Propesiya 4

Huwag Mawalan ng Pag-Asa Kapag Hindi Ninyo AKO Maramdaman Sa Inyong Tabi!
Ang AKING Poot ay Kasinlaki ng AKING Pag-ibig!

Ibinigay kay Propeta Sherrie Elijah (Elisheva Sherrie Eliyahu)

Febrero 5, 1997

**********************************************************

Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa lahat ng mga Propesiya mula ngayon:

Noon pa man binalaan na kita Elizabeth [Elisheva] na huwag mong papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit bago pa nagkaroon ng isang Ministeryo. Inilagay KO ito sa iyong espiritu dahil walang anuman nito ay gawa ng iyong mga kamay, walang anuman nito ay nagmula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESIYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong RUACH ha KODESH (ESPIRITU SANTO) ang inyong IMMAYAH (INA YAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay gawa ng iyong mga kamay ito ay matagal na sana nabigo. Ito ay sa pamamagitan ng Hangin ng SHKHINYAH GLORY [KALUWALHATIAN] na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na Hangin ng Muling Pagbabangon (Revival), ito ay hindi sa pamamagitan ng iyong hininga, o nabigo na sana ito. (Isaias 42:8).

Noong Hulyo 2010 sinabi rin ni YAHUVEH [ang] Diyos na idagdag ang sumusunod [na salita] mula sa Ika-2 Cronica sa harap ng bawat Propesiya:

2 Mga Cronica 36:16, “Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng DIOS, at niwalang kabuluhan ang KANYANG mga SALITA, at dinusta ang KANIYANG mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng PANIGNOON ay bumugso laban sa KANYANG bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”

**********************************************************

Ngayong araw lang sinabi ko, YAHUVEH, anong nangyayari hindi ko maramdaman ang IYONG presensya (presence) tulad noon? Nagsisi na ako sa anumang kasalanan na walang malay kong nagawa, gayunman hindi pareho ang presensya. Hindi masyadong nagsasalita si YAHUVEH at ako ay lubhang nag-aalala. Hindi ito ang kung anong ginagawa natin, sapagka’t alam natin na si YAHUSHUA ay nananatili at palaging nagmamahal sa atin, ginagawa natin ang ating makakaya upang masiyahan at sundin SIYA. Alam natin na kailangan natin sa pamamagitan ng pananampalataya na maniwala sa Salita ni YAHUVEH. Hindi NIYA tayo iniwan.

Hindi tayo sumusunod sa ating mga nararamdaman, ang mga damdamin ay nagsisinungaling sa atin, kailangan natin kumilos ayon sa ating pananampalataya! Sapagka’t ang makatarungan ay tiyak na mamumuhay lamang sa pananampalataya, hindi sa mga nararamdaman. Ito noon ay kahanga-hanga noong pinahintulutan kami na maramdaman rin ang KANYANG presensya, nguni’t mayroong nagbabago sa espirituwal na lupain (spiritual realm) at kahit na nandiyan parin si YAHUSHUA sa ating tabi, ito ay parang natutulog SIYA sa bangka, at tayo ay inatake ng mga bagyo ng buhay, at tayo ang mga disipulo na nagsasabing, “YAHUSHUA, gumising KA kung hindi, tayo ay mamamatay!” Pagkatapos si YAHUSHUA ay gumising at sinabing, “Oh kayo na may maliliit na pananampalataya!” at winikaan (rebuke) ang bagyo. Ako ay naghihintay parin sa KANYA na wikaan ang mga mabibigat na bagyo na ako’y labis na nasasaloob nang parang mahaba nang panahon ngayon. Alam natin na mayroong nakatakdang oras para sa ating kalayaan. Habang ito ay tina-type ko, ako ay nakakatanggap ng pagpapahid. Huminto ako at nagdasal sa Espiritu at gagawin ito sa ibang oras, pagkatapos kong kunin ang autoridad kay satanas. Kung talagang nais ni YAHUVEH na magsalita muli mula sa akin, kung gayon ay gagawin NIYA ito. Ipagkakaloob ko ang aking mga kamay sa IYO YAHUSHUA at ang aking isip, ang aking espirituwal na mga tainga at espirituwal na mga mata.

Pakiusap kausapin MO ako ngayon upang makapagbigay ako ng isang salita ng pampatibay-loob sa aking nakababatang kapatid (brother). Sa IYONG pangalan YAHUSHUA ako ay nagsusumamo at sa pamamamagitan ng kapangyarihan ng RUACH ha KODESH, sa pamamamagitan ng Dugo ni YAHUSHUA ha MASHIACH ng Kalbariyo; Meron bang isang salita na gusto MONG sabihin ko para sa IYONG mga tao? Kung meron, RUACH ha KODESH bigyan ng pagpapahid ang aking mga kamay ngayon gaya ng IYONG sinalita sa pamamagitan ng pambihirang pagpapahid na ito sa nakalipas na (tatlong) propetik na mga mensahe. Sapagka’t pinapahalagahan MO ang mga tao na nasa Internet na walang ibang paraan upang marinig nang malinaw ang IYONG mga mensahe upang maunawaan nila at ang pagkalito ay hindi kakapit ng mahigpit sa kanila sa satanikong pagkontrol/control ni satanas (satanic control). Ang pagpapahid ay dumarating sa aking mga kamay ngayon at muli ang tinig ni YAHUSHUA ay nagsasalita sa akin. Purihin si YAHUSHUA!

*******************

Sabihan mo sa kanila AKING Anak; sabihin mo sa kanila na hindi KO na mapipigilan ang matinding galit ng AKING AMA. Sinubukan KO na. AKO’y tumawag ng awa para sa mga tao na sadyang nagpaparungis sa lahat na banal; ang mga tao na tumatanggi na kilalanin ang salitang kasalanan (sin). Ang mga tao na nasa mga pulpito/sermunan na gumagawa ng kahabag-habang mga dahilan para sa kasalanan; kahit ang pinakamahusay na dahilan ay maaari bang babalot sa kaitiman ng kasalanan? Gayunman kapag AKO ay nagsusumamo sa kanila na mangagsisi, na lumayo mula sa kasalanan, kinukutya nila AKO at sinasabi na walang pakialam si YAHUVEH, nauunawaan /naiintindihan NIYA. Sinasabi nila sa AKING mga Propeta at mga Apostol na tumahimik at pabayaan sila, na itago sa kanilang mga sarili ang kanilang mga salita. Hindi nila pinahihintulutan silang magsalita sa mga simbahan, at pinapayagan na pumasok ang mga diyablong okulto/demonikong espiritu sa mga simbahan kaya kahit ang isang propeta ay hindi ligtas habang nagdarasal. Ang mga masasamang espiritu na ito ay naghihintay, habang alam nila na ang mga propeta ay darating para ihatid ang AKING mga babala, at sila ay hinarangan at oo, ang ilan ay napinsala. Kung masmalaki ang babala, mas marami ang pagsalungat mula sa kaaway.

Si satanas ay lubusang nagsisikap na patahimikin ang AKING mga Propeta at mga Apostol at ang mga tao na sinabihan na balaan ang mga tao. Balaan sila tungkol sa isang Diyos sa Nahum 1 na nagsasabing SIYA ay nagsasalita sa mga bagyo at mga lindol. Balaan sila na si YAHUVEH ay isang selosong Diyos at hindi NIYA papayagan na mayroong ibang diyos na nanguguna sa KANYA. Balaan sila na ang poot ni YAHUVEH ay hindi madaling payapain. BALAAN SILA! Hanggang ngayon AKO, si YAHUSHUA, ay nagpapadala parin ng AKING mga mensahero upang balaan sila at gaya ng nasa bibliya sila ay binugbog at ang ilan ay pinatay pa. AKO ay nagsalita tungkol sa mga satanikong mga halaman na nasa loob ng mga simbahan, walang sinuman ang nakikinig.

Napaka-kaunting mga tao ay nagtatangkang ibunyag/ilantad sila. Binalaan KO na sila na si satanas ay nasa kalagitnaan ng mga simbahan at siya ay nakikipaglaban para sa maling doktrina, mga espiritu ng paghihimagsik, isang espiritu upang ipalaganap sa simbahan na ang kasalanan ay hindi kasalanan. Nguni’t AKO ay isang Banal na Diyos at inuutusan KO kayo na maging banal gaya ng AKO ay Banal. Nilagay KO ang AKING SARILING ESPIRITU sa loob ninyo upang malaman ninyo ang tama sa mali. Ang kasalanan ay itim, ito ay hindi kulay-abo, ang kabanalan ay puti at ito ay walang ibang kulay. Ang ilan ngayon ay pahihintulutan si satanas na kunin iyon at gumawa ng isang kahulugan na nauukol sa lahi (racial connotation) mula rito. Itigil ngayon ito! Alam ninyo ang ibig kung sabihin! Pula lamang ang makakahugas ng kasalanang ito mula sa inyong mga isipan, at iyan ay ang Dugo ni YAHUSHUA ha MASHIACH sa Kalbaryo. AKO ay nagbabala ngayon, ang dahilan kung bakit ang AKING presensiya ay hindi nadadama ng tulad ng dati ay dahil AKO ay nagdadalamhati. AKO ay umiiyak para sa kung anong kailangan KONG gawin sa lalong madaling panahon.

Nakikinig ba sila sa Propetang ito na ginagamit KO ngayon noong nagbigay muna AKO ng babala na matitikman ng Tsina ang AKING poot sa pamamagitan ng mga lindol, ang pinakamalaki ay hindi pa naganap nguni’t ito ay paparating. Napatay na nila ang marami sa AKING mga Anak, at pinahirapan at ikinulong ang AKING mga Anak, AKING mga Mensahero. Dahil dito, ang gobyerno ay lubhang magbabayad at ang bansa ay matatastas/mapupunit ng hiwa-hiwalay ng mga lindol habang hinahangad nila na hatiin ang AKING mga Tao at patalikurin sila palayo sa AKIN dahil sa takot na lantaran na pagsamba sa Diyos na minsan nilang pinaglilingkuran at ngayon ay natatakot na maglingkodlang sillang silbihin ng lantaran. Gaya ng paghati nila sa AKING mga Tao kaya AKING hahatiin ang kanilang lupa.

Pinoprotektahan KO ang mga tao na AKIN, at alam KO kung sino ang sa AKIN. Kahit ang mga pintuan ng mga bilangguan ay inalog KO ng katulad sa sinaunang panahon (times of old), kaya ang mga bilanggo na nagpangaral sa ebangheliyo, ito lamang ang kanilang krimen, ay napapalaya. AKO ay darating sa isang makapangyarihang paraan at sa taon na ito kahit na ang inyong lokal na mga istasyon ng mga balita ay tumanggi na aminin ang pagkawasak at poot na AKING ipinakita sa taon na ito. AKO’y magsisimulang magpakita sa mga paraan na kailanman ay hindi nila kayang ipagsawalang-bahala. Sinisisi nila ito sa ina ng kalikasan. Mayroon lamang isang Lumikha at AKO ang Ama ng lahat ng nilikha/nilalang. “AKO (I AM)” ay “AKO (I AM)”! Wala nang iba. Hindi KO binabahagi ang AKING kaluwalhatian sa kahit sinuman lalo na sa isang ina ng kalikasan! Ipinadala KO ang mga babala sa mga programa ng telebisiyon, Oo, ang bato ay sumigaw, nguni’t nakikinig ba sila, sobrang kakaunti oh, sobrang kakaunti. Huwag isipin na AKO’y nagagalak sa anong kailangan KONG gawin sapagka’t hindi AKO natutuwa, nguni’t kinakailangan KONG gawin, sapagkat iniisip ngayon ng mga kabataan/anak na pinamamahalaan nila ang mga magulang.

Ang isang kadena ng mga bulkan ay puputok ng sabay-sabay, ito ay magiging AKING pulang mainit na kumukulong putik na lalabas na sumisimbolo sa AKING poot. Ilan lamang ang nagsisikap man lang na maging Banal ngayon. Iniisip nila na AKO ay kikindat/magpipikit ng mata sa kasalanan. Kung mangagsisi lamang sila. Kung mapagtanto (realized) lamang nila na AKO ay isang Diyos na hindi nagbabago. AKO ay pareho kahapon, ngayon, at magpakailanman. Kayo ang kailangang magbago, hindi ang dakilang “AKO [I AM]”. “AKO [I AM]” ay “AKO [I AM]” at hindi AKO humihingi ng paumanhin sa kahit anumang ginagawa KO. Hindi AKO sumasagot sa kahit sino. Ang dakilang YAHUVEH ay galit at pati rin ang AKING ANAK, ang isa na ibinigay KO sa inyo bilang isang Tagapagligtas, ay hindi na makakapayapa sa AKING poot nang mas matagal pa. AKO ay sandaling magpapalabas ng ilang galit KO, mag-ingat ang lahat ng kumutya sa AKIN, at sa Salita ni YAHUSHUA at pinatahimik ang mga tao na mayroong pagpapahid ng AKING mga mensahero. Inabuso, pinahirapan ng labis at ikinulong sa mga bilangguan ng sangkatauhan. AKO ay galit! Binalaan KO si Sodoma at Gomorra at ngayon kayo ay binabalaan KO muli. Ang mundo ay isang modernong panahon na Babylon, ang mundong ito. AKO ay isang Manlilikha na nangangailangan ng Kabanalan; inilagay KO sa bawat tao ang isang lugar na nanagnais ng kabanalan at isang relasyon sa kanilang Manlilikha [Maykapal].

Hindi lamang AKO magpapadala ng mga bulkan na sasabog sa isang kadenang reaksyon/epekto, nguni’t yayanigin KO ang mundo ng parang isang magulang na yinayanig ang isang matigas/masuwaying anak. Hindi KO yayanigin ang isang bahagi ng mundo ng isa-isa, kundi maraming bahagi ng mundo ng sabay-sabay. Ipadadala KO ang AKING paa na tatapak/papadyak (stomp) sa lupa sa galit. Sapagka’t ang AKING poot ay matindi/malaki sa mga mapaghimagsik na kumalog ng kanilang kamao sa AKING mukha, at sinabi na ayaw nilang sundin ang isang libro at mga patakaran na naisulat sa maraming mga libu-libong taon. Para sa mga taong gumagamit sa AKING Pangalan bilang isang sumpang salita. Para sa mga taong nangungutya/nagtatawa sa Dugo ng AKING ANAK na ibinuhos para sa kanila sa Kalbaryo. Ipadadala KO ang mga unos/bagyo upang ipakita ang mga luha na AKING ibinuhos para sa AKING hindi nagsisising mga anak at para sa mga taong AKING nilikha na dapat naging AKING mga Anak nguni’t tumanggi na kilalanin AKO bilang Ama.

Ang mga taong mga lumiko sa kawalang kabanalan, at hindi man lamang sinubukang magbigay kasiyahan sa AKIN o hanapin AKO. Mga baha ay darating at babalot sa maraming bahagi ng mundo ng sabay-sabay. Ang mga ito ay sumisimbolo sa AKING mga luha, sapagka’t napakarami ang mayroong/mapupunta sa impiyerno kaysa Langit. Ang mga tao na pinili si satanas kaysa kay YAHUSHUA! Ipadadala KO ang mga buhawi at ito ay magiging AKING kamao na naghahatid ng lumilipad na hangin. Ipapakita KO ito hindi sa isang lugar, kapag makikita ninyo na marami ang nagsama-sama, malalaman ninyo na AKO ang nagsasalita at AKO ay galit at ang AKING poot ay hindi madaling payapain.

Laging may mga lindol, mga baha, mga buhawi, mga bagyo dito at doon, nguni’t kapag nakikita ninyo sila na parang isang kadenang reaksiyon (chain reaction), marami at magkakasabay, kung gayon malalaman ninyo na ito ang oras na tinutukoy KO na binalaan KO sa inyo. MAGSISI na NGAYON bago pa mahuli ang lahat! Labis KO ng pinipigilan ang AKING poot sa masyadong mahaba nang panahon ngayon! Para sa kapakanan ng AKING ANAK at ng mga dasal NIYA para sa inyo, ang mga tao na AKING pinigilan ang AKING matinding galit. Nguni’t kinukutya AKO ni satanas at hinahamak AKO sapagka’t hindi KO pa kayo pinarusahan. Ginagamit niya ang AKING sariling mga likha upang kutyain at hamakin AKO. Ang mga bibig na AKING nilikha! Ang mga bibig na minsan KONG pinahiran (anointed). Oo kahit sa AKING sariling mga simbahan AKO ay kinukutya habang ang Banal na Salita ay binaluktot upang sumunod sa imahe ng tao. Hindi sa larawan ng Banal na Diyos. Itinuturo nila na ang homoseksuwalidad ay galing sa AKIN, na ito ay hindi kasalanan, na ito ay kamalian ni YAHUVEH, na ito ay isang depekto ng kapanganakan.

Ang sinungaling at manlilinlang na mga espiritu ay lumalabas sa mga iyon na mayroong anyong kabanalan, nguni’t walang kabanalaan sa loob. Personal KONG haharapin ang mga masasamang pastol na ito sa mga paraan na magpapakita sa mga tao na AKO ay hindi isang Diyos para kutyain. Hindi AKO isang Diyos na madaling magalit. AKO ay malupit na haharap at makikita ninyo silang mamamatay (drop dead) sa mga pulpito/sermunan, ang mga taong nanghihikayat sa mga bagay na ito at sa pagpapalaglag. Kilala KO ang bawat isa sa inyo bago pa kayo nasa mga sinapupunan ng inyong ina. Nilikha KO at hinugis/inayos at pinlano kung ano ang nais KONG maging buhay ninyo. Ito noon ang inyong pili kung kayo ay naging kung anong nilayon KO [kayo na maging].

Huwag ninyo AKONG sisihin, sapagka’t nais KO lamang ang pinakamabuti para sa inyo. Kahit na ang mga yaong nagdusa, at humantong sa isang buhay na hindi tila pinalad/pinagpala, gagawin KO at ginamit KO kayo para sa AKING kaluwalhatian, sa inyong paghihirap AKO ay inyong Niluwalhati/Pinuri habang nakikita kayo ng iba pupurihin parin ninyo AKO , paglilingkuran AKO at sasambahin AKO. Ang AKING pagpapahid ay dumadaloy sa inyong mga buhay, ng mas-malaki kaysa mga yaong humantong sa isang buhay na may ilang mga problema. Ang inyong buhay ay hindi nabigyan ng mga pagpapala ng mga iba, nguni’t ito ay hindi dahil hindi KO kayo mahal ng gaya ng mga iba, ito ay dahil tulad ni YAHUSHUA na inilagay sa mundong ito upang magdusa para sa kapakanan ng mga iba, kaya ganoon rin kayo, at dakilang kalooban ang inyong mga gantimpala sa langit kung kayo ay mananatiling tapat hanggang sa katapusan.

Ang ilan sa AKING mga ANAK ay naging maramdamin (bitter) habang nakikita nila ang pagano, ang mga yaong hindi kailanman lumuhod ng tuhod, o nagbibigay ng dasal para sa AKIN ng pasasalamat, at sinasabi ng AKING mga Anak anong klaseng Dios ba ito? Sinasabi KO sa inyo, hindi ninyo dapat kainggitan ang mayayaman na hindi kumikilala sa AKIN, o ang masasama (wicked). Ito’y tila nasa kanila ang bawat basbas/pagpapala sa buhay sapagka’t iyan lang ang lahat na magkakaroon sila kailanman, at pagkatapos ay ang walang hanggang kapahamakan (eternal damnation), at ang walang hanggang impiyerno at lubhang pagdurusa. Isinuko nila ang walang hanggan sa Langit para sa maikling mga taon sa mundo kung saan sila ay nakibahagi sa bawat uri ng kasalanan, lalo na ang kasalanan ng pagiisip na hindi nila kailangan ng isang Tagapagligtas.

Subali’t kayo sa kabilang banda, kung kayo ay mananatiling tapat ay makikita ang Langit at para sa isang maikling panahon sa mundo malalaman ninyo ang pagdurusa, pagkamuhi at pang-aabuso, nguni’t huwag maging maramdamin (bitter), huwag tumalikod sa AKIN. Sa halip ay umikot sa AKIN. Tingnan ninyo kung anong isang mapagmahal na AMA AKO. Binigyan KO kayo ng babala kaya kapag ang mga bagay na ito ay dumating sa mundo, kayo ay binalaan na, upang kayo ay maaaring MAGSISI at balaan ang iba bago ang AKING galit ay maibulalas. Ipinadadala KO ang AKING mga Propeta upang magbigay ng babala bago KO ipadala ang sentensiya. Nguni’t kayo na tapat na nagmamahal, naglilingkod sa AKIN at hinuhugasan ang inyong mga sarili sa Dugo ni YAHUSHUA ha MASHIACH upang kayo ay manatiling Banal sa AKING paningin, wala kayong dapat ikatakot sa panahon na ito, kayo ay hindi mahuhuling walang batid/walang malay (unaware).

Poprotektahan KO ang lahat nang AKIN, at kilala KO ang lahat nang AKIN. Alam KO ang bawat at lahat ng mga puso ninyo, at nasa AKING mga kamay ang inyong mga kaluluwa sapagka’t ibinigay ninyo ang inyong buhay at kaluluwa sa AKIN noong tinanggap ninyo si YAHUSHUA bilang inyong Maestro/Amo (Master) at Tagapagligtas. Inyong inalay ang inyong mga katawan bilang mga nabubuhay na handog/sakripisyo para sa AKING kaluwalhatian. Hindi AKO galit sa inyo, mahal KO kayo at AKING kukupkupin/ kakalingain (shelter) at poprotektahan kayo. Oo, kahit na kapag makita ninyo ang mundo na inalog sa AKING matinding poot, umiyak sa AKIN. AKO ay naroroon upang aliwin/paginhawain (comfort) kayo.

Ang dahilan kung bakit marami sa inyo ang hindi nakakaramdam ng AKING presensya ngayon, ay walang kinalaman sa inyo. Oo, kahit na ang isang ito, na AKING ginagamit upang sabihin ang mga salitang ito at hindi alam mula sa isang salita hanggang sa susunod kung anong ita-type niya, ay nahihirapang damhin ang AKING presensiya mula noong huling ginamit KO siya upang bigyang babala ang mga tao. Ibinigay KO sa kanya ang itong hindi pangkaraniwang pagpapahid upang kunin ang pansin ng AKING mga Tao, na wala siyang ibang paraan upang kausapin sila, sapagka’t kayo ay AKING ikinalat sa buong mundo. Ang AKING mga Propeta at mga mensahero ay makakarinig, at mayroong espirituwal na mga tainga at mga mata at isang mapangahas na bibig upang bigyang babala ang mga tao na hindi nakikinig.

Sasabihin KO ulit sa inyo, AKING mga Propeta at mga Anak, huwag malungkot at isipin na kayo ay AKING iniwan kapag hindi na ninyo AKO maramdaman sa inyong tabi. Hindi AKO umalis sa kahit saan, nandito parin AKO; AKO ay tahimik lamang sapagka’t ito ay ang kalmado bago ang bagyo. Nananahimik AKO bago KO pakawalan ang AKING galit sapagka’t sinusubakan KONG pigilan ang matinding poot, nguni’t mula pa noong baha ng Noah (Noah’s flood) ito ay nabubuo/natatayo at muli AKO ay nasa pighati kapag nakikita KO ang lahat ng nagawa KO, kahit na ang pagbibigay KO sa AKING kaisa-isang bugtong na Anak bilang isang sakripisiyo. Si Abraham ay nagkaroon ng ibang pag-aalay; ibinigay KO ang AKING Anak, para maging Tagapagligtas ninyo. Gaano karami ang tatanggap sa KANYA. AKO ay NAGAGALIT! Binigay KO ang KANYANG Katawan para kayo ay mapagaling. Gaano karami ang maniniwala na mayroong kagalingan (healing) dahil sa mga latigong iyon (mga guhit) na inilagay sa KANYANG Katawan. Ibinigay KO ang KANYANG Dugo, upang kayo ay mapatawad. Gaano karami ang tatanggap ng regalo/kaloob na iyon sa Kalbaryo. Ibinigay KO ang KANYANG buhay upang maligtas kayo. Oh, ito ang dahilan kung bakit ninyo nararamdaman ang pagkawala ng AKING presensiya. Hindi ba kayo kailanman sobrang nagalit sa inyong mga anak na kayo ay nawalan ng pagnanais na magsalita, dahil sa takot ng inyong sariling galit? Hindi ba kayo kailanman nagdalamhati ng napakatindi na gusto na lang ninyo na manahimik o lubhang nagalit na gusto na lang ninyo na manahimik? Mapagbakasakali na huwag ibulalas ang inyong galit dahil sa takot sa kung ano ang mangyayari. AKO ay naroroon!

Hindi AKO galit sa mga taong nasasabik na damhin ang AKING presensiya. AKO ay galit sa mga taong hindi man lamang napapansin na AKO ay nagiging tahimik, at ang AKING presensiya ay hindi pinananabikan. Para sa inyo na nakakaramdam ng ang AKING presensiya ay nawawala, at nagdadalamhati dahil doon, at nagsisisi at nagtataka kung ano ang inyong nagawang mali, ngayon AKO ay nagsasalita sa pamamagitan ng AKING babaeng tagapaglingkod at sinasabi sa inyo, nagawa ninyo ang lahat ng tama, iyan ang dahilan kung bakit napapansin ninyo ang AKING katahimikan, at hindi nararamdaman ang AKING presensiya. Hindi AKO nagsasalita sa mga taong nasa kasalanan, at hindi AKO kailanman kilala o nasasabik sa AKIN mula pa man sa simula. Alam ninyo kung sino ang pinagsasalitaan KO. Ang AKING mga Anak lamang ang makakaunawa. Para sa inyo na noon ay AKING mga Anak nguni’t naging maligamgam, bumalik kayo ngayon nakikiusap AKO sa inyo. Manabik sa AKIN (miss ME) at asamin na muli ninyong marinig ang AKING tinig. Hindi AKO kailanman umalis, kayo ang umalis.

Magsisi sa pagtuturo ng kamalian. Magsisi sa pagtuturo na ang kasalanan (sin) ay hindi kawalang banal (unholiness) at walang ganoong bagay na tulad ng kasalanan, sapagka’t ang isang mapagmahal na YAHUVEH ay patatawarin kayo kahit ano pa man ang inyong ginagawa. Hindi na kailangan ng pagsisisi, o tumalikod mula sa kasalanan. Hindi ba ninyo nakikita na iyan ay isang kasinungalingan ng diyablo. Sinasabi ng diyablo, “Hindi ninyo kailangan ng isang Tagapagligtas,” ang AKING regalo, ang AKING Minamahal na Anak na si YAHUSHUA. Hindi ba ninyo nakikita? Habang AKO ay lumuluha tuwing iniisip KO ang halagang binayad ng AKING Minamahal para sa inyo. Kung sinasabi ninyo na walang ganoong bagay na tulad ng kasalanan, at lahat ng bagay ay katanggap-tanggap sa AKIN sapagka’t AKO ay isang Diyos na wala nang pakialam sa kung sino o kung ano ang kasama ninyong natutulog.

Anong inosenting dugo ang ibinuhos? Kahit na ang mga hindi pa isinisilang, ito’y hindi kasalanan ang patayin sila basta’t hindi ninyo sila nakikita. Kahit na nakikita ninyo sila basta’t sila ay pumapatay ng inosenteng mga sanggol upang iligtas ang buhay ng iba, oh buweno, sila ay kapaki-pakinabang para sa isang bagay. Ito ay pagpatay (murder) at ito ay kasalanan! Mga mangangaral kayo ay mananagot sa AKIN ng personal. Sapagka’t sinabi ninyo na kayo ay nagtatrabaho para sa AKIN, nguni’t kayo ay nagtatrabaho laban sa AKIN. Ang homoseksuwalidad ay KASALANAN! Ang pagpapalaglag ay KASALANAN! Ang Pagpatay (murder) ay KASALANAN! Ang paghihimagsik ay KASALANAN! Ang pangkukulam ay KASALANAN! Alam ninyo kung ano ang KASALANAN! Basahin ang 10 na mga Kautusan! Mga Mangangaral, mga Apostol, mga Propeta, mga Guro, mga Ebanghelista, bumalik sa pangangaral ng kasalanan ay kasalanan. Tanging isang nagsisisi na makasalanan lamang ang mapapatawad.

Wala nang- lahat ipikit ninyo ang inyong mga mata ayaw naming mapahiya ang kahit sinuman, upang maaari nilang itaas ang kanilang mga kamay at tanggapin si YAHUSHUA ha MASHIACH bilang tagapagligtas nila. Mayroon ba kayong ideya kung gaano iyan nagpapagalit sa AKIN? Kailan ba naging isang pinagkukunan ng kahihiyan ang paglapit kay YAHUSHUA para sa kapatawaran ng inyong mga kasalanan? Hindi magkakaroon ng kaligtasan ng walang pag-amin sa inyong mga kasalanan sa iba. Ang pangungumpisal/ pag-amin ay ginagawang kaligtasan. Sinasabi KO sa inyo kung hindi ninyo AKO tatanggapin sa harap ng mga tao, hindi kayo tatanggapin ni YAHUSHUA sa harap KO, ang AMA. Ang AKING mga sariling Anak, ang AKING mga sariling ebanghelista, mga propeta, mga pastor, mga guro, mga apostol ay nakagawa na ito.

Oh, ang sakit. Ang kalungkutan na AKING tiniis dahil dito. Gaano katagal sa tingin ninyo ang mga taong ito na labis na nahihiya na tumayo at aminin na kailangan nila ng isang Tagapagligtas, ay manatiling ligtas? Agad nanakawin ng kaaway ang maliliit na binhi na itinanim. Kayo, na nakagawa nito, MAGSISI! Lantaran ninyong tanggihan na gawin ito na kailanman. Sapagka’t kayo ay mananagot sa mga nawawalang kaluluwa na sana ay naligtas. Kayo na ginawa AKONG isang Diyos ng panlilinlang habang sinasabi ninyo na maaari nilang itaas ang kanilang mga kamay ng lihim at sabihin, YAHUSHUA pumasok KA sa aking puso, nang hindi muna tinuruan sila na dapat silang umiyak at magsisi sa kanilang mga kasalanan, at tumalikod sa mga kasalanan na iyon. Sumang-ayon na unahin si YAHUSHUA sa kanilang buhay, at sundin ang batay sa kabanalan, hindi ang kawalan ng kabanalan. Mananagot rin kayo sa AKIN ng personal, at para sa lahat ng mga taong nag-iisip nang kapag ligtas ay palaging maliligtas, ngayon maari na nating gawin ang anumang bagay na gusto natin dahil ang lahat ng ating mga kasalanan ay may takip. Hindi ninyo itinuro sa kanila, ‘bakit ninyo sinasabi na mahal ninyo AKO at hindi sumusunod sa AKIN?’

Kayo na ginamit ang espiritu ng panlilinlang upang makahikayat ng mga tao upang itaas ang kanilang mga kamay habang ang mga mata ng lahat ay nakapikit para lang palapitin sila at tumayo sa harap ng mga tao, pagkatapos ninyong akayin sila na maniwala na maari nilang gawin ito sa lihim. Ipinakita ninyo sa kanila na si YAHUVEH ay isang Diyos ng kasinungalingan at panlilinlang. HINDI AKO GANYAN! Dahil dito kayo ay magbabayad, kung hindi kayo MAGSISISI! Oo, bago magsimulang yumanig ang mundo, kahit ngayon AKO ay nagyayanig at hinahati ang masasama (ungodly) at maka-diyos sa kung ano dapat ang naging AKING mga Simbahan, AKING mga Templo. Nagsasalita AKO tungkol sa mga lugar ng pagtitipon ngayon. Sapagka’t ang tunay na simbahan at mga templo ay AKING mga Tao.

Nguni’t sa mga gusali ng simbahan makikita ninyo kung ano ang nangyayari sa mga taong nanlinlang sa AKING mga mga tupa. O sa mga may nais na maging mga tupa nguni’t naging mga kambing, sapagka’t ang masasamang pastol ay isang lobo na ipinadala sa gitna ng AKING mga tupa upang wasakin sila dahil sa kakulangan ng kaalaman at pag-aninaw/pang-unawa (discernment). AKO ay galit/nagagalit! Sa mga gusali ng simbahan, nakita na ninyo ang pagsisimula ng dibisyon/paghahati. AKING inilalantad ang kaaway sa loob ng inyong sariling mga kampo. Mag-ingat, huminto, tumingin, at makinig sa boses ng RUACH ha KODESH. Muli, magpatuloy sa pagtawag sa AKIN at sabihin na nasasabik AKO sa presensiya MO dahil ito ang mga tao na dati ay nakakaramdam sa AKING presensiya at nasanay na marinig ang AKING tinig sa araw-araw at ngayon ay napansin ang AKING katahimikan.

Nguni’t AKO ay hindi laging mananatiling tahimik, AKING mga Minamahal, ito ay para lamang sa isang maikling panahon, mararamdaman ninyo ang AKING kalungkutan, at hindi kayo dapat sumusunod sa inyong mga nararamdaman sapagka’t iyan ay laman. Kinakailangan ninyong sumunod sa inyong pananampalataya dahil iyan ay galing sa Espiritu. Sa araw na ito, pinili KONG magsalita sa pamamagitan ng babaeng tagapaglingkod na ito, huwag magtaltalan/magtalo sa gitna ng inyong mga sarili at sabihin bakit magsasalita si YAHUVEH sa pamamagitan ng isang babae o pahiran ang kanyang mga kamay. Iiwanan KO kayo nito, pinipili KONG gamitin kung sino ang pinipili KONG gamitin, at hindi sasagot sa kahit sinong tao. At kung pinahiran KO lamang ang kanyang bibig tulad ng anong nakasanayan niya, at hindi pinahiran ang kanyang mga kamay sa teklada/tipahan (keyboard), maririnig ba ninyo AKONG magsalita sa mensaheng ito sa pamamagitan niya sa araw na ito? Nasagot na ninyo ang inyong sariling tanong.

Ngayon pakiusap bigyan ng babala ang mga tao, bagaman sa mga panahon ni/ng Noah ang karamihan ay hindi makikinig. Gayunman, huwag magkaroon ng dugo sa inyong mga kamay tulad ng sinasabi sa Ezk. 3, “Huwag hayaan matagpuan ang dugo sa iyong mga kamay.” BALAAN ANG MGA TAO! Mayroon pang natitirang maliit na oras, para sa kapakanan ng AKING Anak AKO ay nagkaroon ng awa sa mga tao, nguni’t ang oras ng paghihiganti at paghuhukom ay mabilis na lumalapit. Bigyang babala sila, at hanapin AKO habang AKO ay maaari pang matagpuan. Tandaan ang petsang ito at panoorin ng mabuti ang mga kaganapan sa mundo. 2/5/97. Pinagbawalan KO ang AKING babaeng lingkod, na si Sherri Elijah [Elisheva Eliyahu], na baguhin ang isang salita na AKING sinabi. Kahit na alam niya na hindi lahat ay tatanggap sa kung anong sinabi KO.

Muli, binabalaan KO ang mga taong/yaong AKING mga kaaway nguni’t nagpapanggap na AKING mga kaibigan, [mga] hudas’ mag-ingat, dahil kapag hinahangad ninyong pinsalain ang mensaherong ito, inyong pinipinsala ang kaisa- isang lumikha sa kanya at nagpahid sa kanya. Kayo ang kauna-unahang makakaramdam ng AKING matinding poot at malalaman ninyo ang AKING presensiya sa mga paraan na mas gugustuhin ninyong hindi malaman. AKO ay GALIT/NAGAGALIT, at kayo na nagmamakaawa sa AKIN na magsalita ay nakarinig ng boses ng pagmamahal, katiyakan, kalungkutan, at napakatinding galit. Inyong narinig ang boses ng Dakilang YAHUVEH “AKO (I AM)” na nagsalita mula sa isang basag na sisidlan ng luwad sa araw na ito. Manalangin para sa mga tao na kaninong mga puso ay inyong sinubukan/sinikap na abutin, at gayunman ay tinulak AKO palayo. Manalangin na sila ay mangagsisi ngayon, sapagka’t bukas ay maaring huli na.

Ibinigay kay Propeta Sherrie Elijah (Elisheva Sherrie Eliyahu) 2/5/1997.

********************

Brother Noel, kababasa ko lang nito sa aking suwail na tinedyer na lalaking anak, at sinabi na may mga tao sa buong mundo na magdadasal at maghahanap kay YAHUVEH upang tingnan na kung ano ang isinulat ko ay galing kay YAHUVEH. Talaga bang ito ay si YAHUVEH ang AMA, sa pamamagitan ng pagpapahid ng RUACH ha KODESH, na nagsalita mula sa akin? Ito ay masusuri at makukumpirma/mapapagtibay ng maraming mga propeta, mga pastor, mga apostol, mga guro, mga ebanghelista. Noon nakumpirma nila ang ibang mga propetikong mga mensahe sa taon na ito na ibinigay ni YAHUVEH sa akin, ngayon tatanungin kita aking iho/anak, ito ba ang boses ni YAHUVEH na nagsasalita mula sa akin? At ang pinakamagaling na kumpirmasyon para sa akin ay noong sinabi ng aking anak na, “Oo”.

Purihin si YAHUSHUA! Sinabi ko sa kanya na mayroon pang pag-asa para sa kanya. Sapagka’t kahit ang isang suwail na kabataan ay nakakarinig sa boses ni YAHUVEH. Ito ang pinakamalaking pagsubok sa ngayon at wala akong pag-aalinlangan na mismong si YAHUVEH ang nagsabi sa mga salitang ito para i-type ko sa araw na ito. Mangyaring kopyahin ito at ipadala ito sa lahat [ng tao] na sinasabi ng RUACH ha KODESH sa inyo. Ibahagi ito sa inyong simbahan, kahit na ayaw nila makinig.

Tingnan ang ‘Patunay sa likod ng mga Propesiya’ (Proof Behind the Prophecies) tungkol sa mga lindol at kakaiba/kataka-taka at mapaminsalang panahon na ngayon ay nangyayari.


* * * * * * *

Print Friendly and PDF