Propesiya 35
Ipinagkanulo
sa Pamamagitan ng
Isang Halik
Binigay
sa pamamagitan kay Rev. Sherrie Elijah (Elisheva Sherrie
Eliyahu)
Mayo 16,
1999
Noon pa man binalaan na kita Elizabeth [Elisheva] na huwag mong papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit bago pa nagkaroon ng isang Ministeryo. Inilagay KO ito sa iyong espiritu dahil walang anuman nito ay gawa ng iyong mga kamay, walang anuman nito ay nagmula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESIYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong RUACH ha KODESH (ESPIRITU SANTO) ang inyong IMMAYAH (INA YAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay gawa ng iyong mga kamay ito ay matagal na sana nabigo. Ito ay sa pamamagitan ng Hangin ng SHKHINYAH GLORY [KALUWALHATIAN] na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na Hangin ng Muling Pagbabangon (Revival), ito ay hindi sa pamamagitan ng iyong hininga, o nabigo na sana ito. (Isaias 42:8).
Noong Hulyo 2010 sinabi rin ni YAHUVEH [ang] Diyos na idagdag ang sumusunod [na salita] mula sa Ika-2 Cronica sa harap ng bawat Propesiya:
2 Mga Cronica 36:16, “Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng DIOS, at niwalang kabuluhan ang KANYANG mga SALITA, at dinusta ang KANIYANG mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng PANIGNOON ay bumugso laban sa KANYANG bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
**********
__________________________________________________________
AKING Minamahal na mga Anak, “AKO “ay ang Panginoon na inyong Dios. Iyan ang AKING Pangalan at ang AKING kaluwalhatian at hindi KO ibibigay sa iba, ni ang AKING kapurihan sa mga larawang inanyuan/inukit. Masdan, ang dating mga bagay ay natupad/nangyari, at mga bagong bagay ay AKING ipinahahayag bago sila sumibol sinasabi KO sa inyo ang tungkol sa kanila. Ang mga tao na may espirituwal na mga tainga upang makinig ay makikinig, ang lahat ng iba ay mananatiling bingi at pipi. Tandaan sila Samson at Delilah. Hinahangad ng AKING mga kaaway na kunin ang inyong lakas, iyon ay ang inyong pananampalataya sa AKIN. Hinahangad ng AKING mga kaaway na kunin ang inyong kalayaan, mga pinansyal, at mga buhay. Hinahangad ng AKING mga kaaway na wasakin ang inyong mga kaluluwa, binibigay sila kay satanas bilang isang sakripisyo/handog. Sila ay nagbabanta sa inyo, tinatakot kayo, inu-usig kayo at gayun pa man maraming tao ay magtataya/magbibigay ng kanilang buhay dahil sa hindi pagsuko sa kanilang pananampalataya.
“AKO” ay
nagpahid (anointed) sa inyo at itinakda kayo sa Ministeryong ito
upang maging isang katulong/lingkod sa Ministeryong ito sa lahat ng
mga paraan. Kung naniniwala kayo sa AKING mga salitang ito, kung
ganoon dapat ninyong ibahagi ang mga salitang ito na AKING ibinigay
sa Babaeng Propetang ito. Dapat ninyong takpan/lukuban at mamagitan
para sa Babaeng Propetang ito, at sa ibang mga Propeta at mga Apostol
na isinasalita KO sa inyong espirito. Ang mga Propetikong mensahe na
ito ay nakakatulong sa pagdadala ng naliligaw patungo sa Kaharian ng
Langit sa pamamagitan ng pagministro sa kanila kapwa sa pamamagitan
ng pagpapabuti at pagsaway/pagwika (rebuke). Ang AKING mga Anak ay
nahihikayat at ang AKING mga kaaway ay nabigyan ng babala at ang
AKING mga alibughang (prodigal) mga lalaki at mga babaeng anak ay
bumabalik.
Kayo ay dapat naroroon
upang iangat ang mga kamay ng Babaeng Propetang ito kapag sila ay
napakahina para sa kanya upang maiangat sila sa oras ng labanan.
“AKO” ay patuloy na magpoprotekta sa mga taong
tumutulong, naghihikayat, nagdadasal, at sumusuporta habang
pinamumunuan/inaakay KO sa pamamagitan ng AKING RUACH HA KODESH
marahil isang panghihikayat na salita o nagkapagpapatibay na
propesiya ay ang lahat ng iaakay KO sa inyo upang isalita sa
Ministrong ito. Tanungin AKO kung anong maaari ninyong gawin upang
makatulong. Tanungin ninyo siya kung anong maaari ninyong gawin
upang makatulong. Siya ay isang tinig lamang. Isama ang inyong mga
tinig sa kanyang boses at tulungan ninyo siya na abutin ang mundong
ito ng AKING mga Salita. Kayo ay magpapala sa AKIN sa pamamagitan ng
pagsunod at pagtulong na ibahagi ang lahat ng mga mensahe na binigay
sa kanya.
“AKO” ay magtatakda ng/ maglalagay sa inyong mga pangalan sa pintuang-daan (gates) ng AKING mga pader. Kayo ay magpapatuloy na liliwanag kagaya ng mga hiyas na itinakda/inilagay sa pinakamainam na tagpuan ng pinakamabuti ng Langit. Ang Lahat ng tunay KONG mga Propeta at mga Apostol ay nangangailangan ng inyong tulong kabilang din ang isang ito. Sila ay inaatake sa iba’t-ibang paraan, ang ilan ay sa pisikal, ang ilan ay sa isipan, ang ilan ay sa emosyonal, ang ilan ay sa pinansyal, ang ilan ay sa espirituwal. Ang AKING babaeng lingkod ay inaatake sa araw-araw sa lahat ng mga paraan na ito. Gayunman “AKO” ay nakakarinig sa makapangyarihang mga panalangin ng pamamagitan (intercession) at “AKO” ay nagtataas sa AKING espada/tabak ng RUACH HA KODESH at tiyak na gaya ng si Golayat ay nahulog ay gayon rin ang mga kaaway na nangungutya sa mensaherong ito na ipinadala upang ihatid ang mga propetiko na mga mensahe. Tulad ng si Golayat ay binigyan ng babala ni David, “AKO” ay nagsasabi ng babalang ito sa araw na ito. Bagaman kayo’y nangungutya, ang AKING Salita ay nananatiling pareho, “Huwag hawakan ang AKING pinahiran ni gawan ng pinsala ang AKING mga Propeta” (Mga Awit 105:5 at 1 Mga Cronica 16:22.)
“AKO” ay maghahatol sa bawat salita na sinabi laban sa babaeng lingkod na ito at sa AKING iba pang mga Apostol at mga Propeta dahil lamang sa pagsasalita sa kung anong sinasabi “KO” [I’AM}. “AKO” ay magpapala sa mga taong mayroong mga tainga upang makarinig at makinig at isusumpa ang mga taong tumatawag sa kung ano ang Banal na hindi banal. “AKO”ay nakakaalam sa mga pangalan at mga puso ng mga taong dumarating at dumating bilang isang kaibigan at inangkin na isang biyaya, pagkatapos ay tumalikod sila at ang maskara ay nahulog at si Hudas ay nasa ilalim. Kapighatian sa mga Hudas na naghahangad na sumali o naghahangad sa pagkawasak ng Ministeryong ito at naghahangad na pigilan ang bibig ng Babaeng Propetang ito na nagsasalita sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa kanya o pagpalungkot/pagpadalamhati sa RUACH HA KODESH na nasa loob niya. Nakikita lamang ninyo ang babae, nakikita KO ang RUACH ha KODESH na nasa loob at alam ang puso ng Babaeng Propetang ito tulad ng alam KO rin kung sino ang AKING pinangunahan/inaakay sa pamamagitan ng AKING RUACH HA KODESH upang basahin ang propetiko na salitang ito ngayon. Sa mga kambing sinasabi KO, “MANGAGSISI, TUMALIKOD MULA SA INYONG MASASAMANG MGA GAWAIN” bago pa maubos ang oras para sa pagsisisi!
Sa AKING mga Sanggol, Nobiya/Ikakasal, mga Pinili at Hinirang, “AKO” ay nagsasabing, “Pinagpala ang tawag KO sa inyo at papatunayan na gagantimpalaan KO ang mga taong masigasig na naghahanap sa AKIN at nagsisikap na sundin ang AKING mga batas. Mapalad ang mga taong nagsisikap na maging Banal tulad ng “AKO” ay Banal. Mapalad ang mga taong nag-iimbak ng kanilang mga kayamanan sa Langit at hindi sa Lupa. Na tumatakbo patungo sa marka ng mataas na pagtawag. Ang pagiging AKING Nobiya/Ikakasal ay ang pinakamataas na pagtawag sa lahat.” Ito ang pinakamadakilang kayamanan sa lahat. Mayroong mga bisita at mayroong mga Nobiya/ mga Ikakasal. Magsikap na maging AKING Nobiya/Ikakasal. Hindi KO tinatawag ang lahat na AKING Nobiya/ Ikakasal, tanging ang mga inilaan para sa AKING kaluwalhatian lamang ang tatawaging AKING Nobiya/Ikakasal.
Kilala ng AKING Nobiya/Ikakasal ang isa’t-isa, ang isang estranghero ay hindi nila kilala. Ito ay isang ministeryo na ipinadala upang magministro/maglingkod at ihanda ang AKING Nobiya/Ikakasal. Ang mga tao na nangungutya mag-ingat, sapagka’t ang inyong pangungutya at pagwika [rebuke] ay babalik sa inyong sariling mga tainga. Sino kayo upang sabihin kung ano ang maaaring gawin ni AKO [“I AM”] at hindi maaaring gawin? Ipinadala KO ang AKING mga Propeta upang magbigay babala ng sentensiya bago ito dumating. Hindi ba sinasabi ng AKING Salita, “Kung ang AKING mga Tao na tinawag sa pamamagitan ng AKING Pangalan, ay magpapakumbaba sa kanilang mga sarili at magdasal at maghanap sa AKING mukha at tumalikod mula sa kanilang mga masasamang paraan, kung ganoon, AKO ay makakarinig mula sa Langit at patatawarin sila sa kanilang kasalanan at PAGAGALINGIN ANG KANILANG LUPAIN. “ (2 Mga Cronica 7:14)
Oh MANGAGSISI kayong masasamang henerasyon sapagka’t kayo ay AKING niligtas/pinalaya kahit na dapat KO na sana kayo winasak noong matagal nang nakalipas. Niligtas/Pinalaya KO kayo mula sa AKING poot nguni’t para sa isang maikling panahon. Kayo ay mga Segundong kalayo mula sa hatinggabi at inyong kinukutya at pinagtatawanan ang pagdating ng AKING Anak. Inyong kinukutya at pinagtatawanan ang katakutan (horror) na darating. Inyong kinukutya at pinagtatawanan ang mga taong naghahanda para sa panahon/oras na iyon na espirituwal na hinahanap ang kanilang Tagapagligtas na darating at kukunin sila mula sa takdang panahon ng Kapighatian (time of tribulation). Kayo ay nangungutya at tumatawa kahit na kapag AKO ay nagbibigay ng isang petsa para sa malaking sakuna/kapahamakan na darating at dahil sa mga luha, pag-aayuno at mga panalangin at ang malaking sakuna/kapahamakan ay hindi dumating, inyo ngayon tinataktakan ang yaong propeta na huwad/palso. Mayroong maraming mga huwad na mga propeta nguni’t kung ang propeta o apostol na iyon ay inaakay kayo patungo sa kaligtasan at Kabanalan at nagtuturo ng katotohanan at hindi kasinungalingan, paano sila ngayon maaaring naging huwad?
Kung ang isang propeta o apostol ay inaakay kayo palayo mula sa Langit at patungo sa impyerno kung ganoon tunay nga na sila ay isang huwad na propeta. Kung kayo ay inaakay nila sa ibang dios o huwad na palatandaan, kababalaghan, o milagro kung ganoon sila ay tunay na isang bulaang propeta o apostol o guro. Kung ang isang apostol o propeta, o guro ay inaakay kayo na itapon ang AKING luma/ unang panahon na mga Batas at mga Aklat/Tipan sila ay tunay nga na isang huwad na propeta o apostol! (Mga Awit 1:2) Kayo ay dapat na magnilay-nilay sa AKING mga batas sa kapwa araw at gabi. Kahit na isang anghel ay dumating at nangangaral ng isa pang paraan patungo sa Langit o nagsasabi sa inyo na huwag makinig sa luma na Tipan at basahin lamang ang Bagong Tipan, MAG-INGAT sapagka’t “AKO” ay ang LUMANG TIPAN na ginawang LAMAN (flesh) sa AKING Anak na si YAHUSHUA sapagka’t hindi lamang binasa ang lumang tipan nguni’t NAKITA rin! Ang AKING SALITA ay nakita sa SALITA at GAWA at ngayon AKING mga tunay na anak, gayon rin na dapat makita ng mundo ang AKING SALITA kapwa BAGO at LUMANG Testamento ay dapat nakikita sa INYO!
Mabahala para sa inyong mga kaluluwa para sa pagpapahina ng loob ng AKING totoong mga Apostol at mga Propeta na nagsasabi ng mga salita ng babala, at inyong binitin ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng inyong sariling mga salita tulad ng tiyak na ibinitin ni Hudas ang kanyang saliri. Ano ang presyo ng inyong kaluluwa? Hindi pa ba ninyo nakikita? Hinahanggad ng AKING mga kaaway na mahanap ang kung saan ang inyong lakas. Hinahangad ng inyong mga kaaway na kunin ang inyong lakas, ang inyong pagnanais na paglingkuran AKO, upang wasakin kayo at oo pati rin patayin kayo kung maari. Hinahangad ng inyong mga kaaway na malito kayo at magdulot/magbigay sa inyo ng pag-aalinlangan gaya ng ginawa ni Pedro noong sinabi KO sa kanya na lumakad sa ibabaw ng tubig. Pinagtaksilan ba ni Delilah si Samson sa pamamagitan ng isang tabak? HINDI, nguni’t sa pamamagitan ng isang HALIK sa pangalan ng pag-ibig pinagtaksilan niya (Delilah) siya (Samson) pagkatapos mahanap ang pinagmumulan ng kanyang lakas. Pinagtaksilan ba ni Hudas ang AKING Anak sa pamamagitan ng isang tabak? HINDI, nguni’t sa pamamagitan ng isang HALIK. Gayon rin ang inyong mga kaaway na nakatira sa loob ng inyong sariling mga bahay at mga pamilya ay magsasabing, “nais ko lamang na tulungan ka” at pagkatapos ay pagtataksilan kayo sa pamamagitan ng isang HALIK ng KAMATAYAN patungo sa inyong kalayaan at inyong mga buhay kung papayagan KO [ito].
Sinasabi ng mga kaaway ng AKING Ebanghelyo na naniniwala sila gayunman ay walang ideya kung sino “AKO”. “AKO” ay isang indibidwal/tao na binabasa nila, hindi isang indibiduwal/tao na dahilan kung bakit sila ay nabubuhay. “AKO” ay pareho kahapon, ngayon, at magpakailanman. Hindi AKO nagbabago para sa sinumang lalaki o babae o bata. “AKO” ay hindi nalilibang/natutuwa habang nakikita KO ang AKING mga tupa na naninirahan na kasama ang mga kambing. “AKO” ay maghihiwalay sa mga tupa mula sa mga kambing. Para sa mga tao na nanatili sa mga tahanan na ito at naging isang saksi sa mga kambing sa pag-asang sila ay magkakaroon ng kagustuhan na maging isang tupa. Ang mga bagay ay nagbago sa mga oras ng pagtatapos na ito. “AKO” ay nagdadala ng isang tabak na makatarungang hahati sa dayami mula sa mga trigo, ang mga trigo mula sa mga damo. “AKO” ay nagdadalamhati at nagagalit kapag nakikita KO ang mga luha ng AKING mga tupa at tulad noong mga panahon ng nakaraan. “AKO” ay magpapalaya/magliligtas sa mga taong naghahangad na mapalaya/maligtas at nakipaglaban laban sa mga espiritu ng kawalang banal/ng kasamaan na bumangon laban sa kanila sa pagkaalipin. Kung saan ay labis walang isang daan ng pagtakas, kayo ay aakayin KO patungo sa labasan.
Hindi ba sinabi KO sa
AKING Salita na ang inyong pinakamasamang/ pinakamalalang kaaway ay
matatagpuan sa inyong sariling tahanan? Hindi ba sinabi KO na ang
AKING Anak na si YAHUSHUA ay maghihiwalay/maghahati sa pamamagitan ng
isang tabak! Basahin ang AKING Salita. Pag-aralan ang AKING Salita.
Ang Tabak ng AKING RUACH HA KODESH ay ang Tabak ng Katotohanan at ang
AKING mga kaaway ay hindi naghahanap/naghahanggad na malaman ang
katotohanan, nguni’t sa halip ay pinaniniwalaan ang
kasinungalingan na nakapapawi tulad ng isang daliri sa isang
nangangating tainga o mata. Kapag ang AKING daliri ng paghatol/
kombiksyon ay dumating sa mga hindi banal/di-makadiyos, hinahangad
nila sa halip na ituro ang yaong daliri ng paghatol/ kombiksyon na
pabalik sa inyong direksyon at gawin ito sa halip na isang daliri ng
akusasyon, inaakusahan kayo ng pagtatangi/ kapinsalaan, o pagkabaliw,
o katangahan. Inaakusahan kayo ng inyong mga kaaway ng mga krimen ng
pagkapoot/pagkamuhi kahit hindi AKO naglagayag hindi ko O naglagahan
kayo ng espiritu ng pagkapoot/ pagkamuhi sa inyo maliban kay satanas
at kawalang banal (ungodliness).
Masusumpungan ng mga
tupa na mas mahirap ng kaysa kailanman na manirahan ng matiwasay sa
mga tahanan o mga pamilya kung saan naroroon ang mga kambing.
Sapagka’t nakikita ninyo, hindi ba sinasabing AKING Salita na sa pagtatapos na mga panahon na ito ang
Banal ay magiging mas Banal at ang hindi banal ay magiging mas hindi
banal. Kayo ay isang maliwanag na ilaw na nagniningning. Ang mga
kasalanan ay ginagawa sa loob ng kadiliman. Ayaw malantad ng mga anak
ng kadiliman ang kanilang mga kasalanan bilang isang kasalanan. Para
sa inyo na nasa mga tirahan kung saan kayo naroroon/nanggaling, ang
ilaw/liwanag na iyon ay nasa isang burol para makita ng lahat.
Sabihin sa mga tao na tumatanggi sa AKIN bilang Panginoon at ayaw
mamuhay para sa AKIN o mamuhay ng Banal sa harap KO, na ngayon ang
Dios na inyong pinaglilingkuran, “AKO” at si YAHUSHUA ay
kukuha sa mga tao na puno ng katotohanan ng Langit palayo mula sa
kadiliman, iniiwan sila sa kadiliman kasama ng kanilang mga
kasalanan, at ito ay labis naging ang mga tao na ay mga Anak KO na
AKING tinatawag na AKING tupa, na naging dahilan kung bakit ang mga
kambing na naninirahan ng kasama nila ay hindi nakakaramdam ng AKING
poot. Kapag ang mga tupa ay kinuha, ang mga kambing ay makakaramdam
sa AKING galit sa buong sukatan.
“AKO” ay
nagsasabi sa babalang ito kagaya ng AKING mga kaaway ay humahawak ng
mga tabak kay Samson at pinahirapan [nang labis] at binulag siya,
gayun rin “AKO” ay nagtataas sa AKING TABAK at gugupit sa
mga lubid na binigkis/itinali sa inyo ng hindi banal! “AKO”
ay gagamit sa AKING tabak upang patayin/puksain ang AKING mga kaaway
sa maraming iba’t-ibang paraan. “AKO” ay hahabol sa
AKING mga kaaway at sila’y tatakbo sa takot sa mga pitong
iba’t-ibang direksyon. “AKO” ay magpapalaya sa mga
bihag na dumadaing sa AKIN para sa kanilang Pasober! [Passover] “AKO”
ay bubulag sa mga mata at gagawing higit pa na bingi ang mga tainga
ng mga tao na ayaw makinig kahit na sila ay binigyan na ng babala ng
paulit-ulit, gusto nilang maging bulag kaya sila ay tiyak na magiging
– katulad ng masamang paro [pharaoh] – pitong beses na
masmalala/masmasahol hanggang sa ang huli ay magiging
masmalaki/masmalala kaysa sa nauuna at sila ay mas mabuti sana na
walang alam upang hindi sila maaring makapangutya sa AKING mga
Apostol at mga Propeta na AKING ipinadala. Hindi na masisiyahan ang
mga tupa na tumabi sa mga kambing. Dumating na ang oras/panahon kung
saan ay may magiging malaking panganib sa paggawa nito. Magdasal para
sa isang daan ng pagtakas. Tingnan ang mga pader ng kasamaan na
bumagsak na kagaya ng nangyari sa mga pader ng Dyerikou. Magmartsa
para sa inyong tagumpay gaya ng ginawa ni Joshua, bawat isa para sa
inyong sariling pangangailangan.
Huwag masiraan ng
loob, yaong mga nasa pagkaalipin. Sapagka’t tulad ng pinahiran
si Saul (Paulo) upang magsalita/makipag-usap sa AKING mga Tao, ito ay
dahil sa kanyang papuri, bagama’t siya ay nagdusa, siya ay
sinubukan at ginamit upang magsalita mula sa kanyang mga paghihirap.
Tulad ng tiyak na pinalaya KO si Saul mula sa kanyang bilangguan sa
pamamagitan ng isang anghel, ganoon din AKING papalayain ang mga tao
na tumatawag sa AKIN upang maging malaya sa mga kambing na kasama
nilang nininirahan. “AKO” ay
magliligtas sa inyo habang sinasabi ninyo ito ng may pananampalataya
at huwag ninyo hayaan ang inyong mga sarili na maging komportable sa
mga paligid ng mga hindi banal na mga tao na tumatawag sa kanilang
mga sarili na pamilya, nguni’t ay hindi isang pamilya sa
anumang paraan. Ang inyong tunay na pamilya ay ang mga
mananampalataya at mangingibig ‘KO’ [I AM], ni YAHUSHUA
at ng RUACH HA KODESH. Ang mga tao na may isang hangarin na mamuhay
na Banal at maging Banal at nagmamahal sa buong salita na ginawang
laman, ang KANYANG Pangalan ay YAHUSHUA.
Walang ibang pangalan
ang makakapagligtas sa inyo maliban ang Pangalan na YAHUSHUA! Walang
ibang daan upang pumunta ng may katapangan sa harap ng AKING trono
maliban kay YAHUSHUA! Huwag isuot ang inyong mga maruming basahan,
nguni’t pumunta ng may katapangan suot ang mga balabal ng
katuwiran na ibinalot sa inyo ni YAHUSHUA! Ang Pangalan ng AKING Anak
ay YAHUSHUA at sa Isaias 53 sa LUMANG TIPAN sinasabi KO sa inyo nang
maaga ang KANYANG pagdating, naipropesiya ang KANYANG pagdating. Gaya
ng maraming tao ay hindi naniniwala noon na isang Tagapagligtas ay
darating, tulad ngayon marami ang hindi naniniwala sa Juan 3:16 na
nasa BAGONG TIPAN, si YAHUSHUA ay dumating at niligtas ang mga tao na
may espirituwal na mga tainga upang makarinig at makinig at ang mga
tao na may espirituwal na mga mata upang makakita.
Para sa mga tao na
naniniwala at nagsasabi sa kanilang mga puso at namumuhay sa kanilang
mga buhay na parang siya ay darating sa anumang sandali, hindi kayo
mabibigo. Anong nobiyo/kasintahan ang hindi nakakaalam/nakakakilala
sa kanyang totoong Nobiya/ Ikakasal? Walang magiging belo/tabing ang
tatakip sa inyong mga mukha, ang lahat ay mabubunyag sa araw na iyon.
Ang mga bisita ay iiyak ng may kalungkutan kapag napagtanto nila sa
araw na iyon na maari sana sila naging Nobiya /Ikakasal. Ang mga
taong tumanggi sa imbitasyon upang tanggapin si YAHUSHUA ay
mangangalit sa kanilang mga ngipin sa sakit at magbabayad nang
magpakailanman ng kanilang mga kaluluwa. Alin ang maging kayo? “AKO”
ay “AKO” at “AKO” ay may alam na [nito]!
Kaya ito ay
isinalita, kaya ito ay naisulat noong Mayo 16, 1999. Naisulat sa
ilalim ng pagpapahid ng RUACH HA KODESH at ipinagkatiwala sa batang
ito, Mandirigma at Nobiya/ Ikakasal kay YAHUSHUA.
|