Propesiya 50

Makinig Ka Oh Yisrael! ANG KAPANGYARIHAN! ANG KAPANGYARIHAN! ANG KAPANGYARIHAN! ay nasa Pangalan ni YAHUVEH!

Ibinigay kay Rev. Elisabeth Sherrie Elijah (Elisheva Eliyahu)
Octobre 8, 2001



Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na idagdag ito sa lahat ng mga Propesiya magmula ngayon: Binalaan kita matagal nang panahon Elisabeth [Elisheva], na huwag ipangalan ang Ministeryong ito sa sinumang lalaki o babae. Bago pa man nagkaroon ng Ministeryo. Inilagay ko ito sa iyong espiritu. Pagka’t wala ni isa sa mga ito ang nagawa ng iyong mga kamay. Wala ni isa sa mga ito ang nagmula sa iyong bibig. Mula ito sa bibig ni YAHUVEH na nagbigay buhay. Mula ito sa bibig ni YAHUSHUA, Ang iyong MASHIACH (Tagapagligtas), na nagbigay buhay. Mula ito sa bibig ng RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu), Ang iyong IMMAYAH, na nagbigay buhay. Kung ito lamang ay gawa ng iyong kamay, ito’y nabigo na noon pa man. Ito ay sa pamamagitan ng hangin ng Kaluwalhatiang SHKHINYAH na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na hangin ng Pagpapanibagong-buhay. Hindi ng iyong hininga o ito’y nabigo lamang. (Isaiah 42:8)

Sa Hulyo 2010, sinabi rin ng Diyos na YAHUVEH na isama ang mga sumusunod bilang isang babala sa mga nanlilibak:

2 Cronica 36:16, “Ngunit hinamak nila ang mga Mensahero ng DIOS, kinamuhian ang kanyang mga salita, kinutya ang kanyang mga Propeta, hanggang umabot sa sukdulan ang galit ni YAHUVEH Elohim sa kanyang bayan at sila’y hindi na makaiiwas pa sa kanyang pagpaparusa.”



* * * * * * *

Deut 12:1-4 Ito ang mga tuntunin at mga kahatulan na susundin ninyo at gagawin sa lupaing ibibigay sa inyo ni YAHUVEH, ang Elohim ng iyong mga ninuno upang ariin, sa lahat ng mga araw na kayo’y nabubuhay sa sanlibutan. Gibain ninyong lubos ang lahat ng mga lugar, kung saan pinagsisilbihan ng nasyong inyong aariin ang kanilang mga diyus-diyusan, sa itaas ng mga bundok, at sa mga burol, at sa lilim ng bawat punongkahoy: At patutumbahin ninyo ang kanilang mga altar, at pagputul-putulin ang kanilang mga haligi, at sunugin ang kanilang mga Asera sa apoy; at inyong sisibakin ang mga inukit na mga larawan ng kanilang mga diyus-diyusan, at sirain ang kanilang mga pangalan paalis sa lugar na yaon. Hindi ninyo gagawin ang gayon rin kay YAHUVEH ang inyong Elohim.

Joel 2:32 At mangyayari na ang sinumang tumawag sa pangalan ni YAHUVEH ay maliligtas: sapagka't sa Bundok ng Sion at sa Jerusalem ay magkakaroon ng kaligtasan, gaya ng sinabi ni YAHUVEH, at sa mga natitira [remnant] na tatawagin ni YAHUVEH.

Jer 16:19-21: Oh YAHUVEH, aking lakas, at aking tanggulan, at aking kanlungan sa araw ng kagipitan, sa iyo magsisilapit ang mga Hentil mula sa mga kadulu-duluhan ng daigdig, at kanilang sasabihin, Ang aming mga ninuno’y walang minana kundi pawang kasinungalingan, mga walang kabuluhan at mga bagay na hindi mapapakinabangan. Maaari bang gumawa ng sarili niyang diyos ang isang tao, at sila’y hindi mga diyos? Kaya't, masdan ninyo, ipakikilala ko sa kanila, ipakikilala ko sa kanila ang aking kamay at ang aking kapangyarihan; at kanilang makikilala na ang aking pangalan ay YAHUVEH.

Mga Awit 118:26 Pagpalain ang siyang pumaparito sa likas ni YAHUVEH: pinagpapala ka namin magmula sa tahanan ni YAHUVEH.

Juan 5:43 Naparito ako sa ngalan ng aking Ama, at ayaw ninyo akong tanggapin: kung may ibang pumarito sa kanyang sariling pangalan, siya’y inyong tatanggapin.

Lucas 13:35 Masdan niyo, sa inyo'y iniwang walang anuman ang inyong bahay: at sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo ako makikita, hanggang dumating ang oras na sabihin ninyo, Mapalad ang pumaparito sa ngalan ni YAHUVEH.

Gumawa kayo ng ilang pananaliksik. Hanapin ninyo ang pangalan na Jesus sa concordance ni Strong. Ito ay numero 2424 sa Griyego. Tumutukoy ito sa 3091 sa Hebreo. Hanapin ninyo, ang 3091 ay Yehowshuwa na ang ibig sabihin ay: Nagliligtas si YAHUVEH. “Halleluyah! Purihin si YAH!” Ibalik ninyo ang orihinal na mga pangalan sa mga kasulatan kapalit sa Panginoon at Hesus at maiintindihan ninyo ang mga bagay sa buong bagong paraan. Lumabas ang mga salitang ito kasama ang labis na pag-iiyak at espirituwal na mga wika at sinabi ni YAHUVEH ang ibang interpretasyon ay maibibigay sa ibang mga Apostol at mga Propeta. Ipapasa KO ang teyp sa mga taong pagsasabihan ako ng RUACH ha KODESH na ipasa ito. Lumabas ang mensaheng ito lubos na hindi inaasahan habang nananalangin kasama ang isa pang babaeng kapatid. Oh Ama, YAHUVEH, iwika MO ang mga salita na nais MONG sabihin…

* * * * * * *

OH HINDI! HINDI! HINDI! HINDI!... (Malalim na pag-iyak)

Oh wasak ang AKING puso, wasak ang AKING puso, wasak ang AKING puso. Sa tingin ninyo hindi maaaring mawasak ang puso ng inyong Elohim YAHUVEH? Oh wasak ang AKING puso. Oh umiiyak AKO, binigyan KO ng pagpipili ang tao. Binigyan KO sila ng malayang kalooban at anong kanilang ginagawa? Binigyan KO sila ng kaalaman. Hindi niyo ba alam kung bakit KO kayo sinabihan na huwag kumain sa bunga ng mabuti at masama? Ito’y dahil alam KO na pipiliin ng tao na kumain sa bunga ng mabuti at masama. Ito’y dahil alam KO na pipiliin ng tao na kumain sa bunga ng masamang kaalaman. Binigyan KO sila ng kaalaman at anong kanilang ginagawa? Gumagawa sila ng mga armas ng pandigma upang lipulin ang sangkatauhan.

Ang bawat isa’y nais maging mas dakila kaysa sa iba. Ang bawat isa’y hindi nasisiyahan sa mga ibinigay KO sa kanila at kaya’t nais nilang maging tulad ni Cain na pumatay kay Abel at patayin ang sarili nilang kapatid. AKING mga Anak, AKING mga Anak, AKING mga Anak, huwag ninyo AKONG sisihin sa mga ginagawa ninyo, sapagka’t binigyan KO kayo ng malayang kalooban. Kayo ang pumili sa mga lideratong ito. Kayo ang naglagay sa kanila sa tungkulin. Kayo. Hindi niyo hinanap kung anong espiritu sila nanggaling, kayo na mga hindi inintindi kung nagdasal man sila o hindi at kung aling diyos sila nananalangin. Ito ay kayo, na mga hindi inintindi kung iniingatan ba nila ang mga Kautusan at ang Torah. Ito ay kayo, na mga hindi inintindi kung minahal ba nila ang Yisrael.

Ang Dugo, ang Dugo, ang Dugo ay nasa sarili ninyong mga kamay. Ito ay kayo na sa takot ay di nais tumayo laban sa pagpapalaglag ng mga sanggol. Ito ay kayo. Ito ay kayo, na mga nanahimik nang sinabi niyo ang pagka-homoseksuwal ay di tama. Pinupuno ninyo ang mga simbahan at pinupuno ninyo ang mga yaong bangko, at umuupo kayo sa likuran ng isang pastol na hindi man isang pastol kailanman. Pinapanood niyo sila habang lumalaki sila sa mga milyon at sabihing iyon ay sa pamamagitan ng AKING kamay, nang sa katiyakan ito ay perang bayad sa pagpatay na bigay sa kanila ng yaong kapangyarihan na namamahala sa lupaing ito. Hinila KO ang AKING mga pinakamalalakas na mga mandirigma mula sa mga simbahan. Umuupo sila roon na walang pastol maliban ang dakilang Elohim na “AKO”. Hindi alam ng AKING mga tunay na pastol kung saan magmumula ang susunod na dolyar, ngunit alam nila na ang dakilang Elohim na “AKO” ang magtutustos sa kanilang mga pangangailangan.

Ito ang AKING mga pagpapalain at ipagpapatuloy na pagpalain. Sapagka’t umiiyak sila at tumatangis sila dahil sa kanilang mga nakikita. Ngunit hindi sila nananatiling tahimik. Dahil mayroong apoy na nakapaloob sa kanilang mga buto gaya lamang nang walang alinlangan na nararamdaman animo ng babaeng lingkod na ito na siya’y nag-aapoy dahil ito ang AKING Apoy, ang AKING Apoy na lumilingas sa loob nila. Hindi nila kayang manahimik kahit nais man nila. Hindi nila kayang tumigil sa pag-iyak, kahit nais man nila. Ito ang Marka ng AKING mga tunay na mga tao. Ito ang Marka ng mga Pinili.

Oh Yisrael, oh Yisrael, oh Yisrael, ngayon ba sa wakas babaling na kayo sa dakilang Elohim na “AKO”? Kung ito’y naging sapat na para sa inyong Amang Abraham, muli ba itong magiging sapat na para sa inyo? Hindi, si Abraham ay hindi isang diyos. “AKO” ang kanyang Amang Elohim. Ngunit kahit noon ay tumanaw ang tao kay Abraham na wari siya’y isang Elohim. Huwag na kayong tumanaw sa tao na bilang Elohim. Oh Israel, oh Israel, pakinggan niyo AKO, ang kapangyarihan, ang kapangyarihan, ang kapangyarihan ay nasa AKING Pangalan! Huwag kayong makinig sa mga rabbi at sa mga masasama na sumensura sa AKING Pangalan sa inyong mga labi.

(Aking pinagwiwikaan at ibinibigkis ka satanas; sinusubukan mong hadlangan ang mensaheng ito na lumabas at ngayon mismo kinukuha ko ang kapangyarihan laban sa iyo sa Pangalan ni YAHUSHUA ha MASHIACH. Ang Dugo, ang Dugo ay laban sa bawat espiritu na sumusubok hadlangan ang mensaheng ito at para tigilan ako na marinig ang mga ito. Ang Dugo ni YAHUSHUA ha MASHIACH ay laban sa iyo! Tinatawag ko si Micheal ngayon mismo at hinihiling ko na tulungan akong ihatid ang mensaheng ito. Tulungan mo ako, Tulungan mo ako, Tulungan mo ako! Huwag hayaan ang espiritu ng kaguluhan na lumapit laban sa mensaheng ito. Salamat! Salamat!)

AKING mga Anak, AKING mga Anak, Yisrael, naglagay AKO ng kapangyarihan sa loob ng sarili ninyong Lungsod, kahit mismo sa inyong mga padir. Ito ay kung saan sana inalay si Isaac ngunit sa halip naglagay AKO ng alay kung saan hindi na kinailangan ni Abraham na kitilin ang buhay ng kanyang lalaking anak. Diyan KO inilagay ang AKING alay, sa sarili niyo mismo na lupa, sa Kalbaryo. Yisrael, tumawag kayo sa Pangalan ni YAHUVEH. Huwag niyong ikahiya ang kapangyarihang nasa Pangalang iyan. Huwag niyo na itong burahin. Huwag niyo nang takpan ang inyong mga bibig. Ngunit ay tumawag kayo sa AKING Pangalan, ang nag-iisang Pangalan na nakaliligtas. Huwag niyo nang tanggihan ang AKING Anak na YAHUSHUA. Galing SIYA sa sarili ninyo mismong lupain. Kung SIYA’Y nanggaling mula sa iba, maaari KONG maunawaan, ngunit galing SIYA sa sarili ninyo mismong lupain. Sa sarili ninyong lupa na SIYA’Y ipinako sa krus. Dumaloy ang KANYANG Dugo sa lupa. Sa sarili ninyong puntod na SIYA’Y inilagay, sa sarili ninyong lupa na SIYA’Y ibinangon. Ito’y para sa inyong mga kasalanan at mga kasalanan ng mundo na SIYA’Y namatay at ito’y para sa inyo at sa mundo na SIYA’Y bumangon. Huwag ninyong tanggihan ang kaisa-isang nagliligtas. Tumawag kayo sa Pangalan ni YAHUSHUA. Tumawag kayo sa Pangalan ni YAHUVEH.

Huwag kayong makinig sa mga masasamang mga rabbi na lumiligaw sa inyo. Gaya lamang na ibinigay KO ang babala sa mga simbahan, ibinibigay KO rin ang babala sa mga templo. Napuno ang mga templo, ngunit ang AKING Espiritu ay wala roon. Nasa inyo ang batas, ngunit wala sa inyo ang RUACH. Oh AKING mga Anak, AKING mga Anak, AKING mga Anak, hindi niyo ba alam kung bakit walang tubig sa lupain? Nauuhaw kayo at nagtataka kung bakit ang tagtuyot ay nasa Yisrael. Ito’y dahil tinanggihan niyo ang yaong Buhay na Tubig mula sa babaeng nasa balon. Patuloy KONG isinusugo ang AKING mga ministro, AKING mga Propeta at mga apostol; pumaparating sila sa Pangalan ng AKING Anak na YAHUSHUA. Inihahain nila sa inyo ang Buhay na Tubig ngunit isinasantabi ninyo ang kanilang mga kamay. Kayo, Oh mga taong-bayan ng Yisrael ang tumanggap sa mga kasinungalingan ng inyong mga liderato. Di nais ng mga Rabbi na malaman ninyo ang kapangyarihan na nasa Pangalan, ang kapangyarihan sa Pangalan, ang AKING Pangalan ay YAHUVEH! Ang Pangalan ng MESYAS na inyong Tagapagligtas ay YAHUSHUA. Ngayon didinig ba kayo at sa yaong Pangalan ay magsisimula kayong matutunong manalangin?

Tumingin kayo sa inyong paligid, oh Yisrael, wala kayong makitang kaibigan. Tumingin ka sa palagid Yisrael, kung saan ka umasa noon minsan ay hindi mo na kailanman maaasahang muli. Ngayon didinig ba kayo habang AKO’Y nagsasalita sa pamamagitan nitong babaeng lingkod sa araw na ito? Ngayon tatawag ba kayo sa Pangalan ni YAHUVEH at tatanggap sa regalo ni YAHUSHUA na AKING ibinibigay sa inyo at sa Pangalang ibinigay KO sa inyo upang kayo ay mailigtas. Dapat ninyong malugod na tanggapin ang mga Mesyanik na mga Kristiyano, ang mga tinawag ayon sa AKING Pangalan, sapagka’t ito ang inyong proteksyon, oh Yisrael. Tumigil kayo sa pagpapalayas sa kanila. Tumatawag sila sa AKIN, kay Elohim YAHUVEH. Tumatawag sila sa AKIN sa Pangalan ni YAHUSHUA. Tigilan ninyo ang pagpapalayas sa kanila, makinig kayo sa AKING mga Propeta, makinig kayo sa AKING mga apostol, at makinig kayo sa mga yaon na AKING ipinapadala. Sapagka’t pumaparating sila kasama ang AKING puso, AKING puso ng pagmamahal para sa inyo, oh Yisrael.

Sa bawat oras na harapin niyo ang Kanluraning Padir [Western Wall], tumingala kayo sa itaas, sapagka’t ang AKING Anak ay darating sa silanganang langit. Huwag na kayong malinlang ng mga kasinungalingang ito. Nabilang KO ang bawat patak ng luha na naibuhos sa yaong Kanluraning Padir. Ito ang mismong lugar kung saan inakala ni Abraham kinailangan niyang patayin si Isaac. Ito ang mismong lugar kung saan nakita ni Hakob ang isang hagdang patungo sa Langit. Ito ay tunay na banal, pinabanal na lupa. Para sa mga yaon na tumatawag sa Pangalan ni YAHUVEH, ang mga milagro na ginawa KO minsan ay AKIN muling gagawin para sa inyo Yisrael. Huwag niyong gawin ang gaya ng ginagawa ng mundo. Huwag kayong magtiwala sa anumang sandata o tao; sa halip bumaling kayo sa dakilang Elohim YAHUVEH, ang tinatawag na Dakilang Elohim na “AKO”. Tingnan ninyo oh Yisrael, isang araw makikita ninyo sa lalong madaling panahon ang mga sandata ng tao na nakatutok sa inyo. Ngunit dapat kayong mag-ayuno, at dapat kayong umiyak, at dapat kayong tumangis sa Pangalan ni YAHUVEH, sa Pangalang YAHUSHUA. Makikinig AKO at ililigtas KO ang inyong lupain.

Oh totoo na isang napakasama ang darating, at sasabihin niya na siya ay “AKO”! Nguni’t wawakasan niya ang Torah at isusulat niya nang panibago ang AKING mga batas, gagawin niya sa halip ng tao. Sasabihin niya sa iyo, oh Yisrael, nasa kanya ang mga kasagutan, kung saan hindi na kayo mauuhaw at magugutom, o muling makikipagdigma. Ngunit alamin niyo na ito ay mga salita ng napakasamang tao na sumusubok ilagay ang kanyang sarili bilang ang Mesyas ng buong sangkatauhan. Ngunit binabalaan KITA oh Yisrael, ngayon bago pa dumanak ang dugo sa buong lansangan. Ang napakasamang taong ito na pumaparating ay mapupunta sa pagkatalo. Kaya‘t lakasan ninyo ang inyong tinig oh Yisrael; at ang lahat na mga yaong nagmamahal sa Yisrael; umiyak kayo sa nag-iisang Pangalan na YAHUVEH at sa Pangalang YAHUSHUA, ang tanging makaliligtas. Oh Yisrael, Oh Yisrael, Yisrael ikaw pa rin ang kinaiingatan ng AKING mga mata [the apple of My eye], sapagka’t kahiman ang AKING mismong mga Pista at mga Sabbath (Pamamahinga) ay hindi ninyo kinamumuhian. Usisain ninyo ang sinumang liderato na mayroon kayo na hindi nananalangin sa AKING Pangalan at namumuhay ayon sa Torah at sabihin ninyo sa mga tao hindi natin mapagtatagumpayan ang labanang ito sa pamamagitan ng mga sandata, ngunit sa pamamagitan lamang ng pag-aayuno at pananalangin.

Mag-ingat bawat mga kaaway ng Yisrael. Nasa inyo ang panlukob oh Yisrael, ng Amerika ngunit sa oras na talikuran ninyo ang Yisrael, oh kapighatian ay sa Amerika. Kahit ang mga kasulatan ay nagpapatunay na kayo ay dapat manalangin para sa kapayapaan ng Jerusalem. Sa oras na gumawa kayo ng anumang bagay na sumasalungat sa AKING Salita huwag niyong isipin na hindi KO narinig. Kinakausap KO ang buong mundo iwan niyo ang kinaiingatan ng AKING mga mata. Dahil AKIN siyang pinarusahan; hindi siya nakabatid ng kapayapaan. Ngunit ito’y para sa AKIN na gawin at hindi para sa inyo. Siya ay minsan muling tatawag sa AKIN, ang Elohim ng kanyang mga ninuno, sapagkat AKO ay nakipagtipan kay Abraham at hindi KO ito sisirain. Nangako AKO kay YAHUSHUA, pagka’t sinabi NIYA hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Kanyang sinabi, “Patawarin mo sila, oh Ama, dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” Ngunit ikaw Amerika at ang lahat ng umaanib sa United Nation, binabalaan KO kayo ngayon, huwag kayong lumapit laban sa kinaiingatan ng AKING mga mata, bagaman nakagawa siya ng labis na kamalian, nakagawa rin siya ng anong tama sa AKING mga mata. Ang mga taong-bayan ng Yisrael ay waring isang napakalaking pamilya, sa oras na saktan niyo ang isa, sinasaktan niyo silang lahat. Sa oras na pumatay kayo ng isa, ito ay parang sarili nilang pamilya.

Oh Amerika, inaakala niyo lamang na alam niyo ang pagdadalamhati. Dapat sana ay lumakad kayo sa mga sapatos na nilakad ng Yisrael. Lumalaban sila at nakikipagsagupa sila para sa bawat hininga mula pa nang inatas KO siya bilang isang nasyon. Mula pa nang isinilang ang sanggol na ito, ang sanggol na ito ay nasubok nang paulit-ulit. Sinubukan nilang patayin siya. Nguni’t, inihinga KO ang buhay sa kanya bawat oras, katulad na ginawa KO ito nang paulit-ulit. Para sa lahat ng mga naghahangad ng kanyang destruksyon alamin na “AKO” ay muling gagawa nito. Nagugutom sila at nauuhaw para sa katuwiran at hindi nila alam kung bakit; ngunit kung tatanggapin lamang nila ang sariwang mana at ang Tinapay ng Buhay at ang bagong alak. Sila’y mabubuhay at hindi mamamatay. Ngunit magagawa nila, sinasabi KO sa inyo, magagawa nila. Sapagka’t mayroon AKONG natitira na lalabas mula sa Yisrael, at mabubuhay at makatatayo ang Yisrael, ngunit hindi siya ipagtatanggol ng tao.

Sapagka’t naglagay AKO ng isang misteryo sa loob ng Yisrael, at ang yaong kapangyarihan ay nasa loob ng yaong Kahon isang kapangyarihan na walang ibang katulad, sa lahat ng inyong mga atomik na armas, hindi nila maaaring masimulang ihalintulad sa Pamalo na inilagay KO sa loob ng yaong Kahon. Muli nitong patutuyuin ang lupang ilalim ng Red Sea. Ang mga milagro na ginawa ni Moses ay minsan pang muling makikita. Kung maaari lamang silang minsan pang muling maniwala. Ang Pangalan, ang Pangalan, ang Pangalan; ang kapangyarihan na lamang ay nasa Pangalan. Tumawag kayo sa AKIN sa Pangalan ni YAHUSHUA, sapagka’t sa Pangalan ni YAHUSHUA ang kasamaan ay hindi mananatili. Tumawag kayo sa AKIN sa Pangalan ni YAHUSHUA, ang Dugong panlukob ng lupang ito at ng mundo. Sapagka’t SIYA ang tunay na YAHUSHUA ha MASHIACH, ang MESYAS hindi lamang ng Yisrael, ngunit ng buong mundo sapagka’t ang KANYANG Dugo ay dumaloy sa lupa, sa sariling lupa ng Yisrael, at dumaloy sa ibayo ng mundo sa bawat babae at lalaki, batang lalaki at batang babae. AKING mga Anak alamin ang kapangyarihan ng yaong Pangalan. Sa pangalan ni YAHUSHUA, ang AKING mga Anak ay maililigtas.

(Si Elisabeth [Elisheva] na nagdadasal: Salamat, Salamat Ama, Salamat, Salamat, Salamat)

Sabihin mo lamang sa Yisrael na nagbigay AKO ng isang lalong pinakadakilang alay kaysa sa inisip minsan ni Abraham na kinailangan niyang ibigay sa AKIN, at iyon ay ang kanyang sariling anak dahil ibinigay KO ang sarili KONG Anak at ang KANYANG Pangalan ay YAHUSHUA. At mismo kung nasaan ang Kanluraning Padir, kung saan sila lumuluhod at nananalangin, hindi man nila naiintindihan kung gaano kabanal ang yaong lupa.

(Si Elisabeth [Elisheva] na nagdadasal: Salamat PANGINOON, Salamat AMA, Salamat YAHUVEH, Salamat YAHUSHUA.)

Humihingi ako ng awa, awa para sa Yisrael. Hindi namin alam kung anong nangyayari; hindi kami nakinig sa mga balita ngayong gabi, ngunit pinupuri KA namin at pinapasalamatan KA namin YAHUVEH dahil sa IYONG mga Salita. Sinabi MO na sila ang kinaiingatan ng IYONG mga mata. Sila ang kinaiingatan ng IYONG mga mata. Oh maawa KA! Maawa KA, oh maawa KA. Humihiling ako ng mas marami pang awa para sa Yisrael kaysa sa ginagawa KO man para sa Amerika. Humihingi ako ng awa Ama. Ang pangitain na nakita KO ay ang dugo, ngunit ang dugo nang namatay si YAHUSHUA, at ang dugo’y tumungo sa loob ng lupa. Ipinakita ni YAHUVEH sa akin na ito’y pula lamang sa buong palibot ng mundo. Sinakop nito ang buong mundo. Bagaman hindi makita ng tao, sinakop nito ang buong mundo. Halleluyah! Salamat Ama, Salamat YAHUSHUA!

Ibinigay kay Apostol Elisabeth Sherrie Elijah (Elisheva Sherrie Eliyahu) sa ika-8 ng Oktobre, (Tishri ika-21) 2001, gitna ng 3:00 a.m at 4:00 a.m samantalang Pista ng Tabernakulo.


* * * * * * *

Print Friendly and PDF