Propesiya 44

Tumindig mga Bantay Sa Pader!

Sinalita sa ilalim ng pagpapahid kay
Rev. Apostol Elisabeth Sherrie Elijah (Elisheva Eliyahu)
Oktobre 8, 1998.

**********

Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa lahat ng mga Propesiya mula ngayon:

Noon pa man binalaan na kita Elizabeth [Elisheva] na huwag mong papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit bago pa nagkaroon ng isang Ministeryo. Inilagay KO ito sa iyong espiritu dahil walang anuman nito ay gawa ng iyong mga kamay, walang anuman nito ay nagmula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESIYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong RUACH ha KODESH (ESPIRITU SANTO) ang inyong IMMAYAH (INA YAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay gawa ng iyong mga kamay ito ay matagal na sana nabigo. Ito ay sa pamamagitan ng Hangin ng SHKHINYAH GLORY [KALUWALHATIAN] na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na Hangin ng Muling Pagbabangon (Revival), ito ay hindi sa pamamagitan ng iyong hininga, o nabigo na sana ito. (Isaias 42:8).

Noong Hulyo 2010 sinabi rin ni YAHUVEH [ang] Diyos na idagdag ang sumusunod [na salita] mula sa Ika-2 Cronica sa harap ng bawat Propesiya:

2 Mga Cronica 36:16, “Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng DIOS, at niwalang kabuluhan ang KANYANG mga SALITA, at dinusta ang KANIYANG mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng PANIGNOON ay bumugso laban sa KANYANG bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”

***********

Sapagka’t AKING tinatawag ang marami ngayon, sabi ni YAHUVEH. Ito ang AKING nagbungang mga sisidlan, nagbungang mga instrumento sa loob ng AKING higit sa karaniwan/ sobrenatural na hukbo na magdadala ng pagkakaisa sa AKING katawan. Sila ay magdadala ng kaayusan. Sapagka’t ngayon na ang oras, sabi ni YAHUVEH, ngayon na ang oras para sa AKING bantay. Ngayon na ang oras para sa mga taong lumakad sa oras ng hatinggabi. Bumangon, bumangon, bumangon, o mga natutulog na tao. Bumangon ngayon, bumangon ngayon, bumangon ngayon, at iproklama/ipahayag ang tagumpay. Isang hukbong nakakatakot at malakas, isang hukbo na magdudulot sa kaaway na kumalog at manginginig sa takot at sindak sa pagkikinig sa ingay ng inyong pagtitipon at ng inyong pagmamartsa sa lupain. Ipagpatuloy na tumawag at ipahayag at ipangaral ang ebanghelyo ng kaligtasan.

Makibahagi sa inyong espirituwal na pagkain at kalugin ang tulog sa inyong mga talukap ng mata at dinggin ang mga tinig ng AKING bantay. Sapagka’t sila ito na AKING binigyan nito, ang AKING Salita, upang kayo’y bumangon, bumangon, bumangon, sabi ni YAHUVEH gawin kung alin ang mahalaga sa AKING paningin. Gawin ang yaong magdadala sa AKIN ng Kaluwalhatian at yaong magbubunga ng isang malaking pag-aani ng mga kaluluwa at malalaman KO na minamahal ninyo AKO ng tunay. Bumangon, bumangon, bumangon at gumising sa katotohanan at igapos/itali ang inyong mga sarili sa katotohanan at lumakad sa katotohanan sapagka’t ang AKING plano ng walang katapusan ay ipinakita sa inyo at mayroong pang maraming paghahanda na kailangang gawin at gagawin na AKING nilikha upang gawin ninyo.

(Ang aking AMA sa LANGIT ay nakipagusap sa akin ngayong araw [na ito] at sinabi ang mga yaong bagay na ito sa akin ngayong araw [na ito], ng maliwanag, ng napakalinaw. Sapagka’t mayroong mga pabagyong ulap na nagbubuga/kumukulo sa mga puso ng mga tao na hindi nakikita sa natural at habang ang mga ulap ng digmaan ay nagtitipon sa ibabaw ng abot-tanaw (horizon), at habang ang kulog at ang kidlat mula sa kapangyarihan ng mga ulap ng digmaan na yon ay patuloy na nagpapakita sa kanilang sarili.)

Inyong naririnig at inyong nakikita, huwag matakot, sabi ni YAHUVEH, ng mga yaong bagay na mula sa AKIN. Kaya ihanda ang inyong mga puso, ang lahat ng mga bagay na ito ay inilalagay sa paggalaw ay magpapakita sa kanilang mga sarili, sabi ng Makapangyarihang YAHUVEH. Inihanda KO ng mabuti ang AKING mga tinatawag na tao. Ito ay hindi ninyo responsibilidad na pasimulan ang katotohanan. Ito’y simpleng responsibilidad ninyo na tumugon sa AKING katotohanan, sabi ng Panginoon inyong Dios. Sapagka’t inyong mababatid ang katotohanan mula sa palso/huwad at kayo ay magkakaroon ng kapayapaan sa inyong mga puso na ang mga yaong mga bagay na mula sa AKIN ay para sa inyong kabutihan at inyong mababatid ang mga yaong bagay na palso/huwad at na ipinadala ng kaaway at ang kanyang mga alagad ay ipinadala upang linlangin kayo. Mag-ingat, huwag pabayaang ibaba ang inyong pagbabantay.

* * * * * * *

Print Friendly and PDF