PROPESIYA 7

Kumapit nang Mahigpit sa Laylayan ng AKING Damit!

Ibinigay kay Rev. Sherrie Elijah (Elisheva Sherrie Eliyahu)

Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na idagdag ito sa lahat ng Propesiya magmula ngayon: Binalaan kita matagal nang panahon Elisabeth (Elisheva) na huwag ipangalan ang Ministeryong ito sa sino mang babae o lalaki bago pa man nagkaroon ng Ministeryo. Inilagay ko ito sa iyong espiritu pagka’t wala ni isa sa mga ito ang nagawa ng iyong mga kamay, wala ni isa sa mga ito ang nagmula sa iyong bibig. Mula ito sa bibig ni YAHUVEH na nagbigay buhay. Mula ito sa bibig ni YAHUSHUA ang iyong MASHIACH (Tagapagligtas) na nagbigay buhay. Mula ito sa bibig ng RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu) ang iyong IMMAYAH na nagbigay buhay. Kung ito lamang ay gawa ng iyong kamay, ito’y nabigo na noon pa man. Ito ay sa pamamagitan ng hangin ng Kaluwalhatiang SHKHINYAH na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na hangin ng pagpapanibagong-buhay, hindi ng iyong hininga o ito’y nabigo lamang. (Isaia 42:8)

Noong Hulyo 2010 sinabi rin ng Diyos na si YAHUVEH na isama ang sumusunod na kasulatan mula sa pangalawang aklat ng Cronica bago ang bawat Propesiya:

2 Cronica 36:16, “Ngunit hinamak nila ang mga Mensahero ni YAH, kinamuhian ang kanyang mga salita, kinutya ang kanyang mga Propeta, hanggang umabot sa sukdulan ang galit ni YAHUVEH Elohim sa kanyang bayan at sila’y hindi na makaiiwas pa sa kanyang pagpaparusa.”

* * * * * * *

Ang Laylayan ng AKING damit, ito ay hindi sapat na hawakan na lamang. Magpatuloy na kumatok sa AKING pintuan, pagkatapos kung ang kasagutan ay hindi dumarating nang sapat na mabilis, kumalampag. Kapag ikaw ay napagod, magpatuloy sa pagtatanong, maghanap at masusumpungan/mahahanap ninyo ito, nguni’t huwag tumigil hangga’t ikaw ay makarinig mula sa Langit.

Sapagka’t AKING ipinangako sa inyo AKING mga Anak, tinapay at hindi ang mga karampot [crumbs] ng mundo. Sapagka’t nakikita mo ang paghuhukom ay dumating sa tahanan ni YAHUVEH at ito ay hindi kasingdali gaya ng paghawak sa AKING laylayan, o ng pagkatok nang mahina para sa inyong mga kasagutan, kailangan mo talagang maghanda marahil kinakailangan ang pakikipagbuno [wrestling] para sa inyong pagpapala, gaya ni Hacob. Nguni’t ito lamang ay nagpapatunay sa inyong pananampalataya at ginagawang patatagin ito, na ang alin ay kinakailangan sa huling mga oras na ito. Kaya’t ipagpatuloy ang pagsabi wala nang mga karampot. Ikaw ay hindi matatanggihan. Sapagka’t ikaw ang Ikakasal [Bride] ni YAHUSHUA ha MASHIACH na bili ng Dugo.

AKIN kitang sasagutin at palalayain. Hindi AKO nagsisinungaling. Sapagka’t ikaw ay pinangakuan hindi ng mga karampot ng mundong ito, nguni’t ay ang tinapay ng buhay, ang tinapay ng mga anak - ng paglunas, pagpapalaya, kasaganaan, buhay na sagana at puno ng kaluwalhatian. Sapagka’t si YAHUSHUA ay ang inyong Tinapay ng Buhay at gusto KONG makita kung inyo pa rin AKONG pupurihin, at kumapit ka sa inyong pananampalataya bagaman hindi AKO sumasagot agad-agad. AKO ay hindi palaging isang microwave na Diyos.

Oo, alam KO ang tungkol sa mga microwave, sino ang akala ninyong nagbigay ng inbensyon? Mayroon kayong banal na kasulatan upang tayuan, basahin ang Mateo 15:22-28 tungkol sa pananampalataya ng isang babaeng taga-Canaan. Siya ay sumasamba kay YAHUSHUA, gayunman KANYA siyang pinagsawalang-bahala, hinayaan ang mga disipulo na sawayin siya, tinawag siyang aso, pinagsabihan na ang pagpapala ay para sa iba hindi para sa kanya. Sabi mo, “Bakit YAHUSHUA, bakit mo nagawang gawin ang lahat ng ito?” Dahil sa huling mga araw na ito, ang lahat ng ito ay mangyayari sa AKING mga pinaka-tapat na tagasunod, iyong mga sumasamba sa AKIN, ito ay magagawa ng iba sa AKING Pangalan.

Ikaw ay aalipustahin, matatanggihan, mapagmamalupitan, gayon pa man kung ikaw ay walang tigil na hahawak sa iyong pananampalataya, bagaman hindi AKO magliligtas agad-agad, kung gayon katulad nitong babaeng taga-Canaan ikaw ay gagantimpalaan. Sapagka’t makikita KO kung gaano kalaki ang iyong pananampalataya. Sapagka’t sa huling-mga oras na ito inihahanda KO ang AKING katawan sa ganitong paraan, sa oras na AKO’Y magbalik ilan ang maninindigan sa kanilang pananampalataya? Ilan ang tatalikod sa oras na sila’y tumawag sa panalangin para sa isang pangangailangan at hindi AKO sasagot agad-agad?

Kailangan mo silang pagsabihan na maging nahahanda [willing] na makipagbuno [wrestle] sa AKIN para sa kanilang pagpapala katulad ng ginawa ni Hacob. Sapagka’t hangad KONG magpala. Gusto KO lamang subukin at makita kung gaano mo lubhang ninanais itong pagpapala. Magagawa mo pa rin bang sambahin AKO sa oras na hindi AKO sumasagot agad-agad? Hindi ng AKING parusa ang nagdudulot nito, sapagka’t ang babae ay nagpatumba at nagsamba sa AKING paanan. Kayo ay nagsasamba sa AKING paanan. Nguni’t ang paghuhukom ay nagsimula na sa tahanan ni YAHUVEH, at isa sa mga bagay na AKING sinusubok ay kung gaano katibay ang inyong pananampalataya?

Gaano katapat at gaano ka magtitiwala sa AKIN? Katulad ng babaeng taga-Canaan, ang inyong pananampalataya at katapatan ay gagantimpalaan sapagka’t makikita ninyo kung ano ang ninanais ninyo, at kahiman mas lubha at mas masagana pa na AKING pauulanin ang AKING pagpapala na parang isang umaapaw na ilog. Kayo ay magkakaroon ng labis na kagalakan. At AKIN kayong pagpapalain nang sobra. Kayo ay mapipilitan na magbigay sa iba. Kumapit nang mahigpit sa laylayan ng AKING damit. Huwag bibitiw. Ipagpatuloy ang pagkatok hanggang ang pintuan ay magbukas patungo sa inyong mga pagpapala na inyong hiniling. AKO ay sasagot sa huli. Huwag manangan sa inyong sariling pag-unawa nguni’t sa lahat ng inyong pamamaraan liderin AKO at AKING ididirekto ang inyong mga daan.

Tandaan na ang mga pagsubok ng inyong pananampalataya ay mas mahalaga/mamahalin kaysa ginto. Panatilihin ang inyong mga mata na nasa inyong Tagapagligtas at hindi sa gulo ng dagat kung hindi ang mga alon ang lulunod sa inyo. Nguni’t AKO ay naririto upang iligtas ka. Dahil AKO ay ang inyong Tagapagligtas at tagapag-adya hindi ba? Hindi KO kayo bibiguin o iiwanan. Alam KO kung gaanong pamumuwersa ang kailangang ilagay sa luwad [clay] bago ito mabasag, gaanong apoy ang kinakailangan upang pahintulutan ka na lampasan bago ka matupok. Ang mga alon ng kawalan ng pag-asa ay hindi lulunod sa iyo. Sapagka’t AKO ay naririto upang sumagip at iligtas hindi lamang ang inyong mga kaluluwa, nguni’t ang isip, katawan at Espiritu. Magtiwala kayo sa AKIN at makikita ninyo ito na mangyari. Saka isaalaala kung sino ang nagligtas sa inyo ito’y hindi isang lalaki o babae, nguni’t ang inyong Diyos na lumikha sa inyo.

Gayon pa man AKO mismo ang sasagot sa inyong tawag, sapagka’t alam KO kung ano ang inyong kagustuhan kahiman bago kayo humiling. Sa espirituwal na lupain ito ay tapos na, AKO lamang ay naghihintay para sa AKING perpektong oras upang ihayag [manifest] ito sa pisikal na lupain. Ang inyong pananampalataya ay tumutulong dito upang ito ay lumabas. Hindi ba sabi ng AKING Salita ito ay impossible na malugod [please] mo si YAHUVEH kung walang pananampalataya? Nilulugod niyo AKO sa pamamagitan ng pagpapakita ninyo ng inyong pananampalataya sa isang Dios na nagpapangalaga at dumidinig at alam ang lahat.

Ipinapakita ninyo ang inyong pananampalataya sa oras na maunawaan ninyo na hindi ninyo kayang iligtas ang inyong mga sarili, nguni’t ay kailangan ninyo AKO, ang inyong Tagapagligtas upang iligtas kayo, at kaya iyan ang AKING gagawin. Sapagka’t hindi ba AKO ang inyong Maestro at Tagapagligtas? Ang Dios ba na inyong pinagsisilbihan ay bingi? Hindi. Ang AKING kamay ba’y napakaikli upang iligtas ka? Hindi. Ang iyong pananampalataya ba ay sinusubok? Oo. AKIN bang hinahangad na pagpalain ka? Oo. Ikaw ba ay magiging isa sa mga yaong kakapit nang mahigpit sa laylayan ng AKING damit, at magpatuloy na kakatok? Ikaw ba ay magiging isa sa mga yaong tatayo at maghihintay sa AKING pagpapalaya at sa mga pagpapala na AKING ipinangako sa iyo? Ito ay iyong pagpipilian. AKO ay nagsalita sa araw na ito mula sa handmaiden (babaeng lingkod) na ito, upang iyong maintindihan kung bakit ang ilang bagay na ipinangako ay hindi pa naisasakatuparan. Magpatuloy sa pagkapit nang mahigpit sa sukat ng pananampalataya na AKING ibinigay sa inyo at ang pagpapalaya sa madaling panahon ay inyong makikita sa wakas.

Ibinigay kay Propeta Sherrie Elijah [Elisheva Sherrie Eliyahu]

* * * * * * *

Ito ang pinakabagong propesiya na ibinigay sa AKIN upang ipasa at pakainin ang mga tupa ni YAHUVEH. Kumapit nang mahigpit sa laylayan ng KANYANG damit. Kahit na ang aking mahabang olandes na buhok ay gumagapang [trailing] sa putik samantalang dumaan SIYA palampas [through] sa maraming tao, ang aking mukha ay nakatingalang tumitingin sa kanya, at hindi ako bibitiw. Sa panahon na ikaw ay dumaranas nito, at ako ay nilaan na basahin ito sa panahon na AKIN itong naranasan, para tanggapin ito upang maipasa KO ito sa iba na gustong malaman kung bakit hindi nila nakukuha agad ang kasagutan sa kanilang panalangin.

Bingi ba si YAHUVEH? Hindi! Ang KANYANG mga kamay ba’y napakaikli upang abutin tayo? Hindi. Gaya ng sinabi ni YAHUSHUA, ang ating pananamapalataya ay sinusubok, hindi isang kaaya-ayang karanasan, hindi ba? Nguni’t kinakailangan upang lumago. Ako ngayon ay parang si Hacob nakikipagbuno sa Dios hangga’t ako ay KANYANG pagpalain kasama ng pagpapalaya na KANYANG ipinangako sa akin. Nguni’t ako’y may saligan [ground] sa aking mga takong at sinabi sa aking Maestrong YAHUSHUA na ako ay hindi matatanggihan dahil ipinangako NIYA sa akin na wala nang mga karampot [crumbs]. Ang mundo ay nagbibigay ng mga karampot, nguni’t tayo ay pinangakuan ng tinapay ng buhay, ang tinapay ng pagpapagaling , pagpapalaya at kasaganaan ng mga Anak. Tayo ay pinangakuan ng buhay at buhay na lalong masagana. Ang aking mga buko [knuckles] ay kumikirot [sore] mula sa pagkukumabog. Ang aking paningin ay malabo mula sa pag-iiyak. Nguni’t kinakailangan nating magmatiyaga/magmasigasig. Sa oras na si YAHUSHUA ay muling magbalik ilan ang KANYANG makikita na yaong mayroon pa ring pananampalataya? Gusto kong maibilang sa numero na iyan, hindi mo ba gusto?

Sa Maestro, serbisyo sa Tagapagligtas na si YAHUSHUA ha MASHAICH, isang basag na sisidlan ng luad nguni’t isang dakilang mandirigma ni YAHUSHUA, Pastor Sherrie Elijah [Elisheva Sherrie Eliyahu]. Ngayon kung ikaw ay hindi pa nasubok sa isang dasal na sa habang panahon ikaw ay nag-antay at hindi ito nakita na nangyari, (Ako ay naghintay ng 21 taon),kung ganoon hindi mo maintindihan kung ano ang aking sinasabi. Nguni’t ako ay ipinadala para sa mga tao na may mga dasal na hindi pa natutupad sa pisikal na lupain, bagaman ito ay ipinangako sa espirituwal na lupain. Kaya sa huling-mga oras na ito kahiman si YAHUSHUA ay nagsabi, “Makakatagpo ba SIYA ng pananampalataya sa oras SIYA’Y bumalik?” Kailangan kong balaan ang mga tao. Ngayon kailangan mong balaan ang mga tao; upang kanilang maintindihan at hindi sukuan si YAHUSHUA at magbaling sa mundo para sa kasagutan o magbaling sa espirito ng anti-kristo.

* * * * * * *