PROPESIYA 6

Una AKO ay Umiiyak, Pagkatapos AKO ay GALIT!

Ibinigay sa sisidlang luad na ito sa 3/14/97.
SUMAPIT KA NA YAHUSHUA,
SUMAPIT KA NA!

Rev. Sherrie Elijah (Elisheva Sherrie Eliyahu)

* * * * * * *

Natanggap sa Mayo 12, 1997 mula kay: “Sherrie Elijah (Elisheva Sherrie Eliyahu)” sa isang mensahe pinetsahan 97-05-12 01:15:00EDT, isinulat ni KT Jerome: Maipagmamalaki ko ang mga Kristiyano na katulad ninyo na may lakas-loob na sabihin ang katotohanan sa harap ng mukha ng persekusyon at/o pamimintas (criticism).

Minamahal na Kelly,

Hindi mo alam kong gaano ko kinakailangan na marinig ka na sabihin ang mga salitang ito. Ngayong gabing ito lamang, ako’y inatake/tinuligsa nang lubhang malupit. Ito ay ang pangatlong beses na sa isang linggo at ito ay nagmumula sa mga mananampalataya na nagsasabi na pinaglilingkuran nila si YAHUSHUA. Sa gabing ito, ipinagtatapat ko sa iyo umiyak ako dahil ako ay tinuligsa at tinawag na walang diyos dahil sa aking regalo, aking litrato, dahil mayroon akong mahabang olandes na buhok, at nagsusuot ng meykap. Ito’y lubhang napakasakit at umiyak ako at walang sinabi si YAHUSHUA upang aliwin ako. Iyan lamang ay lalong nagpasama sa aking pakiramdam.

Pagkatapos nang aking sabihin, “YAHUSHUA, may pakialam KA ba na ako ay nasasaktan, gusto ko lamang maging isang biyaya para sa IYONG mga tao, bakit nila ako tinutuligsa nang ganoon? Bakit KA tahimik?” Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko ito sa iyo; hindi ko inisip na masasabi ko sa sinuman dahil ako ay sobrang nahihiya. Kakaiba nararamdaman ko ang pagpapahid na pumapasaakin upang sabihin ang mga salita na ito, humihinto upang magdasal sa RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu).

(Nagsisimula ang propesiya)

Si YAHUSHUA (Hesus) ay nagsasalita sa aking Espiritu at sinabi,

“Oo AKO ay may pakialam at ang dahilan kung bakit AKO ay hindi nagsasalita ay dahil AKO ay umiiyak kasama mo! Dahil ikaw ay AKING ipinadala sa AKING mga Tao upang maging isang biyaya at ang iba ay tumarato sa iyo na parang isang sumpa. Nguni’t AKO, si YAHUSHUA, AKO rin ay isinugo upang maging isang biyaya at gaano karami ang nagtrato sa AKIN na parang isang sumpa? AKO ay umiiyak kasama mo, at para sa iyo, at para sa mga yaong mayroong mas mabuting nalalaman, nguni’t ginagawang sagiin ang AKING mga pinahirang mensahero gayon pa man, kahit na sila ay nabalaan. AKO ay umiiyak dahil sa kung ano ang ginagawa sa isa’t-isa ng AKING mga Anak na mga tinatawag ang kanilang mga sarili ayon sa AKING Pangalan. Ang kayamuan (covetousness), ang pagseselos, ang kawalan ng tiwala, ang mga paratang, ang kawalan ng pagmamahal at ang pagkapoot. Ang mga kasinungalingan na sinasabi sa isa’t isa at nilalagay nila ang AKING Pangalan sa kasinungalingan na parang AKO ang nagsalita. AKO ay umiiyak, sapagka’t ang AKING puso ay nadudurog, sapagka’t mayroong sobrang kahilawan (immaturity) kahit na sa mga ganap na (mature) na mga Kristiyano.

Ang mga Propeta ay naging nag-iisa sa sobrang habang panahon. Sila ay natanggihan nang kay raming beses, ang alam na lamang nila ngayon ay kung paanong tumanggi at ihiwalay ang isa’t isa, bagaman ang AKING hangarin nitong mga huling-oras [end-time] ay para sa inyong lahat na mapagsama-sama sa AKING Pangalan, sa pagkakaisa. Nitong mga huling-oras itong pagtataltalan at pagtatalo ay dapat lamang na itigil. Kayo, AKING mga Apostol, mga Propeta, mga Guro, mga Ebanghelista at mga Pastor ay dapat na nasa pagkakaisa. Kayo ay ang AKING huling-oras na hukbo. Lahat ng mga limang-lupi [five-fold] na ministeryo, kayo ay dapat na tumigil sa pagbubukod ng inyong mga sarili at magsama sa AKING pag-ibig. Kayo ay dapat na tumigil sa pagyamot ng mortal na mga sugat sa Espiritu ng bawat isa. Kayo ay dapat tumigil sa pagyamot ng mortal na mga sugat sa Espiritu ng bawat isa at simulang bigkisan ang mga sugat na inyong idinulot sa gitna ng inyong mga sarili. AKO ay umiiyak para sa inyong lahat, sapagka’t kayong lahat ay nasaktan ng ilang tao na nagsabi sila ay sa AKING Espiritu. Oo, kayo, sa karamihan ito nangyari at ito ay bihira kung kayo ay magsabi na hindi pa kayo nalinlang ng kaaway na pumapasainyo na nagpakunwaring isang tupa nguni’t sa halip ay isang lobo na lumabas na upang silain [devour] ang AKING kawan. Nguni’t hindi ninyo maaring ipagpatuloy na silain ang isa’t isa. Hindi KO ito papayagan.

AKO ay muling nagsasalita mula sa AKING Handmaiden (Babaeng Lingkod) upang sabihin sa inyo na hindi lamang AKO umiiyak para sa anong mangyayari sa mga kaaway ng Ebangheliyo, nguni’t AKO ay umiiyak para sa inyo AKING mga Anak. Sapagka’t ang paraan ng inyong pagtarato sa isa’t isa ay hindi ng AKING mapagmahal na Espiritu kailanman. Hindi ba ang AKING Salita ay nagsabi, “Sa pamamagitan nito makikilala mo sila, ang pagmamahal na mayroon sila sa isa para sa isa?” Natatanto mo ba na ang kaaway ang yaong lumalapit sa iyo at nagsasabi ng mga buktot [evil] na mga bagay na ito? Para pukawin ang AKING mga Mandirigma na lumaban sa gitna ng kanilang mga sarili at hindi magsama-sama, labanan ang kaaway nguni’t iniisip na kaya nila itong gawin nang mag-isa. Hindi ba’t ang AKING Salita ay nagsabi, “AKING inilagay ang isang libo na tumakas?” Ilan pang mga demonyo ang mailalagay na tumakas, kung kayo ay magkaisa at hindi kontra sa isa’t isa? Ito ang siyang humati sa hukbo ni Gideon. Ang hindi pagkakasundo na mayroon sila sa isa’t isa. Ito ang siyang naghahati sa maraming mga hukbo. Kayo ay nasa dakilang Hukbo ni “AKO NGA” [I AM]. Kayo ang batalyon ng huling-oras na pinili ng Aking Kamay. Oo nalinlang kayo ng kaaway, lampasan ninyo ito [Get over it]!

AKO ay napagtaksilan ni Hudas. AKIN bang tinatarato ang lahat na parang isang Hudas? Hindi, AKO ay pinagkaila ni Peter, ikinakaila KO ba kayo? Hindi, itigil na ito ngayon. Sa isa pang beses pinipili KONG magsalita at sabihin ang katapusan ay nasa tanaw, kung maaari lamang na makita ninyo kung gaano nalalapit ang AKING pagdating. Ano mang naitawag sa inyo upang gawin, gawin niyo na ito ngayon, batay sa lahat ng AKING pinaglagay kagamitan sa inyo. Mayroong mga espiritwal na mga regalo na nakapaloob sa inyong mga sarili na hindi niyo nalalaman. Kayo ay pupukaw [stir] sa mga regalo ng bawat isa, hindi para pukawin ang poot ng bawat isa. Kayo ay nagpapagalit sa AKIN sa oras na ginagawa niyo ito. Kayo ay hindi lumalaban para sa AKIN, kayo ay lumalaban kontra sa AKIN. Kung kayo ay hindi para sa AKIN kayo ay kontra sa AKIN. Tigilan niyo ang paghuhusga sa isa’t isa ayon sa kanilang anyo. Ilang beses KO bang dapat ulitin ang AKING sarili? Bakit ayaw ninyong makinig? Bakit sa palagay ninyo kayo ay mas mabuti kaysa sa iba dahil sa kulay ng balat, o lahi, panlabas na kasuotan, o anyo?

Hindi pa ba ninyo naiintindihan? Gaano katagal na dapat AKONG magpakahirap dahil sa inyo? Ang kaaway ay humahati sa inyo kahit bago KO pa magawang kayo ay sama-samang maipagkaisa. Nguni’t huwag niyong isipin na kayo ay kailangang-kailangan; sapagka’t AKO ay mag-aangat ng ibang mandirigma upang kunin ang inyong puwesto. Ito ang inyong huling pagkakataon. MANGAGSISI KAYO! Hindi lahat kayo ay mayroong parehong mga regalo. AKO ay nagbigay ng walang kaparis na mga regalo sa ilang pinili. Huwag niyong sagiin [touch] ang AKING Hinirang. Huwag niyong gawan ang AKING mga Propeta ng kasamaan. Oo, husgaan kung ano ang iwinika, ito ba’y hanay sa Banal na Salita? Ito ba ay nasa konteksto o inalis sa konteksto? Malalaman ninyo. Nguni’t tumigil sa pagpapatahimik ng AKING mga Propeta. Tumigil sa pagpapatahimik ng AKING mga Apostol. Tumigil sa pagsasabi sa kanila na sila ay mabibigo, sapagka’t ang trabaho ay lubhang malaki at baka sila’y hindi nakakarinig mula kay YAHUVEH at YAHUSHUA. Tumigil kayo sa paglalagay sa AKIN sa loob ng kahon. Hindi ba AKO ang Dios ng imposible? May bagay ba na lubhang mahirap para sa AKIN?

Bakit ninyo sila kinukumbinsi na sila ay mabibigo, nang AKING sinabi sila ay magtatagumpay? Tumigil sa pagpapahina ng loob sa mga taong dapat ninyong binibigyang-lakas ng loob. Hindi ba ang kanilang trabaho ay sapat nang mahirap? Hindi ba sila nakakatanggap ng sapat na kalapastanganan mula sa kaaway? Nararapat ba na magmula ito sa mga taong dapat na magmamahal, susuporta, tutulong at mananalangin para sa kanilang tagumpay? Hindi ba AKO ang autor at ang tagapagtapos ng kanilang pananampalataya, inyong pananampalataya? Kung sabihin ko sa inyo na gawin ang isang bagay, bagaman sabihin ng iba sa inyo na ito ay imposible. Ito ay ang oras na malaman mo AKIN siyang iwinika. Muli AKING kinontrol ang Handmaiden na ito at pinahiran siya upang iwika ang mga salita na ibig KO na sabihin niya. Siya ay AKING tagapagbalita [mouthpiece]. Pinayagan KO siya na masaktan upang magawa niyang iwika ang mga salita na ito. Tandaan, hindi ba sinabi KO, gaano kalaki ang pagpapahid ay gaano rin kalaki ang persekusyon? Nguni’t ang persekusyon ay hindi galing sa AKIN, nguni’t ay galing sa kaaway na ibig pahinaan kayo ng loob. Ang persekusyon ay nanggagaling mismo sa bibig ng AKING mga sariling lingkod patungo sa isa’t isa.

AKO ay magsisimula na huhusga nang malupit sapagkat ang Paghuhukom ay nagsisimula sa tahanan ni YAHUVEH at AKIN kitang binalaang muli. Malapit na AKING alisin ang mga yaong AKING ini-atas at tinawag, dahil hangarin nilang sirain ang mga yaong AKING na-atas at kusang nalalaman at kasamang may pagpaplano at masamang hangarin sa kanilang puso (bagama’t wala silang pag-aalinlangan na sila ay nagsasalita sa AKING ngalan) ay nakahanap ng kanilang destruksyon. Sa halip AKING sabi, “Destruksiyon ay mapapasakanilang sariling dibdib!” Ito ay babalik sa kanilang sarili. Kayo ay binalaan. Una AKO ay umiiyak, pagkatapos AKO ay galit! Nguni’t hindi niyo magugustuhan na makita ang inyong Punong Komander na magalit. Maniwala kayo sa AKIN. AKO lamang ang yaong kordero na pinatay para sa mundo minsan. Hindi na AKO ang yaong maamo at mahinahong kordero, nguni’t AKO ay darating na parang isang liyon mula sa tribu ni Juda. Kailangan KONG ihanda ang AKING Simbahan na walang dungis o kulubot… lahat ng pagpapaliban ay dapat na tumigil.

Gawin ang anong alam niyo na dapat gawin at gawin ito agad. Ang mga yaong inyong nasaktan [offended], aluin sila. Huwag kayong magdala ng mga handog sa AKIN, at mga alay hanggang sa kayo ay magsisi dahil sa kasamaan na nagawa ng marami sa inyo sa AKING paningin. Magsisi kayo sa harap KO at magsisi sa harap ng inyong mga lalaking kapatid at mga babaeng kapatid, ang inyong mga kasaping mandirigma ni YAHUSHUA ha MASHIACH. Kayo ay binalaan. Huwag ninyong ipagawang ulitin ang AKING sarili. “Mahalin ang isa’t isa,’ sapagka’t sa ganito pinapatunay niyo na AKO ay mahal niyo at pinapatunayan niyo na mahal niyo at pinagsisilbihan AKO higit sa lahat. Huwag niyo AKONG tawaging Panginoon kung hindi niyo AKO sinusunod, huwag niynong sabihin na mahal niyo AKO kung hindi ninyo AKO sinusunod. Dahil ang Panginoon ay ang Punong-guro, Pinuno at paano niyo magawang AKO ay tawaging Panginoon kung kayo ay hindi sumusunod sa AKIN? Mahalin ang isa’t isa; ito ang AKING Utos sa inyong lahat.

Tumindig nang sama-sama at lumaban para sa Kabanalan. Tumindig nang sama-sama at labanan ang kawalan ng kabanalan. Sa loob ng AKING Kapangyarihan, sa loob ng AKING Salita, sa loob ng AKING Pangalan, sa ilalim ng AKING Pagpapahid, sa pamamagitan ng AKING Dugo kayo ay magiging higit pa sa mga manlulupig sa pamamagitan ni YAHUSHUA ha MASHIACH ang inyong Punong-guro. Nguni’t dapat kayong sama-samang magkaisa. Walang mananampalataya na isang kadena, isa lamang na kawing sa isang ginintong kadena. Ang ilan ay masmalaking kawing kaysa sa iba, nguni’t kailangan pa rin ninyo ang isa’t isa sa kadenang ito, na gagapos sa magbaling paa (satanas) at magtapon sa kanya sa lawa ng apoy sa kanyang itinalagang oras. Tandaan, AKO ay para sa inyo. Ang lahat ng langit ay tumitindig sa AKING utos. Kayo ay hindi mabibigo maliban kung piliin ninyong huwag makinig sa mga salita na ito na AKING iwinika sa araw na ito. Nguni’t kahiman anong mangyari AKO ay hindi mabibigo. Sapagka’t AKO ay hindi isang Diyos na maaaring mabigo, AKO lamang ay mag-aangat pa ng huling-oras na mga hukbo upang kunin ang inyong mga puwesto. Kayo ay hindi mabibigo hangga’t pinakikinggan niyo nang mabuti ang mga salitang ito na iwinika sa araw na ito sa pamamagitan ng AKING Handmaiden, Sherrie Elijah [Elisheva Sherrie Eliyahu] 5/12/97.

Ang mga taong mayroong espirituwal na mga tenga upang duminig ay makikinig, ang lahat ng iba ay mananatiling bingi. Ganoon ito ay nasabi at narekord sa araw na ito. Mga pagpapala at mga sumpa ay mapapasainyong landas, dumidepende sa kung ano ang gagawin ninyo sa propesiyang ito sa araw na ito. Magsisi na ngayon AKING mga Anak bago pa maging huli na ang lahat.

Ibinigay kay Propeta Sherrie Elijah (Elisheva Sherrie Eliyahu) 5.12.97

* * * * * * *

Kelly, ikaw ang unang tao na nakatanggap nito. Ito ay dahil sinunod mo ang RUACH ha KODESH at sumulat sa akin at binasbasan ako at umaliw sa akin nang hindi mo kahiman nalalaman na kinakailangan ko ng kaginhawahan. Ito na ang pang-anim na propesiya na sinulat ng RUACH ha KODESH sa pamamagitan ko mula pa noong 12/31/96. Ang lahat ng mga propesiya ay maaring mahanap sa aking website para kay YAHUSHUA sa http://almightywind.com or http://allmightywind.com. Alpha & Omega AlmightyWind Holy Ghost Fire Church".

Please basahin mo ito at sabihin mo sa akin kung naririnig mo ang boses ng RUACH ha KODESH sa pamamagitan nito. Ako ay sobrang namamangha. Ako ay nag-aayuno magmula pa sa pansiyam at pang-onse at marahil ito ang dahilan kung bakit ang mensahe na ito ay lumabas. Hindi ko alam… Salamat sa pagtugon sa lalong madaling panahon at pakiusap YAHUSHUA ipalagay MO ang IYONG mga tao na marinig nang maliwanag ang IYONG mga salita at hindi ang sa akin. Kung IKAW talaga ito ipalagay MO na si Kelly ay ang unang makaramdam ng makapangyarihang pagpapahid. Bigyan ng basbas itong minamahal na puso na nakarinig ng IYONG boses, sumulat sa akin ng isang salita ng pagbibigay lakas at pag-asa bagaman ako ay hindi niya kilala, nguni’t ay sumunod sa IYO upang ang pagpapahid na ito ay mangyaring lumabas.

Pagpalain MO siya nang lubos at aking pinapanalangin na ang mga taong sadyang nanakit sa isa’t isa, nagpahina ng loob sa isa’t isa, ay magsisi nang lantaran sa iyo at sa isa’t isa. Sa IYONG Pangalan YAHUSHUA akin itong hinihiling. Pinapatawad ko ang mga taong umaatake sa akin nang malupit [viciously] nang walang dahilan, at binibilang ko ito bilang ligaya habang ikaw ay naglabas ng isang mabuting bagay mula dito. Ang lahat ng bagay ay nagsasama-samang nagsasagawa para sa kabutihan sa mga taong nagmamahal kay YAHUVEH at mga tinawag ayon sa KANYANG mga layunin. Mahal na mahal kita YAHUSHUA. Mahal na mahal kita minamahal na Kelly dahil sa sinusunod mo si YAHUSHUA. Gusto kong ipanatili ang iyong email na ganito na, upang makita ng iba na ito ay hindi inimbento. Maaari ko bang gamitin ito na ganito na [as it is]? Pakiusap na huwag kang mahiya dahil ginamit ka ni YAHUSHUA upang pukawin ang mga regalo na nasa loob ko. Ikaw ay pagpapalaing labis ni YAHUSHUA dahil pinagpala mo ang handmaiden na ito nitong maagang umaga ng 3:35 am gitnang oras[central time].

* * * * * * *