Propesiya 38
Pulang Salot na Panaginip!
Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa lahat ng mga Propesiya mula ngayon:
Noon pa man binalaan na kita Elizabeth [Elisheva] na huwag mong papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit bago pa nagkaroon ng isang Ministeryo. Inilagay KO ito sa iyong espiritu dahil walang anuman nito ay gawa ng iyong mga kamay, walang anuman nito ay nagmula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESIYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong RUACH ha KODESH (ESPIRITU SANTO) ang inyong IMMAYAH (INA YAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay gawa ng iyong mga kamay ito ay matagal na sana nabigo. Ito ay sa pamamagitan ng Hangin ng SHKHINYAH GLORY [KALUWALHATIAN] na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na Hangin ng Muling Pagbabangon (Revival), ito ay hindi sa pamamagitan ng iyong hininga, o nabigo na sana ito. (Isaias 42:8).
Noong Hulyo 2010 sinabi rin ni YAHUVEH [ang] Diyos na idagdag ang sumusunod [na salita] mula sa Ika-2 Cronica sa harap ng bawat Propesiya:
2 Mga Cronica 36:16, “Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng DIOS, at niwalang kabuluhan ang KANYANG mga SALITA, at dinusta ang KANIYANG mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng PANIGNOON ay bumugso laban sa KANYANG bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
Ang Dios ay nagsasalita at nagbibigay babala sa pamamagitan ng mga pangitain, mga panaginip, mga rebelasyon kabilang sa ibang mga paraan.
Nakakita AKO sa kalangitan isang maitim na pulang abu-abo na dumarating habang tumingala ako at habang ito ay maslumalapit at ang hangin ay umihip, ito’y bumagsak sa mga tao. Ang kanilang balat ay nabalot ng PULANG maalikabok na abu-abo (malalim na pula) at ang mga tao ay lubhang nagkasakit, at mayroong isang pulis na nagbabantay sa akin at mayroon siyang pulang abu-abo na alikabok na dumikit sa kanya at tumalon siya sa isang sementong languyan na nasa labas habang nakatayo ako roon. Alam ko na ang languyan ay nahawahan nguni’t ninais niyang tanggalin ang pulang alikabok na abu-abo mula sa kanya. Ang pulis na ito ay isang tao na aking pinagmamalasakitan ng subra. Nalungkot ako sapagka’t ito ay hindi sapat.
Sa oras na ang PULANG ABU-ABONG alikabok ay dumikit sa balat ito ay bumabalot dito at malubhang karamdaman ay darating at ang balat ay magsisimulang masakal. Napanood ko ang aking minamahal na aking bantay, walang magawa upang tulungan siya. Pagkatapos nakita ko ito dumating sa kalangitan. Sa ilang kadahilanan, hindi ko ito kinatakutan nguni’t nakikita ko ito na dumarating mula sa malayo. Ito’y nagsimula na parang isang madilim na hamog malayo lang sa itaas ng kalangitan at pagkatapos habang ito ay papalapit ito’y naging pula na kulay. Sinubukan ng mga tao na takbuhan ito nguni’t hindi ito matakbuhan. Sinubukan ng mga tao na hugasan/alisin ito nguni’t ito ay huli na kapag ito ay dumikit sa balat. Ito ang dahilan kung bakit sinusubukan ni satanas na patahimikin ang aking boses sa anumang paraan na maaari niyang gawin. Hayaan ang mga mangungutya na tumawa ako ay responsible para sa kung ano ang sinasabi ko at hindi ko sinasabi! Ezk 3:17-21
Narito ang ano pang sinabi ng isa pang Propeta na si Gary habang tinawag ko siya at humingi ng pang-unawa sa panaginip. Alam ko kung bakit ako ay protektado at kung bakit protektado rin ang Nobiya/ikakasal ni YAHUSHUA HA MASHIACH.
Elisabeth [Elisheva],
Nang ipinikit ko ang aking mga mata nakita ko ang itong daliri ng Dios na may hawak na isang bahay sa loob ng isang bula (bubble) animong protektado mula sa labas ng mundo at ligtas sa loob ng bula.
Ang aking kaisipan ay saka gumala sa Pasober kung saan ang dugo na kasunduan/tipan ay nagprotekta sa mga tao kung sila’y nanatili sa loob ng kanilang mga tahanan pagkatapos ng konsagrahin ang kanilang mga sarili at paglagay ng dugo ng tupa sa mga poste ng mga pintuan. Kung ganito nga ang kalagyan, kung ganoon kailangan nga nating balaan ang maraming tao.
Gary, tayo’y maghihintay sa patotoo/sa saksi kung KAILAN patutunugin ang shofar na babalang alarma.
“Kung Saan ang Inyong Pananampalataya ay Kung Saan Tumatalakay ang Inyong Pasober”
HUNYO 8, 2000
BAGONG MENSAHE MULA KAY
Rev. Elisabeth Sherrie Elijah [Elisheva Eliyahu]
Ngayong araw nang tanungin ko si YAHUSHUA na tulutan ang KANYANG magandang RUACH HA KODESH na buksan ang Bibliya at sagutin ang tanong kung SIYA nga ay darating sa lalong madaling panahon baka kasing aga ng taong (year) ito, ito’y bumukas sa
Pah. 3:7-21. Ang trabaho na nasa atin ay dapat gawin ng mabilis para sa Kaluwalhatian ni YAHUASHUA HA MASHIACH. Wala nang iba pang bagay ang magiging mahalaga kapag iwanan natin ang mundong ito maliban sa kung anong ginawa natin ng kasama si YAHUSHUA at kung anong ginawa natin para kay YAHUSHUA at kung gaano karaming kaluluwa ang ating inakay patungo kay YAHUSHUA! Ano ang nagawa ninyo para kay YAHUSHUA ng kamakailan lang?
Pah. 3:10 Sapagka’t tinupad/iningatan ninyo ang salita ng AKING pagtitiis, iingatan KO rin kayo mula sa oras ng pagsubok/tukso, na darating sa buong mundo/sanlibutan, upang subukin ang mga nananahan sa [ibabaw ng] lupa.
MANALANGIN na wala kayo dito upang makita ang PULANG SALOT NA PANAGINIP na maging pangyayari/katotohanan!
|