong ito upang akitin siya at ilagay ang kanyang yaman sa harap ng Dios na kanyang sinamba. Ilan sa inyo ang gumagawa rin nito?
Para sa mga sa inyo na hindi gumagawa nito alam KO ang kung sinong nanalangin ng, AMA ipakita MO sa akin kung paano ko magagamit ang pera na ito upang luwalhatiin KA? Paano ko ba magagamit ang mga pagpapalang ito na IYONG ibinigay sa akin upang luwalhatiin KA? Alam KO ang puso ninyo at sila ay nakalulugod sa AKIN. Hindi ninyo nilagay ang mga yaman ng mundong ito na manguna sa inyong Dios at kayo ay AKING itinatawag na AKING mga disipulo. Kung saan ang inyong kayamanan ay naroroon din ang inyong puso. Hindi kayo maaaring maglingkod sa dalawang panginoon. Kamumuhian ninyo ang isa at mamahalin ang iba o mahalin ang isa at kamuhian ang iba. Hindi KO sinasabi sa inyo na ibenta ang lahat at sundan AKO ngunit sa halip ay ialay ito sa AKIN bilang isang nakalulugod na sakripisyo. Pagpapalain KO kayo para sa paggawa nito. Patuloy [ninyo] na itayo/ibuo ang inyong mga kayamanan sa Langit at hindi sa mundo sapagka’t ang isa ay walang hanggan at ang iba ay pansamantala.
Ang ginto na AKING inaalok sa inyo ay ang ginto na alin ay mga pagsubok ninyo na inyong pinagdaanan. Hindi ang sobrenatural/higit sa karaniwan na pamasak/pasta ng mga butas sa inyong mga ngipin. Hindi ang pagwiwisik ng mga gintong batik sa inyong katawan. Hindi ba ang AKING salita ay malinaw na nagsasabi, “Ang mga pagsubok ng inyong pananampalataya ay mas mahalaga kaysa ginto?” Ang mga lumang aklat ay ngayo’y tinatapon sa anong minsan KONG tinawag na AKING mga Templo ng pagsamba. Hindi ba nila naiintindihan na ang AKING mga batas ay hindi nagbago ni nagbago ang Dios na“AKO”. Ang Anak KO ay hindi dumating upang baguhin ang kung anong AKING itinakda bilang batas. Ang AKING Torah ay hindi nagbabago, para sa sinumang lalaki, babae, o bata! “AKO” ay pareho kahapon, ngayon at magpakailanman, ng walang hanggan!
Ang lahat ng mundo ay manginginig sapagka’t “AKO” ay nagsimula nang pumadyak sa mundong ito at ito ay [gamit] ng isang paanan lamang. Sa panahong yayapak AKO sa mundong ito gamit ng DALAWANG PAANAN, ito ay maging sa isang paraan na walang nasyon o lungsod o lupain ang maliligtas mula sa pagyanig/pag-alog! Nguni’t sa muli, ang mga tao na AKIN at nagpapanatiling banal sa AKING mga Sabbath [Araw ng Pahihinga], na sumasamba sa AKIN sa kapangyarihan at sa katotohanan ay AKING ititira, kukupkupin/aalagaan KO kayo. Alamin kung sino tagala “AKO”. Hindi pa AKO nagsimulang umihip sa mundong ito nguni’t makikita ninyo kung ano ang nangyayari kapag ang TAGAPAGLIKHA ng Langit at lupa at ng lahat ng nasa pagitan at sa palibot, ay iihip sa mundong ito gamit ng hininga ni “AKO” sa GALIT at mabangis na POOT!
Iniisip ng tao na makokontrol nila ang kapaligiran at kanilang pinupunlaan ang mga ulap ng lason. Pinupunlaan nila ang hangin ng lason, pinupunlaan nila ang tubig ng lason, pinupunlaan nila ang pagkain ng lason, kahit na ang mga damit ninyo ay nagdadala ng lason upang magkasakit kayo at hindi ninyo ito alam. Pati rin ang mga detergents (gaya ng sabon, shampoo, sabon panlaba at iba pa) na ginagamit ninyo, ang mga pampaganda (cosmetics), mga gamit sa banyo ay nagdadala ng mga lason. Kahit ang mga doktor ay nilalason [nila] ang mga tao na dapat nilang pagalingin. Ang mga doktor ngayon ay pumapatay sa kung anong ibinigay KO sa kanila ang karunungan upang magligtas. Si satanas ang dios ng mundong ito ay nilalason kayo sa lahat ng mga paraan at kayong mga hangal ay hindi ninyo nakikita ang kung ano ang kanyang ginagawa sa mga pinuno ng lupaing ito dahil ang inyong mga isip, mga katawan, mga espiritu, at mga kaluluwa ay nalason. Nilalason ng inyong mga pinuno ng simbahan ang inyong mga espiritu inaakay kayo na maligaw ng nakakalasong mga kasinungalingan at pagbabaluktot ng mga kasulatan at mga huwad na mga palatandaan, mga kababalaghan/pagkamangha, at mga milagro/himala. Iilan ang magnanais na marinig ang katotohanan na maaring magpalaya sa kanila.
Ngayon AKO’Y magsasabi ng mga salita na hindi ninyo muling nais na marinig at gayunman AKO’y nagbabala ng maaga/nangunguna sa panahon, huwag batuhin ang AKING mensahero, hindi ito ang kanyang mga salita. Nasaan ang AKING ibang mga propeta na nakakarinig sa AKING boses at tumangging magsalita ng mga mensahe na nagpapagalit sa laman (flesh) ng mundong ito? Hahatulan KO kayo sa paggawa nito at sa hindi pagsasalita at pagbabala ng pagpapakita/pagpapahalata na ito na nagpapalawak/nagpapahapyaw sa mga templo at mga simbahan ng mga huwad na mga palatandaan, mga kababalaghan at mga milagro. Isang Karnabal na kapaligiran! Tanging “AKO” lamang ang hindi nalibang. Nasaan ang AKING mga Propeta na sinabihan KO na balaan ang mundong ito na manatiling Banal at bumukod (set apart)? Nasaan ang AKING mga Apostol at mga Propeta at ang mga iba pa na hindi naglalaro ng sundan ang pinuno [follow the leader] at nagbabala na huwag makibahagi sa makademoniyong MARKA na ito na inilagay sa ngipin ng mga kongregasyon at dinilig/winisik sa kanilang mga katawan na nagpapaisip sa kanila na sila ay mas Banal at pribilihiyo kaysa sa mga taong wala nito. MGA HANGAL! Binitag/itinakda kayo ni satanas at hindi ninyo ito alam. Minsan hinila ni Hitler ang ginto mula sa mga bibig noon at gagawin ito ng anti-kristo muli. Kayo na naniwala dito ay nalinlang at may gintong lagnat (gold fever) tinatalikuran ang katotohanan para sa mga kasinungalingan mula sa impiyerno.
AKO ngayo’y nagsasalita sa AKING mga Anak na nakakakilala sa kasamaan na ito bilang masama. Kayo ay magiging AKING mga Josue/Joshua at gawin ang ginawa ni Josue/Joshua at anumang kasamaan na sasagabal sa inyong daan upang mapanatili kayo sa pagkaalipin magmartsa at libutin ito ng anim na araw sa isang beses. Sa ikapitong araw magmartsa at libutin ito ng PITONG beses hipan ang Shofar na torotot kung mayroon kayong isa, pagkatapos ay ISIGAW ang kung anong sasabihin KO sa inyo na sabihin! Kayo ay makakakita ng tagumpay kung gagawin ninyo ito at sundin ang lahat ng sinasabi KO sa inyo na gawin. Siguraduhin na ang inyong mga puso ay wagas at hindi nagtatago ng mga kayamanan ng paganong mundong ito tulad ng sa Dyerikou. Siguraduhin ninyo na kayo’y taos puso at anuman ang nagpaalipin sa inyo, kung mayroon kayong pananampalataya upang maniwala at kayo ay namumuhay na Banal sa harap KO, makikita ninyo ang TAGUMPAY sa mga paraan na hindi ninyo kailanman pinangarap.
Ito ba’y isang pakete ng sigarilyo na nagpapaalipin sa inyo? Ito ba’y alak o pornographiya? Mayroon bang isang taong nagpapaalipin sa inyo? Ano ba ito AKING anak? Anong pader ng Dyerikou ang gusto ninyong makitang bumagsak? Nguni’t mag-ingat, sapagka’t tandaan KAMATAYAN ang sumapit sa Dyerikou. KAMATAYAN ay sumapit sa AKING mga kaaway at pati rin sa mga taong sumuway. Ang mga taong nagmartsa ay binigyan KO ng tagumpay! Basahin ang AKING libro na Josue/Joshua 6, ang mga pader ng Dyerikou ay babagsak habang ang mga taong may pananampalataya upang maniwala makikita nila muli hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng isang babae o lalaki kundi sa pamamagitan ng mga kamay ng MAKAPANGYARIHAN DIOS, “AKO” ay AKO” wala ng iba pa!
Ngayon AKO’y nagsasalita tungkol sa itong darating na lindol na napropesiya/hinula na darating na wawasak sa mundong ito ng hindi katulad noon. Binibitawan KO ngayon ang propetang ito upang isalita ang kung anong sinabi KO sa kanyang sa mga araw na nakalipas. Ano ba ang dapat KONG gawin, ipadyak ang AKING dalawang paa ngayon sa kabuktutan/kasamaan ng mundong ito at payagan ang taong gawa na kasamaan na manguna sa AKING talakdaan? Ano ba gagawin KO? Nakita KO ang pag-aayuno at narinig ang mga dasal para ipagpaliban ang kung anong papayagan KO. Nguni’t hindi ba sinasabi ng AKING Salita “Kung ang AKING mga Tao ay magpakumbaba sa kanilang mga sarili at yumuk (mahulog sa kanilang mga mukha) pagagalingin KO ang kanilang lupain?” Hindi masyadong marami ang gumagawa nito at ito’y nagpapadalamhati sa AKIN nguni’t ano ba ang dapat KONG gawin sa ilang nagdadalamhati sa mga digmaan at nagdadalamhati sa kasamaan ng lupaing ito? Ano ba ang dapat KONG gawin? Kung papayagan KO ito, kung ganoon ang AKING mga Tao na nagtitiwala na hindi KO ito gagawin at ito’y mangyayari ay mag-iisip na ang kanilang mga panalangin at pag-aayuno ay naging walang saysay. Kahit ang mga satanikong tagasunod at mananamba, ang mga taong lumuluhod sa kanilang tuhod kay Baal ay nakakalam na mayroong kapangyarihan sa pag-aayuno [na] sa pagkakaisa, gaano pa kaya kahigit ang kapangyarihan kapag ang AKING mga Tao na tinawag ng AKING Pangalan ay gagawa nito. Hindi ba sinasabi ng AKING mga Banal na Kasulatan na ilang bagay ay nagbabago lamang sa pamamagitan ng pag-aayuno at panalangin.
Gayunman kung hindi KO ito gagawin at ipakita ang AKING matinding poot, pumapadyak sa mga lupain sa buong mundong ito sa isang beses, ang AKING mga Propeta ay makukutya at tatawaging mga huwad na mga propeta! Sila ay matataktakan tulad ng pagtatak kay Jonas noong inakala ng mga tao ng Ninevah na siya’y nagpropesiya ng huwad/kasinungalingan. Siya’y nagalit sa AKIN. Nguni’t sinasabi KO sa inyo na ang mga taong nagpropesiya sa malaking pagkawasak na darating sa Mayo 8 ay hindi nagsisinungaling sa inyo. Gayon pa man dahil sa mga panalangin at pag-aayuno at malinis na mga puso at mga luha AKING inantala ang Paghuhukom nguni’t sa isang napakaikling panahon! May magkakaroong pagyapak/pagpadyak ngunit hindi sa antas na isinalita hindi sa oras na ito, kayo’y nabigyan ng isang pananatili ng pagpapatupad [stay of execution], gamitin ito ng maalam. Huwag maglakas-loob na siraan o kutyain ang AKING mga Propeta na nagbabala sa inyo. Sa halip ay lubusang magpasalamat. Kung hindi sila nagbigay ng babala, kung ganoon ang Mayo ay naging isang buwan sana na hindi katulad ng iba[ng buwan] sa balat ng mundong ito sa ngayon.
Ngayon para sa masamang balita dahil pinigilan KO ang AKING Paghuhukom para sa isang maikling oras/panahon ang galit KO ay lumalago lamang na mas-mabangis sapagka’t pinipigilan KO ang AKING poot nguni’t ito’y lumalago lamang ng masmainit laban sa kasamaan ng mundong ito. Ang inyong mga panalangin ay nagantala lamang sa di maiiwasang katulad ng Nineveh. Huwag maglakas loob na mangutya sapagka’t ang mga taong nangungutya sa AKING mga Propeta ay makakakita sa kung anong nangyayari kapag kutyain KO sila. Ang mga taong nangungutya at hindi nagpapasalamat para sa itong pagpapaliban ng pagsasagawa [stay of execution], MAG-INGAT. Kahit anuman ang iniisip ng iba sa inyo hahatulan KO kayo batay sa mga salita na inyong sinasabi. Hindi kayo magkakaroon ng pagpapaliban ng pagsasagawa [stay of execution] ngunit sa isang itinalagang panahon ang DIOS NG LANGIT ay wawasak sa inyo at sa lahat ng inyong sambahayan na kasama ninyong nangungutya at sa lahat ng mayroon kayo, ibibigay KO ang mga basbas sa AKING minamahal na hindi naglalakas-loob na mangutya kundi sa halip ay pumupuri sa AKIN para sa pagpapaliban ng pagpapatupad [stay of execution] na ito.
Ginagawa KO ito nang sa gayon marami ang makakakita na AKO ay isang Dios ng Awa at Pagmamahal pati na rin ng poot. Ginagawa KO ito upang makita ninyo ang kapangyarihan ng panalangin at ng pag-aayuno kapag pinagsama sa Pangalan ni YAHUSHUA ay magpapakilos sa AKING kamay at aantala sa AKING darating na mga paghuhukom. Ngunit mga sinisinta, habang ang paghahatol ay naantala gayon rin ang AKING pagdating. Kapag AKO ay dumating muli, malaking pagkawasak ang magaganap sa mundong ito na hindi katulad nang ibang panahon. Walang mga babala ang maibibigay maliban sa kung anong sinabi ng mga propeta at ayon sa AKING mga Banal na mga Balumbon (scrolls) na inyong tinatawag na mga [banal na] kasulatan.
Dapat KO rin ilathala/ilabas ang babalang ito sa pamamagitan ng AKING babaeng lingkod ngayon [na] sinabi KO sa kanya sa isang panaginip noong Abril 20, 1999 at gayunman ay hindi siya binatawan upang sabihin ito hanggang ngayon nguni’t sa mga ilang ipinagkakatiwalaan. Ngayon na ang oras upang sabihin KO ito. Huwag maglakas-loob na magreklamo laban sa AKING mensahero sapagka’t sa muli ano ba ang mapapala niya sa pagbitaw ng isang mensahe na ayaw marinig ng mga nangangating mga tainga?
AKO’y nakipagusap sa kanya sa kanyang panaginip at sinabi sa kanya na sabihin sa inyo ito; dumating na ang oras nang ito ay mapanganib na manirahan sa parehong tirahan ng mga hindi mananampalataya. Sapagka’t ang mga mag-asawa ay magtataksil sa isa’t isa, ang mga anak ay magtataksil sa mga magulang at iba pa. Kayo na nasa hindi pantay na pamatok/yuguhan (unequally yoked) at gayunman ay nagagawang mamuhay na magkasama na kapwang naglilingkod sa iba’t ibang mga Dios kahit na ang hindi nananampalataya ay maaaring aangkin na siya’y naniniwala sa isang Dios, hindi ito ang Dios na inyong pinaglilingkuran at sinasamba at inuuna. Manalangin ngayon para sa isang daanan ng pagtakas bago pa kayo’y maihatid/maibigay upang maging isang pagaalay/sakripisyo. Para sa mga tao na walang isang daan ng pagtakas at gayunman ay nagdasal para sa isang daan ng pagtakas AKO’y gagawa ng isang daan ng pagtakas para sa inyo. Naiintindihan KO, sabihin lamang ito sa panalangin at gagawin KO ang kung anong hindi KO pa nagawa noon pababagsakin KO ang-pader ng Dyerikou para sa inyo at ang hindi nananampalataya ay hindi na maging isang sagabal sa inyo sa pagsasamba at paglilingkod sa AKIN. Tunay ninyong masasabi [na], “Para sa akin at sa aking tahanan aming paglilingkuran ang Panginoon!”
Marami sa inyo ay binigyan KO ng isang daan palabas sa pananalapi at gayunman ay hindi pa kayo kumilos noong sinabi KONG, ‘TUMAKAS KAYO NGAYON!’ Marami sa inyo ay may mga lugar na mapupuntahan at gayunman ay pinipiling manatili sa mga hindi nananampalataya. Inyong ginawa/inayos ang inyong kama at hihiga dito. AKO’y nagdadalamhati para dito. Marami sa inyo ay nagmakaawa at umiyak para sa isang daan/paraan ng pagtakas at walang nahanap. Ito ang mga taong papalayain KO sa mga paraan na hindi nila iniisip. Walang isang luha na inyong ibinuhos sa kasamaan na pumapaligid sa inyo sa inyong tahanan, sa pamamagitan ng iba na nasa inyong tahanan, sa pamamagitan ng inyong mga asawa o mga anak ay hindi dumaan nang walang pansin. Ang lahat ng mga luha ay naka-imbak at pupunasan KO ang inyong mga luha at pagpapalain kayo sa mga paraan na hindi ninyo kailanman itinuturing na posible. HINDI BA AKO ANG INYONG PASOBER? Hindi ba sinabi KO sa AKING Banal na mga Salita, “Ano ba ang kinalaman ng Liwanag sa Kadiliman?” AKING anak doon ay may kadiliman o Liwanag hindi pwede ang dalawa. Kung saan ang liwanag AKO’y naroroon, kung saan ang kadiliman si satanas ay naroroon. Magsalita ngayon at patunayan sa AKIN kung aling Dios ang inyong pinaglilingkuran! Habang kayo ay naging mapagpasensya gayon rin AKO ay naging mapagpasensya nguni’t ngayon ang panahon/oras ay nalalapit at ang taon ay nalalapit sa dulo at kung kayo‘y hindi makikinig ngayon sa susunod na taon kayo’y mananalangin na maaari ninyo AKONG sundin at lumayo mula sa mga manggagawa ng kasamaan, sa muli para sa mga karamihan ito ay maging huli na.
Ang mga hindi mananampalataya ay aalay sa inyo bilang isang sakripisyo/handog at binalaan KO kayo ngayon sa kung anong darating. Inutusan KO ang AKING propeta ng dati tulad ng nakasaad sa Banal na mga Kasulatan na utusan ang AKING mga pari na magdiborsyo/maghiwalay sa mga pagano na sumasamba sa ibang Dios hindi ba? Ang mga pari ay nagkaroon ng mga anak sa mga paganong mga babaeng ito at gayunman ay hindi KO ipinasya/inutos ang mga kasalan na ito. Nakita ninyo na ang isang tahanan na hinati laban sa sarili nito ay hindi makakatayo. Tulad noon, gayon ito ay [magaganap] muli. Ang mga pari ay lumaban/tumutol at pinasampal KO sa AKING propeta ang kanilang mga mukha at pinahila ang kanilang mga balbas. Gusto ba ninyo na gawin KO ito ulit? Tanging sa oras na ito ay hindi ito maging isang propeta kundi ang MAKAPANGYARIHAN DIOS “AKO” na gagawa nito at maslubha pa! Huwag mawalan ng pag-asa AKING mga Anak; ang mga taong nagnanais na maging malaya at gayunman ay hindi alam kung papaano ito gawin.
Alam KO kung sino sa inyo ang makakagawa nito, at kung sino ang hindi makakagawa nito, papalayain/ililigtas KO ang mga taong hindi nakakagawa nito nguni’t kailangan nilang sabihin ito sa AKIN, manalangin sa AKIN at unahin AKO, maglalakas-loob na mangyamot/magpagalit kung saan hindi sila nangyamot noon! Ang AKING mga Tao ay hindi dapat matakot sa mga hindi mananampalataya, ang mang-aalipusta, ang mapanlait, sapagka’t kahit na kayo’y itinuturing ng mundong ito na iisa, hindi KO kailanman pinasya na kayo ay iisa sa mga hindi sumasampalataya. AKO ay magliligtas tulad ng pagliligtas KO kay Josue sa Dyerikou muli. Maniwala hindi lamang ng inyong isipan kundi ng inyong Espiritu. Gumawa ng isang Dyerikou na martsa sa palibot ng yaong kung saan nais ninyo na palayain kayo ng AKING kamay. Magdasal at ipapakita KO sa inyo ang AKING pagliligtas. TULAD NG GINAWA KO ITO NOON GAGAWIN KO ITO ULIT!
Ang AKING Babaeng Lingkod na nagsasalita ng salitang ito ay nagbayad ng presyo para sa pagpapahid upang sabihin ang propetiko na mensaheng ito upang palayain ang mga bihag sa Pangalan ni YAHUSHUA! Tanging AKO lamang ang may alam sa presyong binabayaran niya at ang mga tao na titindig laban sa kanya, sapagka’t si satanas ay mapipilitang kalasin ang marami na nasa hindi pantay na pamatok/yuguhan na mga kasalan (unequally yoke marriages) at mga pamamahay.
Ang Pag-aayuno at mga panalangin sa muli at mga Dyerikou na Martsa ay pipilit sa mga pader na bumagsak. Nguni’t ang AKING mga Tao na gumagawa nito ay hindi maiiwan sa isang espiritu ng kahirapan sapagka’t basahin ulit ang AKING Aklat ng Josue tingnan kung paano KO sila pinagpala, kinukuha ang yaman ng masasama at ibinibigay ito sa matuwid. Ang yaman na ito ay hindi ginagamit para sa mga kasiyahan/kagalakan ng mundong ito kundi para sa AKING Kaharian upang patuloy na suportahan ang mga iilang mga propeta na meron AKO tulad ng babaeng lingkod na ito na naglalakas-loob na sabihin ang kung ano ay hindi pa nasasabi ng isang propeta nang buong-tapang sa kabila ng mga kahihinatnan. Ilan sa inyo ang magtatago sa AKING mga Propeta at mga disipulo sa panahong dumating ang oras/panahon?
Sino ang gagawa sa ginawa ni Rahab sa Aklat ng Josue? Hindi ninyo kailangang matakot sapagka’t hindi ba sinabi KO kay Josue na itira ang burikit [kalapating mababa ang lipad] at ang kanyang pamilya at ang lahat ng kanyang tirahan at ang lahat ng sa kanya? Bago niya kinuha ang lungsod pagkatapos ng pagbagsak ang mga pader. Ang mga pader ng Dyerikou na itinayo upang protektahan ang masamang lungsod na ito at gayunman ay ginamit KO ang AKING mga Tao upang isigaw ang isang DIGMAANG SIGAW at ang mga PADER ay bumagsak sa ALABOK! Ginamit KO ang AKING mga Tao na nakarinig sa AKING boses at sinunod AKO at hindi nagsabi ng isang salita habang nagmartsa sila nang isang beses sa loob ng anim na araw [at] pagkatapos [ay] pitong beses sa palibot sa IKAPITONG ARAW at pagkatapos sinigaw ang tagumpay na digmaang sigaw (war cry)! Dahil ang pagkakaisa ay mahalaga, maging nagkakaisa at gawin ang ginawa ni Josue.
Inuutusan KO ang propetang ito ngayon na magdasal para sa isang araw na itinabi kung kailan magkasama kayo ay sisigaw at gagawa ng isang Dyerikou na Martsa sa anumang gusto ninyong maialis sa inyong mga buhay na hindi nagdadala sa AKIN ng Kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatian! Pati na rin ang mga taong hindi nangangailangan ng anumang bagay na maalis inuutusan KO kayong magkisali/maki-isa sa Dyerikou na Martsang ito para sa inyong mga Lalaki at Babaeng kapatid na talagang nangangailangan ng pagpapalaya! Tumigil sa pagiging hambog sa inyong sariling mga pagpapala, kung di aalisin KO sila mula sa inyo at ibibigay sila sa iba. Hindi ninyo kailangan na pisikal na magkasama alamin lamang ang kung anong kailangang maialis. Magmartsa sa palibot/paligid ng inyong sariling mga bahay para sa kapakanan ng mga tao na ang mga tahanan ay nahahati ng mga hindi mananampalataya at mga mananampalataya.
Manalangin at ipapakita KO sa inyo kung papaano ninyo matulungang palayain ang inyong mga lalaki at mga babaeng kapatid kay YAHUSHUA! Ito ang maging inyong pag-aayuno, mga panalangin at Dyerikou Martsa na magagamit bilang isang susi na iikot sa mga kandado na labis naroroon sa napakatagal [na panahon] na ito ay parang kalawangin na sinirado, gayunman sa Pangalan ng YAHUSHUA habang ginagawa ninyo ito ng nagkakaisa ito’y mabubuksan at kung anong bubuksan ni “AKO [I AM]” walang tao o diyablo ang makakasarado nito muli kung maaari lamang kayo maniwala sa/ng may pananampalataya ang pagpapalaya na ito ay sa wakas ay inyong makikita. Sirain ang kandado ng inyong bihag na mga lalaki at babaeng kapatid at palayain sila sa pagkakaisa. Ialay sa AKIN ang lahat ng hindi pantay na pamatok/yuguhan (unequally yoked) na mga sambahayan/pamamahay tulad ng ginawa ni Abraham kay Isaac at tingnan kung anong gagawin KO sa inyong mga alay [/sakripisyo]. Marami ang mapapalaya kung maaari lamang kayo MANIWALA!
Ibinigay kay Apostol Elisabeth Sherrie Elijah (Elisheva Eliyahu)
* * * * * * *
Karagdagang Nota:
A Stay of Execution Wikipedia/Isang Pagpapaliban ng Pagsasagawa Wikipedia
A stay of execution is a court order to temporarily suspend the execution of a court judgment or other court order. The word "execution" does not necessarily mean the death penalty; it refers to the imposition of whatever judgment is being stayed.
Ang isang pagpapaliban ng pagsasagawa ay isang utos ng korte upang pansamantalang isuspinde ang pagpapatupad ng paghatol ng korte o iba pang kautusan ng korte. Ang salitang "pagpapatupad/pagsasagawa" ay hindi nangangahulugang parusang kamatayan; ito ay tumutukoy sa pagpapataw ng anumang paghuhukom ay nanatili.
A stay can be granted automatically by operation of law or conventionally, when the parties in a civil or criminal case agree that no execution shall occur for a certain period.[1] If a party appeals a decision, any judgment issued by the original court may be stayed until the appeal is resolved.
Ang paglagi ay maaaring awtomatikong ipagkaloob sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng batas o conventionally, kapag ang mga partido sa isang sibil o kriminal na kaso ay sumasang-ayon na walang pagpapatupad ay mangyayari para sa isang tiyak na panahon. [1] Kung ang isang partido ay humiling ng isang desisyon, ang anumang paghatol na inisyu ng orihinal na hukuman ay maaaring tumigil hanggang sa malutas ang apela.
Unequally yoke halimbawa at pagpapaliwanag:
2 Corinthians 6:14 in the King James Version: “Be ye not unequally yoked together with unbelievers: for what fellowship hath righteousness with unrighteousness? and what communion hath light with darkness?”
2 Mga Corinto 6:14 sa King James Version: "Huwag kayong magkaugnay sa mga di-sumasampalataya: sapagkat anong pakikisama ay may katuwiran sa kalikuan? at anong pakikipagkaisa ang may liwanag sa kadiliman? "
A yoke is a wooden bar that joins two oxen to each other and to the burden they pull. An “unequally yoked” team has one stronger ox and one weaker, or one taller and one shorter. The weaker or shorter ox would walk more slowly than the taller, stronger one, causing the load to go around in circles. When oxen are unequally yoked, they cannot perform the task set before them. Instead of working together, they are at odds with one another.
Ang isang pamatok ay isang kahoy na bar na sumasali sa dalawang baka sa bawat isa at sa pasanin na kanilang hinila. Ang isang "unequally yoked" na koponan ay may isang mas malakas na baka at isa na mahina, o isa na mas mataas at isang mas maikli. Ang mas mahina o mas maikli na baka ay lalakad nang mas mabagal kaysa sa mas mataas, mas malakas, na nagiging sanhi ng pag-load sa paligid sa bilog. Kapag ang mga baka ay hindi magkapantay, hindi nila maisagawa ang gawain na itinakda sa harap nila. Sa halip na magtrabaho nang sama-sama, sila ay magkakaiba sa isa't isa.
|