Propesiya 43 – Unang Bahagi
“AKO” ANG DIYOS ANG MAGPAPALAYOK, KAYO ANG AKING LUWAD! ANG AKING KALOOB/REGALO AY HINDI IPINAGBIBILI!!
IBinigay
sa pamamagitan ni Rev. Elisabeth Sherrie Elijah (Elisheva
Eliyahu)
Febrero 3, 2001
Isinalita sa pamamagitan ni Rev. Elisabeth Sherrie Elijah (Elisheva Eliyahu), sa pamamagitan ng pagpapahid ng RUACH HA KODESH, salita na orihinal na ibinigay para sa ibang lalaking kapatid na si Chris, nguni’t ito’y para sa lahat ng mga Apostol at mga Propeta, tungkol sa propetik na mga paaralan at iba pang mga pag-atake sa mga Mensahero ng Dios (halimbawa ng Brownsville, “Pagnanasa sa Ginto na Pagbabagong Buhay,” “Pagnanasa sa Gintong Alikabok na Pagbabagong buhay,” Rodney Howard-Browne, Halakhak ng Pagbabagong Buhay, mga Propesiyang Samahan [Prophecy Clubs] na ay wala nang iba pa kundi mga paligsahan sa katanyagan, isang pangkat kung saan ang mga Apostolikong-Propetik na mga ministro tulad ko ay hindi kailanman inanyayahan, atbp). Totoong mga Apostol at mga Propeta ay pinapatahimik, minamanipula, tinatakot, pinapahiya, inalisan ng karapatan, pinapahinaan ng loob at pinapaalis lahat dahil sila ay nagsasalita ng katotohanan nangyayamot sa laman (flesh) para sa kapakanan ng Espiritu.
**************
Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa lahat ng mga Propesiya mula ngayon:
Noon pa man binalaan na kita Elizabeth [Elisheva] na huwag mong papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit bago pa nagkaroon ng isang Ministeryo. Inilagay KO ito sa iyong espiritu dahil walang anuman nito ay gawa ng iyong mga kamay, walang anuman nito ay nagmula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESIYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong RUACH ha KODESH (ESPIRITU SANTO) ang inyong IMMAYAH (INA YAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay gawa ng iyong mga kamay ito ay matagal na sana nabigo. Ito ay sa pamamagitan ng Hangin ng SHKHINYAH GLORY [KALUWALHATIAN] na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na Hangin ng Muling Pagbabangon (Revival), ito ay hindi sa pamamagitan ng iyong hininga, o nabigo na sana ito. (Isaias 42:8).
Noong Hulyo 2010 sinabi rin ni YAHUVEH [ang] Diyos na idagdag ang sumusunod [na salita] mula sa Ika-2 Cronica sa harap ng bawat Propesiya:
2 Mga Cronica 36:16, “Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng DIOS, at niwalang kabuluhan ang KANYANG mga SALITA, at dinusta ang KANIYANG mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng PANIGNOON ay bumugso laban sa KANYANG bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
************
Kaya maaring lagyan/tutupan (line) ng mga lubo ang kanilang mga bulsa ng pilak at ginto, sinasabihan ang mga tao na ang mga kaloob/regalo ng RUACH HA KODESH ay ipinagbibili. Ang pagpapagaling, pagliligtas at ang propetikong mga kaloob/regalo ay hindi ipinagbibili! Ang mensaheng ito ay hindi para sa lahat. Kung naririning ninyo ang boses ng DIYOS na Ama na nagsasalita sa inyo nang isa-isa [one on one], kung ganoon ito’y para sa inyo. Kung hindi, kung ganoon balaan ang mga iba na nagtataguyod sa propesiyang mga paaralan tulad nila Pam Clark, Andrew Strom at Craig Martin. Ang mga ito ay 3 lamang at gayunman ang pinakabagong kasinungalingan ni satanas ay: hindi kayo isang propeta kung hindi kayo pumupunta sa isang paaralan ng mga propeta. Ang mga kaloob/regalo ng Dios ay HINDI ipinagbibili.
Ito ang dahilan kung bakit hinihiling ko na ipatong [ninyo] ang [inyong] mga kamay sa aking larawan na nasa itaas at magdasal sa mga wika ng RUACH HA KODESH sapagka’t ang Ministeryong ito ay nasa ilalim na ng pag-atake para sa pagsasalita ng pinakabagong mensaheng ito. Muli kong sinasabi na AKO ang mensahero lamang, pakiusap huwag batuhin ang mensahero. Wala akong anumang matatanggap, kundi pagsunod sa Dios. At saka [kayo’y] magsabi rin ng isang panalangin ng pamamagitan (intercession) para sa site manedyer at [para sa] lahat na mga taong nagtatrabaho kasama ko, sinusuportahan ako ng kanilang pagmamahal, mga panalangin, o pinansiyal na suporta, manalangin para sa mga pagpapala na maipagkaloob nang mabilis at saka, karagdagang proteksyon mula sa mga kaaway, na gumagamit ng okultismo, na naghahangad sa aming pagkawasak, at pagkawasak ng ministeryong ito. Pakiusap magdasal para sa masaganang pagpapala sa pananalapi upang makagawa kami ng higit pa para sa kaharian ng Langit at isang masmalaking pagpapahid (anointing) tulad ni Juan Baptista para sa pagdadala ng mga ligaw na tupa at sa lahat ng mga pook, lalo na para sa kaloob ng pag-unawa.
Pakiusap magdasal, habang naglalagay kayo ng kamay sa aking larawan, para sa lahat ng mga pagkaalipin at mga hadlang ay maialis mula sa aking buhay kaagad na humahadlang sa akin mula sa pagtupad sa kung anong ipananganak kong gawin [I was born to do].
Sapagka’t ito ay hindi tungkol sa kung sino ako, ito ay [tungkol sa] kung sino ang kinakatawan ng ministeryong ito. Kailangan nating pumayag na ibaba ang lahat ng pagmamataas, mga doktrina na gawa ng tao, personal na mga pag-uudyok, reputasyon, malakas na loob na matapang na ang ministeryong ito ay matatakbo sa paraan ng DIOS at hindi sa paraan ng isang organisadong simbahan, ni sa paraan ng lalaki o babae. Hindi namin magagawa ang anumang bagay nang wala ang pagpapahid ng RUACH ha KODESH. Ito ay isang kasalungat (confrontational) na ministeryo at kung minsan ay maaari namin masaktan/mayamot ang laman (flesh), nguni’t kami/tayo ay magkakaroon ng isang layunin –upang patnubayan ang mga kaluluwa patungo kay YAHUSHUA (Hesus), ituturo ang daan patungo sa Langit, nagbabala tungkol sa Impyerno, nagtuturo ng kabanalan, ang kahalagahan ng pagpapanatili sa [pagsunod] sa tunay na araw ng Sabbath [Araw ng Pahihinga], nagtuturo sa matatag/ walang komprimiso na Salita ng Dios para sa Kaluwalhatian ni YAHUVEH, YAHUSHUA, at ng RUACH HA KODESH!
KUNG kayo ay namamagitan para sa amin, pakiusap maaari ba ninyo itong ipaalam sa amin para hindi ko maramdaman na masyadong nag-iisa? Salamat sa pagsang-ayon sa akin sapagka’t ito ang hangarin ng puso ko.
****************
Propesiya 43 – Unang Bahagi
“AKO” ANG DIYOS ANG MAGPAPALAYOK, KAYO ANG AKING LUWAD! ANG AKING KALOOB AY HINDI IPINAGBIBILI!!
AKING Minamahal, pakinggan AKO ng malinaw sa pamamagitan ng AKING babaeng lingkod na ito. Kung ito’y narinig mo na ito’y sasabihin KO muli, hindi KO itinatawag ang may kaya/kuwalipikado (qualified), ginagawa KONG karapat-dapat ang tinawag. Ikaw ay itinaas sa ranggo/na-promote at gayunman ikaw ay umaasal na tila ikaw ay AKING pinababa. Naririnig mo ang AKING boses at gayunman patuloy mong sinusubokan ang kung anong alam mo ay totoo. Tandaan, ikaw ay may pananagutan sa kung anong nalalaman mo. Hindi KO sinasabi ang AKING mga sekreto sayo upang ikaw lamang ang makakaalam, kundi upang maibahagi mo ang sekretong kaalaman na AKING binigay sayo sa mga taong sinasabi KO sayo na isalita at ibahagi. Ito ay hindi mo responsibilidad kung ang mga mensahe ay paniniwalaan. Ang iyong reponsibilidad ay simple ihatid ang mga mensahe. Maging ang mensahe ay pinaniwalaan ay nasa tagapakinig.
Ikaw ay dapat maging tagagawa ng mensahe at ihatid ang kung anong sinabi KO sayo na sabihin at huwag i-edit o bawasan ito sa anumang paraan. Ikaw ba ay masnatatakot na kutyain AKO o ang mga tao na kung saan ikaw ay AKING ipanadala? Ikaw ay AKING dadalhin sa isang masmataas na pagpapahid (anointing) at AKING ibinigay sa babaeng lingkod na ito ang mga salitang ito upang ibigay sa iyo. Ikaw ay AKING pinopromote sa pinuno ng klase. Sino ka para sabihin na hindi ka karapat-dapat sa ganitong posisyon? Sino ka para sabihin na hindi ka kuwalipikado (qualified)? Hindi ba AKO ang Mangpapalayok at hindi ba ikaw ang luwad? Wala ba AKONG karapatan na hubugin ka at gamitin ka sa paraan na AKING pipiliin? Mahal kita at kilala kita at alam KO kung ano ang inilagay KO sa loob mo noong niligtas kita, noong nilikha kita at noong tinawag at pinili kita. Mas pinahahalagahan mo ba ang reputasyon mo at ang kung ano ang iniisip ng sangkatauhan sayo o ang kung anong iniisip KO, ang tagapaglikha ng lahat, sayo?
Wala AKONG hinihiniling/sinabi na gawin mo ala AKONG sinabi na gawin mon na hindi KO hiniling/sinabi sa AKING ibang mga apostol at mga propeta na gawin, at iyon ay sumunod sa AKIN at hanapin ang AKING kalooban/kagustuhan at ikaw ay AKING aakayin at gagabayan ka at hindi ka kailanman pababayaan at nagbibigay AKO ng kasangkapan sa AKING mga mandirigma bago KO sila ipapadala sa harap ng mga linya ng labanan. Hindi ka kailanman pupunta sa isang labanan, na nag-iisa, AKO ay naroroon. Ni walang dala-dala o nakahubad. Isuot ang buong baluti ng Dios at ilabas ang AKING espada hindi ang sa iyo. Kunin ang AKING kalasag ng pananampalataya at pawiin ang maapoy na mga maikling sibat na tinututok sayo. Mag-ingat sa mga Hudas na dumating sayo na nasa anyo ng tupa at gayunman ay mga gutom na gutom na mga lubo. Manalangin para sa isang mas mahigit na kaloob ng pang-unawa at huwag kailanman isipin na mayroon kang ganoong sapat na regalo sapagka’t walang sinumang tao ang makapagsasabi na lagi nilang nakikilala ang mukha ni satanas. Mag-ingat sapagka’t alam ng diyablo ang AKING mga plano para sa iyo at alam niya kung saan ka mahina at kung saan ka malakas.
Ang AKING totoong mga Apostol at mga Propeta ay hindi nangangailangan ng isang paaralan ng mga propeta. Sila ay sinasanay sa pag-aaral ng mahirap na mga suntok habang sila ay pinatumba ng paulit-ulit sa laman nguni’t kapag bumangon sila ito ay may kasamang isang masmalaking pagpapahid (anointing) at hindi na ang laman ang bumabangon kundi ang AKING RUACH HA KODESH na ang bumabangon. Ang isang paaralan ng isang propeta ay hindi makakapagturo sa kung ano ang maaari lamang maituro ng RUACH HA KODESH. Anong presyo ang maaaring ilagay sa ganoong regalo tulad ng AKING ibinibigay sa AKING mga apostol at mga propeta? Sino ang maglalakas-loob na magturo sa kung paano magpropesiya? Kapighatian sa itong mga huwad na panlaman na mga guro (fleshly teachers) ng mga kasinungalingan upang lagyan/tutupan lamang ang kanilang mga bulsa ng ginto at pilak.
Huwag malinlang habang ang mga lobo ay nagtatatag ng mga hukom na nagsasabi ng mga kasinungalingan at hinihikayat ang huwad na mga apostol at mga propeta na hindi mula sa AKING RUACH HA KODESH ni nakikinig sa totoong RUACH HA KODESH. Ang mga ipinahayag ang sarili na mga hukom na humahatol sa AKING mga totoong mga apostol at mga propeta ay nagpapahina sa kanilang loob at hinihikayat ang mga taong kumikilos sa laman (flesh) at hindi sa AKING RUACH HA KODESH. Ang mga paaralan ng mga propeta ay nagpapalayas at tinatakot ang AKING tunay na mga propeta at mga apostol.
Nguni’t sila ay sinasanay maging sila ay nakikinig sa mga ipinahayag ang sarili na mga hukom na ito ng AKING mga apostol at mga propeta o maging sila ay nakikinig sa Hukom ng Lahat na mga nilikha ang dakilang Dios na “AKO”! Huwag ninyong sayangin ang inyong pera sa ganitong kahangalan. Sapagka’t ang mga eskuwelahan na ito ay nagsasanay sa laman (flesh) at hindi kahit naririnig ang AKING RUACH HA KODESH. Malupit na mga salita nguni’t totoo. Nagsasalita lamang sila ng biyaya at hindi nagbabala tungkol sa pagwika (rebuking). Oo, AKO ay naghihikayat sa pamamagitan ng AKING mga apostol at mga propeta, pero ginagamit KO rin sila upang magwika (rebuke) at magpadala ng mga babala ng pagsisisi at oo pinadadala KO ang AKING mga pagpapala nguni’t pinadadala KO rin ang AKING mga sumpa sa mga taong hindi sumusunod. Pinadadala KO ang AKING mga apostol at mga propeta upang magsalita bago KO ipadadala ang paghatol/paghuhukom.
Ito ang dahilan kung bakit ang AKING totoong mga apostol at mga propeta ay pinatahimik sa isang malalim na pagtulog o takot o nangangamba na saktan/yamutin ang laman (flesh), ito ang dahilan kung bakit KO ipinadadala/isinugo ang babaeng lingkod na ito upang gisingin ang AKING mga totoong apostol at mga propeta at upang ilantad ang mga lobo na nasa damit ng tupa na naghahangad na patahimikin ang AKING mga apostol at mga propeta sa anumang paraan na maaari nilang gawin. Pinapa-isip ang AKING mga apostol at mga propeta na kung sila ay hindi nabibilang sa isang grupo o nagaaral (sa eskuwelahan) upang magpropesiya o kung sila ay hindi nagsasalita sa wastong gramatika kung ganoon sila’y hindi naglalakas loob na magsalita at sila ay hindi tinawag. Tinatawag KO ang edukado at ang walang pinag-aralan upang isalita ang AKING mga salita sa lahat na mga lengguwahe/wika gamit ang lahat na mga edad.
Ang bawat taong nakakarinig sa AKING mga salita at tinatanggap ang mga ito ay makakarinig sa kung ano ang nais KONG marining nila. Ang ilan na mga salita ay magkakaroon ng dalawang kahulugan man lang (at least). Tulad ng bibliya [na mayroong dalawa o higit pang kahulugan] kapag inyong binabasa at pinagnilay-nilayan ito ng higit sa isang beses kayo’y makakarinig ng isang bagay sa pamamagitan ng AKING RUACH HA KODESH na hindi ninyo narinig o nakita noon. AKO ay nagsasawa habang ang AKING mga propetikong mga mensahe ay ini-edit upang tumunog na tama ayon sa panlaman na edukasyon. Sino ang magsasabi kung ano ang wastong gramatika? Ang lahat ba na mga apostol at mga propeta ay nagsasalita lamang ng isang wika? Magkapareho ba ang kanilang edad, lahi, o kasarian? Lahat ba sila ay nagmula sa parehong bansa? HINDI! AKO nga rin ay nagsasalita mula sa bibig ng mga sanggol. Tigilan ninyo ang pagtatangka na ilagay “AKO” sa isang kahon. Tigilan ninyo ang pagtatangka na magsabi sa kung ano ang gagawin KO at kung ano ang hindi gagawin “KO”[“ni AKO”]. Ginagawa KO kung anong hindi inaasahan ng sangkatauhan. Walang sinumang lalaki o babae ang talagang nakakaalamlamanaki o babae aatauhan wikagalog sa isipan ni “AKO [I AM]”!
Kapag sabihin KO sa AKING mga anak kung saan lalakad, lumakad kayo. Kapag sabihin KO sa inyo kung saan tatakbo, tumakbo kayo. Kapag sabihin KO sa inyo kung anong sasabihin ninyo, magsalita kayo. Kapag sabihin KO sa inyo na maging tahimik, tumahimik kayo. Kapag sabihin KO sa inyo na tumigil, huwag gumalaw. Kapag hindi ninyo alam kung anong gagawin, wala kayong gagawin, hanggang magkaroon kayo ng kapayapaan na “AKO” ay nagsalita. Kapag ipinapaalala sa inyo ng kaaway ang inyong nakaraan, ipaalala sa diyablo ang kanyang hinaharap. Kapag ang espiritu ng pagtuligsa/paghatol ay umaatake sa inyo kung ganoon tandaan ito, hindi KO kayo sinusumpa, kaya sino kayo upang magsumpa/ maghatol sa inyong sarili o payagan ang kahit sinuman na magsumpa/ maghatol sa inyo? Ang inyong mga kasalanan ay kasing layo ng silangan mula sa kanluran. Ilarawan ang isang butas ng pangingisda (fishing hole) at mapagtanto na kayo lamang at ang diyablo ang pwedeng mangisda ng nakaraang mga kasalanan na matagal KO nang hinugasan sa pamamagitan ng AKING dumaloy na Dugo sa Kalbaryo. Kailangan ninyong maglagay ng huwag mangisda na palatandaan/karatula doon at huwag ng magisda doon ni payagan ang kahit sinuman na pumunta doon at mangisda. AKIN nang nabayaran ang presyo.
Huwag payagan ang diyablo na ipaalala sa inyo ang isang nakaraan na hindi na umiiral. Ang nakalipas ay wala na at nagiging bago. Pahintulutan ninyo AKO na tanungin ito, nilalabhan ba ninyo ulit ang malilinis na mga damit? Kung ganoon itigil ang pagpapaalala sa AKIN sa kung ano ang hinugasan na ng AKING Anak na si YAHUSHUA. Kayo ay karapat-dapat para sa bagong posisyon na kung saan kayo’y AKING itinawag at pinahiran. Kung pagdududahan ninyo ito, kung ganoon sinasabi ninyo na ang Dios na inyong pinaglilingkuranng sinisilbihaan ay gumagawa ng mga kamalian at may masmarami kayong alam kaysa sa “AKIN” [“I AM”]. Iyan ba ang sinasabi ninyo? Ang luwad ba ay magsasabi sa Mangpapalayok na ito kung paano hulmahinmoldeg sinasabi momi kang at gamitin ang sisidlan ng luwad na ito? Pinahiran kita para sa oras na ito. Ang oras ay masmaikli kaysa sa iyong iniisip upang ibahagi ang kung anong AKING ibinigay sa iyo upang ibahagi. Ang lahat ng mga pintuan ay bumubukas ngayon kung mamasdan mo lang ang mga pagpapalang AKING inilaan para sa iyo at tanggapin ang kung anong AKING ibinibigay sa iyo.
Tandaan si Elias ng Noon/Dati [sa Hebreo, Eliyahu] ay noo’y hindi ang tao na tunay na nangangailangan sapagka’t kanyang ipinagpala ang biyuda ng mashigit pa kaysa sa siya’y ipinagpala niya (ang biyuda). Si Elias [sa Hebreo, Eliyahu] ay hindi kailanman naging tunay na nasa kakulangan sapagka’t paano ba ang tao [na ito] na lubusang pinahiran ay maaaring maging kulang sa anumang bagay? Paano ba kayo maaaring maging kulang sa anumang mabubuting bagay kapag kayo ay binasbasan ng higit pang pagpapahid (anointing) at mga regalo/kaloob kaysa sa inyong napagtanto? Mag-aral at basahin ng maigi ang mga kasulatan na AKING sinabi sa AKING ‘Elias ng Bago’ [sa Hebreo, Eliyahu] na ibigay sa iyo. Tulad ng ipinagpala mo siya ngayon, siya ay sinabihan na magsalita ng mga biyayang ito sa iyo. Hindi pa ba ninyo nababatid ang isa’t-isa? Kayong dalawa ay higit na magkapareho kaysa sa nalalaman ninyong dalawa. Pinili KO na ipakilala kayong dalawa para sa AKING mga layunin at walang mga hindi sinasadyang pagpupulong, ang inyong mga paraan ay hindi laging AKING mga paraan, nguni’t ang AKING mga paraan ay laging para sa inyong kabutihan at walang mabubuting bagay ay AKING ipagkakait mula sa alinman sa inyo. Kayong dalawa ay tumatayo sa harapan KO at pareho ninyong sinubukan na sabihin sa Maestrong Mangpapalayok kung paano hulmahin kayo at gamitin kayo at kapwa kayong dalawa ay nagsabi na “Hindi ako karapat-dapat para sa ganitong gawain.”
Nguni’t sinasabi KO sa inyong dalawa, “Siyempre hindi kayo karapat-dapat ng kayo-kayo lamang.” Hindi KO pinipili ang mga sisidlan na nagmamalaki sa kanilang pagiging karapat-dapat o malaking halaga o kagandahan, ni pinipili KO ang mga taong nagiisip sa kanilang mga sarili na masmataas kaysa sa dapat, ni pinipili ang mga sisidlan na nag-iisip na ginagawan nila AKO ng pabor upang magamit [sila] sa ganoong paraan. Pinipili KO ang mga sisidlan na nakakaalam na kung sila-sila lamang ay wala silang magagawa at magsasalita ng walang anumang may halaga maliban na kung ito ay nasa ilalim ng pagpapahid ng AKING RUACH HA KODESH. Hindi kita pinipili dahil nagpasya kang itaguyod ang iyong sarili at iniisip na ikaw ay mas mahusay kaysa sa sinumang iba pa. Pinipili kita dahil alam mo na hindi ikaw ang pinakamahusay at ang iyong yaman, ni ang kakulangan nito, ay hindi nagpapabilib sa AKIN ni kung anong mayroon ka o wala ka, ang tanging bagay na nagpapabilib sa AKIN ay ang katotohanan na alam mo na sa pamamagitan ng Dios ang lahat ng mga bagay ay posible at pinipili KO ang AKING mga apostol at mga propeta mula sa mga hindi gaanong napipili sa mga mata ng mundo. Pinipili KO ang mga hindi gaano magpalito/magpataranta sa mga taong nag-iisip sa kanilang mga sarili na marunong/maalam.
Mag-aral at pagnilay-nilayan ang ibabang mga kasulatan at malalaman mo kung ang salitang kaalaman na ito ay sadyang para sa iyo. Alam ng AKING mga tupa na AKO lamang ang boses ng Mabuting Pastol sapagka’t anong anak ang hindi nakakaalam sa boses ng kanyang Ama? Kung hindi mo naririnig ang AKING boses kung ganoon, ang mensaheng ito ay hindi para sa iyo nguni’t kopyahin ito sapagka’t ikaw ay mapaalalahanan kapag ang oras ay dumating upang ipadala ito sa ibang tao. Ito ay isa sa isa [one on one] na Salita bagaman orihinal na ibinigay sa iba ito ay hindi lamang para sa isang lalaki o babae o bata.
*****************
Jer1:4-12
Ang
Propeta ay Tinawag
Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa
akin, na nagsasabi, Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at
bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal
kitang propeta sa mga bansa. Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah,
Panginoong Dios! narito, hindi ako marunong magsalita: sapagka't
ako'y bata. Nguni't sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong sabihin,
Ako'y bata: sapagka't saan man kita susuguin ay paroroon ka, at
anomang iutos ko sa iyo ay sasalitain mo. Huwag kang matakot dahil sa
kanila [[Huwag kang matakot sa kanilang mga mukha]]; sapagka't ako'y
sumasaiyo upang iligtas kita, sabi ng Panginoon. Nang magkagayo'y
iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig;
at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, inilagay ko ang aking mga
salita sa iyong bibig: Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na
ito sa mga bansa at sa mga kaharian, upang mag-alis at magbagsak at
upang magsira at magwasak, upang magtayo at magtatag. Bukod dito ay
dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi, Jeremias,
anong nakikita mo? At aking sinabi, Ako'y nakakakita ng isang tungkod
na almendro. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Iyong
nakitang mabuti: sapagka't aking iniingatan ang aking salita upang
isagawa [[sapagka’t AKO ay handa upang isagawa ang AKING
salita]].
Isaiah
64
Nguni’t ngayon, oh Panginoon, Ikaw ang aming Ama, kami
ang luad, at Ikaw ang mangpapalayok; at ang lahat ay gawa ng iyong
kamay [[lahat kami ay gawa ng IYONG kamay]].
Pagkatapos pumunta ako sa bahay ng mangpapalayok, at doon siya, gumagawa ng isang bagay sa gulong. At ang sisidlan na kanyang ginawa ng luwad ay sinira sa kamay ng mangpapalayok; kaya ginawa niya ito muli na maging ibang sisidlan, ayon sa kung ito ay mabuting gawin sa mangpapalayok.
-----
Tanda: Buweno, dalangin ko na ako ay ginamit upang maging isang biyaya sa iyo at pakiusap ipalaam sa akin kung ang salitang ito ay nagpapatotoo sa iyo sa anumang paraan? Ako lamang ang mensahero kaya pakiusap huwag batuhin ang mensaherong ito, nguni’t kung ako’y babatuhin mo tandaan sila’y tatalbog lamang mula sa akin at patungo sa aking Amang Dios na si YAHUVEH at YAHUSHUA at sa RUACH HA KODESH, sapagka’t iyan ang nagsasalita sa mensaheng ito, wala akong matatanggap sa pamamagitan ng paggawa nito maliban sa kaalaman na aking sinusunod ang aking Ama na Diyos. Gusto ko talagang isaalang-alang ito na isang pribilehiyo na manalangin ng kasama ang katulad mo sapagka’t ang Dios mismo ang nagpapatunay sa iyo sa pamamagitan ng salitang ito kung naririnig mo si Diyos Ama na nagsasalita sa iyo ng isa-isa (one on one).
Kamakailan lamang napansin ko kung paano kapag ang RUACH HA KODESH ay nagsasalita ng isang Salita tila ito ay para sa higit sa isang tao bagaman ito ay orihinal na sinadya para sa isang tao iyan ay ikaw Chris. Mangyaring ipaalam sa akin kung ito ay aking ilalabas/ibibigay sa ibang mga apostol at mga propeta. Mangyari muling basahin [mo] ito nang higit pa sa isang beses. Alam ko na gagawin ko rin ito. Maraming karne ay nandito at pakisabi sa akin kung ito ay nagpapatotoo sa iyo. Para sa inyo na nalinlang ni satanas at pinatahimik ang tunay na mga apostol at mga propeta at oo mga babae ay mga apostol rin. Ang RUACH HA KODESH ay isang walang paghahalintulad sa kasarian (pantay-pantay ang pagtingin), ang mga pumapayag lamang na mga sisidlan na magsasalita sa loob ng katapangan ng RUACH HA KODESH at hindi sa isang mahiyaing/mahinang boses sa laman na takot na saktan/ magpasama ng loob ng mga tao kaysa sa pagnanais na bigyang-liwanag sila para sa kapakanan ng kanilang mga kaluluwa.
Ako’y naghintay upang pakawalan ang salitang ito dahil ang orihinal na tao na ito’y inilaan ay hindi pa nakatanggap sa email kung saan ipinadala ko ito. Marahil siya ay naglalakabay sa labas ng bansa. Pakiusap magdasal na matanggap ng lalaking ito ang mensaheng ito at sumagot sa akin, sa isang espiritu ng pagmamahal at hindi magkaroon ng sama ng loob, bago ang Araw ng mga Puso. Chris, ikaw ang nagpukaw sa pagpapahid na ito sa akin, sa pamamagitan lamang ng pagdasal para sa iyo sa araw-araw. Iyong sinasabi na mashigit na makakaya mo na maging aking tagapamagitan at ikaw ang lalaking ginamit ng Dios upang dalhan ako ng mga nakapagpapatibay na mga propetikong mga mensahe nang maraming beses kapag kinakailangan ko ito. Parang ang mga apostol at mga propeta na ginagamit upang pagpalain ang iba sa ganitong paraan, napakakunti ang kumukuha ng oras upang maghanap ng isang salita para sa atin/amin.
Chris, kapag nabasa mo ito tandaan ang salita ay orihinal na isinalita para sa iyo. Nguni’t patawarin mo ako hindi ko na mapipigilan ang propetikong salitang ito ng kaalaman ng masmatagal pa, ang mga hinirang ay nalilinlang. Tanda para sa aking mga tagapamagitan, Chris ay isa sa mga pangalan na ginamit niya sa kanyang sulat, hindi ko nababatid na ito ay ang kanyang totoong pangalan, nguni’t ayaw kong pakawalan ang kanyang totoong pangalan kung sakaling ito ay magpapagsama ng kanyang loob. Aking sinasama ang personal na sulat na ito upang patunayan sa kanya na una kong sinubukan na ipaabot sa kanya ang salitang kaalaman na ito, manalangin KUNG siya ay nasasangkot sa isang propetik na eskuwelahan tulad sa isa na pinagbabalaan ng Dios, maririnig niya si Diyos Ama na nagbabala sa kanya na tumakas nang mabilis mula rito o bumangon sa katapangan at magsalita laban sa mga propetik na mga eskuwelahan na naririto lamang upang patahimikin ang mga tunay na apostol at mga propeta at lagyan/tutupan ang kanilang mga bulsa ng ginto at pilak.
Maraming Pagmamahal,
ang iyong Babaeng Kapatid kay YAHUSHUA
Rev. Elisabeth Sherrie
Elijah (Elisheva Eliyahu)
|