Propesiya 48

Yisrael, Hinahangad ng inyong mga Kaaway na Gawin Kang Hantungan ng Kasalanan!

Ibinigay kay Rev Elisabeth Sherri Elijah (Elisheva Eliyahu)
Mayo 29, 2001



Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na idagdag ito sa lahat ng mga Propesiya magmula ngayon: Binalaan kita matagal nang panahon Elisabeth [Elisheva], na huwag ipangalan ang Ministeryong ito sa sinumang lalaki o babae. Bago pa man nagkaroon ng Ministeryo. Inilagay ko ito sa iyong espiritu. Pagka’t wala ni isa sa mga ito ang nagawa ng iyong mga kamay. Wala ni isa sa mga ito ang nagmula sa iyong bibig. Mula ito sa bibig ni YAHUVEH na nagbigay buhay. Mula ito sa bibig ni YAHUSHUA, Ang iyong MASHIACH (Tagapagligtas), na nagbigay buhay. Mula ito sa bibig ng RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu), Ang iyong IMMAYAH, na nagbigay buhay. Kung ito lamang ay gawa ng iyong kamay, ito’y nabigo na noon pa man. Ito ay sa pamamagitan ng hangin ng Kaluwalhatiang SHKHINYAH na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na hangin ng Pagpapanibagong-buhay. Hindi ng iyong hininga o ito’y nabigo lamang. (Isaiah 42:8)

Sa Hulyo 2010, sinabi rin ng Diyos na YAHUVEH na isama ang mga sumusunod bilang isang babala sa mga nanlilibak:

2 Cronica 36:16, “Ngunit hinamak nila ang mga Mensahero ng DIOS, kinamuhian ang kanyang mga salita, kinutya ang kanyang mga Propeta, hanggang umabot sa sukdulan ang galit ni YAHUVEH Elohim sa kanyang bayan at sila’y hindi na makaiiwas pa sa kanyang pagpaparusa.”



* * * * * * *

Babala sa Israel at sa lahat ng mga nagmamahal sa Israel at sa Hudyong mga Tao nang may pagmamahal na hindi atin ngunit mula kay Elohim, pakiusap gawin niyo gaya ng iniutos sa mga kasulatan at manalangin kayo para sa Jerusalem. Pakiusap manalangin kayo at makipagkaisa na magawang patawarin ni Amang Elohim YAHUVEH, HaShem Adonai, ang mga dumadaing sa KANYA, kahit ang mga hindi pa kumikilala kay YAHUSHUA bilang MESYAS. Pakiusap ipanalangin ninyo na agad silang maabot ng mga yaong manggagawa na kumikilos sa Israel. Mayroong bagay na napaka-kinakailangan sa aking espiritu. Dumating ang salitang nasa ibaba nang hindi inaasahan habang sinusulatan KO ang site manedyer, nagsimulang bumuhos ang propesiya at hindi siya ang yaong parang apoy na nasa aking mga buto, na hinihintay kong pakawalan sa tamang oras. Hindi ko maintindihan ang isang bagay, kung sinuman ang mayroon ng kasagutan pakiusap ipaalam niyo sa akin, nguni’t bagaman nasa akin ang petsa para sa Pentecost , Shavot, para sa Mayo 27, hindi ko maramdaman ang kapayapaan na Mayo 27, o Mayo 28, ang tamang petsa.

Mayroong bagay na mali. Ito’y dapat sa Sabbath para sa isang bagay. Hindi sa Linggo o Lunes. Hindi mayroong bagay na napakamali, at hindi ko alam ang tamang petsa, kung sinuman ang makakukumpirma nito pakiusap ipaalam niyo sa akin. Ito’y parang hinihintay ko pa na sumapit ang Pentecost o Shavot at ipagdiwang ito pagka’t isang malaking bagay ang nasasadyang mangyari sa araw na ito sa espirituwal na lupain kung hindi sa pisikal na lupain. Mayroon akong isang hindi mapalagay na pakiramdam na may bagay na nabago wari sa petsa ng kalendaryo. Mayroon pa bang ibang nakararamdam nito? Pakiusap tawagan niyo ako. Hindi ko inaangkin na ako’y isang skolar ng mga petsa. [Nota: Nalaman namin na ang Araw ng Pentecost, Shavot, ay Hunyo 2, 2001.]

Minimahal na mga Hudyo, kailangan ninyong maintindihan hindi ako lumabas para pasampalatayahin kayo sa Kristyanismo, ngunit sa halip ay upang ipakilala kayo kay YAHUSHUA! Kayo na mga Nagmamahal kay HaShem Adonai ang tagapagbigay ng mga batas kay Moses, nais lamang namin na ipakilala kayo sa Anak ni HaShem Adonai, ang KANYANG Pangalan ay YAHUSHUA ha MASHIACH, ang ilan ay tinatawag SIYA sa Griyegong pangalan (Hesus). Tinutubos NIYA tayo sa oras na suwayin natin ang mga batas ni HaShem Adonai. Tinatakpan NIYA ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng yaong Dumaloy na Dugo sa Kalbaryo, SIYA ang handog na walang dungis na Tupa, gaya lamang nang walang alinlangan na inilagay ang dugo ng tupa sa mga haligi ng pintuan sa panahon ni Moses, upang lampasan ng anghel ng kamatayan ang mga bahay na iyon at sila’y mailigtas mula sa mga sumpa na para sa mga taga-Ehipto at mula sa mga yaong nasasadyang para sa masamang faraon.

Hindi nito ibig sabihin na di tinatanggap ng mga taga-Ehipto si YAHUSHUA, o kaya ang lahat ng mga taga-Ehipto ay pupunta sa Impyerno, sapagka’t si YAHUSHUA ay magliligtas sa lahat ng tatanggap sa KANYA bilang MESYAS at tatalikod mula sa kanilang mga masasamang gawain. Minamahal si Elohim ang Amang YAHUVEH, ang KANYANG anak bilang MESYAS at Panginoong YAHUSHUA (Hesu Kristo) at hahayaan ang RUACH ha KODESH (BANAL na ESPIRITU) na pangunahan at gabayan kayo upang magdala ng kaluwalhatian kay YAHUVEH ating Elohim Hashem Adonai. Isinugo ako para sa kapwa mga Hudyo at sa mga yaon na hindi nauunawaan na sa oras na tinanggap nila si YAHUSHUA, bilang Panginoon at MESYAS, sila’y naidugtong sa sanga ng olibong puno at naging isang Hudyo. Ang Dugo na hanay sa Hari ng mga Hudyo at sa Panginoon ng mga Panginoon ang nagdadala sa atin sa Langit. Mayroong nag-iisang tagapamagitan sa harapan ni Elohim ang Ama at hindi ito si Mary, ni hindi ang mga santo, hindi si Mohammad, o Buddha. Walang sinuman sa kanila ang MESYAS, tanging si YAHUSHUA lamang ang naging perpekto, walang kasalanan, at naglatag sa KANYANG buhay para sa atin, pinadanak ang KANYANG Dugo upang hugasan ang ating mga kasalanan. Dahil si YAHUSHUA ay ang Anak ni HaShem ADONAI, na kasama NIYA sa Langit sa simula pa ng panahon.

* * * * * * *

Yisrael, Hinahangad ng inyong mga Kaaway na Gawin Kang Hantungan ng Kasalanan!

Ibinigay sa ilalim ng pagpapahid kay Apostol Elisabeth Sherrie Elijah (Elisheva Eliyahu)
Mayo 29, 2001 isinulat sa HATINGGABI natapos sa 12:30

AKO, si HaShem Adonai, at YAHUSHUA ay mayroong natatanging pagmamahal para sa Yisrael na hindi tulad sa ibang lupain sapagka’t ang AKING Mahal na Anak na YAHUSHUA ay nagbuhos ng KANYANG Dugo sa yaon na lupa. Wala nang ibang lugar saan man sa mundo na ang pisikal na Dugo ng AKING Anak ay naibuhos, sa Jerusalem lamang. Wala nang ibang planeta na nangangailangan ng Tagapagligtas maliban ang Earth, kung saan inihagis si satanas mula sa Langit nang siya’y naghimagsik. Ang AKING Anak na YAHUSHUA ay ipinahayag na Hari ng mga Hudyo kahiman mga salitang ipinako sa itaas ng yaong krus. Ang isinalita at isinulat sa pangungutya ay tunay na AKING Propesiya na iwinika mga libong taon nang nakararaan bago pa ang pagsilang ni YAHUSHUA sa sanlibutan. Kahima’t bago pa ang kasalanan ni Adan at Eba, alam KO kung ano ang mangyayari bago pa ito nangyari. “AKO” ang Elohim ng lahat ng kaalaman at “AKO” ang Elohim ng panahon. “AKO” ay tunay nga na Amang Panahon. Sa AKING mga mata walang simula o katapusan.

Matapos ang pagkahulog ni Adan at Eba, nangailangan ng tagapagligtas ang sangkatauhan, pagka’t ang lahat ng nakikita KO ay ang inyong mga kasalanan na laging nasa AKING harapan. Sinira KO ang mundo sa pamamagitan ng baha dahil sa kasalanan. Ngunit hindi lahat ay nasawi, dahil si Noah at ang kanyang pamilya ay nagkaroon ng pabor sa AKIN, kaya ginamit KO sila upang muling panahanan ng mga tao ang mundo. Dumanak ang dugo sa unang pagpatay mula sa supling ni Adan at Eba, pinatay ni Cain si Abel. Kinailangan ang Dugong Alay upang hugasan ang dugong nasa mga kamay ni Cain. Pinatay ang anak ni Adan at Eba at ang kanilang isa pang anak ang siyang mamamatay-tao. Muling nilinlang ni satanas ang supling ni Adan at Eba dahil sa yaong orihinal na kasalanan ng paghihimagsik nang kumain si Adan at Eba mula sa puno na pinagbawalan silang kumain. Ang mga alay na dugo ng mga hayop ay isa lamang anino ng anong darating sa AKING tyempo. Isang lalo pang perpektong walang dungis na tupang alay na minamahal KO at nagmamahal sa inyo, ang AKING sariling Anak na YAHUSHUA. Gaano ninyo kabilis kinalimutan kung gaano karaming mga milagro ang ginawa ni “AKO” [“I AM”] sa pamamagitan ng Propetang ito na Naipropesiya sa lahat ng inyong mga Banal na Kasulatan. Hindi ang karamihan ang sumigaw na “Ipako SIYA”. Ito ay isang plano na mahusay na pinaghandaan ng mga panrelihiyon at pampulitikong sistema.

Ang mga yaong NAGMAMAHAL kay YAHUSHUA, ay KANYANG pinaglingkuran [ministered], pinakain NIYA ang sampu na mga libo ng kaunting isda at mga piraso ng tinapay lamang at napakaraming tao ang umawit sa KANYA ng Hosana sa Hari. Hindi sila sumigaw ng ‘Ipako siya,’ samantalang marami ang naturuan, at napakalaking kapal ng tao ang sumunod sa KANYA saan man SIYA tumungo. Gaano karami ang napagaling, napalaya, ibinangon mula sa patay? Hindi lahat binabanggit ng mga Kasulatan, ngunit ang mga tinig na ito’y hindi napahalagahan. Marami sa mga milagrong ito ang nadokumentado at ginamit laban sa KANYA sa pangungutya ng isang paglilitis. Tanungin niyo ang inyong mga sarili, kung si YAHUSHUA ay hindi AKING Anak, sa pamamagitan ng anong kapangyarihan NIYA ginawa ang mga milagrong ito? Pagpapalain ba ni satanas ang tao sa ganoong paraan gaya ng pangunahan sila upang gumawa ng mabuti at sumunod sa Elohim ng mga Nilalang? Kahit ang inyong sariling mga eskriba at mga rabbi ay walang mahanap na kapintasan sa KANYA maliban sa naglakas-loob SIYANG magpagaling at gumawa ng mga milagro sa Araw ng Pamamahinga [Sabbath Day]. Hindi niyo ba matanto na kinatatakutan ng pampulitikong sistema ang gayong mabuting Hari na mamahala at natatakot ang mga panrelihiyong sistema sapagka’t ang mga rabbi ay wala ng ganoong pagpapagaling, pagpapalaya at muling pagkabuhay na kapangyarihan? Pagkainggit, takot, kayamuan, at kasakiman ang mga pangunahing dahilan ang AKING Anak ay hinatulan ng tao.

Ito ay AKING mabuting plano para sa inyong mga kapakanan na ipinahintulot KO itong mangyari, sa anumang oras maaari sanang tumawag si YAHUSHUA ng 10 lehiyon ng mga anghel na sumapit at lumaban at wala na sanang taong naiwang buhay at wala na sa mga bumabasa nito ang maililigtas mula sa kanilang mga kasalanan. Ang lahat ng bumabasa nito ay nahatulan na sana ng kamatayan upang bayaran ang halagang para sa sarili nilang mga kasalanan. AKO, si YAHUSHUA ay naging inyong alay na tupa, sapagka’t ito ang plano ni HaShem Adonai, hinihiling sa AKIN na kunin ang inyong lugar, para sa inyong mga kasalanan, hinihingi ang isang kabayarang Dugo ng Banal na Walang Salang Dugo upang kayo ay mapatawad at mapagsamang muli sa inyong Elohim ng inyong Mga Nilikha at mamuhay sa Langit kasama NAMIN. AKO, si YAHUSHUA ang siyang binabanggit sa ISAIAH 53. Huwag niyo nang hayaan ang inyong di-banal na mga rabbi na pagsinungalingan kayo kailanman. Hindi ang Yisrael ang nagbayad sa halagang AKING binayaran. Papaanong ang Yisrael ang siyang binabanggit sa Isaiah 53?

Iwiniwika KO ito sa pamamagitan ng AKING Apostol Sherrie Elijah [Elisheva Eliyahu], hindi kayong mga Hudyo ang nagpako sa AKIN, kay YAHUSHUA. Ang mga Romano ang nagpagko sa AKIN sa yaong krus. Inalay ng mga Romano ang AKING mga Anak na sumasamba sa AKIN sa katotohanan. Nagtayo ang mga Romano ng malaking istadyum para uyamin AKO habang pinahirapan nila ang AKING mga Anak, pinugutan ng ulo, nilagari sila sa dalawa, iba’t ibang paraan ng kamatayan, pagpapahirap, pangbabato, pinakain sila sa mga leon at pinatay ang mga lalaki, mga babae, at mga bata para sa isport, para sa kasiyahan. Mag-ingat, hinahangad ng Romanong Empire na muli itong gawin, oo, sa inyo rin oh Yisrael. Mag-ingat sa isang tumutungo sa inyo Yisrael, nagsusuot ng mahabang palamuti, dala-dala ang isang setro, umuupo sa isang trono, nagwiwika ng kapayapaan, sa AKING Pangalan at gayuman walang kapayapaan na mahanap sa kanya. Hindi niya pinaglilingkuran ang Elohim ng kapayapaan. Umupo siya sa yaong di-banal na templo at kahit ay hinubad ang kanyang mga sapatos isinusuot ang mga puting tsinelas na mga walang kadalisayan, wari kung sabihin ito ay banal na lupa at ang sinumang tatayo para sa Elohim ng Mga Nilikha ay naghatol ng kamatayan sa kanyang kaluluwa sa bagong kaparaanan sa araw na iyon.

Ang taong ito na mayroon ng mga mananamba na sumasamba sa kanya ay sumira sa batas ni HaShem ADONAI gaya lamang nang walang alinlangan na ito ay isang gintong guya [calf] na tulad sa nilikha ni Aaron para sambahin. Hindi dapat kayo magkakaroon ng iba pang mga ELOHIM na nangunguna sa AKIN. Ang salita ay hindi dapat nagsabing nangunguna sa AKIN, dapat nitong sabihing: hindi dapat kayo magkakaroon ng iba pang mga Elohim maliban sa AKIN! “AKO” ang siyang hindi nangangailan ng iba pang pangalan. Sapagka’t “AKO” [“I AM”] ang kung sino “AKO” [“I AM”] at wala nang iba pa! Mag-ingat sa mga espiritwal na mga liderato na nagmumula sa Romanong Empire. Yisrael, ikaw ay ibinibenta sa pinakamataas na taga-halaga [bidder] at hindi mo man ito namamalayan. Ngunit Yisrael, walang sinuman ang makabebenta sa bagay na hindi ibinigay sa kanila. Sapagka’t ang Yisrael ay pag-aari ni HaShem Adonai. Nangako AKO sa inyong ninuno na Abraham at hindi AKO tao para AKO ay magsinungaling.

Ang dugo ng mga martir ay waring argamasa [mortar] na naglalakip sa mga bato ng yaong malaking istadyum, dugo na dumadaing ng paghihiganti sa AKING mga kaaway. Huwag kayong malinlang, mga yaong umuupo sa napakataas at iniisip na sila ay waring Elohim sapagka’t “AKO” ay hindi isang Elohim na makukutya sa kahabang panahon! Ang siyang mga pumapatay sa AKING mga Anak ang magiging naroroon sa mga yaong malalaking istadyum sa Impyerno. Ito ay muling ipapaganap at ang mga paraan ng pagpatay at pagpapahirap ng mga kaaway sa AKING mga Anak ay gagawin sa kanila sa kawalang hanggan nang paulit-ulit! Ang AKING Anak na YAHUSHUA ay hindi naghiganti, ngunit sa halip ay nanalangin, hindi lamang para sa mga nagpako, pumalo, nagpahirap at nagpahiya sa KANYA ngunit para sa lahat ng Yisrael at ang mundo. Naniniwala kayo na AKO si HaShem Adonai ay nagsasalita mula sa mga propeta ng mga unang panahon, bakit hindi kayo maniwala na AKO si HaShem Adonai at YAHUSHUA ay nagsasalita mula sa AKING mga Lingkod, mga Apostol, at mga Propeta?

AKO, si YAHUSHUA ay nagsabi, “AMA, patawarin MO sila sapagka’t hindi nila alam ang kanilang ginagawa!” AKO, si YAHUSHUA ay nagmamahal sa Yisrael, gayon din si HaShem Adonai at ang RUACH Ha KODESH. Hindi ba’t pinakawalan KO ang AKING Espiritu sa Jerusalem sa inyong mga taong-bayan? Hindi ba ang AKING ina ay isang birheng Hudyo na babaeng lingkod? Gumawa ba AKO ng mga palatandaan, mga kababalaghan, at mga milagro sa dayuhang lupain? Alam niyo na ang lupa ng Yisrael ang AKING nilakbay, nilakad, pinaglingkuran, nagpagaling, nagpalaya, nagbangon ng mga patay, nagturo, tumira, nagtrabaho, at nagsamba kasama ninyo! Yisrael, gaano katagal na tatanggihan niyo AKO?

Kailanman natagpuan niyo ba AKONG nagkakasala noong lumakad AKO sa gitna ninyo? Hindi, sapagka’t AKO ay natukso gaya ng sinumang mortal na tao ngunit hindi AKO nagpatalo sa tukso. AKO, si YAHUSHUA ay namuhay ng isang buhay bilang isang Hudyo at sinunod ang bawat maka-Hudyong batas, sapagka’t dumating AKO hindi upang ipawalang-bisa ang mga batas na itinakda ng AKING Ama na nagsulat sa mga ito sa pamamagitan ng KANYANG daliri sa isang kapirasong bato! Katulad na ipinaso NIYA ang mga batas sa tapyas ng bato, ipinaso NIYA ang mga ito sa inyong mga puso upang wala kayong masabing dahilan na hindi ninyo alam ang tama sa mali. Gayunman kahit ang mga batas na yaon ay naghatol ng pagpaparusa sa inyo dahil hindi ninyo tinutupad ang mga batas, kailangan ninyo ng isang taong mamamagitan sa inyong kapakanan at AKO, si YAHUSHUA ay nagbuhos sa AKING Banal na Walang Salang Dugo inihahain ang AKING buhay para sa lahat ng tumatawag sa AKING Pangalan, mayroong kapatawaran sa mga kasalanan. Hindi na nakikita ni HaShem Adonai ang inyong mga kasalanan, ngunit sa halip nakikita ang AKING Dugo na tumatakip sa inyong mga kasalanan, at humuhugas sa kanila. Huwag niyong isipin na ibig sabihin nito’y maaari kayong mamuhay na tulad kay satanas at mamahalin pa rin si HaShem Adonai at paglilingkuran SIYA, pagka’t hindi ito isang dahilan para sadyaing magkasala at pagdalamhatiin si ELOHIM ang AMA. Ang makita lamang kung gaano kalapit sa impyerno na maaari kayong mamuhay ay napakamapanganib pagka’t hindi niyo alam ang panahon o oras kung kailan magwawakas ang inyong buhay dito sa sanlibutan. Mag-ingat, ang kamatayan ay simula lamang ng kawalang hanggan sa Langit o Impyerno.

Kung sapat na sana na ingatan ang mga Matataas na Banal na mga araw para garantiyahan kayo ng Langit, kung gayon hindi KO na dapat kinailangang bayaran pa ang halaga ng inyong mga kasalanan sa pamamagitan ng AKING makalupang buhay. Kung sapat na na ingatan ang mga batas, hindi KO na kinailangan pang maging inyong alay. Walang sinuman sa balat ng mundong ito ang walang sala. Ang lahat ay nagkasala at hindi umabot sa kalubus-lubusan [perfection] sapagka’t ito ang yaong planeta kung saan pinakawalan ang kasalanan ng paghihimagsik sa pamamagitan ng ama ng lahat ng paghihimagsik at kasinungalingan, ang kanyang pangalan ay satanas.

AKO, si YAHUSHUA ay hindi magiging inyong MESYAS o karapat-dapat na maging inyong alay na walang dungis na Tupa kung AKO ay nagpatalo sa kasalanan. Hindi ba’t pinakita nang paulit-ulit ng Torah at ng Tanak (Lumang Tipan) sa pamamagitan ng mga propeta ng unang panahon, walang mas dakilang pagmamahal mayroon ang tao kaysa sa isang maghahain ng kanyang buhay upang iligtas ang iba? Hiniling ito ni HaShem Adonai sa AKIN para sa inyong kapakanan. Muli KO itong gagawin kung isa lamang ang kinakailangang iligtas. Suot KO ang mga pilat [scar] ng AKING pagmamahal para sa inyo, sa AKING mga kamay at mga paa. Kayo ay laging nasa AKING harapan kahit sa mga palad ng AKING mga Kamay kayo ay inukit! Ipinako AKO kapalit sa inyong lugar lahat ng mga yaong nagkakasala, at ang lahat ay nagkasala at hindi umabot sa Kaluwalhatian ni Elohim ang inyong Tagapaglikha na tinatawag ninyong HaShem Adonai, ang iba’y tinatawag SIYA na YAHUVEH! SIYA ay ang parehong dalawa, ang nag-iisang Elohim ang Ama ang dakilang Elohim na hindi nangangailan ng pangalan maliban ang “AKO” [“I AM”].

Walang anumang nagbago para sa Pampulitikang mga sistema, at ang parehong espiritu ng relihiyon na naghatol sa AKIN na nagkasala ay muling gagawa ng ganito ngayon. Ito’y sinira’t dinungisan ng mga yaon na tumatawag sa kanilang mga sarili na mga Hudyo ngunit ay hindi mga Hudyo ngunit sa halip mga mula sa sinagog ni satanas o mga manlilingkod para kay satanas. Naglalagay sila ng mga pasan sa AKING mga Tao, na sila mismo’y itinatangging buhatin, mga buwis na sila mismo’y itinatangging bayaran.

Yisrael at AKING mga Anak sa palibot ng mundo mag-ingat, sapagka’t ngayon hinahangad ng mga kaaway at gagamitin ng mga kaaway ang mga sumasamba kay YAHUVEH sa katotohanan bilang hantungan ng kasalanan at sisisihin kayo dahil sa mga kasamaan na hindi ninyo ginawa. Sisisihin kayo dahil sa mga pagpatay na ginawa ng mga yaon na naghahangad na mag set-up sa inyo. Ang inyong pinakamatinding mga kaaway ay nagmumukha na katulad ninyo, nagsasalita ng katulad sa inyo, at gayunman ay nagbenta sa inyo katulad lamang na ibinenta AKO ni Hudas sa 30 perasong pilak. Tandaan niyo si Hudas ay isa ring Hudyo na nagmumukha na katulad ninyo. Hinahangad ni satanas na alamin ang inyong halaga upang ibenta ang Elohim na inyong pinaglilingkuran. Ano ang inyong halaga? Ang halaga ng kaluluwa ay hindi mabibili ng salapi katulad ng Kaharian ng Langit.

Mayroon kayong mga kaaway na nakikipagdigma laban sa inyo at gayunman hindi niyo kahiman mapagtanto na kahit ang digmaang dumarating laban sa inyo ay isang Pampulitikang Plano para ilayo ang inyong atensyon mula sa tunay na mga kaaway na naghahangad na wasakin kayo at ang inyong pananampalataya sa Elohim na inyong pinaglilingkuran. Hinahangad ng kaaway na ito na wasakin ang bansang inyong tinitirhan, bagaman nakatira sila sa parehong bansa, parehong mga nasyon, Impyerno ang susunod nilang magiging tahanan.

Mga taggutom na hindi AKING likha, mga tagtuyot na hindi AKING likha, ang lahat ay nilikha ng tao upang sirain ang tao upang gumanap na Elohim! Naapeksyon na mga hayop na hindi mula sa likha ng Tagapaglikha, ngunit sa halip likhang tao, hindi likhang Elohim, ang lahat para sa parehong dahilan tulad kay Hudas, para sa kapakanan ng kasakiman. Buong mundong namamatay ang mga tao at mga malulusog na hayop ay sinisira at wala man lamang nagtanong kung bakit? Ito’y upang maaaring kontrolin ng mga kaaway ang inyong mga supply sa pagkain at ang presyo nito. Kagutuman sa mga lugar na kailanman hindi nakabatid ng taggutom, at tagtuyot at gayunman ay makababatid ng taggutom at tagtuyot bago ang katapusan ng taong ito, makaririnig kayo ng mga nayaring kasamaan at ang Elohim na sinasabi nila ang pagbibintangan! Gayunman walang anumang ginawa si Elohim para sumpain ang AKING mga mahal na anak, binibiyayaan lamang sila.

Si satanas at ang kanyang mga lingkod ay nagsisinungaling sa inyo at ginagawa nilang isipin ninyo na bingi si HaShem Adonai sa inyong mga panalangin, at mapagdusang mga iyak. Nguni’t iyan ay kasinungalingan sapagka’t umiiyak ang inyong Amang Elohim kasama ninyo, at magpapawalang-sala sa inyo at maghihiganti sa mga kaaway at ililigtas ang lahat ng mga yaong maglakas-loob na maniwala na SIYA ang parehong Elohim na nagligtas sa mga unang panahon. Mag-ingat, sapagka’t ngayon na ang oras na naunang sinabi nang ang mabuti ay isinasalita bilang masama, at ang masama ay isinasalita bilang mabuti. Ilan ang tatayo at magpapasya na sila’y tumatayo para sa Kabanalan. Ipinapahayag ng mga kasulatan kung ano ang Kabanalan, huwag ang tao ang magtakda ng mga pamantayang iyon.

AKO ay nagdadalamhati sa anong dapat na mangyari sa Yisrael bago kayo magsisi dahil sa pagtanggi sa isa at tanging MESYAS! Sapagka’t AKO si YAHUSHUA, wala nang iba pang MESYAS, na nagbayad sa halagang AKING binayaran. Mayroong isa pang huwad na mesyas, mag-ingat sapagka’t siya ang anak ng kapahamakan at hindi magtatagal darating upang linlangin kayo at ilagay kayo sa labis na pagkakaalipin kaysa sa masamang faraon, o Herod. Kahit si Hitler ay hindi maihahalintulad sa masamang antikristo na paparating at yaong ng huwad na propeta. Darating siya sa inyo Yisrael upang unang linlangin kayo. AKO, si YAHUSHUA ay naipanganak sa Bethlehem at lubos na napahirapan para sa mga kasalanan ng iba. Walang taong pumatay sa AKIN. Maluwag KONG inilatag ang AKING buhay para sa inyo at namatay para sa lahat ng mga nagkasala at bumangon AKO mula sa kamatayan, hindi sa isang dayuhang lupain nguni’t muli sa Jerusalem sa AKING Sabbath [Araw ng Pamamahinga].

Pumaitaas AKO sa Langit mula sa Jerusalem at AKO ay muling darating sa Jerusalem. AKO, si YAHUSHUA ay hindi magtitindig ng AKING mga paa sa ibabaw ng anumang bundok maliban sa Bundok ng mga Olibo [Mount Olives]. AKO, si YAHUSHUA ay mamamahala at maghahari mula sa Jerusalem dinadaig ang mga masasama, sa lupa ng Yisrael. Yisrael, oh Yisrael hindi niyo ba matanto kung gaanong pagmamahal mayroon si HaShem Adonai at AKO, si YAHUSHUA, para sa inyo? Kami man ay nag-aangat ng mga apostol at ng mga propeta sa buong mundo upang ipaalala sa inyo kung gaano NAMIN kayo minamahal. Gaano ninyo katagal na susubukin ang AMING pasyensiya? Gaano karaming dugo ang dapat na dumaloy bago kayo bumalik sa Kabanalan at layuan ang prinsipe ng kadiliman? KAMI ay may alam ng lahat at alam na kung ano ang kinakailangan, at kaya ito’y dapat na matupad. Sapagka’t alam NAMIN kung gaano katagal bago kayo magbalik at iwan ang modernong paraan ng pagsamba na mayroon lamang ng inyong mga labi na nagdarasal, nagbibigkas ng mga salita gamit ang inyong mga bibig at hindi ng mayroon ng inyong mga puso o Espiritu?

Tanungin niyo ang inyong mga sarili, ‘Gaano katagal bago ninyo paniwalaan ang inyong mga ninuno gaya ni Abraham, Isaac, Jacob, Moses, Noah, Daniel, Joseph, Joshua, at Elijah, kailangan KO ba silang banggiting lahat? Alam ninyo ang Torah at ang Tanakh, kung gayon bakit ninyo ibinibigkas lamang ang mga ito at hindi manalig sa pananampalataya katulad ng iniligtas ni Elohim ng inyong mga nilikha ang Yisrael noong una “AKO” ay makakaya at gagawin itong muli. Oh Yisrael, kayo ay at naging isang suwaing bata, puno ng paghihimagsik, ginagawa ang mga bagay sa inyong paraan at hindi sa paraan ni “AKO”. Alam ninyo ang Torah, at ang Tanakh, gaano katagal bago ninyo paniwalaan ang inyong mga itinuturo at ibinibigkas? Gaano katagal bago ninyo iluhod ng inyong mga tuhod at hilingin si HaShem Adonai na mamagitan sa inyong mga digmaan? Kailan niyo aaminin na napakalaki para sa inyo ang mga kaaway at magpapakumbaba ng inyong mga sarili sa harapan ni HaShem Adonai upang AKO ay maghiganti para sa inyo? Tigilan ninyong magsubok maghiganti mismo. Bumalik kayo sa pananalangin sa Elohim ng inyong mga ninuno. Bumalika kayo sa pagpupuri sa AKIN sa mga Awit [Psalms] bago kayo tumungo sa labanan.

Ipinadala KO sa inyo ang AKING apostol na babaeng lingkod upang muli kayong hilingin na bumalik sa AKIN sa mga kaparaanan ng unang panahon, at huwag talikuran ang inyong pananampalataya, sa panahong kailangan ninyo ito nang lubos. Itigil niyo ang pambabato ng mga mensaherong ipinapadala KO sa inyo. Itigil niyo ang pagdadakip sa kanila, pagpapatay sa kanila, pagpapalayas sa kanila. Sa halip kunin ninyo ang yaong pundasyon [cornerstone] ng Templo na inyong tinanggihan at itayo ninyo ang inyong bahay sa yaon na bato. Ito lamang ang inyong pag-asa; ito lamang ang inyong kaligtasan. Huwag niyong hamakin ang AKING manlilingkod na ito dahil siya ay isa lamang babae. Tandaan niyo si Debora at kung paano KO siya inatas na maging Hukom at propeta ng lahat ng Yisrael. Hindi KO pinili ang kanyang sariling asawa, bagaman nakaupo siya sa tarangkahan at isang Banal na lalaki. Dahil naglakas-loob ang mga lalaki na sabihin kung ano ang gagawin at hindi gagawin ni HaShem Adonai, kung sino ang AKING gagamitin at hindi gagamitin, pinatunayan KONG mali ang mga umiisip na ang kanilang mga sarili ay marurunong at ginawa KO ito minsan at muli KO itong ginagawa. AKO, si HaShem Adonai ay nagbigay sa AKING Anak na YAHUSHUA sa inyo, bilang isang regalo mula sa Langit, isang araw sasagot kayo sa AKIN kung ano ang ginawa ninyo sa KANYA? Inyo ba SIYANG tinanggap, o inyo SIYANG tinanggihan? Sinubok niyo ba at sariwang ipinako SIYANG muli? Tinanggap niyo ba ang regalo na ibinigay KO sa inyo sa Kalbaryo?

Gaano KO inaasam na tigilan ang anong dapat na mangyari, sapagka’t ang dugo ay bubuhos sa lansangan, at ito’y nagsimula na. Ang pagkatakot ay magiging pagdurusa sa paraang kahit sa inyong tulog nanaisin ninyo na matulog na may isang matang nakadilat. Gagamitin kayo bilang mga hantungan ng kasalanan, gagamitin bilang alay habang tatakpan ng sarili ninyong mga pulitika ang mga ginagawa ng mga kaaway pagka’t alam nila di nila nais na aminin na nakapasok ang mga kaaway sa kahiman mga pampulitikang mga pwesto na napagkatiwalaan ninyo.

Huwag niyong pagkatiwalaan ang sinuman maliban si HaShem Adonai, ang Elohim ng inyong mga nilikha at si YAHUSHUA, ang Elohim ng inyong kaligtasan. Magtiwala kayo kay HaShem Adonai habang dumadaing kayo ng awa sa AKIN, at hanapin ang AKING mukha, kaparis ang katotohanan ng kung sino si YAHUSHUA, matapat AKONG magpapadala ng pagpapatunay sa mga isinasalita sa AKING Pangalan ng AKING babaeng lingkod. Huwag niyong pagkatiwalaan ang lahat ng inyong mga rabbi na magsabi ng katotohanan, sapagka’t napakarami ang hindi na nagwiwika ng AKING katotohanan ngunit ng katotohanang sasabihin ng antikristo. Iwiniwika ng mga nakasasamang mga rabbi at mga guro, mga pulitika ang anong iwiwika ng yaong huwad na propeta. Sinasabi ng mga huwad na rabbi na sila’y Hudyo at gayunman ay pag-aari ng sinagoga ni hasatan. Mag-ingat kayo ay binalaan na. Sinasabihan nila kayo na mamuhay sa mga kaparaanang nagdudulot sa inyo ng labis na sakripisyo at gayunman naglalagay ang mga huwad na rabbi ng mga pasan sa inyo na hindi nila mismo binubuhat nagbunton lamang sila ng mga pasan at takot sa AKING mga Tao.

Hindi KO hinihiling sa inyo na isuko ninyo ang inyong pagkaHudyo; hindi KO hinihiling sa inyo na pumalit sa Kristyanismo. Kailangan ng Kristyanismo ang mga Hudyo upang ituro sa kanila ang bagay na kinaligtaan ng karamihan sa mga Simbahan, ang PagkaHudyo ni YAHUSHUA. Bumaling kayo sa Elohim ng inyong mga ninuno, minsan pang muli, at kilalanin na si YAHUSHUA ay ang AKING Anak, at ang AKING regalo na ibinigay KO sa Kalbaryo para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng mundo, para sa mga yaon na tatanggap sa AKING Banal na Dugong Alay at tatalikod mula sa kanilang mga masasamang gawain, at tatanggapin si YAHUSHUA, bilang ang Hari ng mga Hudyo, at Panginoon ng mga Panginoon at Hari ng mga Hari. Tanggapin niyo si YAHUSHUA, bilang ang tanging bugtong na Anak ni Elohim YAHUVEH na tinatawag ding HaShem Adonai.

Ang AKING Anak na YAHUSHUA ay isang Hudyo at hindi dala-dala ang tatak na Kristiyano. Mahalin niyo si YAHUSHUA, katulad ng pagmamahal niyo sa AKIN. Tanggapin niyo SIYA bilang inyong MESYAS, huwag kayong mabahala hinggil sa mawala ninyo ang respeto ng inyong pamilya, sa halip mabahala kayo sa Elohim ng inyong Mga Nilikha na magtatakwil sa inyo. May Langit kayo na matatamo at Impyerno na lalayuan, ito ay inyong pagpipili. Yisrael, oh Yisrael, kayo ay isang kinaiingatan ng AKING mga mata [an apple in my eye] ngunit ngayon mayroong mga uod sa loob nito. Aninawin ninyo ang mga uod at ilantad sila. Mag-ingat, kayo ay maitatangi bilang hantungan ng kasalanan at buong mundong papanagutan dahil sa pagsira sa naipaubaya ninyo sa gayong hanggan. Labis na hinahangad ng mga kaaway na wasakin kayo, wawasakin nila ang anong alam nila na kaya nilang itayo muli. Dahil ang mga kamay ng tao ang nagtayo sa yaong kopula [dome] at alam ng mga kaaway na ang mga kamay ng tao ay makakaya at magtatayo sa yaong templo muli. Ngunit ang Templo na hindi maaaring itayo ng mga kamay ng tao ay nasa loob ninyo. AKO si HaShem Adonai ay titindig at ipagtatanggol ang Yisrael, pagka waring ang lahat ng mga nasyon ay laban sa inyo. Kapag inyong kikilalanin, na ang inyong tulong ay tanging nagmumula lamang sa Langit at wala nang ibang lugar. Kapag kayo’y tatawag sa pangalan ni HaShem ADONAI sa pangalan ni YAHUSHUA, darating AKO at ililigtas kayo.

Ngunit binabalaan KO kayo ngayon, mayroong masamang balak na upang gawin kayong hantungan ng kasalanan, AKING mga Tao na naghahangad lamang ng kapayapaan at gayunman hindi kailanmang nakabatid ng kapayapaan ay ginagawan na ng kasinungalingan at sinisiraan at mayroong mga naghahangad paikutin ang mundo laban sa AKING maliit na nasyon na AKING tinatawag na Jerusalem. Tuwing kayo ay mauhaw, kayo ay uuhaw para sa katuwiran, dahil tinanggihan niyo ang tanging Buhay na Tubig. Tanggapin niyo ang AKING Buhay na Tubig ngayon at hindi kayo kailanmang mauuhaw muli. Ang AKING pangalan ay YAHUSHUA. AKO ang yaong dumadaloy na Buhay na Tubig. Nagmula ito sa AKING tagiliran na naghalo sa AKING Dugo habang tinusok ng mga Romano ang AKING tagiliran. SA AKING Dugo mayroong kagalingan, pagpapalaya, muling pagkabuhay na kapangyarihan, kaligtasan at ang pagpapahid ng AKING RUACH ha KODESH.

AKO” ay nagpala sa Yisrael ng mga natatagong kayamanan. Ginto at pilak, langis, maiinam na mga prutas at mga gulay, mga rosas na namumulaklak sa disyerto, mga hiyas na hindi ninyo nalalaman. Pinagpala KO ang Yisrael ng kaalaman at mga imbensyon, na hindi nagmumula saanman maliban na nabigyang inspirasyon ni Elohim. Ang inyong lupa ay mayroon ng yaong dugo ng mga martir na dumadaing. Tuwing kayo ay magutom, intindihin niyo na ito ang inyong mortal na katawan, nagugutom sa Kabanalan. Sapagka’t bagaman tinatawag kayo na Banal na Lupa ipinahintulot ninyong madungisan ang inyong lupa ng mga kasalanan ng mundong ito. Magsisi kayo mula sa mga kasuklamang ginawa sa harap ng Pangalan ng HaShem Adonai na nagbigay sa mga batas kay Moses at sa lahat ng Yisrael at samakatwid ng mundo.

Hindi AKO nagbago, “AKO” ay pareho ngayon, kahapon at magpakailanman! Lumakad kayo sa mga panyapak ng inyong mga ninuno, sa pananampalataya makinig kayo sa mga inaangat KO at ginagamit KONG magsalita. AKO pa rin ay nagsasalita sa pamamagitan ng AKING mga Apostol at mga Propeta, bago dumating ang paghuhukom. Nagsasalita AKO sa mga panaginip, mga rebelasyon, mga pangitain, at mga propesiya ngunit ilan sa Yisrael o sa mundo ang nakikinig? Para sa mga mayroong binging mga tenga, maski alin hindi ngayon ang oras para sa inyong mga tenga na magbukas, sapagka’t mayroong naitakdang oras at panahon, o kaya’y kayo ay tulad sa masamang faraon at ang inyong mga tenga ay nabuksan at pagkatapos ay muling naisara, at magwawakas sa 7 beses na mas bingi pa at walang puso, kung hindi kayo magsisi. Ang kapalaran ninyo’y magiging tulad sa masamang faraon, ngunit para sa AKING mga Anak muli KONG bubuksan ang Red Sea at tumakbo kayo sa yaong mga bundok at kayo ay AKING itatago sa silungan ng AKING mga pakpak.

Tumawag kayo sa AKING Pangalan sa Pangalan ni YAHUSHUA, at kayo ay sasagutin KO at palalayain. Huwag niyong papagdalamhatiin ang AKING RUACH ha KODESH, (Banal na Espiritu) sapagka’t “AKO” ay hindi laging magpapakahirap sa mga tao. Kapag inyong tanggihan si YAHUSHUA, itinatanggi ninyo ang isang kabilang sa inyo, itinatanggi ninyo ang KANYANG AMA na tinatawag ninyong HaShem Adonai. Si YAHUSHUA ay isinilang mula sa isang Hudyo na Banal na birhen na babaeng lingkod, at ang iwinika niya (she) at ni Joseph ay ang katotohanan. Huwag kayong malinlang para sa mga yaon na naghahangad na gawin siyang (she) Elohim. Kahiman ay tinawag niya (she) si YAHUSHUA na Panginoon! Igalang at mahalin niyo siya dahil sa halagang kanyang binayaran bilang ang ina. Kinailangan niya rin ng isang Tagapagligtas sapagka’t walang sinuman ang perpekto, hindi kahiman ang ina ni YAHUSHUA at si Joseph na KANYANG makalupang ama.

Sinabi ni YAHUSHUA, “Dumating AKO hindi upang wasakin ang batas ng AKING AMA, kundi upang tuparin ito.” Igalang ninyo ang Araw ng Pamamahinga [Sabbath Day] at panatilihin itong Banal ay isinulat sa pamamagitan ng daliri ni Elohim. Dapat kayong mag-aral at ipakita ang inyong mga sarili na nasasang-ayunan ngunit mag-ingat sa iba’t ibang mga bersyon ng katotohanan, ang ilan ay katotohanan at ang ilan ay nadungisang mga bersyon upang alisin ang PagkaHudyo ni YAHUSHUA at kahiman binago ang AKING mga Kautusan upang humanay sa mga salita ng tao at hindi sa mga salitang iwinika mula sa AKING mga Propeta at mga Disipulo. Anumang hindi humahanay sa Torah at Tanakh hanapin niyo AKO at tingnan kung hindi binago ng tao ang orihinal na mga salita, sapagka’t sinubukang dungisan ng mga masasamang liderato ang Banal na mga Kasulatan. Mayroong isang malinis na pagsasalin, hanapin niyo AKO at tanungin niyo AKO at ipapakita KO sa inyo ang pinakamalinis na pagsasalin sa paraang ito ay orihinal na isinulat. (Aramaic o Hebreong mga bibliya.)

Ang AKING Anak na YAHUSHUA ay unang isinugo sa mga Hudyo pagkatapos sa mga Hentil. Dahil tinanggihan niyo ang AKING Mahal na Anak, at itinapon ang kanyang nakaliligtas na Dugo pabalik sa KANYANG mukha, isinugo KO SIYA sa mga Hentil, ngayon isinusugo KO SIYANG muli pabalik sa inyo oh Yisrael. Ilan ang magsisisi at tatanggap sa regalo ni YAHUVEH sa Kalbaryo? Ilan ang hindi magpapanigas ng kanilang mga puso at maging nahahandang ilatag ang kanilang mga reputasyon, mga relihiyon? At oo kahit ang pagmamahal ng inyong mga pamilya, habang gagawin niyo ang itinuturo ng unang kautusan, “Ibigin mo ang Panginoon mong Elohim nang buong puso.” At ILAN sa inyo ang maglalagay kay Elohim ng inyong Mga Nilikha at ng Kaligtasan una sa inyong mga buhay, kahit kung ang ibig sabihin nito ay kailangang itaya ang inyong buhay para sa iba kung kinakailangan? Ilan ang magtataglay ng pananampalataya ni Joshua? Napakarami ang aani sa kapalaran ng Sodoma at Gomora. Hindi AKO makukutya. Ang anong kasalanan noon ay kasalanan ngayon.

Dahil lamang binago ninyo ang inyong mga idea kung ano ang kasalanan, hindi ibig sabihin “AKO” ay nagbago. Dahil lamang binigyan kayo ng katiyakan ng inyong mga espiritwal na liderato na walang kabayaran na dapat ibayad sa kasalanan, sila’y nagsisinungaling at sinasabi sa inyo na walang impyerno! Hindi KO pinatawad ang AKING pinakamagandang anghel na Lucifer. Dahil sa kanyang paghihimagsik, si Lucifer gayon din ng lahat ng mga bumagsak na mga anghel ay umaani ng kanilang inihasik! “AKO” ay hindi gumagalang ng tao. Mayroong mabigat na parusa para sa kasalanan, at tanging ang Dugo na Kabayaran lamang ng AKING Anak na YAHUSHUA para sa kapatawaran ng mga kasalanan, ang huhugas sa mga kasalanan hanggang hindi KO na makita kailanman ang inyong mga kasalanan.

Sa oras na tumingin AKO sa isang tao na kumikilala kay YAHUSHUA bilang Panginoon, at MESYAS, AKO ay napaaalalahanan sa halagang binayaran ng AKING Anak upang ilayo kayo sa impyerno na mayroon nga na namumuhay. Ang mga nagtuturo ng iba rito ay malalaman ang halaga na kanilang babayaran dahil sa pag-akay ng iba gayon din ng kanilang mga sarili na maligaw. Kapighatian sa mga bulag na umaakay sa mga bulag patungo sa hukay. Kapighatian sa mga bingi na nagtuturo sa iba na maging bingi sa AKING mga babala ng paghuhukom na AKING iwiniwika mula sa AKING mga Apostol at mga Propeta. Kapighatian sa mga espirituwal at pampulitikang mga liderato na nag-aalay ng mga buhay upang sila’y mamuhay sa karangyaan at kayamanan at mamuno na parang mga hari at reyna. Kapighatian sa mga Hudas ng mundong ito, masasalubong ninyo ang inyong mga kapalaran gaya lamang nang walang alinlangan na nasalubong ni Hudas ang kanya.

Ganoon ito iwinika, ganoon ito isinulat sa ilalim ng pagpapahid ng RUACH ha KODESH
Apostol Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu)



* * * * * * *

Print Friendly and PDF