Propesiya 40
Huwag Maging Bahagi ng Huwad na Nobiya/Ikakasal, Kung Bahagi Ka Nga… TUMAKAS!
Ibinigay
sa pamamagitran ni Rev. Apostol Sherrie Elijah
Septiyembre 17,
2000
(Pakiusap magdasal para sa Babaeng Lingkod na ito na si Elisabeth Sherrie Elijah [Elisheva Eliyahu]. Na pinili ng Dios upang ihatid ang malupit na mensaheng ito na magpapagalit sa milyon-milyon, nguni’t siya ay isang mensahero lamang, Pakiusap huwag batuhin ang mensahero, inuulit lamang niya ang kung anong sinasabi ng RUACH HA KODESH para sa isang layunin; upang magdala ng mga kaluluwa sa Kaharian ng Langit. Dahil sa haba ng propetik na mensaheng ito, aming hinati ito sa mga parteng 1 at 2.)
****************
Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa lahat ng mga Propesiya mula ngayon:
Noon pa man binalaan na kita Elizabeth [Elisheva] na huwag mong papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit bago pa nagkaroon ng isang Ministeryo. Inilagay KO ito sa iyong espiritu dahil walang anuman nito ay gawa ng iyong mga kamay, walang anuman nito ay nagmula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESIYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong RUACH ha KODESH (ESPIRITU SANTO) ang inyong IMMAYAH (INA YAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay gawa ng iyong mga kamay ito ay matagal na sana nabigo. Ito ay sa pamamagitan ng Hangin ng SHKHINYAH GLORY [KALUWALHATIAN] na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na Hangin ng Muling Pagbabangon (Revival), ito ay hindi sa pamamagitan ng iyong hininga, o nabigo na sana ito. (Isaias 42:8).
Noong Hulyo 2010 sinabi rin ni YAHUVEH [ang] Diyos na idagdag ang sumusunod [na salita] mula sa Ika-2 Cronica sa harap ng bawat Propesiya:
2 Mga Cronica 36:16, “Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng DIOS, at niwalang kabuluhan ang KANYANG mga SALITA, at dinusta ang KANIYANG mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng PANIGNOON ay bumugso laban sa KANYANG bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
******************
Maghanda upang umuwi. Umuwi. Ang inyong Pag-uwi ay naghihintay. Ang AKING Nobiya/Ikakasal ay dapat maging handa upang umuwi. Sabihin sa AKING Nobiya/Ikakasal na maghanda upang umuwi. AKING hinahanda ang AKING Nobiya/Ikakasal upang umuwi upang kunin sila patungo sa AKING tabi habang kayo ay buhay pa. Sabihin mo sa kanila ng malayo at malawak; balaan sila sa pamamagitan ng lupa, sa pamamagitan ng hangin at sa pamamagitan ng dagat. Maghanda upang umuwi kasama KO, AKO ay darating para sa AKING Nobiya/Ikakasal. Maghanda upang umuwi, upang pumunta sa Kasalang Hapunan ng Kordero. Hindi AKO makapaghintay para sa AKING Nobiya/ Ikakasal na makauwi sa Langit sapagka’t AKO ay naghintay ng napakatagal. Sabihin sa kanila na AKO ay darating para sa AKING Nobiya/ Ikakasal. AKO’y paparating, sabihin sa kanila ng malayo at malawak. Huwag maglaan ng gastos. Ibaba ang iyong pagmamataas, ibigay ang mensahe, at Sabihin sa AKING Nobiya / Ikakasal na maghanda upang maghandang umuwi.
Anong Nobiya/Ikakasal ang hindi nakakaalam pagka lumalapit ang Araw ng Kasal. Anong Nobiya/Ikakasal ang hindi nakakaalam kung kailan susuutin ang kanyang damit Pangkasal. Ibabad (immerse) ang inyong sarili, linisin ang inyong sarili, paliguan ang inyong sarili, ilublob ang inyong sarili sa AKING Dugo na ibinuhos para sa inyo sa Kalbaryo. Maghanda upang umuwi. Anong Nobiya/Ikakasal ang hindi gusto na ang kanyang amoy ay maging mabango tulad ng isang halimuyak ng magagandang mga bulaklak at mga pampalasa? Ang halimuyak ng AKING Nobiya/Ikakasal ay hindi gawa ng tao o nahahanap sa isang bote. Ang magandang halimuyak ng AKING Nobiya/Ikakasal ay nagmula sa Langit. Ito ay ang pagpapahid ng RUACH HA KODESH na nagpapabango sa inyo. Ito ay hindi gawa ng tao. Ito ay hindi nahahanap sa isang bote, ang pagpapahid ng AKING RUACH HA KODESH na nagpapabango sa inyo. Ang mga taong mahahanap na walang pagpapahid ay isang masamang amoy sa mga butas ng AKING ilong at hindi uuwi sa Langit kasama KO. Ang halimuyak ng AKING pagpapahid ay Banal.
May ilan na tumatawag sa kanilang mga sarili na AKING Nobiya/ Ikakasal, nguni’t sila ay hindi AKING Nobiya/ Ikakasal. Sila ang mga Simbahan {tumutukoy sa tao} ng mga Nagkukunwari na umaangkin na kilala nila AKO at gayunman ay hindi AKO kilala. Ang kanilang halimuyak ay isang imitasyon/peke at isang masamang amoy sa mga butas ng AKING ilong. Ang huwad na nobiya/ikakasal ay nagsusuot ng mamuti-muti {kulay na may abo o madilaw na kulay} na puti. Ang kanyang mga hiyas ay mga pinutol na salamin lamang. Ang kanyang tiyara ay gawa sa lata. Inaangkin niya na mahal niya AKO, at walang pagmamahal doon. Bakit sinasabi ng huwad na nobiya/ikakasal na ito na mahal nila AKO nguni’t hindi sumusunod? Sinasabi nila na gumagawa sila ng mga milagro sa AKING PANGALAN, ngunit ang kanilang kakaibang apoy ay nagdudulot sa AKIN ng kahihiyan.
Sila ang limang mga hangal na mga birhen na natagpuan na walang langis sa kanilang mga ilawan. Ang mitsa ng ilawan ay hindi ginupit. Kanilang hinahati at kanilang pinagpira-piraso ang AKING Salita, kahit na ang AKING mga Kautusan upang maibang-anyo [ayon] sa kanilang sariling imahe sa kung sino “AKO”. Kanilang kinukunsinti ang kasalanan kahit na AKING tinatawag itong kasalanan. Humahantong pa nga sila na tawagin ang kanilang mga sarili na isang dios. Kanilang binabago ang AKING Kautusan. Kanilang binabago ang Salita “KO” [I AM]. Ang kanilang espirituwal na lider ay umuupo rin sa isang trono. Siya’y naglalabas/naglalathala ng mga kautusan sa kaniyang pangalan. Kaniyang kinukutya ang AKING pamalo (Rod) ng bakal at tinatawag itong isang setro {kapangyarihan ng hari}. Kanyang kinukutya ang AKING balabal (robe) ng katuwiran/kabanalan at nagsusuot ng isang balabal na may mga pinakainam/mahusay na mga diyamante/hiyas na nakatanim dito.
Kanyang kinukutya yaong AKING Tagasunod [train] na pumupuno sa Templo at ang kanyang balabal ay may mahabang buntot/tagasunod [train] nito. Kanya ring kinukutya ang AKING Banal na Salita at pinapatawag siya ng AKING mga tao na kaniyang kabanalan. Siya, ang espirituwal na lider na ito ay kilala sa buong mundo. May iba pang espirituwal na mga pinuno sa ibang organisasyon ng simbahan na tinuruan na sambahin ang isang tao na ipinanganak lamang mula sa isang babae at hindi mula sa isang birhen na kapanganakan. Pinipilit ng huwad na espirituwal na mga lider ang mga tao na lumuhod/yumuko sa kanilang mga paa, kinukutya ang AKING Salita na nagsasabi na ang bawat tuhod ay luluhod, at bawat dila ay aamin/magpapayahag na si YAHUSHUA ay Panginoon.
Isa pang espirituwal na lider ay naglalayong magdagdag ng isa pa sa Pagka-dios. Ang epirituwal na pinunong ito ay nagbibigay ng AKING komunyon at hindi kailanman nais sabihin sa mga tao na mangagsisi para sa kanilang mga kasalanan. Ito lahat ay palabas lamang. Ang mga taong sumusunod sa espirituwal na lider na ito ay susunod sa kanya patungo mismo sa hukay ng Impiyerno at patungo sa Dagat-dagatang Apoy. Walang anuman ang Banal ukol sa hindi banal na taong ito sapagka’t hinahangad niya na kunin ang AKING pwesto. Ito ay bahagi ng huwad na nobiya/ikakasal na ay isang masamang amoy sa mga butas ng AKING ilong. Ang itong espirituwal na lider ay hindi kailanman yuyuko ng napakababa sa kanyang mga mata o sa mga mata ng mga iba upang maghugas ng mga paa ng iba. Ang organisadong simbahan na ito ay ang pinakamayaman sa mundo, nguni’t sila ang pinakamahirap sa pananampalataya. Ang isang ito na nagliligaw sa napakaraming tao ay nagpapaamin [pangungumpisal] rin sa mga tao ng kanilang mga kasalanan sa kanya.
Ang isang ito ay naglalakas-loob na kutyain ang kaisa-isang may karapatan na maging hukom sa lahat ng sangkatauhan, at gayunman ang mga pari ay tinuruan na may karapatan silang ibaba ang penitensiya. Kanilang hinuhusgahan ang mga kasalanan ng iba at ang mga pari ang nagbaba ng sentensiya. Walang sinuman ang gumagawa nito ay isang bahagi ng AKING Nobiya/Ikakasal. Sila ay isang mabahong amoy sa mga butas ng AKING ilong. Kahit ang paraan ng transportasyon ay nangungutya sa paraan ng pagsakay KO sa isang asno (donkey). Kahit ang tanda ng krus ay kanilang kinukutya. Ito ay isang bahagi lamang ng huwad na nobiya/Ikakasal. Sila ay nagsasalita sa isang wika maliban sa mga nag-aaral na matagal nang nakalimutan. Maging mabalaan, tumakas kung kayo ay bahagi ng huwad na nobiya/ikakasal na ito. Sapagka’t ito ay isang mabahong amoy sa butas ng AKING mga ilong. Tandaan AKO ang Panginoon inyong DIOS at kayo ay dapat hindi magkaroon ng ibang Dios bago [sa harap KO] AKO. Huwag malinlang sapagka’t AKO ay hindi madaling kutyain. Mayroong isang presyo/halaga na kailangang bayaran.
*************************
Sapagka’t ito ay sinalita at kaya ito ay naisulat sa ilalim ng pagpapahid ng RUACH HA KODESH. Binigay sa mapagpakumbabang Babaeng lingkod na si Elisabeth Sherrie Elijah. (Elisheva Eliyahu)
6:15 ng hapon noong Septyembre 17, 2000.
Parte 2 –Propesiya 41 – Mangyaring Maaari Bang Tumayo ang Tunay na Nobiya/Ikakasal!
|