Propesiya 60
Itago Ninyo ang Inyong mga Sarili AKING mga Anak, sa Kaunti pang Haba Lamang na Sandali!
Agosto
31, 2002
Ibinigay kay Apostol Elisabeth Elijah
(Elisheva
Eliyahu).
Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na idagdag ito sa lahat ng mga Propesiya magmula ngayon: Binalaan kita matagal nang panahon Elisabeth [Elisheva], na huwag ipangalan ang Ministeryong ito sa sinumang lalaki o babae. Bago pa man nagkaroon ng Ministeryo. Inilagay ko ito sa iyong espiritu. Pagka’t wala ni isa sa mga ito ang nagawa ng iyong mga kamay. Wala ni isa sa mga ito ang nagmula sa iyong bibig. Mula ito sa bibig ni YAHUVEH na nagbigay buhay. Mula ito sa bibig ni YAHUSHUA, Ang iyong MASHIACH (Tagapagligtas), na nagbigay buhay. Mula ito sa bibig ng RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu), Ang iyong IMMAYAH, na nagbigay buhay. Kung ito lamang ay gawa ng iyong kamay, ito’y nabigo na noon pa man. Ito ay sa pamamagitan ng hangin ng Kaluwalhatiang SHKHINYAH na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na hangin ng Pagpapanibagong-buhay. Hindi ng iyong hininga o ito’y nabigo lamang. (Isaiah 42:8)
Sa Hulyo 2010, sinabi rin ng Diyos na YAHUVEH na isama ang mga sumusunod bilang isang babala sa mga nanlilibak:
2 Cronica 36:16, “Ngunit hinamak nila ang mga Mensahero ng DIOS, kinamuhian ang kanyang mga salita, kinutya ang kanyang mga Propeta, hanggang umabot sa sukdulan ang galit ni YAHUVEH Elohim sa kanyang bayan at sila’y hindi na makaiiwas pa sa kanyang pagpaparusa.”
* * * * * * *
Oh ilang beses na AKO nagsisi na nilikha KO ang tao. Oo, alam KO kung ano ang mangyayari. Iyan ay dahil AKO ay may alam ng lahat. AKO ay sumasalahat ng dako. AKO ay marunong ng lahat ng bagay. Hindi niyan ginagawa ito na madali. Ohhhh, ilang beses na AKO nagsisi na nilikha KO ang tao. Tumitingin AKO sa mundong ito na AKING Patungan-ng-paa [Footstool]. Tumitingin AKO sa mga puso at mga kaluluwa ng bawat nilikha sa sanlibutan. Tumitingin AKO sa mga natatagong dako ng kanilang mga puso. Nakikita KO ang mga kasamaan na nasa loob, kahit ang mga yaong pumupuno sa mga simbahan, kahit ang mga yaong pumupuno sa mga templo.
At tumitingin AKO sa kanilang mga puso. At Ohhh, gaano karami ang mga napakalayo sa AKIN. Gaano karami ang mayroon lamang ng kaalaman tungkol kay YAHUSHUA HA MASHIACH, ngunit ang kanilang mga puso ay malayo sa KANYA. Gaano karami ang nakaaalam lamang sa estorya ng pagkakapako sa krus, at gaano kaunti ang nagpako ng kanilang sariling laman. Gaano kaunti ang naglatag sa kanilang krus at sumunod sa AKING Anak na YAHUSHUA. Paulit-ulit na ipinapadala KO ang AKING mga Apostol at mga Propeta upang magbabala. Oh kayong nagmamatigas na henerasyon. Pinagtatakpan ninyo ang inyong mga tenga. Ang inyong mga tenga ay puno ng waks; ang inyong mga puso ay naging malamig. Pinagtatakpan ninyo ang inyong mga mata. At pagkatapos naglakas loob kayo na takpan ang inyong mga bibig upang hindi niyo kahiman balaan ang sinuman.
Dumating na ang paghuhukom, lumayas kayo kasama ang mapagkunwari niyong mga panalangin at pagpupuri. Iilan lamang sa inyo ang nagyukod sa kanilang mga tuhod sa AKIN upang magsisi para dito, para sa mga kasalanan, ang mga kasalanan ng mga bansang tinitirhan ninyo. Kinakausap KO ang mundo, hindi lamang ang Amerika, ngunit ang pinakamalayong mga sulok at mga duyo ng sanlibutang ito. Ang kasalanan ay hindi gumagalang ng tao. Ang kasalanan ay nasa lahat ng mga nasyon, mula sa pinakamaliit na bansa, mga lalawigan, mga lungsod at mga bayan. Ang ilan ay napakaliit wala silang kahimang mga pangalan at gayunman ang kasalanan ay nananatiling walang pagbabago.
Mga pinatay na munting inosenteng sanggol, AKO ang nakaririnig sa tahimik na mga iyak ng AKING mga Sanggol, ang mga yaong hindi kailanmang nagkaroon ng pagkakataong huminga ng kanilang unang hininga. Hindi niyo lamang sila pinapatay, kayong mga mamamatay na mangangatay, pinapahirapan [torture] ninyo sila. Maglalagay AKO ng mga sinkhole sa ilalim ng mga abortion clinic. Ang mga fault line ay naroroon na. Ito ay hindi makita sa mata, ngunit sa AKING tiyempo mangyayaring parang isang higanteng kamay ang aabot paitaas mula sa lupa at tunay, gaya ng sinabi ng AKING lingkod, sila’y hihilain pababa patungo sa mismong mga lungaw ng impyerno at tatabunan sila ng lupa at ang lahat ng mga masasama ay magiging nasa loob nila. Ang inyong mga gusaling nagpapaunlad sa masamang estilo ng buhay na alam ninyong kinasusuklaman KO. Gusto niyong malaman kung ano ito. Kung gayon basahin ninyo ang AKING Mga Kasulatan. Gagawin KO ang parehong bagay sa inyo.
Ang mga fault line ng lindol ay naroroon na, ngunit huwag ninyong isipin sa oras na mangyari ito sa isang rehiyon na sinuman sa mga masasama ay makakatakas sapagka’t sila ay lulubog, at magiging AKO, ang Dakilang Diyos na “AKO” [“I AM”] ang yayapak sa kanila sa ilalim ng lupa. Ngunit ang mga matuwid na tumatayo sa AKING Pangalan, ang mga hindi ikinakahiya ang MGA Pangalan ni YAHUVEH at YAHUSHUA, ang mga dumadangal sa AKING mga araw ng Sabbath [Pamamahinga] at pinapanatili silang banal, ang mga nakaaalam na para ibigin AKO ay ang sumunod sa AKIN, ang mga nagmamahal sa AKING mga Kasulatan at itinatago ang mga salita sa kanilang mga puso. Ito ang mga nagtayo ng kanilang mga bahay sa matibay na bato at sila’y hindi lulubog sa ilalim ng buhangin. Sapagka’t niyayanig KO ang mundong ito sa AKING matinding galit, at sa mga araw na darating, makikita ninyo ang mga lindol na hindi pa kailanmang nangyari gaya ng anumang kapanahunan dati, sapagka’t sila ay yayanig sa mas malaking kalakhan katulad sa isang magulang na nawalan ng kanyang galit at niyayanig ang yaong bata. Ganito kung paano KO yayanigin ang mundong ito at sasabihing, “Gumising kayo, gumising kayo, gumising kayo!”
Gaano katagal, gaano katagal, gaano katagal na kailangan ninyong subukan ang pasyensiya ng Tagapaglikha? Gaano katagal na kailangan ninyong subukan ang pasyensiya ng Tagapagligtas? Ipapadyak KO ang AKING paa sa lupa at lahat ng maaaring mayanig ay yayanigin; lahat ng maaaring mabunot ay bubunutin. Yayanigin KO ang inyong mga politika at wala AKONG pakialam kung anong bansa kayo naroroon, hindi na kayo hahanap sa gobyerno na upang susustentu. Malalaman ng AKING mga anak mayroon lamang Nag-iisang tagapagsustentu. Siya ang parehong nagbuhos ng tubig mula sa isang bato, na naglagay ng mana sa lupa. Siya ang parehong nagsasabi AKO ang magtutustos sa lahat ng inyong mga kailangan ayon sa AKING mga yaman sa Kaluwalhatian [Phil. 4:19]. At wala AKONG kakulangan sa Kaluwalahatian. Sa AKING matinding galit inihinga KO hindi lamang sa United States nguni’t sa iba’t ibang parte ng mundo ang AKING mainit na hininga. Tumataas ang mga temperatura habang tumataas ang AKING galit. Dumating ang mga tagtuyot habang ang AKING Buhay na Tubig ay tinanggihan.
Mayroon bang nakinig? Mayroon bang nagtaka kung bakit? Tumatayo AKO at pinapanuod KO ang kalupitan ng tao sa tao. Alamin niyo ito AKING mga Anak; hindi kayo dadaan sa Malaking Kapighatian [Great Tribulation], ang mga nakapagtitiwala sa AKIN. Ngunit hindi ibig nitong sabihin na hindi ninyo matitikman ang kapighatian ng tao, ang kalupitan ng tao sa tao. Ang tao na gutom sa kapangyarihan at masakim [greedy] at ubod sa kasamaan, na nais burahin ang katuwiran sa balat ng mundo, na nais burahin ang Pangalan ng AKING Anak na YAHUSHUA sa balat ng mundo.
Buhat sa simula ng panahon mayroong digmaan at ito ay si satanas na nakikipagdigma laban sa lahat na mga Banal. Ang kanyang oras ay pumaparating. Ngunit hanggang sa oras na iyon, ang lahat ng laman ay susubukin. Kayo ay sinubok na. Ilan sa inyo ang nakatungo na sa nag-aapoy na pugon sa napakaraming iba’t ibang paraan at sa harap ng makapal na saksi inyo pa ring pinagpanatili ang inyong pagmamahal at pananampalataya. Habang ang kasamaan ay lumalagong mas masama at ang mga babae ay nagkaka-anak sa mga demonyo at ang mga walang-kaluluwa ay lumalabas na puno ng kasamaan. Hindi niyo kahiman kayang masimulan na intindihin, sapagka’t hindi sila magkakaroon ng mga konsiyensya, walang pagkakakilala sa tama o mali, walang pagmamahal para sa anumang bagay o sa sinuman. Tinatawag niyo itong clone, ngunit hindi ito isang clone, sapagka’t ang isang clone ay dapat na isang kopya KO at hindi niyo kayang kumopya, sapagka’t kayo ay hindi isang Tagapaglikha. Si satanas ang manggagaya sa pamamagitan ng mga clone na ito.
Sa tingin niyo sa oras na kumain kayo ng mga clone na karne, pinapalusog ninyo ang inyong mga katawan, ngunit papaano iyon kung walang buhay sa yaong mga karne? Kinain ninyo ang sumpa sa sarili ninyong mga katawan. AKING naipropesiya mula sa babaeng lingkod na ito na ang tubig ay rarasyunan sa mga nakaraang mga taon at ngayon nakikita ninyo itong nangyayari sa mga lugar na hindi ito kailanmang nararasyunan noon. Tumataas ang mga temperatura sa mga bansang hindi ito kailanmang tumaas noon. Yumayanig ang lupa sa mga lugar na hindi nayayanig noon. Galit AKO, ngunit hindi sa mga dumidinig ng AKING tinig. AKO ay galit sa mga tumatanggi na makinig. Dahil ang impyerno ay hindi nilikha para sa tao. Kahit ang Dagat ng Apoy ay hindi rin nilikha para sa tao. Nagsugo AKO ng tagapagligtas, ang AKING sariling Anak, upang ilayo kayo sa mga lugar na ito. Ibinigay KO ang AKING Anak, dahil kayo ay labis KONG minamahal. Tinubos KO ang kung anong nagawa ng unang Adan at gayon pa man gaano karami sa inyo ang disidido sa Impyerno! Ilan sa inyo ang takot na sumaksi sa inyong pamilya? Ilan sa inyo ang tumitira sa mga bahay na di-magkaparis na nayuyugo [unequally yoked] sa isang asawang sumusuklam ng AKING mismong Pangalan? Sa isang asawang sumusuklam sa lahat ng yaong mga Banal? At gayunman sinasabi nila, “Ginagawa ko ito para sa Pangalan ni YAHUVEH at YAHUSHUA.”
Hindi niyo AKO pinaparangalan. Sa totoo, nilalagay ninyo AKO sa kahihiyan. Sapagka’t minahal KO si Hakob at si Esau ay AKING kinasuklaman. Ohhh, gaano KO gustong isigaw ito, hindi KO ba dapat kasuklaman ang mga yaong kinasusuklaman at kinamumuhian ang lahat na yaong banal? Hindi KO ba dapat kasuklaman ang mga lumalapastang sa AKING RUACH HA KODESH? Anong samahan mayroon si YAHUSHUA sa mga sinungaling, sa mga Beelzebub? Anong samahan mayroon ang liwanag sa dilim, gayon pa man iginigiit ninyong manatili sa mga pagkakaisang-dibdib na ito na hindi isang pagkakaisang-dibdib sa AKING mga mata. Ito ay isang pagkaalipin na AKING kinamumuhian, sapagka’t hindi KO sila kailanmang ipinagkaisa at gayunman iniisip ninyo na nakagawa kayo ng pabor sa AKIN at ang lahat lamang na ginawa ninyo ay pagdalamhatiin ang AKING kaluluwa. Habang ang mga bata ay pinapalaki sa mga paganong tahanan, at nasabi KO na sa inyo na ang isang bahay na nahahati ay hindi makatatayo at ang asawa’y umiiyak sa AKIN, “Iligtas MO ako!” Oh, kung nakinig lamang sila nitong napakahabang panahon. Kung naunawaan lamang nila naghati AKO noon pa.
Kaya ngayon AKING mga Anak, maghanda kayo. Pinapaalala KO sa inyo, kayo ang tagapag-ingat ng inyong kapatid. Para sa inyong mga kumalinga nang nakita ninyo ang inyong kapatid na babae o lalaki na nasa pangangailangan, tandaan lamang ninyo na naitala KO ito at may taong iaangat sa oras na kayo’y nasa pangangailangan. Para sa inyong mga nagsara ng inyong mga mata at mga tenga sa iyak ng babae o lalaking kapatid, tandaan niyo lamang ito, ang mismong mga iyak niyo, sa darating na araw at mga panalangin ay AKING kamumuhian. Kayo ay sinubukan, at kilala KO ang mga nakalampas sa yaong pagsubok. Ohhhh, ngunit gaano AKO nagdadalamhati para sa inyo na mga umaangking sila ay AKIN nang sinubok KO ang inyong pagmamahal at pagkahabag. At ginamit KO ang ministeryong ito sa oras at oras muli gayon din ang iba upang gawin ito at gayunman kayo ay nasumpungang kinukulang, masakim at makasarili, inaalala lamang ang sarili ninyong mga pangangailangan. At ngayon malalaman ninyo kung anong mangyayari sa oras na manalangin kayo at hindi didinig ang Langit sa inyo sa oras na kayo ay makiusap.
Maghanda kayo AKING mga Anak ngunit huwag kayong matakot. Ibaling niyo ang inyong mga tenga AKING mga Anak sa bawat salita na AKING sinasabi. Aninawin [discern] niyo ang mga espiritu na nagsasalita, sapagka’t napakaraming mga huwad na propeta ang nakabangun at sumigurado sa inyo ng mga huwad na salita ng kasaganaan na darating sa isang nasyon, sa isang bansa o isang estado na sumusuklam at nagtatapon, mula sa mga eskwelahan patungo sa gobyerno, patungo sa mga batas, ng lahat ng AKING mga pinahayag na Banal. Makikita ninyo ang nasyong ito, ang bansang ito, ang mga lungsod, ang mga estado, ang mga lalawigan, saan man sila naroroon sa balat ng mundong ito, na sasapit sa ilalim ng AKING paghuhukom, at sasapit sa ilalim ng AKING mga kahatulan. Ang paghihiganti ay nasa AKIN, AKO ay magbabayad.
AKING mga Batang Anak, mga Ikakasal, mga Pinili at Hinirang, humayo kayo at itago ang inyong mga sarili sa inyong mga tahanan. Humayo kayo at ikandado ang inyong mga pintuan. Sapagka’t ang oras ay pumaparating AKING mga Anak na kailangan ninyong magtago sa isang kaunting sandali. Inyo nang pinahiran ang inyong mga tahanan. Manindig at sumampalataya kayo sa Psalm 91 na kayo ay nalulukoban sa ilalim ng AKING mga pakpak, habang ang mga masasama’y nagpapatuloy sa kalupitan sa tao, habang pinagpapatuloy nilang magpasa ng mga batas na magpapahirap sa AKING mga Anak na upang tumayo. Itago ninyo ang inyong mga sarili AKING mga Anak, sa ilalim ng silungan ng AKING mga pakpak. Ito ay ang inyong mga panalangin AKING mga Anak, na pakikinggan ng AKING tenga. Ito ay ang AKING kamay AKING mga Anak na papahid sa bawat inyong mga luha. Ngunit sa isang kaunting sandali AKING mga Anak, isang kaunti pang haba lamang na sandali.
Kilala KO ang mga pangalan ng bawat isa na lumuluha’t tumatangis habang sila’y [magsigaw], “Halika na YAHUSHUA, halika!” Ngunit huwag niyo itong gawin mula sa takot AKING mga Anak. Gawin niyo ito mula sa pagmamahal, sapagka’t inihihiwalay KO pa rin at hinahati KO pa rin ang mga tupa mula sa mga kambing sa buong mundo. At ang mga kambing ay tutungo sa walang hanggang apoy at ang AKING mga tupa ay patuloy KONG papatnubayan. Oo AKING mga Anak, kumapit nang mahigpit sa laylayan ng damit ni YAHUSHUA at huwag kayong bibitiw habang tumatayo kayo sa nag-aapoy na mga pugon. Tandaan niyo, AKO ay lagi niyong kasama kahit hanggang sa mga dulo ng mundo. Tandaan niyo, AKING mga Anak, kahit kayo na mga mamamatay para sa kapakanan ng Pangalan ng AKING Anak, maaari lamang nilang patayin ang katawan, hindi nila mapapatay ang kaluluwa. At makakasama ninyo AKO sa Langit sa inyong walang hanggang tahanan. At kapag marinig niyo ang mga salitang, “World War III,” makikita ninyo ang napakataas na antas ng labis na kasalanan.
Manalangin kayo para sa Israel, huwag niyong pabayaan ang Israel. Sapagka’t labis KONG minamahal ang Israel. Doon KO isinugo ang AKING Anak. Ang KANYANG Dugo ay ibinuhos sa yaong lupa. Huwag niyong sukuan ang Israel, sapagka’t mayroon AKONG natitira [remnant] roon .
Itago niyo ang inyong mga sarili AKING mga Anak. Oo, kahit ay itago niyo rin ang inyong sarili mula sa matinding poot ng Dakilang Diyos na “AKO”. Dahil bagaman hindi AKO galit sa inyo, maririnig ninyo AKONG sisigaw, maririnig ninyo AKONG papadyak, makikita ninyo AKONG magyayanig, kung saan kahit maski ang lupa ay matatakot at nginginig. Makikita ninyo ang baha ng AKING mga luha at nasimulan niyo na ngang nakita sapagka’t nang sumapit ang baha, iyon ang AKING mga luha.
Ohhhh, ilang beses AKO nagsisi na nilikha KO ang lalaki at oo, ang babae. Ngunit kinalimutan ninyo na alam KO ang simula magmula sa katapusan, at ang lahat ng bagay ay tutubusin. Ang lahat ng bagay ay manunumbalik. Muli itong babalik sa panahon ni Adan at ang lahat ng bagay na nawala, ay AKING tutubusin. Ito’y tinapos na sa Krus. Ngunit huwag ninyong isipin na ang labanan ay hindi dapat papag-umpisahin at ipagpatuloy. Ngunit huwag niyo itong gawin sa inyong pangalan, gawin niyo ito sa Pangalan ni YAHUSHUA, sapagka’t ang labanan ay sa Panginoon. At AKING mga Anak tandaan ninyo ito, maaaring matalo kayo sa ilang mga labanan, tiyak na magkakaroon kayo ng mga sugat, ngunit sa AKING Pangalan at sa Pangalan ng AKING Anak na YAHUSHUA ang inyong MESYAS, mapagtatagumpayan niyo ang huling mga oras na digmaang ito.
Ganoon ito isinalita, ganoon ito isinulat sa ilalim ng pagpapahid ng RUACH ha KODESH para sa Kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatian ni YAHUVEH at YAHUSHUA. Isinulat ko ang mga salita ayon sa narinig KO silang nainterpreta habang nagsasalita sa yaong Makalangit na lengguwahe.
Apostol Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu), 8/31/02, 8:00 p.m.
|