Propesiya 57

Mag-ingat sa Trojan Horse!

Iwinika sa ilalim ng pagpapahid ng RUACH HA KODESH sa pamamagitan ni Propeta Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu)
Hunyo 30, 2002



Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na idagdag ito sa lahat ng mga Propesiya magmula ngayon: Binalaan kita matagal nang panahon Elisabeth [Elisheva], na huwag ipangalan ang Ministeryong ito sa sinumang lalaki o babae. Bago pa man nagkaroon ng Ministeryo. Inilagay ko ito sa iyong espiritu. Pagka’t wala ni isa sa mga ito ang nagawa ng iyong mga kamay. Wala ni isa sa mga ito ang nagmula sa iyong bibig. Mula ito sa bibig ni YAHUVEH na nagbigay buhay. Mula ito sa bibig ni YAHUSHUA, Ang iyong MASHIACH (Tagapagligtas), na nagbigay buhay. Mula ito sa bibig ng RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu), Ang iyong IMMAYAH, na nagbigay buhay. Kung ito lamang ay gawa ng iyong kamay, ito’y nabigo na noon pa man. Ito ay sa pamamagitan ng hangin ng Kaluwalhatiang SHKHINYAH na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na hangin ng Pagpapanibagong-buhay. Hindi ng iyong hininga o ito’y nabigo lamang. (Isaiah 42:8)

Sa Hulyo 2010, sinabi rin ng Diyos na YAHUVEH na isama ang mga sumusunod bilang isang babala sa mga nanlilibak:

2 Cronica 36:16, “Ngunit hinamak nila ang mga Mensahero ng DIOS, kinamuhian ang kanyang mga salita, kinutya ang kanyang mga Propeta, hanggang umabot sa sukdulan ang galit ni YAHUVEH Elohim sa kanyang bayan at sila’y hindi na makaiiwas pa sa kanyang pagpaparusa.”



* * * * * * *

Ibinigay kay Apostol Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu) na sumisigaw sa tinig na tulad kay Jonah sa isang nasyong gaya ng Ninevah. Nagsisi ang Ninevah isang panahon lamang, gagawin din kaya ng Amerika? O ang ating magandang bansa na pinagpala ng kagandahan at minsan ay tumayo sa kabanalan at kalayaan ay magpapatuloy kayang mahulog sa hangganan ng kalye at tumulad sa Ninevah at Sodoma at Gomora? Hindi lamang ako ang Apostol at Propeta na isinugo dala ang babalang ito sa Amerika ngunit ang tanong ay sino ang nakikinig? Ano ang inyong gagawin sa makapropesiya na babala na ito? Laging ipinapadala ni YAHUVEH ang mga Apostol at mga Propeta upang itunog ang alarma ng pagsisisi, manumbalik sa kabanalan sa Diyos ng inyong Nilalang at Kaligtasan. Dahil sa pagmamahal at awa ni YAHUVEH nagbababala Siya bago Niya inihahatid ang KANYANG paghuhukom.

* * * * * * *

AKING mga Anak, hinihingi ninyo sa AKIN na magkaroon ng awa sa Amerika, ngunit AKO, si YAHUVEH ay magtatanong, “Kailan magkakaroon ng awa ang AKING mga Anak sa AKIN?” Sinabi KO noon, “Mag-ingat sa Trojan Horse.” Muli at muli sinabi KO sa babaeng anak na ito na nagbibigay propesiya ngayon na “Mag-ingat sa Trojan Horse.” Amerika ikaw ang yaong Trojan Horse. Dumating ka bilang isang pagpapala sa Israel, dumating ka bilang isang tulong kamay sa Israel ngunit sa iyong likuran dala-dala mo ang sundang [dagger] na nababad sa dugo upang itama sa likuran ng mga liderato ng Israel.

Amerika ikaw ay tulad sa isang Trojan Horse, ngunit magbabayad ka ng halaga dahil dito kung hindi ka magsisisi. Sinumang tumataksil sa Israel ay tumataksil sa AKIN, si YAHUVEH, at tumataksil sa AKING Anak na YAHUSHUA. Sinuman ang kaaway ng Israel ay naglagay sa kanilang mga sarili na maging AKING kaaway, ni YAHUVEH, ang Tagapaglikha ng Israel, ang Tagapaglikha rin ng Amerika, at AKO, si YAHUVEH ang Tagapaglikha ng sandaigdig. Sinumang liderato na nagtataas ng kanilang mga sarili at ginagawa ang kanilang sarili na diyos at magsabing “Wawasakin ko ang Israel” ay nagnginginig ng kanilang kamao sa AKING harapan, ni YAHUVEH, ang Tagapaglikha. Amerika ikaw ay tiyak na magbabayad. Amerika nagsimula ka nang masunog, nasusunog ka sa AKING pagkapoot, nasusunog ka sa AKING galit. Nagsisigaw kayo ng awa para sa Amerika, nguni’t nais niyo kahimang burahin ang Pangalan na Diyos mula sa mga memorya ng mga bata.

AKING mga Anak, maging nasiguraduhan nito, ang mga yaong AKIN ay nasa AKING arka. Ang mga yaong nakaririnig sa AKING tinig, at mga yaong umiiyak at humihingi ng awa, sapagka’t natatakot kayo na kayo’y AKING paluin sa oras na paluin KO ang mga naiwang mga tumatangging sumunod, hindi ninyo kailangang matakot. Mayroon AKONG mga bulsa sa palibot ng mundong ito at kayo ay ligtas sa loob ng AKING mga bulsa, sapagka’t ang AKING poot ay hindi itinalaga para sa AKING mga Anak. Kapag AKO’Y humampas, AKO, si YAHUVEH ay kilala kung sino ang hahampasin, ang AKING mga kamay ay pumuprotekta sa mga yaong AKING pinoprotektahan. Walang sinuman ang maaaring umagaw sa inyo mula sa AKING kamay. Walang isang buhok sa inyong ulo na maaaring magalaw maliban kung AKIN itong payagan, at kung AKO, si YAHUVEH, ay magpapahintulot nito, kung ganoon ang AKING mga Anak ay magiging para lamang maraming Stephen na nag-angat sa mas marami pang Pablo at labis ang inyong magiging gantimpala sa Langit. (Mga Gawa 6-7)

Nagagalit AKO AKING mga Anak, dahil nagsisigaw kayo ng awa para sa Amerika nguni’t ang liderato ng Amerika ay nagtataas sa kanyang sarili na parang isang diyos, hindi siya isang diyos. Naririnig KO ang mga iyak ng AKING mga Tao sa Israel, oo kahit ang mga hindi kumikilala sa AKING Anak na YAHUSHUA ngunit umiiyak sila sa AKIN, AKING mga Anak, dinadangal nila ang mga araw ng AKING Sabbath [Pamamahinga], iniingatan nila ang AKING Maka-Hudyong mga pista [Jewish feasts] at sinusunod ang AKING Torah. Dinadala ng Israel ang Dugo ni YAHUSHUA at dinadala ng Jerusalem ang Dugo ni YAHUSHUA, bagaman hindi nila ito tinatanggap. Mag-ingat ka Amerika ikaw ay isang Trojan Horse. AKO, si YAHUVEH ay nagpapaalala sa iyo kung anong mangyayari sa isang Trojan Horse. AKO, si YAHUVEH at YAHUSHUA ay ngayo’y nagpopropesiya mula sa AKING babaeng lingkod, AKO, si YAHUVEH ay magpapabagsak sa yaong Trojan Horse, at sa oras na AKIN itong pabagsakin hindi na ito kailanmang makababangon muli. AKO, si YAHUVEH at YAHUSHUA ay puputol sa ulo ng kabayo. AKO, si YAHUVEH at YAHUSHUA ay puputol sa mga paa ng kabayo. Ikaw Amerika ay hindi na muling makagagalaw at ang mga mangangalakal ay iiyak mula sa malayo, habang makikita nila ang Amerika na nasusunog mula sa malayo. (Pah.18)

Oh Amerika, lumuluha AKO dahil sa iyo habang naghahanda kang ipagdiwang ang isa pang kaarawan. Kinalimutan mo na AKO, si YAHUVEH ang nagbukod [set apart] sa iyo para sa AKING kaluwalhatian at ni YAHUSHUA. Isa lamang munting sanggol gayunman pinanginginig mo ang iyong mga kamao sa AKING harapan, itinatanggi mo ang siyang lumikha sa iyo. Ang babalang ito ay hindi para sa AKING mga Anak na sumasamba sa AKIN sa katotohanan at mga nagmamahal at nagsisikap sumunod. Ang babalang ito ay para sa mga yaong naglagay sa kanilang mga sarili na bilang AKING mga kaaway. Mag-ingat ka Amerika! Ikaw ay tulad sa isang Trojan Horse. Naging kaibigan mo ang Israel, ngayon tinatrato mo siya bilang kinamumuhiang kaaway. Tumutungo ang inyong mga liderato upang makipagkamay sa isang kamay at magsaksak ng sundang na nababad sa dugo sa likuran ng Israel gamit ang isang kamay. Sinisiraan mo ang Israel. Hindi mo ibinabalita ang katotohanan. Ginagawa mo ang AKING mga Hebreong mga tao sa Israel na magmukhang gaya ng mga terorista. Nagtatapak ka sa kanilang mga likuran at sa kanilang ekonomiya.

Naghahatid ka ng takot sa mundo at nagsasabing, “Layuan niyo ang Israel, ito’y napakamapanganib para bisitahin” at gayunman ang mga Palestinang mga kaaway na mga sumusuklam ng AKING Pangalan, sa mundo itinataas niyo sila bilang mga bayani at ito ang malakas ninyong ipinoproklama. Oh Amerika, ginawa niyo ang pangakong ito sa mga Palestina, pasinungaling niyong sinabi, “Ako, ang Amerika ay magbabalik sa Israel lalo na ang Jerusalem sa AKING mga kaaway, ni YAHUVEH”. Nilagay ng mga Palestina ang kanilang mga sarili bilang mga kaaway ni YAHUVEH at YAHUSHUA. Ang mga Palestina’y pumatay sa AKING mga Hebreong Anak. Sinusubukan ng mga Palestina na nakawin ang kinaiingatan ng AKING mga mata [apple of my eye]. Kaya Amerika, dahil sa pagtulong mo sa kanila natamo mo ang AKING kapootan at Amerika kahit ang iyong pangalan ay ngayo’y AKING kinamumuhian, ni YAHUVEH at YAHUSHUA. Nagkaroon AKO ng awa sa gayong hanggan, dahil sa mga daing ng AKING mga tunay na Anak na sumisigaw. Ngunit dapat itong malaman ng AKING mga tunay na Anak, kung gaano KO katagal pinigilan ang AKING poot ay kung gaano din AKO, si YAHUVEH at YAHUSHUA naging mas lalong galit at Amerika magbabayad ka dahil dito.

Kaya ito ay isang mensahe para sa AKING mga mahal na anak, pahiran [anoint] ninyo ang inyong mga bahay minsan pang muli, humingi kayo ng awa para sa sarili ninyong mga tahanan at AKO, si YAHUVEH, ay makikinig sa inyo AKING mga Anak, minsan pang muli. Magsisi kayo AKING mga Anak para sa sarili ninyong mga tahanan, dahil hindi kayo maaaring magsisi para sa mga kasalanan ng Amerika. Dahil inabot ng malalansang amoy ng mga kasalanan ang langit at ang lahat ng langit ay humahawak sa kanilang mga ilong sapagka’t walang nasyon na nakagawa ng nagawa ng Amerika at gayunman walang nasyon na napagpala gaya ng napagpala ang Amerika. Gusto niyong burahin ang ‘Isang nasyong nasa ilalim ng DIYOS’ kung gayon magkakaroon kayo ng isang nasyong nasa ilalim ng AKING mga paa. AKO si YAHUVEH ay yayapak sa inyo, pagka’t inyo lamang inalis ang inyong kaawaan; inyo lamang inalis ang AKING pabor. Gusto niyong burahin ang ‘Sa Diyos ang Aming Tiwala’ mula sa inyong salapi kung gayon ang lahat lamang na mayroon kayo ay “Sa (Amerika) amin ang Tiwala”.

Ipapakita KO sa inyo kung anong mangyayari sa isang nasyong wala sa ilalim ng proteksyon ng Diyos na si YAHUVEH at YAHUSHUA, hindi ito magiging magandang panoorin. Malalaman mo Amerika, kung gaano ka lamang kahina sa iyong lakas at kapangyarihan. Gusto mong burahin ang ‘Sa Diyos ang Aming Tiwala’ kung gayon Amerika ang lahat lamang na mayroon ka na natitira ay ‘Sa Amin ang Tiwala’. Pagka’t doon mismo naipahayag ninyo na AKO, si YAHUVEH, ang Diyos na nagbukod sa inyo ay nag-alis lamang sa AKING awa, inalis niyo lamang ang AKING proteksyon, pagka’t umaasa lamang kayo sa inyong sarili at kaya Amerika hayaan na makita ng mundo kung anong mangyayari pagka ito’y sa inyo lamang na kayo’y nagtitiwala.

Canada, AKO si YAHUVEH at YAHUSHUA ay nagbibigay sa iyo ng babalang ito. Huwag kang sumunod sa mga yapak ng iyong babaeng kapatid. Tinatawag mo ang iyong sarili na Hilagang Amerika, ngayon dinadala mo ang pangalang AKING kinamumuhian, kung hindi ka magsisi at tumalikod mula sa mga kasalanan ng Amerika ang kapalaran ng Amerika ay mapapasaiyo. Makikibahagi ka sa pagdurusa; makikibahagi ka sa AKING kapootan, kung hindi ka susunod sa mga yapak ni YAHUVEH at YAHUSHUA. Halika ibukod mo ang iyong sarili ngayon Canada at mga Kristyanong taga-Canada, simulan ninyong manalangin para sa Canada, sapagka’t ang inyong mga politikong liderato ay nagbenta sa inyong mga lalawigan sa mga pinakamataas na tagabigay-halaga [bidder]. Sa USA mayroong mga estado na sumubok humiwalay sa Amerika, dahil sa kahihiyan na kanilang nadama at mayroong isang lalawigan na sumubok humiwalay mula sa Canada (Quebec) dahil sa kahihiyan na kanilang nadama. AKO, si YAHUVEH ay tatanggap sa mga yaong sumubok na humiwalay at AKO, si YAHUVEH ang bubukod [set apart] sa kanila sa araw na iyon at ang yaon na ganap na kapootan ay hindi bagbagsak sa kanila sa araw na iyon.

Oh Amerika, alam KO ang iyong mga masasamang balak at ang iyong mga plano, hinahangad ng iyong mga politikong liderato na palitan ang Arafat. Ang Arafat ang pinakamababa sa dalawang masasama. Ang pararating na Palestinang liderato ay gagawa sa Arafat na magmukhang parang isang mag-aaral na bata. Siya ay magiging isang traidor, siya ay magiging isang Hudas, siya ay magiging tulad sa isang Hudas. Pagtataksilan niya ang sarili niyang mga taong-bayan. Kaunting kaibahan lamang sa oras na mapapawi na ang Arafat. Ngunit kapighatian [woe] sa mga yaong pinagpapalakpakan ang pagkatiwalag ng Arafat, sapagka’t isang mas napakasama ang darating. Sa mga yaong nagsasaya sila ay magdadalamhati. Ang mga yaong tumatawa ngayon ay uuyamin. Anong napakalaking halaga ang pagbabayaran ng mga politikong liderato ng Amerika habang sinusubukan nila na ibenta ang Israel sa pinakamataas na tagabigay-halaga, ang lahat para sa sarili nilang mga pagganyak, ang lahat para sa sarili nilang kasakiman.

Isang mas napakasama ang dumarating, higit sa maaari ninyong akalain o isipin. Kapighatian ay sa Amerika dahil naglaro ka mismo sa mga kamay ni satanas, naglalaro ka mismo sa mga plano ng anti-mesyas, naglalaro ka mismo sa blueprint na nilatag ng anti-mesyas na pumaparating. Ikaw Amerika ang AKING sinisingil ngayon. Ikaw ang Trojan Horse at dahil dito ikaw ay magbabayad. Amerika tamasahin mo ang iyong kasaganaan, tamasahin mo ang iyong mga karangyaan, tamasahin mo ang iyong kasakiman, tamasahin mo ang iyong kasikatan at tamasahin mo ang iyong kayamanan, sapagka’t hindi ito magtatagal. AKING mga tunay na mahal na Anak na naninirahan sa Amerika, dapat kayong magsisi na tinatawag ninyo ang inyong mga sarili na mga Amerikano, huwag ninyong hayaan ang dugo ng Amerika na mahanap sa inyong mga kamay.

* * * * * * *

Ganoon ito iwinika ganoon ito isinulat sa pagpapahid ng RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu) ibinigay sa Apostolikong maka-propesiyang babaeng lingkod ni YAHUVEH at YAHUSHUA sa Hunyo 30, 2002 sa 11:00 a.m.

Ibinigay ang Maka-propesiyang Salita na ito sa oras ng pag-uusap sa telepono kasama ang isang matapat na lalaking kapatid at tagasuporta ng ministeryong ito na nagngangalang Brian. Kami ay nasa panalangin nang tinigilan ako ng RUACH HA KODESH sa pananalangin sa Ingles at labis sa aking pagkasorpresa lumabas ang salitang ito. Pakiusap, mga Kristiyanong Amerikano, magsisi kayo at manalangin para sa lupaing ito, ang minsang lupa ng mga malaya, bago ito maging huli na. Pakiusap manalangin kayo para sa kapayapaan ng Jerusalem at mahalin ninyo ang ating mga Hudyong kapatid sapagka’t pinaglilingkuran nating lahat ang Hari ng mga Hudyo, ang ating Mesyas at Diyos na ang pangalan ay YAHUSHUA.

Pakiusap manalangin kayo at magpetisyon sa ating mga liderato na huwag bumaling laban sa Israel. Alam natin na ang ating pananampalatayang Kristyano kay YAHUVEH at YAHUSHUA at sa Bibliya na mga kasulatan ay katotohanan, sapagka’t ang Israel ay hindi kailanmang mawawasak. Ang Israel ay laging mananatili. Mag-ingat Amerika at lahat ng ibang mga nasyon dahil hindi kayo nabigyan ng ganitong pangako sa Banal na mga Kasulatan. Kung tumigil namuhay ang Israel kung gayon ang ating pinaniniwalaan ay isang kasinungalingan. Ang Bibliya ay ang salita na naging laman sa pamamagitan ni YAHUSHUA at isang araw itatanim ni YAHUSHUA ang KANYANG dalawang mga paa sa bundok ng Olibo [mt. Olives] at maghahari sa Jerusalem. Umaasa kami sa yaong darating na araw at nagsasabing, “Halika ka YAHUSHUA, agad kang pumarating ang aming panalangin! (Pah 22:6-7,12-13,17,20)

Pakiusap basahin niyo ito. Ang ating YAHUSHUA ha MASHIACH ay babalik muli. Magiging handa ba kayo?


* * * * * * *

Print Friendly and PDF