PROPESIYA 9

Ipangaral Ito, Ituro Ito, Idulot ang Iba na Paniwalaan ito

Binigay kay Rev. Sherrie Elijah [Elisheva Sherrie Eliyahu] noong Oktobre 16, 1997.

* * * * * * *

AKING liyag, kilala KO ang iyong puso at ang mga taong hindi marapat na humuhusga sa iyo ay hindi alam ang kanilang sinasabi. AKO ang iyong tagapaghatol at hurado, hindi ang mga taong humahawak ng hukuman nang wala ang AKING permiso. Tumabi at huwag nang magtanong kung bakit, dahil kung hindi ka nila ipinagtatanggol ngayon sa maliit na mga bagay, hindi ka nila ipagtatanggol sa susunod sa mga malalaking suliranin.

Ikaw ay ang AKING liyag, at ang mga yaong humahawak ng hukuman laban sa iyo nang walang anumang ebidensiya ay makikita na AKO ay hindi nasisiyahan. Ikaw ay AKING dinala sa site [website] na ito upang palakasin ang iyong loob, at upang paginhawahin ang iyong nawasak na puso. Sapagka’t nalalaman mo at AKO, ang sakit na iyong nararamdam. Ang hindi pagkatanggap ay hindi para sa iyo bagaman, nguni’t tinatanggihan nila ang isang parte KO.

Nasa iyo ang iyong pagkamapagpatawa sapagka’t AKO ang nagbigay sa iyo ng yaong ugaling pagkamapagpatawa, ikaw ay AKING tinawag at inordena sadya bilang kung sino ka. Ikaw ay nabigyan ng regalo ng pagtawa upang tumulong alwanin ang mga pasanin ng iyo gayon din ang mga ng iba. Ang pagtawa ay nakapaggagawa ng mabuti na parang isang mabuting gamot. Nguni’t kahit ang pagtawa at pagkamapagmatawa ay mayroong balanse. Wala AKO sa pagkilos ng mga simbahan kung saan ang mga hangal na demonyo ay lumilitaw at ginawang mga mangmang ang AKING mga Tao.

Mag-ingat sa kung saan na anu-anumang bagay ang nangyayari, anumang manipestasyon na hindi mo magunita ang iyong YAHUSHUA na nakikibahagi. Ang iyong Dios ba’y tumatahol na parang aso, ngumyaw na parang pusa, umuungol na parang leon at kumukutya [mock] ng AKING sariling salita? Magagawa ba ng RUACH ha KODESH na pahiyain ang sinuman at magdulot sa mga tao na maging hindi na mapigilan sa punto na nakakaantala [disruptive]? Itong maka-demonyong manipestasyon at lalong masama ay pinapayagang magpatuloy at hindi man nila makita ang kaibahan ng totoong pagkilos ng AKING RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu), at ang huwad [counterfiet] na pagkilos ng anti-mesyas. Ang mga yaong tumatayo sa likod ng mga pulpito at sa tingin nila sila ay marurunong ay nag-aasal na napakamangmang. Binubukas ang kanilang sarili at ang kongregasiyon sa mga makademoniyong manipestasyon, pananakup, at pang-aapi.

Ang pagpapalaya ay dapat na isagawa at ang paglilinis bahay ng AKING mga Templo mula sa mga sinuman na tinawag na mga pinaka-respitadong espirituwal na lider sa ngayon. Dahil sa kamangmangan na ito AKO na ngayon ay nagtitipon ng mga hukbo sa lahat ng bahagi ng mundo. Kailanman hindi AKO nagsasara ng pinto na hindi nagbubukas ng iba. Huwag niyong isipin na ito ay katapusan sapagka’t ito lamang ay ang simula ng isang masmalaking trabaho kung saan kita paggagamitan. Huwag kayong magbago para sa sinuman nguni’t para sa Makapangyarihang Dios na si YAHUVEH na inyong pinagsisilbihan. Hindi mo maaaring malugod ang lahat ng tao, sa lahat ng oras, kaya tumigil ka na subukan. Sa loob ng iyong puso, alam mo ang anong tama, ipagpatuloy mo lamang ang gawin ito.

Makinig ka sa AKING boses, isalita mo ang AKING mga salita. AKO ay hindi naghuhusga o nagsusumpa sa iyo, nguni’t ang mga taong hindi marapat na nag-akusa sa iyo ay mahuhusgahan. Patawarin mo sila, sapagka’t sila’y ginamit ng kaaway ng iyong kaluluwa at hindi nila ito nalalaman. Ang bagong alak at lumang alak ay hindi maaari at hindi kailanmang maghahalo. Ang bagong alak na AKING pinagpuno sa inyo upang umapaw ay babasag sa sisidlan kung inyong subukan at paghaluin ang luma at bago. Ang lumang alak ay walang nais na makibahagi sa bagong alak. Huwag magdalamhati para sa kung anong inaakala mong nawala sa iyo, dahil wala kang nawala na hindi KO ibabalik kahiman mas labis, siksik at liglig at umaapaw. Ikaw ay pagpapalain.

Kinakailangan niyong bumitaw sa lumang pagpapahid [anointing] upang magbigay daan sa bagong pagpapahid. Panatilihin ang mga tenga at mga mata na bukas at iwika ang sinasabi ko sa inyo na sabihin gayon man ikaw ay huhusgahan nang malupit kilala mo ang AKING boses, at mayroon ka ng katapangan ni Juan Bautista [John the Baptist] upang magsabi sa AKING mga Salita. Kung ang inaakala mo ikaw ay humahakbang paibaba para sa AKIN, ikaw lamang ay talagang humakbang paitaas at pasulong. Huwag kang magdalamhati para sa iyong sarili, nguni’t magdalamhati para sa mga yaon na AKING paparusahan dahil sa pagdudulot ng pighati at kalungkutan sa AKING batang anak. Magdalamhati para sa mga yaon na pasinungalingang nag-akusa sa iyo.

Mahal kita AKING liyag at AKO lamang ang nakakikilala sa iyong puso. Ito ay humihingal para sa AKIN gaya ng isang usa na humihingal para sa tubig. Kapag ikaw ay nagdurusa ng pang-aapi dahil sa kapakanan ng AKING Pangalan ikaw ay tunay na pinagpala. Ang lingkod ay hindi nasa itaas ng kanyang Maestro, AKING pinagdusahan ang pang-aapi lalo na mula sa mga yaon na ang tawag sa kanilang sarili ay relihiyoso, at gayon din ikaw. Kilala KO ang kanilang mga puso tulad na AKING kilala ang mga yaon na pasinungalingang naghuhusga sa iyo. Ipamalagi ang iyong mga kamay na maging inosente sa matinding poot at hayaan mo AKONG maghiganti. Dahil kung hindi sila MAGSISISI sa harapan KO, kung ganoon makikita nila. Ang paghihiganti ay sa AKIN sabi ni YAHUVEH at AKO nga ay tunay na maghihiganti. Huwag mo AKONG husgahan ayon sa paraan ng iba na umaangking sila ay kumakatawan sa AKIN na husgahan ka.

Ikaw ay AKING liyag at AKING Mandirigma at ikaw ay AKING tinawag at ikaw ay naordena at walang sinuman ang maaaring makakukuha niyan sa iyo. Ang landas ng isang Propeta ay nalalatagan ng mga pagsubok at paghihirap at kalungkutan di-pagkakaunawaan. Lubhang kakaunti lamang ang talagang may kagustuhang makinig sa anong sasabihin ng Makapangyarihang Dios na si YAHUVEH. Gusto nilang paniwalaan na AKO lamang ay pag-ibig at awa, at nakalimutan na “AKO” yaong “AKO NGA” [I AM] at “AKO” rin ay isang Dios ng balanse sa lahat ng mga bagay. Iyan ay nangangahulugang kasama ng pag-ibig at awa, AKO ay balanse sa matinding poot, at sa paghuhukom at oo sa pagsusuklam, kayraming nakalimot na AKO ay mayroong poot at kasuklaman para sa AKING mga kaaway.

Hindi ba sabi ng AKING Salita, “Si Hakob ay AKING minahal, si Esau ay AKING kinasusuklaman?” Hindi ba sabi ng AKING Salita, “Pagpapala para sa mga yaong sumusunod. Sumpa para sa mga yaong sumusuway?” Dapat niyong ipangaral kung sino AKO sa kalubus-lubusan. Hindi lamang ang bahagi ni YAHUVEH na hindi nagbibigay sama ng loob, nguni’t ang bahagi ng Makapangyarihang Dios na si YAHUVEH na nagbibigay sama ng loob sa marami. Ang kasalanan ay kasalanan at AKO ay hindi nag-urong-sulong o nagbago ni hindi mangyayari sa AKIN kailanman. Tingnan ang Pahayag [Revelation] 19 at Pahayag [Revelation] 20. Gaano kakaunti ang nakaiintindi na AKO noon ay ang namatay na Tupa nguni’t minsan lamang. AKO ay isang biktima nguni’t minsan lamang. Para sa inyo, AKO ay naging biktima.

Nguni’t ngayon hindi na AKO ang maamo, mahinahong Tupa. Sa oras na AKO ay muling babalik upang sirain ang mga yaong sumalungat sa AKIN at sa Kabanalan makikita ninyo AKO ay Makapangyarihan [Almighty] kahiman din sa digmaan. Walang dapat ikatakot ang AKING mga Anak, nguni’t ang AKING mga kaaway ay manginginig at mangiginig nga sapagka’t alam nila na AKO ay isang Dios na magdadala ng paghihiganti sa AKING mga kaaway. AKO ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang katapusan. Pinigilan KO ang AKING matinding galit, binubuo ito para sa araw na iyon. Walang sinuman ang makahaharang sa AKING daan.

Ipangaral ito, ituro ito, upang ito ay paniwalaan ng iba. AKO ay isang Dios na hindi lamang nagdadala ng Kaligtasan, nguni’t kapahamakan rin para sa mga pumipili na kontrahin at tanggihan ang AKING Mapagligtas na Dugo at Mapagligtas na Pangalan. Walang ibang kaligtasan maliban ng paglapit sa pamamagitan ng dumaloy na Dugo ng Kalbaryo. At sa pamamagitan ng Pangalan ni YAHUSHUA ha MASHIACH. Kilala KO ang AKING mga Anak, at kilala rin nila AKO, at kilala KO rin ang lahat ng AKING mga kaaway. Sa oras na ikaw ay kanilang masanggi, AKO ay kanilang masasanggi. Kung inosenteng nasaktan ka nila AKING mga Anak, kung gayon AKO ay magpapatawad sapagka’t ang kaaway ay pumapalabas upang maglinlang at lumito. Nguni’t kung sila ay sadyang magtangka upang sirain ka, sabihin mo sa kanila na mag-ingat [beware].

Sapagka’t mismo ang AKING matinding poot ang kanilang maramdaman na hihinga pababa sa kanilang mga leeg. Sa pagsisisi lamang na muli sila ay mayroon ng AKING pabor. Pinapalo [chastise] KO ang mga yaong mahal KO. Pinupuksa KO ang mga kinamumuhian KO. Ang kung anong hindi Banal ay hindi sa AKIN. Kahit sinuman ang tumatayo sa likod ng pulpito at nagsasabing, “Ang Dios ay pag-ibig, siya ay makauunawa.” Ang KASALANAN ay KASALANAN. AKO ay isang Dios na kailanman ay hindi nagbabago. Ang mga tao ay nagbabago. AKO, ang dakilang “AKO NGA” [I AM] ay hindi nagbabago. Ipangaral ito, ituro ito, upang ito ay paniwalaan ng iba. Ang mga nakakikilala sa AKING boses ay kikilalanin na AKO ay nagsalita, ang lahat ng iba ay mananatiling bingi. Para sa AKING mga kaaway isang nakakikilabot na bagay na mahulog sa mga kamay ng buhay na Dios, na si YAHUVEH at YAHUSHUA. Paminsan-minsan oo, ikaw ay kailangan KONG paluin, nguni’t ang AKING mga kamay ay kumukubli [shelter], pumapatnubay, at pumuprotekta rin sa inyo. Ang AKING mga kamay para sa AKING mga Anak na sumusubok at sumusunod sa AKIN, ay walang bagay na dapat ikatakot, ang mga yaong nahugasan sa AKING Mapagligtas na Dugo.

Nguni’t ang mga yaong kinamumuhian AKO at kinamumuhian ang kung anong pinaniningdigan KO ay mayroong bawat dahilan na manginig at gayon nga’y sa kanila ito ay mangyayari. Magsisi kayo, ang Kaharian ng Langit ay nalalapit na. AKING inihandog sa iyo ang regalo ng kaligtasan, ngayon ito ay sa inyong pamimili kung pipiliin niyo ang kaligtasan o kapahamakan. Pumili kayo sa araw na ito aling Dios ang inyong paglilingkuran. Ipangaral ito, ituro ito, upang ito ay paniwalaan ng iba.

Ibinigay sa Anak, Mandirigma, Ikakasal ni YAHUSHUA ha MASHIACH sa 10/16/97

Propeta Sherrie Elijah [Prophet Elisheva Sherrie Eliyahu]

* * * * * * *