PROPESIYA 5
IKAW ANG AKING NAKATAGONG KAYAMANAN,
IKAW ANG AKING NAKATAGONG SANDATA!
Ibinigay kay Rev. Sherrie Elijah [Elisheva Sherrie Eliyahu] noong Marso 14, 1997
Nagsimula akong manalangin sa wika ng RUACH ha KODESH (BANAL na ESPIRITU) at ang sumunod na aking nalaman pinapahiran ako ni YAHUVEH at ang mensahe na nasa ibaba ay lumabas. Bagama’t aking inisip na ito ay para lamang kay Daniel, ito pala ay para rin sa nakararami. Pagpalain nawa kayo samantalang inyong babasahin ang nasa ibaba at tingnan kung hindi ipakita ng RUACH ha KODESH sa inyo, ito ay para rin sa inyo.
Kung ikaw ay patuloy na naghahanap sa AKING mukha at nagtatanung sa AKIN, “Kailan KITA gagamitin?” Ang mensaheng ito ay para sa iyo. Kung naririnig ninyo ang AKING boses sa propesiya na ito, kung gayon kayo, AKING mga lalaking anak at mga babaeng anak para sa inyo ang mensahe na ito. Ang AKING Espiritu ang Siyang magpapatunay sa inyo kung ang mensahe na ito ay para sa inyo. Sapagka't Siya [She] ang sasaksi sa espiritu na nasa loob ninyo. Ang iba ay mananatiling bingi at ito ay magiging basta-bastang mga salita lamang. Sila ay magdududa kung tunay nga ba na si YAHUVEH ang nagsasalita mula sa Handmaiden (babaeng lingkod) na ito. Tama kayo kung ito ang pakiramdam niyo, ito ay hindi inilaan para sa inyo.
Ibinigay sa araw na ito ng 97/14/3 sa basag na sisidlan ng luad na ito nguni’t isang mandirigma at anak, at disipulo ni YAHUSHUA ha MASHIACH si Rev. Sherrie Elijah [Elisheva Sherrie Eliyahu]
* * * * * * *
Aking minamahal na mga Anak, kayo ay parang isang nakatagong kayamanan, kayo ay parang isang nakatagong talanga ng mga palaso [arrows], kapag ang nakikita lamang nila ay pana (bow). Gagamitin KO kayo upang magsalita nang buong lakas at gagawin rin ninyo ang ginagawa ng inyong kapatid na babae, magbibigay babala (at magpapa-alala) ukol sa darating na paghuhukom. Kayo rin ay isang bantay sa tore. Bantayan ang mga palatandaan sa kalangitan gaya ng ginawa ni Elias (Elijah), sapagka’t kayo ay mababalaan at pagkatapos’y ipasa ang babala na iyan sa iba. AKING mga Anak, kayo ay pinahiran (anoint) KO upang ibahagi ang mga regalo na AKING ibinigay sa inyo. Hindi kayo nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ito, sa paraan na kayo ay AKING pinahiran upang magawa ito. Nguni’t ang araw na ito ay aking itinalaga, nakilala mo ang AKING Handmaiden at ang kanyang mga regalo (gifts) at ang mga sa inyo ay nagka-isa. Pinukaw [stirred up] ninyo ang regalo ng bawat isa. Huwag isipin na ito lamang ay isang aksidente, dahil kayo ay iisa sa AKING Espiritu.
Ang AKING mga Salita na nasa loob ninyo ay lumilingas na parang isang nagliliyab na espada. Ang talim na may talas sa magkabilang gilid ay sumusugat nang malalim. Mayroong lubhang maraming apoy na nakapaloob sa inyong mga buto, at hindi ninyo nalalaman kung ano ang gagawin dito. Simulan ninyo itong pagsalitain. Ang AKING mga Salita ay hindi babalik sa AKIN na walang bisa, dapat nitong gawin kung ano ang AKING iniutos upang mangyari. Marami AKONG isinabi sa inyo ng palihim, at hindi ninyo ibinahagi sa iba. Ngayon na ang oras para hipan ang trumpeta at magbabala tungkol sa papalapit na parusa para sa mga umuuyam, o mga nagwalang-bahala. Nguni’t ito naman ay oras ng pagpapala para sa mga sumusunod at mapagpakumbabang humahanap sa AKING mukha, ang mga dumidinig sa AKING boses at kilala ng AKING mga tupa ang AKING boses at hindi lumalapit sa kahit sinong estranghero. Ang mga ito ay walang dapat katakutan/pangambahan.
Kahit na sila ay napapalibutan ng kamatayan at iyong sabihin sa kanila, hindi nito mapipinsala (magagalaw) ang mga yaong sa AKIN. At kung sila ay mga martir ang dugo ay mapupunta sa lupa upang manganak lamang ng masmarami pang Pablo(Paul) na noon ay dating Saul at manganak ng masmarami pang Stephen. Kayo ay parang Stephen; kayo ay AKING mga lihim na sandata na AKING itinago. Muli Kong sasabihin, Kilala ninyo ang AKING boses at nagkaroon kayo ng apirmasyon (confirmation) nitong gabi mula sa iba na napapabilang sa AKING mga propeta. Kayo ay gagamitin at ginagamit nang lubos para sa mga taong inyo nang nahipo (touched). Huwag kamuhian ang maliit na mga simula sapagka’t kahit ang isang napakalaking punungkahoy ng ensina (oak tree) ay nagsimula sa isang maliit na butil (seed). Kayo ay parang isang napakalaking punungkahoy ng ensina (oak tree) ng pagkamakatwiran, AKING pagkamakatwiran. Kayo ay hindi naging mapagmataas, ni hindi KO ito papayagan, sapagka’t ikaw ay AKING patutumbahin sa iyong pedestal kung iyo mang subukin. Ikaw ay nanatiling mapagpakumbaba sa AKING harapan, at ikaw ay AKING ubod na minamahal, sapagka’t nakikita kitang nag-aaral masyadong gabi nang mga oras, nararamdam KO ang iyong kalumbayan [loneliness] at ang iyong pagtataka kung saan ka napapabilang.
Ang mga yapak ng mga Maka-Diyos ay itinadhana ni YAHUVEH. Panatilihin ninyong sundin ang AKING mga yapak at akayin ang iba patungo sa AKIN. Sundin ninyo ang AKING mga yapak at akayin ang iba patungo sa puno na nasa Kalbaryo. Sundin ang AKING mga yapak at akayin ang iba patungo sa tarangkahan (gates) ng langit. AKO ang nagturo sa inyo, hindi tao. AKO ang nagtalaga sa inyo, hindi tao. Kayo ang AKING nakatagong kayamanan. AKING nakatagong sandata at sisimulan KONG gamitin kayo nang buong lakas nitong mga huling mga oras, at huwang kayong palilinlang ito ay ang huling mga oras. Nguni’t hindi ang katapusan ng AKING mga Anak, para sa kanila ito ay isang nakamamanghang bagong simula.
Isang pagbabalik pauwi [homecoming] ay magaganap at pagmasdan ang AKING mga Anak na nagtipon-tipon sa palibot ng bangketeng lamesa (Banquet table). Oo, AKING mga Lalaking Anak at mga babaeng Anak, kayo ay titipunin sa palibot ng bangketeng lamesa na iyan sa lalong madaling panahon kaysa sa nalalaman o inaakala ninyo. Una ay simulan ninyo ang pagtipon sa ani, pagka't ito ay sobrang napakarami at ang mga manggagawa ay iilan lamang. Ang pag-uuyam [mocking] ay lalong nag-iingay samantalang naririnig KO ang mga ministro na dati noon ay nagpangaral ng AKING Ebanghelyo (Gospel) ngayon ay nagpapangaral ng kanilang sariling ebangheliyo. Tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mga diyos. Papatunayan KO sa kanila kung sino ang Panginoong YAHUVEH. Pagsisisihan nila kailanman ang pagtuturo nito sapagka’t marami ang naligaw mula sa kasinungalingan na ito. Marami nang namatay at nagulat na hindi AKO ang kanilang sinalubong; sa halip ang kasamaan ang kanilang nakita. Nguni’t huwag malinlang sapagka’t AKO ay hindi madaling kutyain (mocked). Sobrang raming kasinungalingan ang inilalahad ng mga espirituwal na lider na noon ay dati ninyong maaaring pagkatiwalaan. Sila ay mananagot sa ano man na nalalaman nila. Pinangaral nila ang paghihimagsik at tinatakan na isang ebangheliyo. Sasabihin KO sa inyo sila ay magbabayad sa paraang napakalaki. Pagka’t tinatawag nila AKONG AMA at hindi naman nila AKO kilala. Nguni’t hindi kayo AKING mga anak na lalaki at mga anak na babae. Hindi ang mga yaong kinikilala ang AKING boses mula sa mga propetic na mga mensahe na AKING ibinigay sa AKING Handmaiden (Babaeng Lingkod).
Makikilala ng AKING mga tupa ang AKING boses; kahit na ang boses ng estranghero na kanilang naririnig ay galing sa isang respetadong pastor, o espirituwal na lider, kung saan noon ay maaari ninyong pagkatiwalaan, ngayon ay hindi na maaari. Huwag tumingin sa tao nguni’t kay YAHUSHUA lamang bilang iyong espirituwal na lider. Ang mga sinasabi nitong mga espiritwal na mga lider ba’y nahahanay sa mga Banal na salita ni YAHUVEH o kinukuha ba nila ito at pinag-iiba ang mga kahulugan upang ipaalinsunod sa imahe ng tao? Kailangan ninyong magbaling [turn to] sa RUACH ha KODESH na magdadala sa inyo sa katotohanan, at magbibigay sa inyo ng espirituwal na mga mata at tenga upang duminig. Magtiwala sa isang lider lamang hanggang sabihin ng RUACH ha KODESH sa inyo na tama na. Maraming mga ministeryo na bumabagsak sa harap ng inyong mga mata. Umpisa pa lamang ng taon at ang AKING propesiya ay pumalaganap na, at marami pang babagsak bago magtapos ang taong ito. Huwag magdalamhati para sa mga bumagsak na mga ministeryo o mga ministro sapagka’t sila ay binalaan!
Magdalamhati para sa mga tupang nalinlang at ngayon ay tumigil na magtiwala sa AKIN. Magdalamhati para sa mga tupa samantalang sila'y pumapatungo sa yungib ng mga lobo (wolves), na dahil suot nila ang isang mascara ng isang tupa kanila silang lalamunin (devour). Kanila silang lalamunin sapagka’t muli ang mga tupa ay naikalat sa kampo ng mga kaaway dahil sa mga nangangati nilang mga tinga. Pakaingatan ninyo ang inyong mga tinga, AKING mga Anak. Pakaingatan ang inyong mga mata. Huwag malinlang sa anong sinasabi ng dila sapagaka’t kahit na may tunog na kasing lambot (smooth) tulad ng pulot (honey); wariin (discern) ang Espiritu na nagsasalita. Wariin gamit ang inyong mga mata, humahanay ba ito sa Salita ni YAHUVEH? Iniisip ba nila, ‘ah ha, ngayon ako ay naka-aral nang sobra, ako’y may bagong paghahayag at ang yaong paghahayag na iyan ay hindi nagpapalapit sa inyo patungo sa AKIN, nguni’t nagiging sanhi na kayo ay mapalayo mula sa AKIN. Ang tunay na espirituwal na lider ay magdadala sa inyo palapit, nagbibigay babala, naghihikayat at nagpapalakas. Ang tunay na espiritwal na lider ay hindi mapagmataas.
Kinikilala nila na hindi sila isang Diyos, ni hindi rin isang maliit na diyos. Kilala nila kung sino sila; sila ay nalikha mula sa AKING sariling imahe na ang ibig sabihin ay mayroong ilong, mga mata, at mga tinga. Talaga! [Come on!]; tumingin ka sa salamin alam ninyo kung ano ang imahe. Huwag hayaan na iligaw kayo nitong mga hangal na guro. Kayo ay mga ampon, hindi ba’t mayroon lamang AKONG nag-iisang Bugtong na Anak? Nguni’t kahiman kayo ay ampon minamahal KO kayo gaya ng pagmamahal KO sa AKING kaisa-isang Bugtong na Anak. Sabihin sa iba kung ano ang AKING sinabi ngayong gabi sapagka’t bagaman ito’y nagsimula para sa isa nangyari ang salita na para sa marami. AKO ay si YAHUVEH, ang inyong Diyos at wala AKONG inaaksaya. Kahiman ang pag-uusap na ito ay naitakda. Ang inyong pagkilala/pagkikita ay naitakda.
Sinasabi ko sa inyo ngayon si YAHUSHUA ay pumaparating para sa KANYANG Ikakasal (Bride), at ang mga yaong hindi umaasa sa KANYA ay MAIIWAN! Ang mga yaong hindi namumuhay na wari SIYA ay babalik na sa anumang araw ay MAIIWAN. Humayo kayo sa AKING gawain at gawin ang trabaho na AKING itinawag para sa inyo upang gawin. Huwag bigyang halaga kung sila man ay maniniwala, ipaubaya iyan sa pagitan nila at AKO. Katulad ng mga araw ni Noah hindi sila naniwala. Katulad ng mga araw ni Lot sila’y hindi naniwala nguni’t huwag palilinlang; ang boses sa mga propesiya na ito ay nangungusap sa AKING mga Anak at hindi KO hahayaang sila’y malinlang, maliban kung ito ay pinili nila.
Mas maraming senyas ng AKING poot na AKING ipinapadala, mas lubha ring galit ang bumabangon laban sa mga propetang nangagsasalita ng mga mensaheng ito. Nguni’t alamin ito, AKO ay palaging nagpapadala ng AKING mga Propeta upang magbabala dahil sa AKING pag-ibig at awa. Hindi KO kagustohan na ang sino man ay magdusa o mamatay o pagdusahan ang walang hanggang kapahamakan. Kaya’t muli ninyong patunugin ang trumpeta, ang mga yaong may espirituwal na mga tinga upang duminig ay maririnig nang maliwanag ang AKING boses at ang lahat ng iba ay mananatiling bingi at bulag. Ito ay kanilang kagustuhan at hindi sa iyo upang pagpasyahan.
* * * * * * *
Ibinigay dito sa sisidlan ng luad ngayong 3/14/97. Sumapit KA na YAHUSHUA, sumapit na!
Rev. Sherrie Elijah. [Elisheva Sherrie Eliyahu]
* * * * * * *
|