Propesiya 51

Ang Malakas at Malinaw na Tawag sa 144,000, Huwag Matakot AKING mga Mahal na Munting Anak, “AKO” ay Nag-aangat ng Pamantayan Laban sa mga Masasama!

Makinig sa Propesiyang ito habang iwinika ito sa pamamagitan ni Elisabeth (Elisheva)

Ibinigay kay Rev. Elisabeth Sherrie Elijah (Elisheva Eliyahu) Nobyembre 2, 2001



Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na idagdag ito sa lahat ng mga Propesiya magmula ngayon: Binalaan kita matagal nang panahon Elisabeth [Elisheva], na huwag ipangalan ang Ministeryong ito sa sinumang lalaki o babae. Bago pa man nagkaroon ng Ministeryo. Inilagay ko ito sa iyong espiritu. Pagka’t wala ni isa sa mga ito ang nagawa ng iyong mga kamay. Wala ni isa sa mga ito ang nagmula sa iyong bibig. Mula ito sa bibig ni YAHUVEH na nagbigay buhay. Mula ito sa bibig ni YAHUSHUA, Ang iyong MASHIACH (Tagapagligtas), na nagbigay buhay. Mula ito sa bibig ng RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu), Ang iyong IMMAYAH, na nagbigay buhay. Kung ito lamang ay gawa ng iyong kamay, ito’y nabigo na noon pa man. Ito ay sa pamamagitan ng hangin ng Kaluwalhatiang SHKHINYAH na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na hangin ng Pagpapanibagong-buhay. Hindi ng iyong hininga o ito’y nabigo lamang. (Isaiah 42:8)

Sa Hulyo 2010, sinabi rin ng Diyos na YAHUVEH na isama ang mga sumusunod bilang isang babala sa mga nanlilibak:

2 Cronica 36:16, “Ngunit hinamak nila ang mga Mensahero ng DIYOS, kinamuhian ang kanyang mga salita, kinutya ang kanyang mga Propeta, hanggang umabot sa sukdulan ang galit ni YAHUVEH Elohim sa kanyang bayan at sila’y hindi na makaiiwas pa sa kanyang pagpaparusa.”

* * * * * * *

Sa loob ng may takot at paggalang kay YAHUVEH at YAHUSHUA, inihahatid ko ang makapropesiyang salita na ito sa ilalim ng pagpapahid ng RUACH. Hinihingi KO ngayon kung mayroon mang bagay na hindi humahanay sa Banal na mga Kasulatan pakiusap ipaalam ninyo sa akin. Sinusubok ko ang bawat espiritu na nagsasalita lalo na sa makapropesiyang mensahe. Dahil napakarami ang nag-eemail sa akin at mga napuno ng takot, nanalangin ako para sa salita ng pagpapalakas-loob, kahit para sa aking sarili. Habang sinasagot sa email ang isang babaeng kapatid na isang propeta na nangangailangan ng pagpapalakas-loob, nang hindi ko inaasahan lumabas ang makapropesiyang mensahe na ito. Dalangin ko na ang mga salitang ito ay magiging pagpapala para sa inyo at tulungan kayo sa oras na dumating ang mga nangangambang balita sa ating landas. Alam ko na magagawa nito ito sa akin. Isang nakakatakot na bagay ang maging tagapagsalita para kay YAHUVEH at ipinapanalangin ko na ang bawat salita ay ayon sa nais NIYA itong maiwika.

Huwag mag-atubiling kopyahin at ipadala ito para magpalakas-loob sa iba sa oras na ang takot ay nasa lubusang panahon na mataas.

Mga Awit 2

Bakit ang mga pagano’y nangagugulo, at ang mga bayan ay nangag-aakala ng walang kabuluhang bagay? Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang mga pinuno ay nagsasanggunian, laban kay YAHUVEH at laban sa kaniyang mga hinirang, na sinasabi, Sirain natin ang kanilang mga tali, at ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin. Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa: ilalagay sila ni YAHUVEH sa kakutyaan. Saka magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot, at gagambalain sila sa kaniyang malabis na sama ng loob: Gayunma'y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion. Aking sasaysayin ang pasya: sinabi ni YAHUVEH sa akin, Ikaw ay aking Anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita. Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng sanlibutan ay iyong pinakaari. Sila'y iyong babaliin gamit ang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalayok. Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa. Kayo'y mangaglingkod ni YAHUVEH na may takot, at mangagalak na may panginginig. Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling mag-alab. Mapapalad ang lahat ng mga nagtitiwala sa kaniya.

* * * * * * *

Ang Malakas at Malinaw na Tawag sa 144,000, Huwag Matakot AKING mga Mahal na Munting Anak, “AKO” ay Nag-aangat ng Pamantayan Laban sa mga Masasama!

Sa oras na dumating ang kaaway na parang isang baha, AKO ay mag-aangat ng pamantayan laban sa kanya. Dahil hindi niyo pa ito nakikita, huwag kayong matakot na kinalimutan KO ang AKING pangako na gawin ito. AKING mahal huwag kayong matakot, muli AKO, si YAHUVEH ay nagsasabi huwag kayong matakot AKING mga Mahal na Munting Anak. Hindi KO kayo inangat sa oras na ito at pinagkaloob kayo ng yaong kaalaman na ibinigay KO, ni YAHUVEH, sa inyo para iwan kayo ngayon. Kayo ay isa sa AKING mga hinirang na natatago. Ngayon na ang oras upang bumangon at sumulong para tulungan ang inyong mga lalaki at mga babaeng kapatid kay YAHUSHUA. Binigyan KO kayo ng mga lupa, mga ari-arian, mga barko, mga isla, mga bahay at mga pananalapi. Mayroon AKONG mga lihim na mga milyonaryo; oo, kahit ay mga multi-millionaire at hindi pa kayo gaanong ginamit sa AKING Kaharian sapagka’t nanatili kayo sa mga mata ng mundo at gayon pa man sinubukang lumakad sa AKING mabuting hanay. Minamahal at pinaglilingkuran ninyo AKO sa lihim, pagka’t sinabi ninyo sa inyong sarili, “Anong maaari kong gawin para sa Kaharian ni YAHUVEH? Papaano ko maitataguyod ang Ebanghelyo ni YAHUSHUA?” Kaya nanatili kayong tahimik at nakatago, gayunman nananalangin para sa iba upang tuparin ang anong nararamdaman ninyo na hindi niyo kayang gawin. Sandali na lamang, magiging huli na para tulungan ang AKING mga Apostol at mga Propeta. Hindi niyo pa ba naiintindihan ang halaga na kailangang bayaran ng kahiman nitong isa kung saan AKO nagwiwika, ang mga atake na kailangang sanggahin, hindi lamang sa pisikal na lupain, ngunit sa espirituwal na lupain? Kayo ba ay tumutulong o kayo ba ay nagiging hadlang?

AKO, si YAHUVEH ay nagbubuhos ng maraming regalo sa inyo. Ang AKING mga natatago ay mayroon ng labis na Maka-diyos na karunungan. Hindi lamang sa mundong ito ngunit gayon din sa RUACH ha KODESH espirituwal na lupain kayo ay AKING pinagpala. Nagtrabaho kayo kaagapay ang mundo at gayon pa man nanatili kayong nakatago. Marami sa inyo ay mga henyo. Itinago KO kayo bilang mga doktor, mga abogado, mga guro, mga pilantropo, mga banker, mga imbentor, mga investor, mga artist, mga matatalino sa kompyuter, mga electrician, mga nasa puwersa ng pulisya, sa lahat ng uri ng gobyerno, mga senador, mga kongresista, mga statesmen, mga dispatsador, mga may-ari ng mga tindahan, mga franchise, mga lupaing ari-arian, mga kapitan, mga may-ari ng mga barko, mga restawran, lahat ng mga moda ng transportasyon, mga artista, mga movie industry, mga mang-aawit, mga investor, mga broker, mga manunulat, mga chef, mga designer, mga contractor, walang career na hindi naitatago ang AKING mga mahal na anak. Ito ang AKING mga disipulo na sumusunod sa AKING Anak na YAHUSHUA, at mga naghahangad sundin ang mga batas ni YAHUVEH at ang mga natatagong ito ay nagkalat sa buong mundo. Ang ginagamit nilang pamantayan upang sukatin ang mga batas ng tao ay ito: Ito ba ay nahahanay sa mga Kasulatan? Ito ang kanilang pamantayan upang sukatin ang bawat bagay; kung ito ay katotohanan ang Torah at ang mga Kasulatan ang magpapatunay.

AKO, si YAHUVEH ay nagtago sa inyo para sa panahong tulad nito. Ipanalangin ninyo kung paano gamitin ang inyong mga talento, mga regalo, karunungan, mga bahay, mga lupaing ari-arian, mga pananalapi, at mga espirituwal na regalo. Ang lahat ng karunungan na hindi sumasalungat sa AKING mga Kasulatan ay inyong gagamitin para makatulong at ipagpalit, sa panahong wala nang ibang paraan para bumili o magbenta o tulungan ang iba. Ang inyong karunungan, mga rebelasyon, paglulunas na kaalaman, at mga edukasyong ibinigay sa inyo ay makakakinabang sa iba para sa gayong panahon, at malalaman ninyo kung kailan ito gagamitin, at kung saan makakatulong, at kung sino ang tutulungan. Kailangan kayo ng AKING mga Apostol at mga Propeta upang itago sila sa panahong tulad nito, mula sa mga masasama na naghahangad ng kanilang destruksyon, kaya’t walang sinumang makasasabi na hindi sila binalaan bago bumagsak ang pahuhukom.

AKO, si YAHUVEH ay laging nagpapadala ng mga propeta at mga apostol upang magwika, hindi lamang upang magsisi, ngunit upang magbabala rin sa mga panganib na darating at kung paano takasan ang mga higpit ng kaaway. Ang AKING mga natatago ay dapat na matatapang kapag inyong ibabahagi ang natatago ninyong mga kaalaman at mga rebelasyong ibinibigay KO, ni YAHUVEH, sa inyo bawat araw. Pinagsasabihan KO kayo, huwag kayong umasa sa sarili ninyong lakas, ngunit ay umasa kayo sa lakas ni YAHUSHUA, sapagka’t ito ay sapat na para sa inyo anuman ang inyong harapin. Mayroon bang bagay na napakahirap para kay YAHUVEH upang lupigin? Hinaharap niyo ang isang nararamdaman ninyo bilang di-malalampasang mga padir na hindi niyo kayang akyatin ni ikutin. Kasama ang pagpapahid ng AKING RUACH ha KODESH, hindi kayo mabibigo. AKO, si YAHUVEH ay nagpapabagsak sa mga yaong padir na nagpapanatili sa inyo sa pagkaalipin sa yaong mga bilangguan kung saan kayo ibinukod mula sa iba.

AKO, si YAHUVEH ngayon ay ipinagkakaisa kayo sa iba, sapagka’t ang mga ito rin ay magiging AKING mga natatago na itinago KO sa silungan ng AKING mga pakpak. Antayin niyo hanggang makita ninyo ang mga milagrong AKING gagawin, ni YAHUVEH. Makikita ninyo, magiging pinakamabuti ninyo itong mga oras habang muli ninyong makikita si YAHUVEH na magliligtas sa mga yaong hinahangad ng iba na wasakin, ang lahat dahil sa AKING Pangalan. AKO, si YAHUVEH ay pumili sa propetang ito upang ipukaw ang Malakas at Malinaw na Tawag sa 144,000. Aralin niyo ang Awit ni Moses. Sa loob nito’y naroon ang tagumpay sa Pangalan ni YAHUVEH! Ang AKING bagong utos sa apostol na ito na AKING babaeng anak ay: ngayon na ang oras upang hanapin mo ang mukha ni YAHUVEH at kalooban ni YAHUVEH at ang mga martsa na kautusan ni YAHUVEH. Lumakad ka kapag sabihin ni YAHUVEH na lumakad, tumakbo ka kapag sabihin ni YAHUVEH na tumakbo, magsalita ka kapag sabihin ni YAHUVEH na magsalita at huwag kang gumawa ng anuman kapag ika’y sinabihang tumayo lamang at maghintay. Gaano man kaliit ang isang desisyon, matuto kang manalangin upang AKING ihayag ang AKING kalooban, hindi ang iyong kalooban.

AKO, si YAHUVEH ay nagpapahid sa AKING mga pinili sa lalong malaking kaparaanan kaysa sa AKING nagawa kailanman noon. Mag-aral ka at ipakita ang iyong sarili na nasasang-ayunan, para walang sinuman ang makapagliligaw sa iyo sa mga Kasulatan. AKO, si YAHUVEH ay nagtitipon sa AKING mga kawal sa yaon na padir upang talunin si satanas, at ang mga demonyong pumapaligid sa iyo. Ang mga sandata na mayroon ka ay hindi makasanlibutan, ngunit ay makaespirituwal. Walang anumang sandata na maaaring pumantay sa di pangkaraniwang mga pagpapahid na AKING ipinagkaloob sa bawat isa sa inyo, bagaman hindi niyo ito alam. Sa AKING tyempo makikita ninyo ang pamantayang iaangat KO, ni YAHUVEH, laban sa mga yaon na naghahangad saktan ang mga Kristiyano’t mga Hudyo. Ang lahat ng mga Israelita na tumatawag sa Pangalan ni YAHUVEH, ang mga yaon na hindi ikinakatakot gamitin ang mga Sagradong Pangalan, kanilang napagtanto na sila’y nalinlang, at kaugnay noon ay naturuan ng mali. Mayroong pagpapahid, kaligtasan, pagpapalaya, at paglulunas na kapangyarihan, sa mga Pangalan ni YAHUVEH at YAHUSHUA.

AKO, si YAHUVEH ay nagtatanung sa inyo nito, tatalikuran niyo ba ang mga pangakong ibinigay KO sa inyo? Ang Pinagpalang Pag-asa na ibinigay sa inyo? Bakit KO sasabihin na kayo ay wala sa ilalim ng AKING poot, ngunit ay ng habag at turuan ang iba na AKO, si YAHUVEH, ay magpapahintulot ng walang takas para sa mga Kristiyano na tumatawag sa AKIN sa Pangalan ni YAHUSHUA? AKO, si YAHUVEH ay mayroon nga ng arka para sa inyo. Ang lahat ng AKING mga Anak na nagtitiwala sa AKIN ay makaririnig sa AKING tinig nang malinaw, maniwala lamang kayo, at ipagpatuloy ninyong humiling sa AKIN. Tingin niyo ba na AKO, si YAHUVEH, ay nagdala sa inyo sa ganoong layo para biguin kayo ngayon? Ako, si YAHUVEH, ay hindi magpapatawad sa Israel dahil ang kanyang mga tao ay mas banal. Sa katunayan ay umaagos ang kanyang kasalanan gaya lamang nang walang pigil, pumapaitaas ang malalansang amoy sa Langit gayon din mula sa mga bansang nasa palibot ng mundo! Walang isang bansa o tao na mas mabuti kaysa sa iba. AKO, si YAHUVEH, ay hindi papayag na lubusang mawasak ang Israel sapagka’t AKO, si YAHUVEH, ay nakipagtipan kay Abraham at sa kanyang mga anak.

AKING mga Anak na mga idinugtong [grafted in] sa pamamagitan ng Dugo ng AKING Anak na YAHUSHUA, huwag kayong matakot. AKO, si YAHUVEH, ay gagalang sa Dugong Kasunduan na AKO rin ay mayroon sa inyo. Sa pamamagitan ng espirituwal na bloodline ni YAHUSHUA, kayo rin ay mga Hudyo. Ang mga tumatanggi sa Dugong Kasunduan ni YAHUSHUA at sabihing ito ay dahil sila ay mga Hudyo, ang mga hindi tumatanggap kay YAHUSHUA bilang AKING Anak at inyong MESYAS, maging nabalaan. Dahil tinanggihan niyo ang AKING regalo na ibinigay KO, ni YAHUVEH, sa inyo sa Kalbaryo, kung gayon ang mga naniniwala lamang at may pananampalataya na ang pamamalagi sa Torah, sa Sabbath at sa mga pista ang magliligtas sa kanila; AKO, si YAHUVEH, ay nagpapaalala sa inyo na kung walang alay ng kasalanan sa oras na kayo’y magkasala wala nang banal na walang-salang handog at kayo’y hahatulan hindi ni YAHUSHUA, ngunit ni Moses at ng mga batas ni Moses. Kapighatian ay mapasainyo sa oras na ito ay mangyari.

Walang grasya o awa sa oras na hahatol si Moses sa Araw ng Paghuhukom. Kung iyon ay naging ganoon kadali tinggin niyo ba na ipapadala KO pa ang AKING Anak na YAHUSHUA upang magdusa’t mamatay sa inyong lugar? Ang lahat ay nagkasala at hindi umabot sa isang perpektong Tagapaglikha. Gaano kabuti para sa AKING mga Anak na kilalang sila ay mga makasalanan at gayon pa man ginagawa ang pinakamahusay nilang makakaya para sumunod at magsisi, humihingi ng kapatawaran sa Pangalan ni YAHUSHUA at kilala na si YAHUSHUA ang kanilang Dugong Kasunduan na naialay rin para sa kanilang mga kasalanan. Hahatulan ni YAHUSHUA ang mga yaon na tumanggap sa KANYA bilang gayon, hindi ang batas ni Moses, ni hindi ni Moses. Hahatulan ni YAHUSHUA ang mga paganong tumatangging mamuhay sa AKING harapan ng Banal na pamumuhay at tumatanggi sa nag-iisang Banal na walang-salang dugo na kabayaran para sa mga kasalanan.

Hindi KO ba kayang iligtas at protektahan kayo? Ang mga plano na mayroon AKO, si YAHUVEH, para sa inyo ay para sa kabutihan at hindi para sa kasamaan. Magtiwala kayo sa AKIN at itigil ninyo na umasa sa sarili ninyong pang-unawa. AKING mga Anak kilalanin ninyo na AKO, si YAHUVEH lamang ang mayroon ng mga kasagutan at AKO, si YAHUVEH, ay nangangako na papatnubay sa inyong mga daan habang lalakad kayo sa AKING mga yapak. Ang inyong mga yapak na mag-isang lumalakad ay magliligaw sa inyo, ngunit ang AKING mga yapak ay tiyak na matatag na mga hakbang na naghahatid sa tagumpay. Maniwala kayo at tanggapin ang tagumpay. Lumaban kayo para sa bagay na alam ninyo na tama. Mayroong mga tao na pinakikitunguhan ninyo na tinatanggal KO sa inyong mga buhay upang dalhin ang iba para magbigay lakas ng loob at tumulong sumuporta sa inyo sa lahat ng paraan.

Huwag niyong sabihin na wala nang oras para gawin ito o iyan. Sa halip unawain ninyo hindi ba AKO ang AMA ng buong panahon? Ang tagapangasiwa ng oras AKO, si YAHUVEH, ay ang oras mismo. Sino pa ang makapipigil sa oras, makapagpapabilis nito, o makapagpapabalik nito? Mahal na anak at lahat ng AKING mga anak na tumatawag kay YAHUSHUA sa Pangalan at kilala na wala silang magagawa kung wala ang yaong Sagradong Pangalan, AKIN kayong inangat para sa panahong tulad nito. Kayo ay bahagi ng AKING mga itinagong mga hinirang. Bagaman magngingitngit ang mga kaaway ng kanilang mga ngipin sinusubukan na saktan kayo at isinulat nila ang inyong mga pangalan, AKIN ring isinulat ang kanilang mga pangalan sa Libro ng Kapahamakan at ang masasamang ito ay magpapalipas ng walang hanggan sa Dagat ng Apoy, umaani sa anong hinahasik nila ngayon!

Muli KONG papatunayan sa AKING mga Anak, kung makikinig kayo sa AKING tinig at lalakad sa AKING mga yapak, madadaig niyo sa katalinuhan ang inyong mga kaaway na naghahangad wasakin kayo at ang lahat ng AKING mga Anak na hinahangad na marinig ang bawat AKING salita at mga sumusunod sa AKIN, o kahit ay sinisikap din at kilala na kapag sila ay magkasala nasa kanila ang Dugo ni YAHUSHUA para sa kapatawaran ng mga kasalanan. AKO, ang inyong AMANG YAHUVEH, ay magtataranta sa kanila gamit ang sariling mga teknolihiya ng mga yaong masasama. AKO ay magtataranta sa kanila gamit ang kanilang mga sariling imbensyon. Sapagka’t walang makalupa o makasiyensiyang dahilan na ang mga bitag na itinakda para sa AKING mga anak ay sa halip ang bibitag at bubumerang lamang pabalik sa mga masasama na naghahangad ng pagkawasak ng mga tagasunod ni YAHUSHUA. Ang bagay na ginawa KO noon minsan sa masamang faraon ay muli KONG gagawin. Sa pamamagitan ng nag-iisang kamay ni YAHUVEH ang mga Golayat ng mundong ito ay walang hanggan na babagsak.

Ang mga tinatawag KONG mga masasamang tagapagtago ng lihim, na mga naghahangad gamitin ang mga lihim ng okulto, demonismo, siyentipiko, pampulitikang kaalaman, at gawang-tao na mga batas para wasakin ang AKING mga Anak, at alisin ang mga kalayaang naibigay KO sa AKING mga Anak. AKO, si YAHUVEH, ay maglalaan ng sopresa para sa kanila; ito’y magtataranta sa mga masasamang ito na mga umiisip na ang kanilang mga sarili ay marurunong. Hinahangad nila na saktan ang AKING mga Anak. AKO, si YAHUVEH at ang AKING Anak na YAHUSHUA, ay nanunumpa na puprotektahan ang mga yaon na tinawag, at pinahiran para sa panahong ito.

Ang mga yaong hinahangad marinig ang AKING tinig nang mas malinaw kaysa sa anumang ibang tinig, ito ang AKING mga tunay na kayamanan sa sanlibutan. Ang lahat ng tumatawag kay YAHUVEH at YAHUSHUA, at umaasa sa AKING RUACH HA KODESH upang pumatnubay sa kanila sa pinaka-di-pangkaraniwang pagpapahid na di tulad sa anumang nakita noon, ay dapat na maunawaan AKO ay nagpupungos [pruning] sa kanila ngayon, at nag-aalis sa lahat ng dapat alisin sa kanilang mga buhay. Oo, kahit ang inyong mga mahal sa buhay ay dapat na pungusin, o alisin sa pamamagitan ng kamay ni YAHUVEH, sapagka’t dapat KONG protektahan ang AKING mga minamahal. Kung hindi sila nakakatulong sa inyo, at sa halip ay isang hadlang, kung gayon alamin niyo na sila’y AKING aalisin, sapagka’t pagtataksilan nila kayo kahiman hanggang sa kamatayan kung hindi hahatiin ni YAHUVEH ang bagay na hindi kailanmang isinadya na ipagkaisa.

Manalangin kayo at mamagitan para sa inyong mga mahal sa buhay, ngunit sa oras na sabihin KO sa inyo na lumipat, at gayunman hindi magsabi sa inyo na dalhin kasama ang inyong di-naligtas na mga mahal sa buhay, magiging pagsubok ito para sa inyong pagmamahal para kay YAHUVEH. Iiwanan niyo ba ang lahat para sa AKIN, gaya nang sinabihan si Lot na tumakas? Wala siyang ibang pagpipilian na humiwalay sa kanyang asawa; ginawa KO siyang maging haliging asin. Kinailangan KONG ipakita sa kanya at sa kanyang mga anak sa mahirap na paraan. Hinihingi KO ang pagkamasunurin, lalo na sa oras na magpadala AKO ng anghel para magbabala na “Lumayas kayo, tumakas kayo, ang lugar na ito ay malapit nang wasakin.” Tumakas ang asawa ni Lot, ngunit ibinaling niya ang kanyang ulo para tumingin sa likod, at nagdalamhati para sa lahat kanyang mga ari-arian, bahay, at mga kaibigan sa yaong lungsod. Ito ay isang leksyon; sa oras na sabihin KO sa inyo na tumakas, maging anuman ang kahihinatnan, sumunod kayo o ang kapalaran ng asawa ni Lot ay magiging kapalaran kahiman ng AKING mga anak.

Magtiwala kayo sa AKIN at alamin ninyo na ang mga planong mayroon AKO para sa inyo ay para sa kabutihan at hindi para sa kasamaan. Tumatawa AKO samantalang naririnig KO ang mga masasamang balak ng mga kaaway, sinasabing ang lahat ng mga Kristiyano at mga Hudyo ay mamamatay. Hindi pa ba naiintindihan ng mga kaaway bagaman sinusubukan nilang mabuti na lipulin ang AKING mga Tao tulad ng ginawa ng Roman Empire at ni Hitler, kung gaano karami sila nag-alay ay ang kung gaano rin karami ang mga naiaangat? Ang dugo ng mga banal na mga inalay ay magdadala lamang ng mas marami pang mga banal sa Kaharian ng Langit. Ang mga Saul ay magiging mga Pablo. Napakatanga ng mga kaaway. Hindi ba nila iniisip na ang Langit mismo ang magmumura laban sa mga makademonyong mga kaaway na ito at ang mga kalangitan mismo’y magbubuhos sa AKING poot sa mga kaaway KO na naghahangad gumamit ng isang makina na naglalarong Diyos? AKO man ngayon ay nagtataranta sa mga kaaway sa mga paraang hindi ninyo nalalaman. Mag-ingat oh AKING mga kaaway, sapagka’t AKING ililiko ang sarili ninyong mga nilikha laban sa inyo at sa inyong mga mahal sa buhay. Ang AKING mga anak ay maililigtas.

Ilang beses na hindi lamang sa Amerika ngunit sa Israel, iniligtas KO ang mga nasyon na ito nitong mga huling buwan mismo. Ngunit oo hindi lamang iyan, ngunit sinasabi KO kahiman ang mundo ay sumira na sana sa kanyang sarili, habang naglalaro ang isang nasyon ng nakamamatay na larong digmaan laban sa iba pang nasyon, at para sa anong paghihiganti, kasakiman, kapangyarihan, pagnanasa sa mas marami pang pamamahala at kapangyarihan. AKO, si YAHUVEH, lamang ang nagtataas at nagtatapon. Sa oras na umyak ang AKING mga Tao sa Pangalan ni YAHUSHUA at humingi ng awa para sa bayang tinitirhan nila gayon din ang mga yaong hindi tumitira roon. Papaano KO gawing bingi ang AKING mga tenga, kahit na kung nais KO? Binabasa ninyo ito ngayon dahil pinahaba KO ang oras para sa isang dahilan, para sa kapakanan ng mga kumakalingang mga panalangin na tumungong lumukob sa mundong ito sa Pangalan ng AKING Anak na YAHUSHUA. Ang inyong arka ng kaligtasan sa ngayon ay ang taimtim na mga panalangin ng mga matuwid.

AKO si YAHUVEH at walang ibang tulad sa AKIN. Ang pamantayan na inaangat KO laban sa mga masasama na gumagamit sa kanilang mga sandata upang manipulahin ang mga utak ng AKING mga Anak ay matutuklasang hindi lamang na ang kanilang mga sandata’y hindi gumana, ngunit sa halip AKING ililiko ang bawat imbensyon, bawat makina, bawat sandata, bawat sakit, lahat ng mga biological weapon at lahat ng germ warfare laban sa kanila. Ikakahiya sila kahit ng sarili nilang mga mahal sa buhay at ang sariling mga katawan ng mga masasama ay itatangging mamuhay ng kanilang mga taon. Ito ang AKING paghihiganti laban sa mga naghahangad ng destruksyon sa mga mananampalataya ni YAHUVEH at mga tagasunod ni YAHUSHUA. Mahal KO kayo. Oo, kahit ang mga sumusuklam kay YAHUVEH. AKO ang nag-iisang lumikha sa inyo at magiging ang mga kamay lamang ni YAHUVEH na ipinadala mula sa Langit ang wawasak sa kapwa ninyo katawan at kaluluwa, dinadala ito patungo sa Dagat ng Apoy kung hindi kayo magsisi sa panalangin, humihingi ng kapatawaran sa Pangalan ni YAHUSHUA.

Iwan niyo ang Amerika na mag-isa. Iwan niyo ang Israel na mag-isa. Iwan niyo ang kalayaan sa AKING mga Anak na sambahin at paglingkuran AKO sa katotohanan at pinahirang kapangyarihan. Itinabi KO ang Amerika upang maging lupain ng malaya at pinagpala siya ng walang digmaang dumarating sa kanyang mga baybayin mula pa ng mga taong lumipas. Amerika, huwag niyong malayang ibigay ang bagay na AKING ibiniyaya sa inyo dahil lamang sa takot. Magsalita kayo at huwag nang manatiling tahimik ang karamihan. Gawin ninyong marinig ang inyong mga tinig. Tandaan niyo sa oras na mawala ng isa ang kalayaan sa relihiyon at kahiman ang mali ay nasensura; kung gayon ang lahat ay nasa panganib na mawala ang kanilang kalayaan sa relihiyon. Kung gayon ang lahat ay nasa panganib na mawala ang kanilang kalayaan sa relihiyon. Batid ng AKING mga Anak na hindi ito tungkol sa relihiyon na inaalis, tungkol ito sa relasyon kay YAHUVEH at YAHUSHUA na pinapalitan sa anyo ng relihiyon na mayroong anyo ng kabanalan, ngunit walang kabanalan sa panloob.

Mag-ingat mga kaaway ni YAHUVEH at YAHUSHUA; ang mismong mga armas ninyo ng malawakang destruksyon ay babalik sa inyong mga sarili. Ipapadala ninyo ito sa isang landas at ang mga anghel sa langit ay magliliko nito sa ibang landas. AKING puprotektahan ang AKING mga anak katulad ng pagprotekta ng isang inang leon sa kanyang mga batang leon. Mag-ingat mga kaaway ni YAHUVEH at YAHUSHUA, pagka’t nakikita ninyo, naririnig KO ang AKING mga anak na umiiyak sa takot at pagkabigla, dahil tinuran KO sila na maging tagapamayapa at hindi mga tagapasimuno ng labanan at ito ang nagdadahilan sa kanila ng labis na pagkagulat sa antas ng kasamaan ng kalupitan ng tao sa mga lalaki, mga babae, mga batang lalaki at mga batang babae. Naririnig KO ang mga iyak ng AKING mga anak sa takot, sapagka’t nauunawaan nila na sa natural na lupain hindi nila kayang protektahan ang kanilang mga sarili. Ngayon nakikita ninyo kung bakit KO sila tinatawag na AKING mga Tupa at Kordero. Anong kordero o tupa ang kayang promutekta ng kanilang mga sarili? Ang kordero o tupa ba’y mayroong matalim na mga kuko, o matalim na ngipin, tulad sa ibinigay KO sa ibang mga hayop? Wala! Ang isang tupa ay dumidepende lamang sa Mabuting Pastol para ihatid sila sa sariwang mga pastulan at malinis na tubig. Ang AKING mga tunay na Tupa at Kordero ay walang kakulangan sa mana na tinapay, o Buhay na Tubig. Ang AKING mga tunay na tupa ay nagtitiwala sa AKIN, kay YAHUVEH at YAHUSHUA bilang ang Mabuting Pastol. Ang AKING Pangalan ay YAHUVEH. Ang AKING mga tupa ay lalapit lamang sa “tinig” ni “AKO”, at ng AKING mahal na Anak na YAHUSHUA, at maririnig lamang ang AMING banayad na munting tinig sa pamamagitan ng RUACH ha KODESH. (Banal na Espiritu)

AKO ang yaong Mabuting Pastol! AKING puprotektahan ang AKING mga Tupa at Kordero mula sa mga lubo ng mundong ito. Ito’y totoo, ilan sa AKING mga tupa ay pinatay ng mga lubo, at ang ilan ay magdudusa ng matinding persekusyon; ngunit ito’y laging ganito. Ang kanilang mga gantimpala ay hindi makita dito sa mundo ngunit sa Langit sa kawalang-hanggan. Tumatawa AKO sa oras na naririnig KO kung paano mag-isip ang mga kaaway na AKO, si YAHUVEH, ay bulag, o bingi at pipi, at hindi uulitin ang bagay na narinig KO sa AKING mga Apostol at mga Propeta. Binabalaan KO ang AKING mga anak sa pamamagitan ng pag-usap sa kanilang mga espiritu. Napakaikli ba ng AKING mga braso para iligtas kayo AKING mga Anak? Naniniwala ba kayo na AKO ang inyong Tagapaglikha na YAHUVEH na lumikha sa lahat ng nasa Langit at Lupa? Hindi ba si YAHUVEH ang lumikha sa inyong mga mata at tenga? Tingin niyo ba mayroon na AKONG malabong paningin, binging mga tenga, para di marinig ang inyong mga panalangin, at mga iyak, at makita at marinig ang bagay na ginagawa ng mga kaaway? Tingin niyo ba AKING mga anak na hindi AKO mag-aangat, at nakapag-angat na ng pamantayan laban sa mga masasama? Mayroon sila ng kanilang remote viewing, ngunit nasa AKIN ang AKING mga anghel na nagbabantay 24 na oras sa isang araw, nanonood at nagbibigay-ulat ng lahat ng ginagawa ng mga masasama!

Ang ilan kahiman ay gumagamit sa Pangalan ng AKING Anak na YAHUSHUA para subukang linlangin ang AKING mga Anak; nagpasubuk-subok na pumasok sa mga kawan ng AKING mga Tupa at Kordero, naniniwala na hindi sila napapansin, at gayunman nakikita KO ang kanilang mga puso. Alam KO kung anong ipinahatid sa kanila para gawin. Alam KO ang lubo sa oras na makakita AKO ng isa. Nakikita KO si satanas na lumalapit bilang isang nag-uungal na leon, naghahanap ng kung sinong maaari niyang lamunin.

AKING mga Anak maaari kayong malinlang sa maikling panahon, ngunit ito ay kung AKIN lamang papayagan! Kapighatian sa yaong lubo na nagsusuot sa maskara ng isang tupa para manmanan ang AKING mga Anak at dalhin sila sa bitag. Ano ang halaga ng inyong kaluluwa? Sapagka’t iyan ang bagay na mawawala niyo. Ang inyong kaluluwa ay ihahagis sa Dagat ng Apoy. Magsisi kayo ngayon bago maging huli na! Tumakbo kayo mula sa kasamaan na ginawa ninyo, at ilantad ninyo ang yaong kasamaan kung ano ito. Tulungan ninyo ang AKING mga Anak. Maging isa sa AKING mga natatago na magpuprotekta at hindi magpipinsala sa AKING mga batang anak, Ikakasal, mga pinili, at hinirang. Magsisi kayo sa lahat ng inyong napagkasalahan. Mayroon pang oras para sa mga lubo na maging mga batang tupa. Sa pamamagitan lamang ng Dugong kasunduan ng AKING Anak na YAHUSHUA na ito ay maaari. Tumakbo ka, lubo, tumakbo ka sapagka’t AKO, si YAHUVEH, ay nakakakita sa iyo. Iniisip niyo lamang na kayo ay hindi makita at naihahalo.

Napapanood KO ang mga damo, at ang mga trigo na magkabilang tumutubo, at ngayon ang oras ay nasa mundong ito kung saan ang AKING mga anghel hindi magtatagal ay bubunot sa mga damo, at susunugin sila kung saan sila masusunog nang walang hanggan, una sa impyerno at pagkatapos sa Dagat ng Apoy. Ang AKING mga mata ay laging nakabantay, sapagka’t AKO ay mapang-angkin na nagmamahal, at pumuprotekta sa AKING mga Tupa at Kordero. Mag-ingat kayo na mga di-magkaparis na nayuyugo [unequally yoked], pagka’t ang sarili ninyong mga asawa ay mga lubo na nagbalatkayo. Ang kasalang hindi itinadhana ni YAHUVEH ay hindi mananatili sa masasamang mga araw na ito na darating, mga masasamang araw para sa mga masasama. Sapagaka’t muli, nakita KO ang kasamaan sa loob ng mga simbahan, at sa loob ng mga ministeryo kung saan AKO nagmasid habang lumago ang mga makademoniyong mga halaman sa kapangyarihan, kasikatan, at nagturo ng mga doktrina ng mga diyablo. Palihim na nanghimasok ang mga lubo, at naglaro ng laro ng mga mapagpanggap, bilang mga pastor, mga apostol, mga propeta, at mga guro, at oo kahit mga ebanghilista. Maaari ninyong linlangin ang mga tao, ngunit mag-ingat hindi ninyo malilinlang si YAHUVEH. Ginagamit ninyo ang pangalan ng AKING Anak na YAHUSHUA, at inyong pinangalanan ang mga miniteryo kasunod sa inyong mga sarili para luwalhatian ang inyong mga sarili, ngunit nakapagtago kayo ng masamang lihim.

Ang lihim na iyon ay, hindi ninyo naibigay ang inyong mga kasalanan, mga puso, mga buhay at mga kaluluwa kay YAHUSHUA. Kayo sa halip ay gumagamit ng mga okultong kapangyarihan, at gumagamit sa Pangalan ng AKING Anak para manipulahin ang AKING mga Tao, para itayo ang inyong mga tore, at mga mansyon na tinatawag ninyong mga simbahan. Tumitingin AKO sa mga multi-million dollar na mga mansyong ito na tinatawag ninyong mga simbahan, at tinatawag KO silang mga mosoliem. Ang AKING RUACH ha KODESH ay wala sa loob nila. Ang mga tunay KONG mga apostol at mga propeta na nagbababala sa inyo ay inalipusta, inabuso, at pinalayas. Lumayo kayo kasama ang inyong mapagkunwaring pagsamba, dumidinig lamang AKO sa mga lumalapit sa AKIN na may malinis na mga puso, lumayo kayo sa AKIN kasama ang inyong mapagkunwaring pagpupuri. Ang higit na malayo sa tono na mang-aawit na may mga pusong nahahanda para tuparin ang AKING kalooban, at mamuhay ng kanilang buhay sa kabanalan, inilalagay ang lahat kung sino si YAHUSHUA na nangunguna sa sarili nilang mga kagustuhan at hangarin at pangangailangan. Ito ang pinakamataas na anyo ng papuring musika sa AKING mga tenga. Hindi ang inyong nakoreograpia na mga papuring mananayaw. Ang tunay na pagsasayaw sa RUACH ha KODESH ay hindi itinuturo, ni hindi nakoreograpia ng ninuman, ngunit ng RUACH ha KODESH. Hindi ito nagagawa dahil lamang nais ninyong sumayaw sa harapan ni YAHUVEH at YAHUSHUA; ito ang inyong mga paa na pinapahiran para gawin ito. Walang sinuman ang makatuturo nito. Tumatalikod AKO kapag nakikita KO ang pagkamakamundo sa mga templo at mga simbahan.

Ang mga tunay na apostol at mga propeta ay hindi naturuan na maging ganoon ng isang galos lamang na guro ng mundong ito. Kahit ang inyong tinatawag na prophetic school ay isang pangungutya. Papaano ninyo maituturo ang bagay na hindi kailanman naituro sa inyo ng tao? Ang RUACH ha KODESH lamang ang nagsasalita at dumadaloy mula sa AKING mga apostol at mga propeta. Ang mga yaong nasa ganoong mga paaralan ay mas mabuting magsisi at unawain na hindi maaaring gumawa ng propeta ang tao, o ng apostol, o kahit ng katungkulan ng isang ebanghelista. Ang pagpapahid ng RUACH ang nagpapalapit sa mga tao. Ito ay bagay na hindi natututunan, o naituturo. Ang maging isang mabuting pastor, ang halimbawa ay ang Mabuting Pastol. Mga Pastor at mga Ebanghelista, tigilan ninyo na magsubok magtayo ng inyong mga mansyon dito sa mundo. Itigil ninyo ang pag-iimbak ng kayamanan ninyo sa mundo. Sinasabihan niyo ang AKING mga tao na huwag maghanda sa mga sakuna, gayunman ilan sa inyo ang nag-iimbak ng mga pinakamabuti sa lahat? Ilan sa inyong mga mayayamang pastor ang mayroong lihim na taguan, at gumawa ng inyong mga plano hindi pinangangalagahan ang sarili ninyong mga kongregasyon? Bakit ninyo iniisip na nais KO ang mga perang ibinigay sa inyo sa ikapu na upang tayuan kayo ng mga kristal na katedral, o upang itayo ang pinakamalaking simbahan sa Amerika o sa mundo? Hindi ba mas mabuting gamitin ang pera para tulungan ang AKING mga Tao upang maghanda sa mga sakuna? Nag-aangkin kayo ng sarili ninyong mga brilyanteng minahan at gayunman itinatapon ninyo ang mga tunay na mamahaling bato, ang AKING mga mahal na anak.

Sa mundong ito inyo silang niluko, oh mga masasama, ngunit ang inyong mga araw ay bilang sa mundong ito. Anong gagawin ninyo kung gayon? Ang batas na pinatibay na nangangahulugang upang dumepensa sa AKING mga Tao kasama ang salapi na ipinadala sa kanila upang tumulong ipagtanggol ang mga tinatawag na AKING mga anak, ngayon ninanakawan ninyo ang mga kawan. Sa halip tinutulungan ninyo ang mga yaon na naghahangad na kunin ang privacy mula sa AKING mga Anak. Ibinenta ninyo ang inyong mga sarili sa pinakamataas ng taga-halaga [bidder], at ang kanyang pangalan ay satanas. Hindi KO binibili ang AKING mga Tao, ni ang kanilang pagmamahal, katapatan, o tiwala. Hindi AKO makikipagpalitan sa mga masasama. AKIN lamang silang babalaan. Magsisi kayo sa Pangalan ni YAHUSHUA.

Kayong mga huwad na mga pastor, mga ebanghelista, mga apostol, mga propeta, at mga guro, pinapasuya ninyo AKO, si YAHUVEH. Itigil ninyong magnakaw sa AKING mga kawan. Mga Anak kapag makita ninyo ang isang ministro na isang milyonaryo na nagmamarangya ng kanyang kayamanan sa inyong harapan, bakit niyo lamang siya binibigyan pa ng mas marami, higit pang pinapagalit AKO? Kapag makita ninyo ang isang pastor na nagyayabang ng kanyang Rolex na relo o Mercedez Benz, Rolls Royce, o ibang karangyaan na kotse, o nagpapasikat ng kanyang mansyon, hindi niyo pa ba nakikita ang isang lubo na nakapanghimasok sa gitna ninyo? Huwag lamang kayong makinig sa kanilang mga pangaral, sa halip husgahan ang kanilang mga bunga. Unawain ninyo na kung ang yaon nga ay AKING ministro, siya dapat ay higit na magbibigay kaysa tumanggap. Mayroon ba kayong dinadaluhan na simbahan na may mga taong walang trabaho, nasa kabutihan o nasa kakulangan? Kung gayon papaanong inilalagay ninyo ang yaon na salapi sa offering plate para pakainin ang mayayamang pastor, at para pakainin ang espiritu ng pagkamakamundo, at kasakiman? Hindi niyo ba iniisip na panghahawakan KO sila, gayon din kayo, na managot? Mga mayayamang pastor na may kakulangan sa kanilang mga simbahan habang namumuhay sila sa kasaganaan ay nagpapakain ng kanilang mga sarili at ginugutom ang AKING mga Tupa. Ang mga masasamang pastor na ito na pinagnanakawan ang AKING mga kawan, kinukuha ang lahat na mayroon sila, at gayunman ay pinagtatawanan ang kanilang kahubaran. Ang mga pastor na malayang tumatanggap ay dapat na malayang nagbibigay, at gayunman makakakita kayo ng mga apostol at mga propeta na nagbebenta sa bagay na malaya KONG ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng pagpapahid ng RUACH ha KODESH.

Isang ministro ang lubhang nagpapadalamhati sa AKIN, siya ay minsang naging simbolo ng pagmamahal ni YAHUSHUA, at ngayon pumapatak siya ng mga diyamante at nagsusuot ng pinakamamahaling mga ternong gawa ng sastre, pagka’t nagmamay-ari siya ng men store. Gayunman anong binabalik niya sa mga yaong walang mga damit na gawa ng sastre? Tigilan ninyong magsabi sa AKING mga tao na sinabihan kayo ni YAHUVEH na itayo ang 10 milyon o 7 milyong dolyar na gusaling ito. Ang mas malaki ay hindi laging mas mabuti. Sino ang nag-aalaga sa mga Tupa at Kordero kapag mayroon kayong mga daan-daang mga libo sa inyong mga kongregasyon? Papaano kayo kahimang magkukunwari na kilala ninyo ang mga kongregasyon niyo sa ganoong mga bilang? Hindi ba trabaho ng pastor na kilalanin ang AKING mga tupa? Karamihan ay di man kayang tumawag sa inyo sa telepono o magpadala ng kahit na isang sulat.

Karamihan sa AKING mga Tupa at Kordero sa mga simbahan kung saan sila lumalayo para makita lamang ang mga magagandang malalaking gusali, ang pastor maging lalaki man o babae ay tumatayo sa malayo at hindi maabot ng mga dami ng tao. Sino sila sa tingin nila? Hindi ba’t kinuha ng AKING Anak na YAHUSHUA ang oras upang kahiman pakainin ang mga dami ng tao at hipuin ang mga tao, pinapagaling, at pinagpapalaya, ipinagdarasal, at pinagpapala sila?

Isang kahihiyan sa inyong mga pastor na mayroong ganoong kalaking bilang ng mga tupa, at kordero; hindi niyo kahiman kilala ang mga pangalan ng mga taong sumusuporta sa inyo! Kung nakita at kung kailan ninyo nakita ang kanilang mga mukha, o narinig ang kanilang mga pangalan, hindi niyo kahiman sila kilala. Hindi man makuha ng mga taong ito ang inyong atensyon para sa isang appointment. Ang mga mayayaman sa inyong kongregasyon ang mabilis na nakakakuha sa inyong mga atensyon at sa anumang kailangan nila, kahit ang pagbisita sa bahay ay hindi masyadong mahirap para sa pastor at ebanghelista upang humusto sa kanilang iskedyul. Mga ipokrita, isang kahihiyan sa mga yaong sumusuporta sa mga gayong ministro at mga pastor.

Tanungin mo ang iyong sarili, magagawa ba ng isa sa mga pinakakilalang pastor ng mga mega church ang maghatid ng mga ganitong salita gaya na ginagamit KO itong apostol upang ihatid sa iyo? Hindi hindi nila magagawa. Tanungin mo ang iyong sarili, matatanggap ba ang AKING apostol na ito sa inyong simbahan para ihatid ang AKING malupit na mga salita ng paghuhukom at mga kautusan sa pagsisisi? Kung ang sagot ay Hindi, at inyo silang sinusuportahan ng inyong mga ikapu at mga handog kung gayon kayo ay nagkakasala. Oo, gumulat ba iyan sa inyo? Kapag tinutulungan ninyo ang isang tao na magpatuloy na gumawa ng kasalanan, kung gayon kayo ay nakikibahagi sa kasalanang iyon. Magsisi kayo sa araw na ito!

Huwag ninyong suportahan ang isang ministeryo dahil lamang pinangalanan ito ayon sa isang taong kilala sa mundong ito o may pinakamalaki o mas kilalang simbahan. Ano ang sinasabi ng AKING Salita tungkol sa kung ang lahat ng tao ay nagmamahal sa iyo at minamahal mo ang mga bagay sa mundong ito, ginagawa ba nito na ikaw ay maging AKIN? Lahat ba ng sangkatauhan ay nagmamahal at tumatanggap kay YAHUSHUA? Hindi! Sapagka’t kapag magsalita kayo sa pangalan ni YAHUVEH, gaya ng ginagawa ng apostol na ito, hindi ito tungkol sa paligsahan ng kasikatan. Ang AKING mga tunay na apostol at mga propeta ay matatalo sa mga mata ng mundo; kumakapus sila sa maraming beses habang pinagsisinungalingan ni satanas ang mga taong inangat KO upang bawasan ang financial, emosyonal at pisikal na mga pasan. Sinasara ng AKING sariling mga anak ang AKING tinig na nagsasabi sa kanila na tulungan, mahalin, at suportahan, ang iilan na mga magigiting, at matatapang na mayroon AKO na naglilingkod sa AKIN at sa AKING mga Tao.

Isa ka ba sa mga nakaririnig sa tinig ni YAHUVEH na nagwiwika at magmamahal at hahangarin na tulungan at suportahan ang AKING mga tunay na apostol at mga propeta; upang buksan ang inyong mga bahay para sa kanila, at upang tulungang bawasan ang pasan upang abutin ang AKING mga Tao kasama ng mga mensaheng mula sa langit? Ang AKING tunay na mga apostol at mga propeta ay nagbabayad ng halaga para sa pagpapahid at mga nasanay sa pagdurusa, hirap, hindi pagkatanggap, at persekusyon. Inyo ba kailanmang binilang ang halagang kinakailangan para ihatid ang ganoong mensahe na gaya nito? Bakit niyo ito gagawin basta’t hindi kayo ang kinakailangang magbayad sa halaga hindi ba? Kilala KO kung sinong bumabasa at dumidinig nito, at isang araw tatanungin KO kayo kung ano ang ginawa ninyo upang bawasan ang mga pasan ng ministrong ito? Kailanman pinalakas-loob niyo ba siya? Kailanman itinataas niyo ba ang kanyang pangalan sa panalangin? Nauunawaan niyo ba kung gaano kaunti sa mga pastor ang mag-aanyaya sa kanya para magministro sa kanilang mga simbahan pagkatapos na ibinigay ang makapropesiyang mensahe na ito? Ngunit AKO, si YAHUVEH, ang nagwiwika nito hindi ang babaeng lingkod na ito. Kaya mayroon AKO nito laban sa inyong mga tinatawag na pastor na hindi kailanmang mga pastor. Mas mabuti nang magbitiw kaysa harapin ang poot ni YAHUVEH dahil sa pagpinsala ng AKING mga Tupa at Kordero.

Isang kahihiyan sa inyong mga pastor; hindi kayo pastor kung hindi maaaring kunin ng AKING mga Anak ang inyong mga payo nang hindi muna nagiging myembro ng simbahan at pinapasa ang mga pagsusuri ninyo sa ikapu. Ang pagsusuri na maging: isang myembro ay kinikilala lamang kung nagbigay sila ng ikapu nang may mga kabuuang halaga ng dolyar na donasyon at dumadalo sa simbahan nang may mga bilang na beses. Itigil ninyo ang pagnanakaw sa AKING mga kawan! Tandaan ninyo kung ano ang dapat na pinaninindigan ng isang pastor. Tandaan ninyo hindi kayo ang Mabuting Pastol. Kung kayo ay AKING inatas na maging pastor, kung gayon dapat na kayo ay maging isang pagpapala sa AKING mga tupa. Dapat kayong naroroon bilang isang pisikal na bahagi upang palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng AKING mga salita. Mahalin at manalangin para sa kanila at sa kanilang pagpapalaya, at ipinapanalangin ang kaligtasan ng kanilang kaluluwa, tinuturuan silang sumunod sa AKING Torah at AKING mga kautusan na kasama kayong itinatakda ang halimbawa.

Kung wala kayo ng AKING pagpapahid kung gayon hindi kayo isang apostol, propeta, ebanghelista, guro o pastor. Hindi AKO humahanga sa kung aling siminaryo kayo nagtapos, mas naaangkop sa mga panahong ito na dapat itong tawaging simenteryo. Ang letra ay pumapatay at ang RUACH ha KODESH ay nagbibigay ng buhay. Kung ang kaalaman na mayroon kayo ay sa inyo, at umaasa kayo sa yaon na kaalaman para magministro, kung gayon hindi kayo nagmiministro sa kapunuan sa ilalim ng mga regalo ng RUACH ha KODESH.

Lumayo kayo sa AKIN kayong mga mapagkunwari, kayo na mga nakapanghimasok sa gitna ng AKING mga tupa, nagturo sa kanila, nangnakaw sa kanila, at gayunman hindi kayo kailanmang AKIN. Hindi kayo nabibilang sa mga tupa at kordero. Kayo ay mga lubo na naghahangad na lumamon. Ipinadala kayo ng umuungal na leon na hindi ang AKING Anak na YAHUSHUA. Si YAHUSHUA ay ang Leon ng Tribo ni Yudah.

* * * * * * *

Nakapangyayamot sa ilan, nakapapaliwanag sa iba para sa pagmamahal, pagsunod, kaluwalhatian ni YAHUVEH at YAHUSHUA, 11/02/01, 1:50 a.m Makapropesiyang Babaeng Lingkod ni YAHUVEH at YAHUSHUA.
Apostol Elisabeth Sherrie Elijah (Elisheva Eliyahu)

Binibigyang kahulugan ng Encarta World Dictionary ang clarion call (malakas at malinaw na tawag) bilang isang tawag upang kumilos: isang madalian o nakapupukaw na panawagan sa mga tao upang gumawa ng bagay. [Mula sa paggamit ng clarion bilang senyal sa digmaan]


* * * * * * *

Print Friendly and PDF