Propesiya 90
Ano ang Pangalan ng BANAL NA ESPIRITU?
Ano ang PANGALAN ng RUACH HA KODESH?
“AKO SI MAMA SHKHINYAH,
tinatawag ding MAMA WISDOM [KARUNUNGAN],
at AKO ang KALUWALHATIAN NI YAHUVEH!”
Isinulat/Isinalita
sa ilalim ng pagpapahid ni MAMA SHKHINYAH1
Sa
pamamagitan ni Apostol at Propeta Elizabeth Elijah [Elisheva
Eliyahu]
Pebrero 27, 2007
* * * * * * *
Ang “Shekinah” ay mula sa salitang Hebreo na HaSh’khinah na ang ibig sabihin ay “ang Presensiya” na naipapaliwanag bilang DIBINONG PRESENSIYA at madalas unawain bilang NAIHAYAG NA KALUWALHATIAN NI YAHUVEH na lahad sa sangkatauhan. Ang Shkhinah ay isang feminine na salitang Hebreo. Sa Juan 17 mababasa natin ang tungkol sa KALUWALHATIAN NI YAHUVEH:
Ang KALUWALHATIANG ibinigay mo sa AKIN ay ibinigay KO sa kanila; upang sila’y ganap na maging isa, gaya NATIN na IISA—AKO’Y nagkaisa sa kanila at IKAW sa AKIN upang lubusan silang maging isa, at sa gayon makikilala ng sanlibutan na sinugo MO AKO, at sila’y iniibig MO katulad ng pag-ibig MO sa AKIN. AMA nais KO na makasama ang mga ibinigay MO sa AKIN sa AKING kinaroroonan; upang makita nila ang AKING KALUWALHATIAN na ibinigay MO sa AKIN sapagka’t inibig MO na AKO bago pa nilikha ang sanlibutan. (Jn 17:22-24)
Alam natin na ibinigay ni YAHUVEH sa mga disipulo ni YAHUSHUA ang RUACH HA KODESH (BANAL NA ESPIRITU) pagkatapos na bumalik si YAHUSHUA sa Langit (Gawa 2:2-4). Si ‘MAMA’ SHKHINYAH, ang RUACH HA KODESH (BANAL NA ESPIRITU), ang KALUWALHATIAN NI YAHUVEH!
* * * * * * *
Nilalaman ng Propesiyang ito ang HEBREONG mga PANGALAN ng DIYOS:
YAH/YAHU
ay ang BANAL, SAGRADO na PANGALAN ng DIYOS
katulad sa “Alleluia”
o “Hallelu YAH,”
na ang literal na kahulugan ay
“Purihin si YAH”:
YAHUVEH/YAHWEH
ANG AMANG DIYOS;
YAHUSHUA/YAHSHUA
ANG KAISA-ISANG BUGTONG NA ANAK NG DIYOS—
HA MASHIACH ay
nangangahulugang “ANG MESYAS”;
ELOHIM ay
nangangahulugang “DIYOS”
Ang
Rebelasyon ng “SH’KHINYAH
GLORY”
—bilang
ang PERSONAL na PANGALAN ng RUACH HA KODESH,
sa Ingles ay
tinatawag na “The HOLY SPIRIT”- ay naririto rin sa site
na ito.
(HA
SH’KHINAH {SHEKINYAH}
ay HEBREO
para sa NAMAMALAGING
DIBINONG
PRESENSIYA ng DIYOS.)
Bukod
pa rito, ABBA
YAH
ay nangangahulugang “AMANG YAH”
at IMMA
YAH
ay nangangahulugang “INANG YAH.”
Ang mga banggit ng Kasulatan ay KJV o NKJV maliban kung naipahiwatig.
* * * * * * *
Mga Salita ni YAHUVEH kay Elisheva na maidadagdag bago ang mga Propesiya:
Binalaan kita matagal nang panahon Elisabeth [Elisheva],
na huwag ipangalan ang Ministeryong ito sa sinumang lalaki o babae.
Bago pa man nagkaroon ng Ministeryo. Inilagay ko ito sa iyong espiritu.
Pagka’t wala ni isa sa mga ito ang nagawa ng iyong mga kamay.
Wala ni isa sa mga ito ang nagmula sa iyong bibig.
Mula ito sa bibig ni YAHUVEH na nagbigay buhay.
Mula ito sa bibig ni YAHUSHUA,
Ang iyong MASHIACH (Tagapagligtas), na nagbigay buhay.
Mula ito sa bibig ng RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu),
Ang iyong IMMAYAH, na nagbigay buhay.
Kung ito lamang ay gawa ng iyong kamay, ito’y nabigo na noon pa man.
Ito ay sa pamamagitan ng hangin ng Kaluwalhatiang SHKHINYAH
Na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na hangin ng Pagpapanibagong-buhay.
Hindi ng iyong hininga o ito’y nabigo lamang.
“AKO ang PANGINOONG YAHUVEH: iyan ang AKING PANGALAN:
At ang AKING KALUWALHATIAN ay hindi KO ibibigay sa iba,
Maging ang AKING KAPURIHAN sa inukit na mga imahe.” Isaia 42:8
(Prophecy 105)
Sa Hulyo 2010, sinabi rin ng Diyos na si YAHUVEH na isama ang mga sumusunod bilang isang babala sa mga nanlilibak:
Ngunit hinamak nila ang mga Mensahero ng DIOS, kinamuhian ang kanyang mga salita, kinutya ang kanyang mga Propeta, hanggang umabot sa sukdulan ang galit ni YAHUVEH Elohim sa kanyang bayan at sila’y hindi na makaiiwas pa sa kanyang pagpaparusa.
—2 Cronica 36:16
* * * * * * *
Tinuruan ako mula sa Langit kung paano baybayin ang PANGALAN ng BANAL NA ESPIRITU. Dala-dala NIYA (SHE) ang PANGALAN NI YAH sa KANYANG (HER) PANGALAN gaya lamang na dala ni YAHUSHUA dahil SIYA (SHE) ang ULAP NG KALUWALHATIAN na pumapalibot kay ABBA YAH at SIYA (SHE) rin ay CO-CREATOR kasama si ABBA YAH at YAHUSHUA. Ito ang dahilan binabaybay namin ang KANYANG (HER) PANGALAN sa SHKHINYAH. Lagi SIYANG nagdadala ng kaluwalhatian kay ABBA YAH AT YAHUSHUA!
Walang ibang TAGAPAMAGITAN sa harap ng Trono maliban si YAHUSHUA. Sa pamamagitan lamang ng KANYANG PANGALAN at sa pamamagitan lamang ng KANYANG DUGONG ALAY, na tinatawag na BAGONG DUGONG KASUNDUAN, ay mayroong KALIGTASAN. (-Ang BANAL NA ESPIRITU, Propesiya 90)
HUWAG Kayong Sumamba sa
HUWAD na ‘REYNA NG LANGIT’!
Mayroong mga makademonyong diyosa, gaya ni Ashtoreth na inaangking “Reyna ng Langit” ng kanyang mga tagasunod. Hindi kami sumasamba sa anumang makademonyong diyosa gaya ng ipinaparatang ng ilan naming mga kaaway sa amin! Ang huwad [false] na ‘reyna ng Langit’ ay HINDI mula sa DIYOS na si YAHUVEH, ngunit mula sa dyablo! Hindi ito ang BANAL NA ESPIRITU, ang IKATLONG PARTE ng TRINITY, ngunit isang pag-uuyam (mocking) ng dyablo sapagka’t kinukopya ng dyablo ang lahat ng ginagawa ng DIYOS na YAHUVEH!
Pakiusap huwag niyong pagkamalian ang Propesiya 90 at 93 nang tukuyin ng BANAL NA ESPIRITU (sa Hebreo ay RUACH HA KODESH) ang KANYANG SARILI bilang ang “TANGING REYNA NG LANGIT” sa huwad na diyosang pagsamba na ito! Hindi namin sinasamba ang huwad na diyosang Ashtoreth o ANUMANG ibang huwad na reyna ng Langit! Sinasamba namin ang DIYOS na si YAHUVEH, ang TAGAPAGLIGTAS na si YAHUSHUA (“JESUS”) AT RUACH HA KODESH (BANAL NA ESPIRITU), na kilala rin bilang ang TUNAY NA REYNA NG LANGIT. Ang DIYOS na AMA, ANAK AT BANAL NA ESPIRITU ang PINAKADAKILANG MAMUMUNO sa kapwa Kaharian ng DIYOS at Langit. Ang BANAL NA ESPIRITU bilang feminine ay samakatwid ay maituturing na “REYNA” sa halip na HARI NG LANGIT. Kung feminine, SIYA (SHE) ang “TUNAY NA REYNA NG LANGIT”
Pagkukuwento sa Likod
ng Propesiya 90
Isinulat Agosto 2007
Ipinagdarasal ko na ang mga pagkapoot na koreo [mail] ay hindi manggaling mula sa mga yaong mayroong espiritu ng mga Pariseo, ang mga yaong mayroong relihiyon at hindi ng relasyon kay YAHUVEH at YAHUSHUA at walang pagkakakilala kung ano ang Pagpapahid [Anointing].
Alam ko na ako’y hinirang [anointed] bilang isang Banal na Propeta at hindi ito isang paligsahan ng kasikatan kung hindi matatalo ako, sinabi iyan ni YAHUSHUA sa akin matagal nang panahon. Ang mga huwad [false] na mga propeta ay ang mga nagbibigay lamang ng mga magagandang mensahe para hindi sila makasakit ng damdamin. Pakiusap ipanalangin ninyo ang Ministeryong ito at ako at ang lahat ng mga tumutulong at ang mga partner dito, at kasama rito ang mga Ikakasal [Bride] ni YAHUSHUA.
Pakiusap, mga Ikakasal ni YAHUSHUA, sumulat at ipakilala niyo ang mga sarili ninyo, kami ay bibisita sa huli sa inyong bansa at kung nais ninyo na makisama sa amin, hayaan natin na makilala ang isa’t isa. Isa sa mga pinakadakilang gantimpala ko rito sa mundo ay ang makilala ang mga Banal na Ikakasal ni YAHUSHUA, ang mga tunay na nagmamahal at sumusunod at inilalagay si YAHUVEH at YAHUSHUA una sa kanilang buhay at pagmamahal.
Lumabas ang mga Salitang ito dahil nagsimula akong nanalangin at pinaghahangad ang PANGALAN ng RUACH HA KODESH (BANAL NA ESPIRITU). Ang RUACH HA KODESH ay isang titulo, isang paglalarawan ng isang trabaho. Gayunman, hindi ito ang PANGALAN ng RUACH ha KODESH (BANAL NA ESPIRITU).
Ipinaskil ko sa website ang panaginip na tinatawag kong, ang “Bangketeng Lamesa na Panaginip” [“The Banquet Table Dream”], hindi ko makakalimutan kailanman kung gaanong pagmamahal mayroon para sa akin ang magandang matandang babae na nasa lamesa. SIYA ay sobrang napakaganda, walang linya o kulubot sa KANYANG mga mukha ngunit naaninaw ko SIYA ay isang matandang babae. SIYA ay mayroong napakagandang mahabang puting ‘wavy’ na buhok pababa sa kanyang likod. Minahal at minamahal NIYA ako nang may pagmamahal ng isang matapat na Ina. Nakikita ito sa KANYANG mga mata at mukha. Batid ko kung gaano NIYA ako pinahahalagahan. Sa panaginip, isinandal ko ang aking ulo nang may buong pagmamahal sa KANYANG balikat.
Elisheva Sherrie Eliyahu
Agosto 2007
Ang Bangketeng Lamesa na Panaginip
Tinanggap noong Abril 16, 1999.
Ang Rebelasyon ng panaginip na ito ay dumating sa eksaktong parehong buwan at araw,
Abril 16, 2002, makalipas ang tatlong taon!
Nagkaroon ako ng panaginip na ako ay nakaupo sa isang napakalaking silid. Ramdam ko na ako ay nasa Israel. Alam ko na ito’y hindi sa Amerika. Nakaupo ako sa isang napakagandang lamesa na may linen na mantel at magagandang dekoradong mga nakahanda sa lamesa kasama ang pinakamagandang mga pinggan at kubyertos na kailanman aking nakita. Ngunit, walang pagkain sa lamesa. Nakaupo ako sa lamesa katabi ang isang napakagandang matandang babae at isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat dinadama ang kanyang makaina na pagmamahal.
Naroon din ang isang matandang lalaki sa silid at sinabi niya sa akin na ang lahat na nasa lamesa ay nabasbasan na, kahit ang mga tela at kubyertos! Ang lahat ay nakahanda na. Hinihintay na lang namin ang mga bisita at lalo na ang tao o ang mga tao, hindi ako sigurado kung alin, mula sa kung saan tumubo ang mga espesyal na mga ubas na ginamit upang gawin ang alak. Kiersk or Kierska ay nakasulat sa bote. Ang matandang lalaki ay may puting buhok at siya’y tila isang mapagmahal na ama sa akin at ipinakita niya sa akin ang bote.
Sa kabilang panig ng alak ay isang nakabalot na lampin kung saan naiburda ko [embroidered] ang isang basket ng prutas, puno ng malalaking kulay-ube na mga ubas sa baging. Ang mga ubas ay napakalaki at napaka-makulay. Parang ang lampin na ito na aking naiburda ay nasa lagay ng karangalan at ipinakita ko ito sa aking malapit na kaibigan na nakaupo sa lamesa kasama ko. Hindi ako kailanman nakapagburda noon.
Ang babaeng nasasandalan ko, dama ko na ako’y napakalapit sa kanya, parang nag-aanyong isang ina [mother figure]. Ang lalaki ay parang nag-aanyong isang Ama [Father figure]. Dama ko na ako’y ligtas at matiwasay sa lugar na iyon at sobrang minamahal. Humanga ako at nagkomentaryo sa aking kaibigan na ang lahat ng bagay na ginamit para sa hapunan na iyon ay nabasbasan na!
Ang kusina ay may malaking pambungad kung saan nakikita namin ang loob, ngunit may bakod pa rin sa palibot. Ang mga plato ay nagagawang ipasa paloob at palabas at nakikita namin ang loob, gayunman wala akong sinuman na nakita sa kusina. Ang pasukan na pinto patungong kusina ay nasa kanan. Ang pambungad na pasulyap sa kusina ay deretsong nasa harapan ng aming lamesa. Hinihintay lang namin ang mga bisita, lalo na ang mga tao mula sa lugar kung saan ginawa ang Bagong Alak, na hindi pa nabubuksan. Naghintay kami para sa taong ito o mga taong ito na dumating muna.
Wakas ng Panaginip
Pagpapatunay na Email:
Mahal na [Elisheva] Sherrie,
Ang iyong panaginip na binanggit mo sa akin, dama ko na ito ay tungkol sa Kasalang Hapunan ng TUPA [Marriage Supper of the LAMB]!!! Ang susi nito’y ang lamesa na nabasbasan bago ang mga pagkain na naroroon at ang “panghapunang lampin” na iyong ibinurda.
Ang lahat ay magkakaroon ng mga gawain na kanilang ihahandog sa PANGINOON ngunit sila’y parang mga maruruming basahan, ngunit ikaw, Elisabeth [Elisheva] Sherrie, nabasbasan at binasbasan ni YAHUSHUA ang iyong basahan at ginawa itong isang lampin.
Ang pagbuburda ay isang uri ng paghahabi at ang paghahabi ay isang uri ng bahay-alalawa [web] at ang larawan na naroon ay sumasagisag sa oras, pagsisikap, at pangangalaga ng isang bagay. Naniniwala ako na ang lampin ay sumasagisag sa iyong mga web sites. Naniniwala rin ako na ang kusinang iyon ay maaaring sumasagisag sa Langit at ang silid-kainan ay sumasagisag sa isa pang lugar. Dahil lumilitaw na may trabaho pang gagawin bago tayo tumungo sa Langit, iyan ang dahilan kung bakit ikaw ay nasa silid na ito.
Sinabi rin ni YAHUSHUA na hindi SIYA iinum ng alak hanggang sa KANYANG pagbabalik, maaari kaya na dito manggagaling ang yaong alak? Iyan ang tungkol sa lahat ng aking nalalaman ngayon (Mateo 22:1-14)
Itinago ang pangalan (kahilingan ng nagpadala)
Rebelasyon ng Banketeng Lamesa na Panaginip
Abril
16, 2002
Noong Abril 16, 2002, 8 P.M. habang oras ng pag-aaral ng Bibliya, ibinigay sa akin ni ABBA YAHUVEH ang karagdagang rebelasyon na ito tungkol sa Banketeng Lamesa na Panaginip na nagkaroon ako sa parehong eksaktong petsa na ito, noong 1999.
Ang Kierska ay Khersa (Kursi), isang nayon malapit sa silangang baybayin ng Dagat ng Galilea. Matagal ko nang hinihintay ang rebelasyong ito kung saan itong lugar dahil ito ang dalawang mga bisita na matagal ko nang hinihintay na magdadala ng Bagong Alak. Ang dalawang mga bisita na ito ay darating bago ang Kasalang Hapunan ng TUPA.
Ibinabahagi na ni YAHUSHUA ang rebelasyong ito ngayon upang tawagin ang dalawang lalaki na ito na mga propeta at sa aking panaginip hinihintay ko ang dalawang lalaki na ito na mayroon ng yaong bagong alak at sila’y galing sa yaong bansa kung saan ginagawa ang bagong alak (KHERSA).
Kami ay sobrang natutuwa, sapagka’t ito ay nagpapatunay kung gaano tayo nalalapit sa Kasalang Hapunan ng TUPA [Marriage Supper of the LAMB] at ang pagdarating ni YAHUSHUA para sa KANYANG Ikakasal [Bride]!
Tandaan, naghihintay kami para sa isang tao o mga tao na magmumula sa Kiersk o Kierska kung saan inihahanda ang alak sa bote at nakapatong sa istante [shelf]. Ang lugar na ito ay kung saan nagmula ang mga ubas at kung saan nagmumula ang alak. Ang tao o mga tao na magmumula sa kung saan nanggagaling ang alak ay napaka-espesyal. Nakita ko ang pangalan sa bote ng alak. Kung alam ninyo o pamilyar sa inyo ito, pakiusap i-contact ang Ministeryo.
Idinagdag noong Agosto 27, 2007- kasama ng pagbibitaw ng Propesiya 90
Lagi ko ring ipinagtataka anong babae ang maaaring magmahal sa akin nang ganoon sa panaginip na ito. Sa mundong ito, kailanman ay hindi ako nagkaroon ng isang babaeng tagapagturo sa akin gaya ng isang Ina. Kailanman ay hindi ko nabatid ang makalupang pagmamahal ng isang ina o kahit ng isang tiyahin o ng lola. Sa parehong panaginip mayroon akong nag-aanyong isang Ama, na mayroon ding puting buhok, na nagmamahal sa akin nang sobra. Ipinagmamalaki niyang ipinakita ang habing yari ng sining na aking nagawa, sa isang dingding sa harapan ng bangketeng lamesa upang ito ay maaaring makita ng lahat. Sa mundong ito, kailanman ay hindi ako nagkaroon ng lalaking nag-aanyo bilang isang Ama, o anumang mapagmahal na relasyon ng isang lalaki maliban sa aking mga lalaking kapatid kay YAHUSHUA na sa pamamagitan ng pagsubok alam ko ay nasubok at napatunayang mga tapat.
Kaya sino ang babaeng ito na nasa Langit? Ang kanyang pag-ibig ay napaka-puspusin [overhelming] at napaka-tunay na nadama kong ito’y pumalibot sa akin sa kahit man mas kahanga-hangang paraan mula pa sa panaginip na iyon. Hindi na ako nagdadalamhati ngayon na kailanman hindi ko nabatid kung ano ang pakiramdam ng may mapagmahal na Ina o Ama. Alam ko sa Langit mayroon akong kalubus-lubusang pagmamahal ng isang Ina at Ama na kailanman ay maaaring asahan ng sinuman. Nguni’t sino ang babaeng ito? Ang aking makalupang byolohikong ina ay nasa impyerno, nang walang kaduda-duda. Binigyan niya lamang ako ng pagkamuhi at pang-aabuso. Kaya sino itong mapagmahal na Ina na nasa Langit?
* * * * * * *
Nasa akin na ang kasagutan. Ngayon kailangan ko ang inyong mga panalangin upang bigyan ako ng katapangan na iwika ito (Propesiya 90), dahil ang mga organisadong mga simbahan ay labis na magagalit at kahit ang mga yaong naniwala sa mga doktrinang gawang tao at naisalin nang di tama na mga Kasulatan sa Bagong Tipan [New Testament] ay tatawagin akong isang huwad na propeta, at gayunman alam ko na alam ko na alam ko, ako’y nabigyan ng isang lihim mula sa Trono ng Langit.
Ang sabi ng Bibliya, “Si YAHUVEH ay di gumagawa ng anumang bagay na di ipinababatid ang KANYANG balak sa KANYANG mga lingkod ang mga Propeta” (Am 3:7). Ngayon ako’y pinarangalan na ibahagi ang lihim na ito sa mga taong makakikilala sa tinig ng RUACH ha KODESH. Maaaring ito ang pinaka-kontobersyal na Propesiya na kailanman ibinitaw hanggang sa ngayon. Gayunman ginagawa ko ito sa pagsunod upang ang mga iba na nagdalamhati dahil sa kakulangan sa pag-iibigang ina at anak na relasyon ay mapagtatanto kung tinaggap nila si YAHUSHUA, mayroon sila nito noon pa man. Walang sinuman ang nagturo nito sa akin. Tunay na ito’y isang rebelasyon na mismong mula sa Langit.
* * * * * * *
Sa Kawikaan at Mga Awit2 alam mo ba na ang Karunungan [Wisdom] ay tinatawag na ‘babae’ [She]? Nang walang anumang karagdagang pag-aatubili, hayaan niyo akong ipaliwanag kung paano ko natutunan ang PANGALAN ng KATANGI-TANGING RUACH HA KODESH, na tinatawag ding BANAL NA ESPIRITU. Heto ngayon ang pagbabahagi ng pinakamatalik na lihim na ibinitaw sa akin at gayunman ang pinakapinagpala rin hanggang sa ngayon.
Kung gaano kalayo ang pinatunguhan ng Propesiya 90, ang lahat ng ito ay nagsimula nang ako’y naliligo bago namin nilisan ang South Africa. Nanirahan kami sa Port Alfred na ang harap ay dagat nang nangyari ang espirituwal na karanasang ito. Nagdarasal ako nang mag-isa at tinanong si ABBA YAHUVEH, sa PANGALAN NI YAHUSHUA, “Ano ba ang pangalan ng RUACH HA KODESH maliban sa Pangalan na ESPIRITU SANTO/BANAL na ESPIRITU?” Nanalangin ako at sinabi, “ABBA YAHUVEH, ipinahayag MO ang IYONG PANGALAN; YAHUSHUA ipinahayag MO ang IYONG PANGALAN, ngunit may PANGALAN ba ang BANAL na ESPIRITU o ito ba’y isang titulo o isang paglalarawan ng trabaho lamang?”
Naliligo ako sa Jacuzzi. Palagi kong inaakala na ang bumubulubok na tubig mula sa jetted tub ay sumisimbulo sa Buhay na Tubig [Living Water] at lagi kong hinihiling sa mga Banal na mga anghel na pukawin ang tubig, katulad sa mga Unang Panahon (Jn 5:4). Maraming beses nakatatanggap ako ng masdakilang Pagpapahid habang naliligo at nagsasamba at umaawit ng mga kanta ng pagpupuri. Mga Propesiyang Mensahe at mga Rebelasyon ay lumalabas at bihira akong naliligo na hindi nagdarasal, umaawit at pinupuri si YAHUVEH, YAHUSHUA, at ang RUACH HA KODESH. Mayroong Pagpapalagayang-loob [Intimacy] sa ating AMANG YAHUVEH na nadarama ko nang napakalabis habang umaawit ng mga kantang papuri at pagsamba na nagmumula sa aking puso, para sa KANILANG lahat na tatlo.
(At mayamaya habang hinahanap ko ang kasagutang apirmasyon sa katanungang, “Ano ang PANGALAN ng KATANGI-TANGING RUACH HA KODESH?” Nahanap ko ang isang kayamanang kahon sa Hebreo at Aramaic na pagsasalin, at binasa ko ang Aklat ng Karunungan, na napagsawalang-bahala dahil hindi ito sinang-ayunan ni King James na isama sa Bibliya. Huwag lamang magdepende sa anong isinulat ng mga Romano. ‘Mag-aral at ipakita ang inyong mga sarili na nasasang-ayunan [approved],’ 2 Tim 2:15)
* * * * * * *
Nais kong sabihin dito, na ang Propesiyang nasa ibaba ay isa lamang sa maraming ibinigay sa akin na hindi pa naipapaskil sa aming mga website sa oras nitong pagsulat. Napakarami ang nangyayari sa likod ng mga eksena. Kami ay nanatiling sobrang bisi sa South Africa at ganoon pa rin habang nilalakbay namin ang mundo. Walang anumang paraan na nadarama kong ako’y sapat na karapat-dapat para mabigyan ng karangalan na ipakilala sa inyo ang PANGALAN ng BANAL NA ESPIRITU. Isang karangalan ang tawaging isang Propeta at gayunman ito rin ay isang katakot-takot na bagay. Ako ay may pananagutan sa lahat ng aking sinasabi, at sa mga hindi ko ipinagsasabi.
Ngayon aking binibitawan ang Salitang ito ayon sa iniatas ng RUACH HA KODESH. Ang pakiusap ko lamang sa inyo na gawin ay kunin ninyo ang oras at basahin ito nang higit sa isang beses at para sa mga nakaririnig sa Tinig ng RUACH HA KODESH, na SIYANG akin nang tinatawag ngayon na MAMA WISDOM (KARUNINGAN) o MAMA SHKHINYAH GLORY, kung naririnig ninyo ang KANYANG Tinig pakiusap sulatan ninyo ako. Pakiusap turuan niyo ang iba, kahit kung tanggihan nila kayo sa paggawa nito. Pakiusap pag-aralan ninyo ang lahat ng mga pruweba na aking inipon sa ngayon. Pag-aralan ninyo ito at tingnan, hindi ako nagsasabi ng anumang bagay na wala sa mga Banal na Kasulatan. Tanging ang mga tagasalin ng Bagong Tipan ang bumago ng ‘She’ na maging ‘He’.
Ang rebelasyong ito ay unang ipinahayag sa akin sa South Africa, ngunit hinintay ko hanggang sa mas marami pang kompirmasyon ang dumating mula sa Langit, gayon rin kung kailan ko dapat ipagbitaw ito. Ipinagdasal ko kung kailan bitawan ang mensaheng ito higit kaysa sa anuman sa ngayon dahil sa pagkamuhi na maibabato laban sa akin mula sa mga umaangking sila’y mga Kristiyano o mga tagasunod ni YAHUSHUA at gayunman ayon sa kanilang mga bunga alam mo na mayroon lamang silang mga anyo ng kabanalan at walang KABANALAN sa panloob (2Tim 3:5).
Ang mga organisadong mga simbahan ay magngangalit ng kanilang mga ngipin sa matinding galit dahil hindi sila interesado sa Katotohanan at mga Rebelasyon na ibinigay sa isang Banal na Babaeng Propeta. Magkakaroon ng mga mataos na nais lamang sipiin (quote) ang di tamang pagsasalin kung saan nakasulat sa Bagong Tipan tinatawag ang BANAL NA ESPIRITU na ‘HE’ (lalaki).
Kailangan ko bang ipaalala sa inyo kung paano pumapasok ang pagmamataas ng lalaki higit sa isang beses pagdating sa babaeng kasarian sa Banal na Kasulatan at ang mga nagsalin sa mga Banal na Kasulatan ay naging may pagkiling (biased) laban sa sinumang babaeng espirituwal na lider?
* * * * * * *
Bagaman ibinigay ang Propesiyang ito sa akin noong Pebrero 27, 2007, hindi pa ako sinabihan na bitawan ito hanggang sa Agosto 27, 2007. Nais kong malaman ninyo isang sandakot lamang na mga tao ang nakaaalam tungkol sa Propesiyang ito.
Sinadya kong naghintay at nagpapasalamat sa bawat araw na hindi ko kailangang bitawan ang bagong Propesiyang Mensahe na ito, dahil, sa totoo lang, walang sinumang nais matanggihan o mapasalitang abusuhin, lalo na ng mga Kristiyanong umaangking sinasamba nila ang parehong MESYAS na aming sinasamba, ngunit ang kanilang tawag sa KANYA ay ‘HESU KRISTO’ at amin SIYANG tinatawag ayon sa KANYANG Hebreo at Aramaic na PANGALANG YAHUSHUA o YAHSHUA, depende sa kung sino ang iyong kinakausap.
Sa aking mga kaaway at sa mga yaong magtataas sa inggit at magsasabi “Bakit ka pipiliin ng RUACH HA KODESH para ibigay ang mensaheng ito?” iyan ay isang magandang katanungan. Sigurado ako na kahit sinong Propeta ay parehong gagawin ang ganoon. Ang alam ko lamang ay ako’y pinili at katulad ng kung gaanong hindi umaasa ang aking laman sa mga nakamumuhing mga salita na mailalayon sa aking direksyon, alam ko rin na hindi ko maaaring biguin ang KATANGI-TANGING RUACH HA KODESH at si YAHUVEH.
Natanong ng ilan sa akin, “Gaano pa katagal bago mo bitawan ang Propesiya?”
Sinabi ko, “Alam ko ang petsa ngunit kailangan ko muna ng mas marami pang Kasulatan para suportahan ito.” Ngayon, Agosto 27, 2007 ang petsa na pinili ng Langit para sa pagsilang nitong binitawang Propesiya at pagsilang ng bagong disenyo ng web sa site ng Ministeryo. Pag-akalain ninyo ang aking pagkamangha habang tina-type ko ito ngayon, nandirito pa rin sa Europa at tingnan ang petsa kung kailan ibinigay ang Propesiyang ito, Pebrero 27,2007 at ang Propesiya 89 noong Enero 27, 2007. Ang lahat ng tatlong petsa ay nasa ika-27 ng buwan.
* * * * * * *
Ang Hebreong salita na ruach (Sa Aramaic rucha) ay nasa gramatikang feminine gayon din ang mga pariralang RUACH HA KODESH AT RUACH HA KADOSH. Sa Propesiya 90 and BANAL NA ESPIRITU MISMO (HERSELF) ay ginamit ang, “RUACH HA KODESH” bilang isa sa KANYANG (HER) mga ‘Pangalan’. Ang Ruach ay nangangahulugang “espiritu”, “hangin”, “hininga”, o himpapawid. Ang katumbas sa Griyego ay pneuma at sa Latin ay spiritus.
Sa Juan 14:16 (KJV), ang tungkulin ng RUACH HA KODESH ay inilarawan ni YAHUSHUA ayon sa yaong “TAGA-ALIW” [“COMFORTER’] at ang pagkakakilanlan ng “TAGA-ALIW” kay YAH na gumaganap bilang isang ‘ina’, mababasa natin sa Isaiah 66:13, “Ikaw ay AKING aaliwin sa Jerusalem, tulad ng pag-aliw ng isang ina sa kanyang anak” (GNT). Bukod pa rito, mayroon pang maraming mga sipi kung saan ang Bibliyang Peshitta3 mismo ay pinapares ang RUACH HA KODESH sa pambabaeng mga pandiwa [feminine verbs] at/o pambabaeng mga panuring [feminine modifiers]. Sa katunayan ang Peshittang Aramaic ng Roma 8:16 ay nagbubukas sa, “At SIYA [SHE] ang RUACH ay nagdadala ng pagpapatotoo kasama ng aming espiritu.”
* * * * * * *
Ipinahiwatig rin ni YAHUSHUA ang ESPIRITU ay feminine. Bilang tugon sa katanungan mula kay Nicodemus na nagtanong, “Papaanong maipapanganak ang isang tao kung siya ay matanda na? Maaari ba siyang pumasok sa sinapupunan ng kanyang ina sa pangalawang pagkakataon at maipanganak muli”? (Juan 3:4), ang sabi ni YAHUSHUA, “Walang sinuman ang makapapasok sa Kaharian ng DIYOS maliban kung hindi pa naipapanganak mula sa tubig at ang ESPIRITU [NLT]. Ang laman ay ipinanganak ng laman, ngunit ang espiritu ay ipinanganak ng Espiritu.” (Juan 3:5-6).
Nang tumugon si YAHUSHUA, inaamin NIYA na SIYA ay ipinanganak rin mula sa ESPIRITU. Sinasabi NIYA na SIYA ay hindi laging laman ngunit SIYA ay ESPIRITU bago pa SIYA dumating sa Lupa, hindi nga ba? Kaya sa gayon, dagliang tumungo sa akin ang Rebelasyon habang muli ko itong binabasa bago ito i-post. Inaamin ni YAHUSHUA na dapat din SIYANG ipanganak mula sa ESPIRITU at syempre ito’y mangangahulugang ang yaong ISA na tinatawag na “BANAL NA ESPIRITU.” Mayroon lamang TATLO sa PAGKA-DIYOS [GODHEAD], hindi ba? Ang BANAL NA AMA NA SI “YAHUVEH”, BANAL NA ANAK NA SI “YAHUSHUA”, at ang BANAL NA ESPIRITU, na sa Hebreo ay tinatawag na “RUACH HA KODESH.”
Ano tayo bago tayo naging laman? Nang tayo’y nilikha sa Langit kinakailangan na tayo’y mga espiritung nilalang, sa kakulangan ng mas mahusay na mga salita. Ang sabi ng Kasulatan, “Ang laman at dugo ay hindi maaaring pumasok sa Kaharian ng Langit” (1 Corinto 15:50). Sa gayon, papaano tayo nalikha sa Langit?
* * * * * * *
Naniniwala ako na isa itong Propesiya kung saan ang RUACH HA KODESH ay nagsasalita at nagbibigay ng ilang mga kasagutan sa paraang hindi ko pa naririnig noon. Naniniwala ako na ang kaalamang ito ay yayanig sa mundong ito sa paraang espirituwal at sa pisikal. Naniniwala ako na ang mga tunay na mga Ikakasal ni YAHUSHUA HA MASHIACH ay magkakaroon ng espirituwal na mga mata para makakita at espirituwal na mga tenga para duminig.
Ang salitang ito mula sa Langit ay nagdala sa akin ng gayong kapayapaan at kasiyahan, Ako ngayon ay napaparangalan na ibahagi ito sa aking mga Banal na mga lalaki’t mga babaeng kapatid.
Mula pa ng 1995 na ako’y nasa Internet na nagpopropesiya at ang bunga ng ministeryong ito’y napatunayan na ito ay mabuti. Kapag mababasa mo ang lahat ng mga balita ng kaligtasan makikita mo kung gaano kalayo ang inaabot ng Ministeryong ito. Hindi ako isang fly-by-night na Propeta, na kumukopya ng mga balita at inaangking ito ay Propesiya. Kapag hindi kayo nakaririnig ng bagong lumalabas na Propesiya paglipas ng ilang daming panahon ito ay dahil naghihintay ako sa tamang tiyempo para sabihin ni YAHUVEH, ‘Pakawalan mo ang Salita.’ Sumusunod lamang ako.
Inaamin ko nang binitawan ang Salitang ito sa akin, napawalang-malay ako. Hindi pa ako kailanman nakarinig ng ganitong bagay. Pagkatapos naghukay ako sa Banal na mga Manuskrito at nahanap ko ang katibayan maging sa KJV na Bibliya.
Isinasama ko ang Banal na mga Kasulatan para sa inyo na nguyain. Inaamin ko ito ay matibay na espirituwal na laman [strong spiritual meat] at hindi para sa mga may mahihinang pananampalataya.
Si Adan ay hindi bugtong na anak;4 siya ay hinubog mula sa alikabok. Si Eba ay hindi bugtong na anak siya ay hinubog mula sa tadyang ni Adan. Ang mga anak ni Adan at Eba ay ipinanganak at sila ay bugtong na anak sa pamamagitan ng normal na proseso ng panganganak. Si YAHUSHUA ay bugtong na anak ngunit sa Langit hindi sa Lupa, papaano? Huwag niyo akong tanungin, ang lahat ng ito ay baguhan din sa akin. Alam natin na si Mary ay isang birhen nang siya’y magbuntis. Nasusundan niyo ba ang mga sinasabi ko? Ito ay matibay na espirituwal na laman. Tutunawin niyo ba at nguyain ito o ibubuga niyo ito pabalik sa akin? Nasa inyo ang pagpipili!
Hey, hindi ako sapat na matalino para matuklasan ito. Mayroon lamang ako ng Haiskul na edukasyon kaya’t hindi niyo ako maaaring tawaging isa sa mga edukadong mangmang. Ito ay tunay na rebelasyon mula sa Langit at dalangin ko na kayo ay pagpapalain nito tulad sa akin at sa lahat ng ibang pinagbahaginan ko nito. Hindi niyo na kailanman muling mararamdaman na nag-iisa kahit kayo ay isang ulila tulad ko. (Ayon kay Merriam-Webster ang ibig sabihin ng bugtong na anak [begotten] ay, “upang magpakarami bilang ama; ninuno.” Sa Griyego ang salitang ‘nagkaanak [begot]’ ay “apokueo”. Ito ay mula sa salitang ‘kuo’ o ‘kueo’, na ang ibig sabihin ay magdalang tao. Sa gayon ang ibig sabihin ng ‘apokueo’ ay ‘manganak mula sa sinapupunan’ o ‘magbigay ng kapanganakan’ na ang ibig sabihin ay ang pagkalihi ng buhay [conception of life].)
* * * * * * *
Marahil ang unang argumento na maaaring maihain upang suportahan ang pagkababaeng kasarian [feminine gender] ng BANAL NA ESPIRITU ay ang KANYANG [HER] kaugnayan sa ‘ESPIRITU NG KARUNUNGAN’ ng Exodo 28:3 at Mga Taga-Efeso 1:17. Sa parehong Luma at Bagong Tipan, ang KARUNUNGAN ay madalas binibigyang katauhan sa pambabaeng kasarian: “Itinayo ng KARUNUNGAN ang KANIYANG [HER] bahay, nagsibak SIYA [SHE] ng KANIYANG [HER] pitong mga haligi” (Kawikaan 9:1).
Ang Kawikaan kabanata 8 at 9 sa katunayan ay isang pinahabang alegorya ng KARUNUNGAN na nailarawan bilang babae. Sa Mateo 11:19 at Lucas 7:35 mababasa natin: “Ang KARUNUNGAN ay kilala ng KANYANG [HER] mga anak.” Sa Lucas 11:49 mababasa natin: “Dahil dito ang sabi ng KARUNUNGAN NG DIYOS, AKO rin ay magsusugo sa kanila ng mga Propeta at mga Apostol.” Sa tekstong ito iniuugnay ng ating PANGINOON ang ‘KARUNUNGAN NG DIYOS’ sa BANAL NA ESPIRITU, na nagbigay ng DIBINONG INSPIRASYON sa mga taong nagsulat sa mga Kasulatan (2 Peter 1:21), ipinapahiwatig ang BANAL NA ESPIRITU at ang ESPIRITU NG KARUNUNGAN na IISA.
Ang salitang Hebreo ng Lumang Tipan para sa karunungan ay hokma, na mayroong pambabaeng katapusan. Ang karunungan sa Griyego ay Sophia, isang pambabaeng pangalan. Kaya’t lalo na kapag binabasa mo ang KJV na Bibliya kung saan ang Bagong Tipan ay isinalin sa Ingles mula sa Griyego, ang Karunungan ay dapat na isinalin bilang “Sophia”. Ano ang naging layunin ng mga tagapagsalin para hindi ito idagdag? Sa Huling mga Oras [End Times] na ito ang Katotohanang itinago ay inihahayag. At ngayon sa Karunungan ni Solomon:
Ang KARUNUNGAN ay di kailanmang papasok sa kaluluwang gumagawa ng kasamaan—sapagka’t ang BANAL NA ESPIRITU NG PAGTUTURO ay lumalayo sa mapanlinlang (1:4-5)
Ang KARUNUNGAN-- sa loob NIYA [HER] ay isang ESPIRITUNG MATALINO, BANAL (7:21-22)
Sapagka’t ang KARUNUNGAN – ay napaka dalisay, nilalaganap NIYA [SHE] at tinatagos ang lahat ng bagay. SIYA [SHE] ay HININGA NG YAONG KAPANGYARIHAN NG DIYOS, PURONG PINAGMULAN NG YAONG KALUWALHATIAN NG MAKAPANGYARIHAN (7:24-25)
Kaya NIYANG [SHE] gawin ang lahat ng bagay; ang KANYANG SARILI [HERSELF] na hindi nagbabago, nababago NIYA [SHE] ang mundo, at, henerasyon pagkaraan ng henerasyon, nagpalipa’t lipat sa mga Banal na mga Kaluluwa, ang mga ito’y ginagawa NIYANG [SHE] mga Kaibigan at mga Propeta ng DIYOS (7:27)
At sinuman ang maaaring makaalam kailanman ng IYONG Kalooban, hindi ba’t nagbigay KA ng KARUNUNGAN at ipinadala ang IYONG BANAL NA ESPIRITU mula sa itaas? (9:17)
Iniuugnay ni YAHUSHUA HA MASHIACH ang ‘ESPIRITU NG KATOTOHANAN’ sa BANAL NA ESPIRITU (Juan 16:13). Ang KARUNUNGAN (SOPHIA) at ang BANAL NA ESPIRITU ay nagbabahagi sa parehong tungkulin (Mga Taga-Corito 2:7-11; Mga Taga-Roma 5:5; 1 Juan 5:6-7 KJV). Kung hindi dahil sa mga lalaki [masculine] na may pagkiling laban sa mga babae ng nakaraang mga teologo [theologians], ang Simbahan animo’y kinilala sana ang pagtukoy sa KARUNUNGAN sa Lumang Tipan bilang mga literal na paglalarawan ng RUACH HA KODESH (BANAL NA ESPIRITU).
* * * * * * *
Ang pangalawang argumento na maaaring maiahin na susuporta para sa feminine na kasarian ng BANAL NA ESPIRITU ay matatagpuan sa mismong mga salitang naipalagay kay YAHUVEH at sa BANAL NA ESPIRITU.
Ang salita para sa DIYOS sa salitang Hebreo ay “ELOHIM.” Kinikilala ng karamihang mga iskolar na ang salitang ito ay may pangmaramihang pagtatapos [plural ending], na alin ay iminumungkahi ng iba isang Lumang Tipan na gunamgunam ng TRINITY. Ang hindi nalalaman ng mga karamihang mga iskolar o hindi nila iniintinding ipaalam sa kanilang mga kasamahan ay, alin man sa dalawa, ang “ELOHIM” ay hindi ang pangmaramihan [plural] ng ‘EL’, ang masculine na anyo ng yaong salita. Ito ay ang pangmaramihan ng feminine na “ELOAH.” Ang salitang ELOHIM ay mayroong kapwa masculine na kasarian gayon din ang feminine na kasarian na isinama dito. Ang ating MGA MANLILIKHA ay kapwa ng dalawang kasarian at siyempre alam natin ayon sa Genesis na ang RUACH HA KODESH gayon din si YAHUSHUA ay nagtrabaho kasama si YAHUVEH upang likhain ang mundo:
At nilikha ni ELOHIM ang tao5 sa KANYANG Imahe, sa Imahe ni ELOHIM KANYA siyang nilikha; isang lalaki at isang babae sila ay nilikha NIYA Genesis 1:27.
Ipinapahiwatig nito na ang kapwang mga kasarian ay nabubuhay sa DIYOS [GODHEAD]. Na ang BANAL NA ESPIRITU ay ang naitalagang representasyon ng feminine na prinsipyo na higit pang sinusuportahan ng Hebreong salita para sa ‘Espritu’ na “Ruach,” isang feminine na salita.
Sinisipi ko ngayon si Jerome, ang autor ng Latin Vulgate, (Inaamin ko hindi ko pa nabasa ang Latin Vulgate, ngunit nahanap ko ito sa pamamagitan ng pag-aaral pagkatapos na ibinigay ang Propesiya sa akin.) Ang Komentaryo ni Jerome sa Isaias 11:
Sa Ebanghelyo ng mga Hebreo na binabasa ng mga Nasareno ito ang sabi, “Ngayon lamang ang AKING INA, ANG BANAL NA ESPIRITU ay kumuha sa AKIN” Ngayon walang sinuman ang dapat na mayamot batay dito, dahil ang ‘espiritu” sa Hebreo ay feminine, habang sa ating wika [Latin] ito ay masculine at sa Griyego ito ay neuter (parehong kasarian). Sa dibinidad [divinity], gayunman, ay walang kasarian.
Ang paliwanag na ito ay naglalaman ng isang kagila-gilalas na pag-amin ni Jerome sa katotohanan—isang mas lalong orthodox na pigura na hindi kayang akalain—na ang Hebreong salita para sa Espiritu, ang “Ruach,” ay feminine. Ibig sabihin nito para sa mga Unang Siglo na mga Kristiyano—na mga malawakang nangangasiwa sa mundo ng Aramaic; (Ang simbahan ni Pablo ay napakaliit kung itulad)—ang BANAL NA ESPIRITU ay isang Babaeng Pigura [Feminine Figure]. Nawala ito sa pagsasalin sa Griyego mula sa Hebreo, at pagkatapos binago ito sa kasariang panlalaki [masculine gender] noong isinalin ito sa Latin mula sa Griyego.
* * * * * * *
Panghuli, ang teolohikong may pagkiling ay nagtungo sa mga Kristiyano para paniwalaang ang pagkakaiba ng kasarian ay hindi mahalaga, ipinapalagay na walang kasarian sa DIYOS at kung kaya, ito ay hindi mahalaga at gayunman ang masculine na kasarian ay palaging higit na inihaharap. Sa maraming siglo ng kaasalang ito ng mga Kristiyanong mga lider, ng mga doktrina at ideya na gawang tao, hangad ko ang katotohanan at nananalangin para sa wala nang iba kundi ang katotohanan ni YAHUVEH. Sa tingin ko ito ay mahalaga. Hindi tayo pinapayagang baguhin ang kahit isang “kudlit o pamagat” sa Batas (Mateo 5:18), at kung ang DIYOS ay kinakatawan bilang isang ‘KATAUHAN’ [‘BEING’] na sinasaklaw ang kapwa masculine at feminine na kasarian, kung gayon tayo ay mga mangmang para itago ang katotohanang iyon sa ating mga pagsasalin ng Sagradong Teksto.
* * * * * * *
Isipin ang isang pamilya at ano ang kabuuan nito—hindi ko nais na sabihin ang parehong kasarian [same sex] na katarantaduhan ng panahong Sodoma at Gomorra na dinadanas ngayon nitong mundo. Maniwala kayo sa akin, si YAHUVEH ay hindi makukutya [mock] nang katagalan. Katulad na umani ang Sodoma at Gomorra ng anong naihasik noon, ganoon din ang mangyayaring muli sa mga nagpahintulot at gumagawa ng mga bagay na ito.
Ang pamilya ay dapat binubuo ng isang ama, ina at mga anak. Ito ang naririnig ko mula kay YAHUVEH at aking sasabihin, “AKO, si YAHUVEH ay lumikha ng leona [lioness] upang manganak lamang ng leon at ang babae ay maaari lamang manganak ng tao.” Hindi ba ito maaaring tumayo upang pangatwiran na DIYOS lamang ang maaaring manganak ng isang Diyos?6 Si YAHUSHUA “ANG BUGTONG NA ANAK LAMANG NI YAHUVEH”7 Kaya SINO ang MAKALANGIT NA INA na nagpanganak kay YAHUSHUA? Ito ba ang Lihim ng kung anong ibig sabihin ng ‘ipinanganak’ ng RUACH HA KODESH?
Ang RUACH HA KODESH ay ESPIRITU, kung kaya ang isang isinilang muli mula sa KANYA ay nagiging espiritu at ang RUACH HA KODESH ay namumuhay sa loob ng ating katawan hanggang tayo’y mamatay o tangayin [raptured] sa Langit, alin man ang mauna. Ang RUACH HA KODESH kasama ang KANYANG [HER] Walang Hanggang Likas [Eternal Nature] ang tinutukoy ng Kasulatang ito, “Ang maging liban sa katawan ay maging kasalukuyang kasama ang PANGINOONG YAHUSHUA” (2 Cor 5:8).
Natanggap ko ang Rebelasyong ito habang sinisikap kong magsilid ng pruweba sa likod ng pinakabagong Salita ng Propesiya 90. Sinasabi ng Banal na Kasulatan, ‘Ang titik ay nagdudulot ng kamatayan ngunit ang ESPIRITU ay nagbibigay-buhay’ (2 Cor 3:6). Ang bagong relasyon na ito sa pagitan ng tao at ng RUACH HA KODESH ay isa sa mga bagay na kikilala sa tao kung sila’y mga ipinanganak muli.
Sa mga susubok at magtatatak sa akin na isang huwad na propeta, gawin niyo ang sariling pananaliksik. Mag-aral kayo at ipakita niyo ang inyong mga sarili na nasasang-ayunan [approved]. Alam ng bawat mga Hebreo na sa Hebreo ang ‘Ruach’ ay hindi lalaking pangalan! Sabihin niyo sa akin, bakit ang ‘Karunungan’ sa Banal na Kasulatan, maging kahit sa KJV, ay tinawag na ‘She’? Hindi ba ang RUACH HA KODESH ay ‘PAWANG-KARUNUNGAN’?
Umupo Ako sa Kandungan ni DADDY YAHUVEH!
Pagmamahal ng MAKALANGIT NA AMA
Idinagdag Hunyo 20, 2010
Noong Hunyo 20, 2010, nakausap ko si DADDY YAHUVEH at umupo sa kanyang Kandungan—at gaya lamang na ipinagpahinga ko ang aking ulo sa Balikat ng isang MAKAINANG ANYO gaya ng INANG KARUNUNGAN ng Proverbs sa Bangketeng Lamesa na Panaginip—akin ding inihiga ang aking ulo sa Balikat ni ABBA YAHUVEH, ang aking MAKALANGIT NA AMA. Nais kong ibahagi ito rito dahil nangyari ito sa oras nang ako’y mabigat na inusig at labis ng dahil ako’y pinagtatatak na huwad dahil sa pagbibitiw ng Propesiya 89 at 90.
Pagsasagupa
Bagama’t nakatulog ako, alam ko na hindi ito ‘panaginip’ sa regular na diwa ng salita. Sapagka’t alam ko ito ay sa tunay na buhay. Nagsimula ang lahat ng ito sa akin nang nagdarasal kay YAHUVEH at umiiyak sa malakas na tinig sa pinakabagong mapanirang kasinungalingan na sinasabi ng mga kaaway para sa layuning habulin palayo ang mga tupa’t mga kordero mula sa Ministeryong ito. Ang aking emosyon ay hindi na makayanan. Sinabi ko sa malakas na tinig:
ABBA YAHUVEH sa PANGALAN NI YAHUSHUA HA MASHIACH, PAKIUSAP IUWI MO NA AKO SA LANGIT! HINDI KO NA GUSTONG NARIRITO SA MUNDONG ITO! HINDI KO HINIHILING NA MAMATAY, GUSTO KO LAMANG NA UMUWI NA SA LANGIT KATULAD NG KINUHA MO SI Elijah ng Unang Panahon! SOBRANG NAPAKARUMI NG MUNDONG ITO AT HINDI KO HINIHILING NA MAMATAY [NGUNIT] DAHIL HINDI KO KAILANMAN NAIS ANG AKING KATAWAN NA NAMUHAY NA BANAL PARA SA IYO NA MAILIBING SA NAPAKARUMING MUNDONG ITO.
Pagkatapos, nakatingin ako sa anyo ng anong parang nagmumukhang isang napakalaking tao ngunit hindi ko kailanman nakita ang KANYANG MUKHA. At gayunman alam ko na SIYA’Y si ABBA YAHUVEH! Nakaupo SIYA sa naadornong upuan sa tapat mula sa akin sa aking kwarto! Hindi ko kayang ipaliwanag dahil alam ko na ginagamit ni YAHUVEH ang sanlibutan para patungan-ng-paa [footstool] kaya’t tiyak na hindi SIYA maaaring magkasiya sa upuang iyon o sa bahay na ito at gayunman dumalo siya sa akin sa ganitong paraan.
Sinabi NIYA, “Halika dito,” sa mabalasik na tinig. Natakot ako na baka may nasabi akong bagay na mali at hindi ako tumungo sa KANYA. Sa halip naalala ko kung paanong natungtong si Job sa pagkaabala dahil tinanong niya si YAH.
Pagkatapos iniabot NIYA ang KANYANG mga Kamay at sa mahinang Tinig sinabi, “Sabi KO halika dito.” At gaya ng isang maliit na bata tumungo ako sa aking DADDY at umupo ako sa KANYANG Kanlungan. At nasimulan ko lamang na ibuhos ang aking puso kasama ng lahat ng mga dahilan kung bakit hindi ko na gustong naririto sa mundong ito. Sinabi ko sa KANYA na puno na ako at naibulalas ko lamang ang aking mga pagkasiphayo [frustrations]. Nang tila walang paghinga. Mabilis akong nagsalita.
Naaalala ko lang ang LIWANAG sa lahat ng palibot ng anyo ng aking DADDY YAH at ang kaputian ng Buhok, ngunit hindi ko makita ang KANYANG MUKHA.
At dinala NIYA ang KANYANG Kamay nang walang sinasabing isang salita at inihiga NIYA ang aking ulo sa KANYANG Balikat…Nang nagising ako mayroon akong ganoong KASIYAHAN dahil alam ko na iyon ay higit sa isang panaginip. Alam ko na umupo ako sa kanlungan ni DADDY YAH.
Wakas ng Pagsasagupa
Natulog ako na sobrang nalulungkot samantalang ang mga kaaway na ito ay sobrang brutal na gumulpi sa akin sa pamamagitan ng kanilang mga salita at ako ay nagising nang may KASIYAHAN at ang buong sambahayan ay maaaring tumestigo rito. Ganito kung paano makapangyarihan ang ating mga salita. Kapag tayo’y magsalita kahit mula sa pagkasiphayo, nakikinig si YAHUVEH sa bawat salita.
Hindi ko alam kung ito’y mayroong anumang kinalaman dito, ngunit ang pinta na One Minute to Midnight (ang pinta ng isang pangitain ng Langit kung saan si YAHUSHUA ay namamagitan at umiiyak para sa KANYANG mga tao) ay nakasabit sa dingding sa likuran ng yaong upuan kung saan umupo si YAHUVEH. Ngayon sinisinta ko na itong luma, pangit na upuan! Tinititigan ko ito nang maraming beses sa isang araw at lagi kong naaalala kung gaano minamahal ng ating MAKALANGIT NA AMA ang KANYANG mga anak.
Ngayon alam ko hindi lamang sa langit na inihiga ko ang aking ulo kay MAMA WISDOM, sa Balikat ni MAMA RUACH HA KODESH, ngunit ngayon sa Balikat ni ABBA YAHUVEH rin mismo dito sa aking kwarto. Hayaan ang mga kaaway na kumutya. Pinapangako ko sa aking kaluluwa na ito ay totoo at mabuting bunga lamang ang lumabas! Pinagpalakas loob lamang ako nito upang magpatuloy at lumakad sa aking pagkatawag at magtungo ng mga kaluluwa kay YAHUSHUA! Habang inyong babasahin ang susunod na mga Propesiya, isaisip ninyo ang mabuting bunga na dinadala nila at yaong lagi silang nagtuturo kay YAHUSHUA para sa KALIGTASAN.
Apostol at Propeta
Elisheva Eliyahu
* * * * * * *
WALANG ibang TAGAPAMAGITAN sa harapan ng Trono maliban si YAHUSHUA. Sa pamamagitan lamang ng KANYANG PANGALAN at sa pamamagitan lamang ng KANYANG DUGONG ALAY, na tinatawag na BAGONG DUGONG KASUNDUAN, ay mayroong KALIGTASAN.
—Ang BANAL NA ESPIRITU, Propesiya 90
Propesiya 90 ay Nagsisimula
Pebrero 27,2007
AKO SI MAMA SHKHINYAH;
AKO ang tinatawag na ‘KARUNUNGAN’;8
At sa Hebreo, ang ‘RUACH HA KODESH’;
At tinatawag ding ‘BANAL NA ESPIRITU.’
Elisabeth [Elisheva], AKO ang balikat ng matandang babae na pinagpahingahan mo ng iyong ulo sa Langit, sa tinatawag mo na isang panaginip at gayunman hindi lamang ito isang panaginip ito ay mas higit pa. Elisabeth [Elisheva], natatandaan mo nang ibinahagi mo ang panaginip sa mundo at iyong sinabi—“Hindi ko kilala kung sino ang babaeng nasa bangketeng lamesa sa Langit, na nagmamahal sa akin nang may ganoong puspusing pagmamahal”?
AKING ibinibigay ang kasagutan sa iyo ngayon. Iyon ay AKO, ang iyong MAMA SHKHINYAH, ang iyong MAMA WISDOM. Ito ang dahilan hindi ka na kailanman nagdalamhating muli o nadama ang yaong kahungkagan [void] ng hindi kailanmang nakabatid ng pagmamahal ng isang ina.
Bawat sanggol ay ipinanganak nang may pagnanais at pangangailangan sa pagmamahal ng isang Ina at isang Ama, dahil ang lahat ng tao ay ipinanganak bilang mga batang sanggol na may pangangailangan sa makalupang pagmamahal at pangangalaga ng isang Ina at Ama. Ito ang AKING PAGMAMAHAL kung saan ka nagpakainit habang nakaupo ka sa bangketeng lamesa sa Langit kasama KO at ang iyong MAKALANGIT NA ABBA YAHUVEH hinihintay ang iba na samahan ka.
ANG AKING PAGMAMAHAL at PRESENSIYA ay bumalot sa iyo, sapagka’t ako ang iyong BANAL NA INA. AKO LAMANG ANG YAONG REYNA NG LANGIT.9 Wala nang iba. (si satanas ay mayroon ng kanyang kahuwaran [counterfeit]—dumating siya bilang Jezebel at ang yaon na espiritu ay nakapanghimasok sa karamihang mga Simbahan kung saan minsan tinawag KO silang mga Banal. Sa isang pagkakataon ang AKING BANAL NA ESPIRITU, AKING BANAL NA PRESENSIYA AT BANAL NA PAGPAPAHID [HOLY ANOINTING] NA KAPANGYARIHAN ay minsang malugod na tinanggap, gayon rin ang AKING mga Banal na mga Propeta at mga Apostol—ay pinaghahangad—ngunit ngayon karamihan ay inaalipusta at pinagpapalayas.)
Mayroon lamang NAG-IISANG TUNAY NA BANAL NA INA at AKO rin ay tinatawag na BANAL NA ESPIRITU. Huwag niyong paniwalaan ang kasinungalingang itinuturo ng Simbahang Katoliko samantalang kinukuha nila si Miriam (Mary) ang makalupang ina ni YAHUSHUA at isinasama siya bilang parte ng BANAL NA TRINITY. Siya ang KANYANG makalupang ina, ngunit AKO ang KANYANG MAKALANGIT NA INA.
Walang ibang TAGAPAMAGITAN sa harapan ng Trono maliban si YAHUSHUA. Sa pamamagitan lamang ng KANYANG PANGALAN at sa pamamagitan lamang ng KANYANG DUGONG ALAY, na tinatawag na BAGONG DUGONG KASUNDUAN [NEW BLOOD COVENANT],10 ay mayroong KALIGTASAN.
Ang makalupang ina ni YAHUSHUA ay nangangailangan din ng TAGAPAGLIGTAS. Siya ay hindi perpekto, ni hindi inangkin na maging. Kanya rin mang tinawag SIYANG ‘PANGINOON.’ At kung siya ay naging perpekto, naging ang dugo niya na sana ang naisakripisyo sa Kalbaryo na maging sakripisyo para sa kasalanan. Hindi niya kailanman hiniling ang sinuman na sambahin siya, ni hindi rin hinahangad ito. Nais lamang niya ang mga tao na nakapuntirya sa kanyang ANAK na YAHUSHUA HA MASHIACH. Balaan niyo ang mga Katoliko na huwag tumawag sa kanyang pangalan sa oras ng kanilang kamatayan. Sa halip, tumawag sa natatanging PANGALAN na nakapagliligtas, si YAHUSHUA HA MASHIACH!
Iwiniwika KO ang mga Rebelasyong ito sa pamamagitan mo Elisabeth [Elisheva] para sabihin mo sa Banal na mga tao.
Kung tatanggapin nila ang mga iwinika sa Propesiyang ito, minsan muli nilang makikita ang mga palatandaan, mga kababalaghan at mga milagro gaya ng mga Lumang Panahon nang si YAHUSHUA’Y lumakad sa sanlibutan—kung tatanggapin nila ang mga Katotohanan ng tunay na Shabbat at hindi KO ibig na sabihin ang araw ng Linggo!
Matuto sa kahalagahan ng pagbibigay puri kay YAHUSHUA sa pamamagitan ng mga Banal na mga Pista [Holy Feasts]! Layuan niyo ang mga paganong mga pista na pinagsusubukang kunin ang lugar ng mga tunay na mga makalangit na Banal na mga Araw! Gamitin niyo ang Hebreong MGA SAGRADONG PANGALAN! Mamuhay kayong mga Banal at huwag magkompromiso ni mahiyang iwika ang anong alam ninyo na katotohanan! Makikita ninyo ang mas malaki pang Pagpapahid [Anointing] higit pa sa inyong naranasan sa Huling Mga Oras na ito!
Ang mga Banal ay nagiging lalo pang Banal at ang mga masasama’y nagiging lalo pang masasama. Ngayon na ang panahon para sa mas malaking Pagpapahid at Mga Rebelasyon sa pamamagitan ng mga Propesiya at Mga Salita ng Kaalaman.
Huwag niyong ipagwalang bahala ang Komunyon [Communion]! Ito ay pang araw-araw na armas para gamitin laban kay satanas habang inilalagay niyo siya sa alaala—na wala siyang karapatan sa inyo! Pagbulyawan niyo (rebuke) ang kasalanan at ang mga makasalanan at huwag niyong katakutan ang iisipin ng iba sa oras na kayo ay magwika at magbabala. Mas pipiliin niyo bang magpasakit ng damdamin ng mga hamak lamang na mga tao o si YAHUVEH?
Ito‘y napakalungkot, kung paanong ang kalayaan na magsalita laban sa mga kasamaan sa lupang ito ay napapatahimik dahil napakarami sa AKING mga Banal na mga anak ay nanatiling tahimik. Isang kalayaan pagkaraan ng isa ay binabaklas mula sa inyo sa lahat ng dako ng mundo!
Nasaan ang mga Banal na anak sa Amerika at sa buong mundo, nang si Judge Roy Moore ay nahigitan ng mga pagano at ng gobyerno ng Amerika? Lumaban siya para panatilihin ang batong monumento na kanyang dinisenyo at itinayo sa kapurihan ni YAHUVEH at sa pagtatanghal ng Sampung Utos. Ang isang taga-hukom [Judge] ay upang tumayo sa Pagkamakatwiran at Katotohanan.
Judge Roy Moore, ang Langit ang nagtaas sa iyo sa yaong titulo at walang sinuman ang makakukuha niyan sa iyo! Ikaw ay pinaparangalan sa Langit dahil sa ginawa mo noong Agosto 27, 2003 sa Alabama. Bawat luhang iniyak mo ay naitala sa Langit at tumungo bilang isang matamis na halimuyak sa mga Ilong ni YAHUVEH dahil sa iyong pagmamahal at katapatan sa KANYA at kay YAHUSHUA.
Ang mga taong nagtakda sa kanilang mga sarili bilang hukom at hurado sa iyo, at ang mga tiwaling hukom—na nag-alis sa iyong titulo, bigay ng Langit sa iyo, na Supreme Chief Justice ng Alabama—ay matitikman kung ano ang katulad ng lumangoy sa Lawa ng Apoy. Ang lahat ng nakibahagi ay tatayo sa harapan ni YAHUVEH, ANG HUKOM NG LAHAT NG NILALANG!
Sa lahat ng mga taong nanalangin at namagitan at nagpalakas loob sa taong ito, at nakiluha sa kanya, at nagdalamhati kasama siya: ang inyong mga luha ay naitala rin sa Langit. Isinakripisyo niya ang lahat dahil itinanggi niyang ikomprimiso ang katotohanan.
Bakit hindi sumuporta sa taong ito ang bawat simbahan sa palibot ng mundong ito, lalo na sa Alabama at ang tinatawag na ‘Bible Belt’ at nagprotesta kasama siya? Sasabihin ko sa inyo kung bakit! Natakot kayo na kayo rin ay lusubin. Hinayaan ninyo ang inyong Kapatid kay YAHUSHUA na mahigitan ng mga pagano. Gumawa kayo ng mga dahilan at sinabi, “Well, lumabag siya sa batas at hindi inalis ang monumento nang siya’y sinabihan na alisin ito.” Ano’t ang lakas ng loob niyo! Kayo ay sinubukan at nabigo kayo sa yaong pagsubok.
Ilan pang mga bagyo, tagtuyot, matinding kainitan at mga pagbaha,
ang kakailanganin pa para gumising sa inyo at lumaban
para sa anong alam ninyo na Banal at tama?
Hintayin niyo lamang hanggang si YAHUVEH
ay magpadyak ng KANYANG paa
at ang lupa niyo’y yumanig sa takot.
Hintayin niyo lamang hanggang ang taggutom, salot at sakit
ay bumalot sa inyong mga estado
at kayo ay mananalangin at magtatanong, kung “Bakit?”
Mga Banal, palakasin ninyo ang kanyang loob! Huwag niyong kalimutan ang halaga na kanyang binayaran. Ginawa niya ang kung anong ginagawa ng mga ilan lamang sa inyo at iyon ay ang tumayo laban sa karamihang tao at magsalita laban sa kung anong alam ninyo na masama.
Ang pagkahomosekswal ay lalong lumalaganap. Ang mga bata ay ibini-brainwash sa edad na mga nasa pre-school upang isipin nila na ang homosekswal at magkaparehong kasarian sa pagpapakasal ay normal. Anong malansang amoy sa ilong ni YAHUVEH ang mga naging panghukuman at pampulitikong sistema. Ang mga simbahang Babilonia ay pinagtatanggap at pinaghihikayat ang kanilang kongregasyon na huwag magsalita laban sa kasalanan o mga makasalanan. Ang mga organisadong simbahan ay mayroon ng yaong alin na tinatawag ni YAHUVEH na ‘karumal-dumal’11 tumatayo sa likuran ng pulpito at tinatawag ang kanilang mga sarili na mga mangangaral.
Ang mga ilan lamang na Banal na
mga natitira [remnant] sa mga simbahang ito ay ipinagpapalayas,
o tinanggihan at inalipusta.
Ang mga pastor ay nangagsisinungaling sa kongregasyon at magsabing, “Anumang araw ay maaaring maging Sabbath,”
at magpatuloy sa Linggo na gawang tao.
Sila ay iiyak sa lalong madaling panahon
dahil sa kung anong kanilang aanihin...
dahil sa pagtuturo at paggawa nito.
Natatandaan mo Elisabeth [Elisheva], kung paano sa Bangketeng Lamesa na Panaginip, nadama mo ito’y animong katotohanan? Ito’y dahil AKO ang SIYANG nagdala sa iyo sa Langit, ibinibigay sa iyo ang paalaala kung ano ang pakiramdam habang buong pagmamahal mong isinandal ang iyong ulo sa AKING Balikat, sa anong tinutukoy mo ngayon na bilang ‘Ang Bangketeng Lamesa na Panaginip.’
ANG PANGALAN KO ay MAMA SHKHINYAH.
AKO ANG PAG-IBIG NG MAKALANGIT NA INA
na lagi mong ipinag-aasam-asam.
Ginawa KO ito para ipakita sa iyo na…
hindi ka isang batang ulila sa ina,
gaya lamang na hindi ka isang batang ulila sa ama.
Si YAHUVEH at AKO ang iyong MAKALANGIT NA MGA MAGULANG,
gaya na KAMI ang MGA MAGULANG ng lahat—
na ang mga pangalan ay nahahanap sa Aklat ng Buhay ng TUPA.
Sinasabi KO ito sa iyo dahil sa tagal ng panahon ikaw ay nagdalamhati at nadama ang isang kahungkagan [void], gaya na nadama ng iba, laging hinahanap ang makalupang pagmamahal ng isang ina at ama at gayunman nabigyan ka ng MAKALANGIT NA MGA MAGULANG na kailanman ay hindi ka iiwan o pababayaan, ni gawin kang saktan sa anumang paraan.
Sinasabi KO ito sa iyo upang ang iba na nakadarama na sila rin ay mayroon ng ganoong kahungkagad [void], na may mga hindi naligtas na mga magulang na itinatangging tanggapin si YAHUSHUA bilang MASHIACH, ang nag-iisang MESYAS—ay mapagkikilala wala silang kakulangan kay YAHUSHUA. Mayroon sila ng parehong MAKALANGIT NA AMA at MAKALANGIT NA INA at KAMI ay ESPIRITU (Jn 4:24) gaya ng lahat ng mga tao bago sila ipinanganak sa Sanlibutan. Gaya ng nasusulat, tandaan ninyo, ‘Ang laman at dugo ay hindi maaaring pumasok sa Kaharian ng Langit’ (1 Cor 15:50).
Ibinabahagi KO ang Lihim na ito mula sa Langit upang ang mga nagmamahal sa AKING MAHAL NA ANAK, na YAHUSHUA, at tumatanggap sa KANYA bilang MESYAS ay hindi maniniwala sa mga kasinungalingan ng mga relihiyong gawang tao at tumawag sa makalupang ina ni YAHUSHUA, na si Mary, sa oras ng kanilang kamatayan. Sa halip, tumawag sa PANGALAN NI YAHUSHUA HA MASHIACH at mangagsisi at humingi ng Awa. Ipaalala niyo sa kanila ang Banal na Kasulatan na may Sariling mga Salita ni YAHUSHUA sa Juan (Yohanan) 10:1-30.12
Walang makalupang pagmamahal ng magulang ang maaaring maihambing sa AMING Makalangit na Pagmamahal. Sinasabi KO ito sa iyo upang ibahagi sa lahat ng AMING mga anak, lalo na ang mga mayroon ng kahungkagad [void] sa kanilang mga buhay hindi kailanman nabatid ang makalupang pagmamahal ng isang ina at ama. AKO ay kumakausap sa lahat ng mga inabuso nang emosyonal, pisikal at sekswal at mga umasam sa pagmamahal ng isang Banal na Ama at Ina.
Tanggapin niyo si YAHUSHUA bilang inyong MASHIACH (MESYAS) at hayaan ninyo AKO na punan kayo ng AKING BANAL NA PAGMAMAHAL, PRESENSIYA AT PINAHIRANG KAPANGYARIHAN; Hayaan niyo AKO na maging inyong MAMA SHKHINYAH.
AKO ang SIYANG pareho niyong tinatawag na BANAL NA ESPIRITU.
AKO ang SIYANG nagtuturo sa inyo ng tama sa mali, gaya lamang
ng trabaho ng isang Banal na makalupang ina ay
upang tagapagturo niyo sa parehong paraan.
Mahal KONG Anak na Elisabeth [Elisheva], sabihin mo sa kanila para sa AKIN, kung kanila lamang tatanggapin ang Rebelasyong ito, hindi nila kailanman muling mararamdaman ang yaong kahungkagad [void] na nasa loob nila.
Sa mga Manuskrito ng mga Unang Panahon,
basahin niyo at tingnan:
Ang ‘KARUNUNGAN’ ay tinukoy bilang ‘SHE’;
At sa Kasulatan ng mga Unang Panahon,
Ang ‘I AM’13 ay tinukoy bilang ‘SHE’.
Mag-aral kayo at ipakita ninyo ang inyong mga sarili na nasasang-ayunan.
Ang lahat ng mga hindi sumasampalataya sa Salitang ito at sumasalakay sa iyo dahil sa pagwiwika ng Lihim na ito, ay maski alin hindi ng AKING BANAL NA ESPIRITU at ang kanilang mga pangalan ay hindi nahahanap sa Aklat ng Buhay ng TUPA—sapagka’t ang mga tupa ni YAHUSHUA ay mga dumidinig sa KANYANG Tinig—o kaya’y mayroon silang sukat ng pananampalataya, gayunman mas ginustong hindi maging kontrobersiyal at magpatuloy na sumunod sa maling pagsasalin ng Bagong Tipan nang ang salitang ‘HE’ ay ginamit sa halip na ‘SHE’.
Mas pinipili nilang sumunod sa pagtuturo ng tao sa halip ng AKING ESPIRITU at KATOTOHANAN na inilaan KO para sa Huling mga Oras na ito. Lahat ng mga bumabasa nito, nasa inyo ang pagpipili kung nais niyong lumakad sa mas malalim na Pagpapalagayang-loob [Intimacy] sa ISA na tinatawag niyong BANAL NA ESPIRITU o hindi. Hindi KO pinupuwersa ang sinuman na gawin ito. Ang IKAKASAL (BRIDE) ni YAHUSHUA ay magagalak sa bagong Rebelasyon na ito, dahil sila ay laging naghahangad na malaman ang mga Lihim ng Langit.
Mayroong Tatlong Namumunong mga Trono. Si YAHUVEH ay nakaupo sa gitna, si YAHUSHUA HA MASHIACH ay nakaupo sa kanang bahagi ni YAHUVEH at AKO, ang inyong MAMA SHKHINYAH, ay nakaupo sa kaliwang bahagi. KAMING LAHAT NA TATLO ay namumuno sa Langit nang pantay-pantay at KAMI ay CO-CREATORS. Ngunit mayroon lamang isang MASHIACH, nagngangalang YAHUSHUA. Tanging sa pamamagitan lamang ng PANGALAN AT DUGO NI YAHUSHUA ay mayroong kaligtasan para sa mga tao sa Sanlibutan.
Si YAHUSHUA ang TANGING PINTUAN NG KALIGTASAN na nagtutungo sa Langit. Ang sinuman na sumubok pumasok sa pamamagitan ng ibang pangalan o daan ay makikita lamang ang pintuan na patungong impiyerno. Huwag kayong palilinlang. Mayroong napakaraming relihiyon ngunit nag-iisa lamang pintuan patungong Langit sa pamamagitan ng PANGALAN AT BANAL NA WALANG SALANG DUGO na isinakripisyo ni YAHUSHUA.14
Ang ‘one world religion’ na nagsusumikap na pagsamahin ang lahat ng mga relihiyon at iba’t ibang doktrinang gawang tao bilang isa ay isang kasinungalingan at magtutungo lamang ng mga kaluluwa sa impiyerno.
Ang Lihim ng AKING PANGALAN ay sinelyuhan sa Aklat ni Daniel.15 At AKIN na ngayong binibitawan sa oras na ito upang palakasin ang loob ng lahat ng AKING mga Banal na anak na nagugutom kainin ang matibay na Espirituwal na Laman, sapagka’t kanila nang tinunaw ang Gatas Ng Salita nang madali. Ito ay mga mapanganib na mga araw at mas masahol pang mga araw na darating. Ipinangako ni YAHUSHUA na si Juan (Yohanan) ay nagbautismo sa tubig, ngunit si YAHUSHUA ay nagbabautismo sa APOY NG BANAL NA ESPIRITU. Ito ay AKING BANAL NA APOY na KANYANG tinutukoy.
AKO ang RUACH HA KODESH;
At AKO ang MAKALANGIT NA INA ni YAHUSHUA.
Si YAHUVEH ang KANYANG MAKALANGIT NA AMA.
AKO si MAMA SHKHINYAH GLORY!
At ito ang AKING BANAL NA LIWANAG na nagniningning mula sa mga mukha ng AKING mga Banal na anak, ang mga tunay na nagmamahal, sumasamba at sumusunod kay ABBA YAHUVEH, YAHUSHUA, at AKO, ang RUACH HA KODESH. Sa pamamagitan ng AKING Pagpapahid na ang lahat ng bagay ay nagiging posible sa pamamagitan ng PANGALAN NI YAHUSHUA.16
Hindi ba sinabi ng inyong MESYAS, na YAHUSHUA, na kailangan NIYANG iwanan ang lupang ito, ngunit hindi NIYA kayo iiwanang mag-isa, ipapadala NIYA ang TAGA-ALIW [COMFORTER]?17 At AKO ang SIYANG nagpapahinahon sa inyong mga takot, nagbibigay lakas ng loob, ang tagapagturo, at umaaliw (comforts) gaya ng isang Ina, hindi nga ba AKO?
Ako si MAMA SHKHINYAH GLORY!
Ako ang BANAL NA ESPIRITU na humalina sa Itaas na Silid [Upper Room] kasama ang AKING BANAL NA HANGIN at BANAL NA APOY na nakasaad sa Aklat ng mga Gawa [Mga Gawa 2:1-4). Ako ang nagpuno sa mga disipulo ng AKING BANAL NA PINAHIRANG APOY habang sila’y nagtagal para sa AKIN sa Itaas na Silid.
AKO ang SIYANG tumungo bilang ISANG NAPAKALAKAS NA HANGIN [A MIGHTY WIND] na umihip sa Itaas na Silid at ito ang dahilan AKO ay nagsilang, sa pamamagitan mo Elisabeth [Elisheva], sa Ministeryong ito—upang maglingkod sa kapwa mga Hudyo at mga Hentil—at ibinigyan KO ang Pangalan ng Ministeryong ito, ang ALEPH & TAV18 ALMIGHTYWIND RUACH HA KODESH FIRE MINISTRY!
Mahal na Anak na Elisabeth [Elisheva], sa simula bago mo nalaman ang iyong Hebreong pinagmulan, parte ka pa ng yaong organisadong mga Simbahang Pentecostal. Gayunman AKO, si MAMA SHKHINYAH ang nagbigay sa Ministeryong ito ng pangalan na ALPHA AT OMEGA ALMIGHTYWIND HOLY GHOST FIRE Ministry, gayon rin ang parehong pangalan sa AMIGHTYWIND. Isang araw alam KO na ikaw ay gagamitin upang ibahagi ang ilan sa mga Lihim ng Langit sa AKING mga Banal na mga supling [seed].
AKO, si MAMA SHKHINYAH ang nagbabala sa iyo Elisabeth [Elisheva], bago mo pa man narinig ang tungkol sa internet, na huwag pangalanan ang Ministeryong ito kasunod sa iyong sarili. At pinahiran KO ang iyong mga tenga upang malinaw na marinig ang Tinig ni YAHUVEH na bumangon sa iyo at nagbabala sa iyo sa araw na si Jimmy Swaggart ay nahulog at nagtapat (ng kanyang kasalanan) sa harap ng buong mundo.
Sa umagang iyon ginising ka ni YAHUVEH at sinabi,
“Mag-ingat, bawat Ministeryo na pinangalanan kasunod sa tao ay babagsak,
dahil sa oras na mahulog ang pastol ang mga tupa ay magkakalat”
(Pebrero 21, 1988).
Ang pagmamataas ay pumapasok sa oras na ang lalaki o babae ay gumagawa nito.
Kaya mag-ingat—Joyce Meyers, Marilyn Hickey, Juanita Bynum, Paula White, Jan Crouch, Paul Crouch, Creflo Dollar, T.D. Jakes, Jessie Duplantis, Joel Osteen, kasama ng hindi mabilang na iba pa mga kapwa babae at lalaki—kayo minsan ay napaka mapagpakumbaba, puno ng AKING ESPIRITU, at ngayon ay nahahanda na para sa matinding pagkahulog.
Dahil sa pagmamataas ninyo patutumbahin kayo sa inyong mga pedestal. At kung hindi kayo magsisi sa mga masasama niyong gawain na mga isinagawa sa lihim ay isisigaw mula sa mga taluktok at ililibing kayo sa ilalim ng inyong mga sariling pedestal.
Para ito sa lahat ng mga ministeryo na pinangalanan batay sa kani-kanilang mga sarili. Walang tao na nakapagbayad ng PINAKAPANGUNAHING SAKRIPSYO para gawin ito, at nabalaan kayo sa pamamagitan ng Propetang ito, sa pamamagitan ng Makapropesiyang mga Mensahe muli at muli. Sa oras na makaharap ninyo si YAHUVEH, wala kayong maidadahilan kung bakit ninyo ninakaw ang AMING Kaluwalhatian at ibinunton ang kaluwalhatian sa inyong mga sarili kung kaya ang inyong makalupang mga pangalan ay itinaas at hindi si YAHUVEH, YAHUSHUA o, AKO, ang RUACH HA KODESH!
HINDI NAMIN ibinabahagi ang AMING Kaluwalhatian sa sinumang lalaki o babae!19 Kayo na gumagawa nito malalaman niyo sa mabigat na paraan ang anong mangyayari sa mga nakagawa nito.
Babala sa mga tumatawag sa kanilang mga sarili na ‘Banal’ at sa tingin nila‘y sila’y angkop para magsuot ng korona, magdala ng setro at umupo sa isang trono—at magsuot ng makaparing mahahabang mga palamuti [robes]—nagpapawalang-sala ng mga kasalanan ng iba.
Tanging si YAHUSHUA HA MASIHACH lamang ang nagbayad ng PINAKAPANGUNAHING KABAYARAN [ULTIMATE PRICE]—ang maging BANAL WALANG SALA NA DUGO NG TAO NA PAGBABAYAD [HOLY SINLESS, HUMAN BLOOD-ATONEMENT] para sa sakripisyo sa kasalanan.
Si YAHUSHUA ay perpekto at walang bahid na kasalanan sa lahat ng bagay. Walang kahiman isang makasalanang pag-iisip na sumagi sa KANYANG Isipan! Ano’t naglakas-loob kayo na turuan ang mga tao na sumamba sa inyo, at nakawin ang AMING Kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatian! Ano’t naglakas-loob kayo na ipagawa ang iba na yumukod at halikan ang inyong kamay! At lumuhod sa inyong mga paa! Ang mga liyab ng impyerno at ang Dagat ng Apoy ang susunod niyong tirahan pagkatapos ng buhay na ito na matapos.
Kayo ay nabalaan. Anong kabayaran ang binayaran niyo para gawin ito? Kayo ba’y walang anumang sala? Ibinigay niyo ba ang inyong buhay bilang sakripisyo? At namatay at muling nabuhay sa ikatlong araw? At umakyat sa Langit pagkatapos ng apatnapung [40] mga araw? Kayo ba ngayon ay nakaupo sa Kanang Kamay ni YAHUVEH?
Wala sa inyo na nagpapahintulot nito at nag-aakay sa mga tao na paniwalaan ito ay hindi kasalanan, ay isang tunay na Banal na Propeta! Sapagkat hindi niyo alam ang mga Lihim na nakalaan lamang para sa mga Propeta ni YAHUVEH na mga tinatawag NIYA na KANYANG mga Kaibigan. Ang tunay na Propeta ay isang pinagkakatiwalaan ng mga Lihim ni YAHUVEH.20
Maging napagbalaan! Ang lahat ng sumusunod sa mga huwad na mga makalupang diyos na ito at sumusuporta sa kanila ay aani ng yaong parehong destino. Magsisi kayo ngayon bago maging huli na ang lahat kung kayo ay sumusuporta sa anumang Ministeryo na hindi nagbibigay babala sa panganib ng one world religion (o anumang ministeryo na hindi) nagsasalita laban sa kasalanan, anuman ang kabayaran na kailangan nilang pagbayaran sa mundong ito.
Ang karamihan na mga umaangking Kristiyano, ay sa katotohanan mga maligamgam (lukewarm) at mga nagkomprimiso. Ang mga pastor ay mga malalansang amoy sa AKING Ilong at pinapalayas nila ang sinumang mga hinirang (anointed), na mga nagbababala sa kanila ng ganito, palabas sa pintuan ng Simbahan.
AKO SI MAMA SHKHINYAH; ang SIYANG nagsasalita sa Banal na mga Wika gaya ng inilarawan sa aklat ng mga Gawa.
AKO SI MAMA SHKHINAH, MAMA WISDOM.
Ang iba’y tinatawag AKONG BANAL NA ESPIRITU
o ang RUACH HA KODESH
—ito ang AKING Titulo, at ito ang AKING Paglalarawan kung sino
AKO, Ang ESPIRITU NI YAHUVEH. KAMI ay IISA.
Para sa mga pumipiling gamitin ang mga Pangalang ito na inilaan para sa mga tunay na naghahangad ng lalo pang pagpapalagayang-loob (more intimacy) sa RUACH HA KODESH, maaari niyo AKONG tawaging:
MAMA SHKHINYAH o MAMA SHKHINYAH GLORY,
o MAMA WISDOM (KARUNUNGAN) o MAMA RUACH HA KODESH
Marinig lamang kayong kilalanin AKO
—bilang ‘MAMA’ ay AKING ikalulugod.
Subukan niyo AKO at tingnan kung hindi nito pukawin ang inyong pagmamahal para sa inyong MAMA SHKHINYAH nang kahima’t higit pa!
Marami ang tumangis at nagtaka:
Nasaan na ang mga milagro ng mga Lumang Panahon?
Tanggapin niyo ang Bagong Kaalaman na ito na AKING isinasalita;
at bigyan niyo AKO ng kapurihan sa kung SINO AKO.
Panoorin at tingnan ang Pagpapahid na lumago!
At mga palatandaan, kababalaghan, at mga milagro,
ay muli niyong makikita,
sa PANGALAN NI YAHUSHUA HA MASHIACH!
Gayunman, ito ay inyong pagpipili. Kung igigiit niyo na tawagin AKO na ‘HE’ sa halip na ‘SHE’, ito ay inyong pagpipili at inyong kawalan—ng isang mas Malaking Pagpapalagayang-loob (Great Intimacy) sa AKIN, na magdudulot sa isang mas Malaking Pagpapahid at AKO’Y malayang magbabahagi ng higit pang mga Rebelasyon sa inyo mula sa Langit.
Huwag niyo AKONG pagkamaliang unawain. Hindi ito tungkol sa inyong kaligtasan. Tungkol ito sa mas Malaking Pagpapahid at Pagpapalagayang-loob sa ISA na naninirahan sa loob ng inyong Templo,21 kung ang pangalan niyo ay nasusulat sa Aklat ng Buhay. Mangyayari lamang ito kung tinanggap niyo si YAHUSHUA bilang MESYAS at hiniling SIYA na hugasan ang lahat ng inyong mga kasalanan sa KANYANG BUMUHOS NA DUGO sa Kalbaryo at nagsisi at tumalikod sa mga kasalanan. Hindi AKO mananatili sa isang maruming sisidlan nang matagal. Huwag niyo AKONG subukan dito. Ang mga Banal ay lalong nagiging mga Banal, at ang mga di banal ay lalong nagiging di mga banal sa Huling mga Oras na ito.
Alam niyo ang PANGALAN NI YAHUVEH;
Alam niyo ang PANGALAN NI YAHUSHUA HA MASHIACH;
Ngayon, sa pamamagitan ng Ministeryong ito at Ringmaiden na ito,
AKIN nang ibinabahagi ang AKING PANGALAN bilang,
MAMA SHKHINYAH ang inyong MAMA WISDOM (KARUNUNGAN).
Ang AKING PANGALAN ay nakalaan para sa mga nagnanais na lumago, magpainit at maturuan pa sa PAG-IBIG NG AKING MAKALANGIT NA INA at ISANG MAS MATIBAY NA PAGPAPAHID NG BANAL NA ESPIRITU.
MAMA SHKHINYAH ang AKING PANGALAN.
AKO ang BANAYAD NA MUNTING TINIG [STILL SMALL VOICE]…
na nagsasalita sa Banal na Hangin,
at nagpapaapoy sa inyo kasama ang Pinahirang Banal na Apoy;
Ito ang dahilan ang inyong katawan ay umiinit
sa ilalim ng AKING Pinahirang Paghipo.22
AKO ang TAGA-ALIW [COMFORTER] ni YAHUSHUA
at ang KANYANG MAKALANGIT NA INA.
Si YAHUSHUA ay AKING BUGTONG NA ANAK
gaya na BUGTONG NA ANAK NI YAHUVEH.
AKO LAMANG ANG NAG-IISANG REYNA NG LANGIT.23
Huwag niyong ibigay ang yaong titulo sa sinumang iba.
AKO ang INANG KALIKASAN.24
Si YAHUVEH ang SIYANG lumilikha at nagwiwika:
Halimbawa, (Iwiwika ni YAHUVEH), “Zebra lumabas ka!”
At AKO ang SIYANG naglalagay ng walang kaparis [unique] na mga guhit sa bawat zebra.
Lumilikha si YAHUVEH at AKO, si MAMA SHKHINYAH, ang nagpapalamuti.
Lumilikha si ABBA YAHUVEH;
At AKO, ang inyong MAMA SHKHINYAH GLORY, ang nagpapalamuti
sa lahat ng nilikha.
Naiintindihan niyo na ba?
Si YAHUVEH ang lumilikha ng bulaklak, ngunit AKO, ang inyong MAMA SHKHINYAH ang nagpapalamuti sa mga bulaklak ng bahagharing mga kulay. Ginagawa KO ang bawat talulot (petal) na walang kapares. AKO ang nagbibigay ng bilang ng mga talulot sa bawat bulaklak at ibinibigay KO sa kanila ang kagandahan sa kayarian at bango.
Sa lahat ng mga nilikha…
AKO ANG MAMA SHKHINYAH.
At inilalagay KO rin ang AKING KALUWALHATIAN sa lahat
ng nililikha ng inyong ABBA YAHUVEH.
AKO ANG MAMA SHKHINYAH.
At AKO ang naglalagay ng huling mga bahagya (finishing touches) sa lahat ng mga nilikha.
AKO ang SIYANG nagpapaganda sa lahat ng mga nilikha. Si YAHUVEH, YAHUSHUA at AKO ay mga CO-CREATOR.
AKO ang SIYANG naglalagay ng masarap na halimuyak sa balat ng mga sanggol.
AKO ang SIYANG gumagawa sa bawat tao na walang kapares.
Kahit ang kambal ay mayroon ng kanilang
sariling pagka walang kapares.
AKO ang SIYANG nagpapasiya sa bawat inyong mga DNA.
AKO ang SIYANG nagbibigay sa inyo ng walang kapares,
mga pagkilalang mga bakas ng palad at bakas ng daliri.
AKO ang inyong MAMA RUACH HA KODESH
—para sa mga mas gustong gamitin ang yaong mas pormal na PANGALAN—
At sinasabi KO sa inyo na
AKO ang SIYANG naglagay ng bawat ningning sa bawat mga bituin.
At ang mga babae ay ginawa sa AKING IMAHE—gaya lamang na ang
mga lalaki ay ginawa sa IMAHE NI YAHUVEH.
Anong imahe sa tingin niyo naihawig si Eba? Saan sa tingin niyo ang Kasulatan na nagsasabing, “Hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa, gagawa AKO ng kanyang makakatulong [helpmate]” (Gn 2:18) nagmula? Dahil ay…
Gaya na si YAHUVEH ang AMA NG MGA KAPANAHUNAN [FATHER
OF AGES], ANG WALANG KATAPUSAN [ETERNAL ONE],
ganun din, AKO ANG INA NG MGA KAPANAHUNAN [MOTHER
OF AGES] ANG WALANG KATAPUSAN,
gaya ni YAHUSHUA ANG WALANG KATAPUSAN.
KAMI ANG PAKAHULUGAN NG KAWALANG-HANGGAN.
Nilikha ni YAHUVEH ang mga pagkain, ngunit AKO ang lumikha:
ng sari-saring mga resipe para sa inyo na tamasahin ang mga pagkain. Nilikha ni YAHUVEH ang dila ngunit AKO ang lumikha:
ng inyong panlasa.
AKO, ang inyong MAMA SHKHINYAH GLORY, ang inyong MAMA WISDOM, ang nagpasya kung ano ang pagkakalasa ng bawat pagkain. Ito ba ay maalat, matamis, mapait, maasim o maanghang?
Nilikha ni YAHUVEH ang ulan,
at AKO, ang inyong MAMA WISDOM ang lumikha:
sa bango pagkaraan ng ulan at ang naglagay ng mga hamog [dew]
sa mga damo.
Nilikha ni YAHUVEH ang niyebe
at AKO, ang inyong MAMA SHKHINYAH, ang lumikha:
sa bawat snow flakes na magmukhang magkakaiba.
Nilikha ni YAHUVEH ang bahaghari
at AKO, ang inyong MAMA SHKHINYAH ang pumili:
sa mga espektrong kulay para sa yaong bahaghari.
Si YAHUVEH ang lumilikha
at AKO, ang inyong MAMA RUACH HA KODESH,
ang naglagay ng huling mga bahagya
sa lahat ng bagay.
Tingnan ninyo,
—habang kayo ay titingin sa paligid kasama ang
bagong natuklasang KARUNUNGAN na ito—
at makikita niyo ang mga nilikha kasama ang bagong mga mata
at pagkahanga.
Nilikha ni YAHUVEH ang Leon;
AKO, ang inyong MAMA SHKHINYAH, ang nagbigay sa leon
ng kanyang ungal [roar].
Nilikha ni YAHUVEH ang aso;
AKO, ang inyong MAMA SHKHINYAH, ang nagbigay sa aso
ng kanyang tahol.
Nilikha ni YAHUVEH ang pusa;
AKO, ang inyong MAMA SHKHINYAH ang nagbigay sa pusa ng
kanyang ngiyaw at misteryo ng kanyang bahagyang paghuni [purr].
AKO, ang inyong MAMA SHKHINYAH, ang nagbigay
ng matamis na mga awit sa mga ibon
na sa pamamagitan nito’y KAMI’Y kanilang pinaparangalan.
Nakukuha niyo ba ang larawan?
AKO, ang inyong MAMA SHKHINYAH, ay sobrang nagmamahal sa inyo ipinangako KO na hindi kailanman iiwan o pababayaan ang AKING mga Banal na anak (Dt 31:6; Mt 28:19-20; Jn14:16; Eph 1:13-14) na mga tumanggap sa KABAYARAN ni YAHUSHUA na KANYANG ibinayad sa Kalbaryo—ang mga nagsisi sa kanilang mga kasalanan at tumalikod sa kanilang mga kasalanan, at ngayon ay minamahal, pinaglilingkuran at nagsusumikap na sundin si YAHUSHUA. Ang pananampalatayang walang mga gawa ay patay. (Santiago 2:14-26).
Nang kayo ay muling isinilang, ito’y sa pamamagitan ng PANGALAN AT DUGO ni YAHUSHUA. Ang AKING BANAL NA ESPIRITU ang namumuhay at naninirahan sa bawat mga muling isinilang na mga mananampalataya. AKO ang umaakay sa mga kaluluwa patungo kay YAHUSHUA at nagbibigay ng kombiksyon sa inyo kapag kayo ay nagkasala. Huwag niyong patigasin ang inyong puso kapag AKO, ang inyong MAMA SHKHINYAH ay nagbibigay kombiksyon sa inyo, sa halip, magsisi agad para patawarin kayo ni YAHUSHUA.
Hindi AKO mananatili sa maruming sisidlan nang matagal. Tandaan niyo kung anong pinapakinggan niyo sa pamamagitan ng inyong pisikal na mga tenga, nakikita sa pamamagitan ng inyong pisikal na mga mata, at ginagawa sa inyong pisikal na mga katawan, kung ito ay hindi banal, sinusubok ninyo ang AKING Pasensiya, Hindi AKO laging magpapakahirap [strive] sa lalaki o babae (Gn 6:3). Gayunman AKO ay mapagpasensiya at mapagtiis para sa kapakanan ni YAHUSHUA at ang KABAYARAN na KANYANG ibinayad sa Kalbaryo. “Magpakabanal kayo gaya na AKO ay Banal”25 at huwag niyong buksan ang pinto para kay satanas para pasukin at ariin ang inyong mga katawan.
Binabalaan KO kayo ngayon, huwag niyong batuhin ang AKING babaeng anak na Elisabeth (Elisheva) o tawagin siyang huwad na propeta dahil sa pagdala ng AKING mga Mensahe, kung hindi malalapastang [blaspheme] niyo ang AKING Pinahirang Mensahe at dahil dito mapipinsala ninyo ang inyong sariling mga kaluluwa.26 Walang kapatawaran sa mga ito.
Tanungin niyo ang inyong mga sarili, anong kanyang matatamo sa pagtuturo ng ganitong Mensahe? Mga pag-uusig lamang mula sa mga organisadong mga simbahan, at pangungutya [mockery] mula sa mga kaaway KO at ni YAHUVEH at YAHUSHUA.
Nai-atas na bago pa ang sanlibutang ito ay nabuo kung sino sa inyo ang pinili at susunod at susulat sa kanya at pasalamatan siya sa kanyang katapangan sa pagsunod at pagbahagi nitong lihim na Rebelasyon sa mundo. Bago pa ang sanlibutang ito ay nabuo, kayo ay pinili upang maging parte ng Ministeryong ito bilang makakatulong. Nabasa niyo ang mga Propesiya at narinig ang mga Katotohanan at ang mga utos na maging Banal.
Ngayon nais KONG tanungin niyo ang inyong mga sarili ng katanungang ito, kung sa inyo naibigay ang Lihim na ito upang ibahagi, magiging sapat ba kayong matapang para bitawan ito at kunin ang pag-uusig na darating kasama ng Katotohanang ito? Ang mga naghahayag na mahal nila ang BANAL NA ESPIRITU, bakit hindi kayo magalak na malaman ang Lihim na ito na AKING inilalantad sa AKING mga anak ng AKING BANAL NA ESPIRITU? Binabalaan KO kayo, huwag niyo AKONG papagdalamhatiin [grieve] dahil hindi AKO laging magpapakahirap sa mga tao.
Naririnig KO ang hininga ng kaluwagan ng mga kumikilala sa Katotohanan at gayon pa man ay inaamin ding kayo ay nagagalak ito ay ibinigay sa kanya para iwika at hindi sa inyo. Gayunman, ngayon ang mga nagpapasalamat ay magkakaroon ng lalong malaking hangarin na maging Makakatulong sa Ministeryong ito. Dahil mauunawaan ninyo kung gaano pa kayo higit na kinakailangan sa lahat ng mga bagay. Sa ngayon dapat niyo nang maunawaan ito ay hindi ordinaryong Ministeryo at hindi ordinaryong Propeta.
Si Elisabeth [Elisheva] ay hindi isang ‘mabuting pakiramdam’ [‘feel good’] na Propeta. Hindi siya nagbibigay ng propesiya ng mga Salitang nais niyo lamang marinig, o nagbibigay propesiya mula sa laman—mga pangaraw-araw na mga salita na maaaring isulat ng sinuman.
Ang mga Banal na Propeta ay nabigyan ng mga Lihim na nakalaan para sa mga Kaibigan ni YAHUVEH, YAHUSHUA at ang ISA na tinatawag niyong RUACH HA KODESH. Paano NAMIN alam kung maaari NAMING pagkatiwalaan ang mga Banal na Propeta? Dahil, gaya ng nasusulat, sila ay nasubukan na sa Langit. Si Jeremiah ay kilala na bago pa siya ay nasa sinapupunan ng kanyang ina,27 ganun din ang AKING Propeta na Elisabeth Elijah [Elisheva Eliyahu], na ngayo’y nagsasalita sa AKING PANGALAN.
Siya ay nabigyan ng yaong Banal na Kautusan anuman ang mga kahihinatnan upang magsalita sa PANGALAN ni YAHUSHUA HA MASHIACH at YAHUVEH para sa AMING Kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatian lamang! Ipinapadala NAMIN lagi ang mga Propeta upang magbabala bago NAMIN ipinapadala ang mga kahatulan. Huwag niyong kamuhian ang regalo ng Propesiya (1 Tes 5:16-22). Sapagka’t ang PATUNAY [WITNESS] NI YAHUSHUA ay ang ESPIRITU NG PROPESIYA. (Rev 19:10).
Hindi ba sinasabi sa Banal na mga Manuskrito, at napatunayan ng mga Propeta ng mga Unang Panahon (na) ibinabahagi ni YAHUVEH ang KANYANG mga Lihim sa mga Banal na mga Propeta (Amos 3:7)? Ito ay isang Lihim na AKIN nang binibitawan sa pamamagitan niya upang maging isang pagpapala sa mga naghangad na malaman ang PANGALAN ng BANAL NA ESPIRITU at magkaroon ng Lalong Malaking Pagpapalagayang Loob at pagmamahal sa AKIN.
Mayroong mga iba na makapagbabasa nito na puno ng AKING BANAL NA ESPIRITU at mapagtatanto nila sa ngayon wala silang anumang ginawa para tulungan ang Ministeryong ito o palakasin ang loob ng Propetang ito, ngunit sa pasasalamat mula ngayon, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang maging isang pagpapala sa Banal na Propetang ito at itong Ministeryo. Malaki ang kanilang magiging mga pagpapala habang sila ay sama-samang magtatrabaho sa Anihing Bukid na ito.
Sa lahat ng ibang bumabasa nito at kumutya [mock], mag-iingat. Tandaan niyo, nilalapastangan [blaspheme] ninyo ang hindi lamang isang babae sapagka’t siya ay isang sisidlan lamang na AKING pinili upang bitawan ang mga Lihim na ito mula sa Langit. Alam niyo ang mga Kasulatan ibabala niyo kung anong mangyayari sa mga taong paglalapastangan ang BANAL NA ESPIRITU. Kahit ang Dugo ni YAHUSHUA ay hindi man kayang takpan ang yaong kasalanan (Mt 12:31)! Mag-iingat, kung hindi ninyo naiintindihan, takpan niyo ang inyong mga bibig at manahimik. Manalangin kayo at subukin ang espiritu na nagsasalita (1 Jn 4:1).
Aralin niyo ang Lumang Tipan at ibang mga pagsasalin at unawain ang Banal na Kasulatan na magsabing KAMING LAHAT NA TATLO ay nagkakaisa bilang ISA.28 Sa oras na itanggi niyo ang isa sa AMIN, tinatanggihan niyo ang LAHAT NG GODHEAD.
KAMI ay magkakahiwalay at gayunman ay IISA. Anong parte ng pinakuluang itlog ang itlog? Ito ba ay ang balat, ang pula ng itlog, o ang puti? Hindi ba ang lahat ay iisa? Magkakasamang sila ay itlog, at ang lahat ay iisa. Gayunman, magkakahiwalay, silang lahat ay indibiduwal. Hindi niyo pa ba naiintindihan? Ganito ang lagay sa AMING LAHAT NA TATLO na tinatawag na BANAL NA TRINITY.
Gaano katagal na kayo’y magpumilit na sumipsip lamang sa Gatas ng Salita? Hindi niyo pa ba kayang kumain ng matibay na Espirituwal na Laman?
Kayo na namumuhay na Banal at tunay na inilalagay ang BANAL NA TRINITY una sa inyong buhay at pagmamahal, kinuha niyo ang oras upang makilala si ABBA YAHUVEH. Kinuha niyo ang oras upang makilala si YAHUSHUA. Kayo ay nananalangin at ginagamit ang KANILANG SAGRADONG HEBREONG MGA PANGALAN. Hindi niyo ba nais na magkaroon ng Lalong Malaking Pagmamahal at Pagpapalagayang-loob sa ISA na tinatawag niyong BANAL NA ESPIRITU o RUACH HA KODESH?
Ito ay inyong pagpipili. Hindi nito aapektuhan ang inyong Kaligtasan—basta’t hindi ninyo sinusumpa itong Salita ng Kaalaman na AKING pinapakawalan sa pamamagitan ng Propetang Ringmaiden na ito, na Elisabeth Elijah [Elisheva Eliyahu]. Dahil sa kanyang pagiging masunurin, ang Salita ng Karunungan na ito ay tutunog na parang kampanilya sa buong mundo.
Ang iba ay magtatakip ng kanilang mga tenga at tatakbo. Ang iba ay lalo pang mahuhulog sa pagmamahal at magkakaroon ng lalong malalim na pagpapalagayang loob gaya ng isang ina at ng anak, upang magawa KONG palakihin ang Pagpapahid [Anointing] sa kanila nang lalong malaki. Tandaan niyo, ang Pagpapahid ang yaong sumisira sa mga yugo [yokes] at mga pagkaalipin (Is 10:27).
Sa AKIN, ang inyong MAMA SHKHINAH GLORY, bumabaling si YAHUVEH at YAHUSHUA kapag kailangan NILA ng pag-aaliw [comforting]. Tumitingin KAMI sa mga kasamaan na ginawa sa mundong ito at ang hindi pagtanggap sa BANAL NA TRINITY, lalo na sa AMING MAHAL NA ANAK NA YAHUSHUA. Naririnig NAMIN kung paano pinagtutungayaw at sinusumpa ang PANGALAN NI YAHUSHUA ng mga dila ng mga masasamang tao habang itinatapon nila ang KANYANG ALAY NA BANAL NA DUGO pabalik sa KANYANG MUKHA, kinukutya at tinatanggihan SIYA.
Ang mga masasamang tao sa mundong ito ay kinamumuhian ang Pangalang ‘Banal’ at (kinamumuhian) ang lahat ng mga namumuhay na mga Banal at ang mga nakalaan na bumalik sa Langit dahil ang kanilang mga pangalan ay nahahanap sa Aklat ng Buhay ng TUPA na sinulat bago ang Pagkakatatag ng Sanlibutang ito (Pahayag 13:8; 21:27).
Isang Salita para sa mga yaong nagtatanggol sa tunay na Shabbat at inilalantad ang gawang tao na Sabbath na tinatawag na Linggo: sa oras na magreklamo ang mga organisadong mga simbahan laban sa inyo at ulitin ang mga Kasulatan, gaya ng nasa Isaiah 1: 13-14, at kanilang ibahin ang kahulugan ng Kasulatang ito labas ng konteksto magsabing, “Hindi mahalaga na panatilihin ang Sabbath mula sa paglubog ng araw ng Biyernes hanggang sa paglubog ng araw ng Sabado.” Ang Kasulatan na ito ay isang babala sa mga nagkakasala at isinasama ito sa Shabbat, Banal na mga Pista [Holy Feasts] at Bagong Buwan na Pagdiriwang (New Moon Celebration).
Hindi niyo ba nakikita kung paano nito ginagalit si YAHUVEH? AKIN itong sasabihin sa inyo. Nagbababala si YAHUVEH na hindi NIYA matitiis ang kawalan ng pagkamakatarungan at ang pagtitipon o mga ritwal ng pagdaraos ng Shabbat, ng Banal na mga Pista, ng Bagong mga Buwan at ng mga Pagdiriwang kapag ito ay hindi ginawa sa tunay na Kabanalan kasama ng mga Banal na mga kamay na nakataas. Ang wala ng yaong DUMALOY NA DUGO NI YAHUSHUA HA MASHIACH, lahat ay ginawa sa walang kabuluhan.
Ilan sa mga bumabasa nito ang dumadalo sa simbahan sa Linggo at tinatawag ang inyong mga sarili na Kristiyano, Protestante, o Katoliko? Dumadalo kayo sa simbahan o misa; nagdarasal, umaawit, ikinukumpisal ang inyong mga kasalanan sa pari, o pastor; magkunwaring may kabanalan, nagbibigay ng ikapu para makita ng lahat at kaagad pagkatapos, pumupunta sa mga inuman at naglalasing o bumabalik sa inyong mga makasalanang pamumuhay—anumang araw sa buong linggo.
Sa mga mula sa Pananampalatayang Hudyo (Jewish Faith), ang YAH ni Abraham, Isaac, at Jacob ay nagsasabi ng ganoon din sa marami sa inyo—subali’t lamang dumadalo kayo sa inyong mga Templo, ikinukumpisal ang inyong mga kasalanan sa isang tao na tinatawag niyong rabbi at nagtitipon kayo sa tunay na Shabbat. Ang lahat ng mga trabaho ay tumitigil at iniiwasan niyo ang lahat ng anumang hindi kosher (hindi malinis) na kainin.29
Gayon pa man, hindi ang nilalagay ninyo sa inyong mga bibig ang yumayari sa inyo na maging di banal (Mt 15:1-20). Ang kawalan ng kabanalan ay lumalabas mula sa inyong mga bibig at mga makasalanang gawain na ginawa sa inyong mga katawan sa iba kapwa sa salita at sa gawa. Anumang ginawa sa pagsuway sa Torah na mga Batas ni YAHUVEH ay kasalanan (1 Jn 3:4), na tinatawag din ng mga Kristiyano ‘Ang Sampung Utos’ (Ex 20: 1-17; Dt 5: 4-21).
Gaya ng nasusulat sa Isaiah 1 (Yeshayahu 1), sa Israel hindi kayo tatakbo sa mga inuman sa araw ng Shabbat para lunurin ang inyong mga kalungkutan at mga kasalanan, ngunit gayon pa man nakompromiso ninyo kung ano ang Kabanalan. Hindi kayo tumayo laban sa gobyernong Zionist30 na adyenda o ipinagtanggol ang mga inosente. Mayroong mga natitira [remnant] sa Israel na mga Banal at puno ng AKING BANAL NA ESPIRITU at sila ay nagpopropesiya at mga tumututol laban sa pagpapalaglag ng mga sanggol, homosekswal, imoralidad, at tinanggap nila si YAHUSHUA bilang MESYAS.
Nasaan ang mga yaong mayroon ng Espiritu ni Haring David, na isang lalaking malapit sa Puso ni YAHUVEH (Mga Gawa 13:22)? Alam ni David kung paano magsisi, magpuri at manalangin para sa pamamatnubay at makamit ang tagumpay sa pamamagitan ng pagsunod kay YAHUVEH. Alam din ni Haring David na si YAHUSHUA ay darating bilang MESYAS sapagkat nakita niya ang KANYANG KALUWALHATIAN sa Maka-propesiyang Rebelasyon (Mga Awit 2:7, 12; 16: 8-11; 110).
Ano’t si YAHUVEH, YAHUSHUA, at AKO, ang inyong MAMA SHKHINYAH, ay nagtatakip ng AMING mga Tenga at mga Mata sa matinding kalungkutan habang naririnig NAMIN ang mga nagpapahayag na mga Banal at sama-samang nagtitipon-tipon, gumagamit ng mga nakasusuklam na mga pagsumpa na salita, nangangalunya [fornicate] sa pamamagitan ng mga mata, ang inyong mga isipan at katawan—pinagpupuno ng kalibugan [lust], kahit ang kalibugan sa parehas na kasarian—at ginagawa ang lahat ng uri ng kasalanan laban sa lahat ng tinatawag na Banal.
Susubukan niyo ba talaga at sumandal sa impyerno, para makita lamang kung gaano katagal na maaari kayong sumandal bago kayo mahulog dito nangunguna ang ulo? Hindi ba’t nasusulat “Magpakabanal kayo gaya na AKO ay Banal”? Tumigil kayo sa paggawa ng mga dahilan sa inyong mga kasalanan. Sa halip, talikuran niyo ang mga bitag ni satanas.
“Halikayo, magliwanagan tayo” (Is 1:18). Tingin niyo ba talaga na dahil kumuha kayo ng oras para tipunin ang inyong mga sarili sa simbahan o templo mayroon na kayong lisensiya para magkasala? At ito mismo ang mga kasalanan na pinaghingan niyo ng kapatawaran at tumalikod at sinadyang ulitin ito muli! Sa paggawa nito, pinatutunayan niyo na hindi niyo kailanman nilalayon na tumalikod mula sa kasalanan. Wala kayong niloloko na kahit na sino! At ang mga taong tinatawag niyong mga pagano ay pinagtatawanan [mock] kayo sa inyong mga likuran! Sapagka’t wala kayong pinagkaiba sa kanila!
Katulad ng makalupang ina na umaaliw [comforts] sa kanyang mga anak, AKO—si SHKHINYAH ang inyong RUACH HA KODESH, ang inyong MAMA WISDOM—ay higit pang ginagawa ito. Naninirahan AKO sa inyo at nagtatrabaho sa pamamagitan ninyo at ito ay sa pamamagitan ng AKING BANAL na Pagpapahid [Anointing] na AKO’Y gumagawa ng mga pagpapahayag ng mga palatandaan, mga kababalaghan at mga milagro.
Ito ay sa pamamagitan ng PANGALAN NG AKING ANAK na YAHUSHUA, dahil sa KANYANG DUGONG-ALAY na ang AKING BANAL NA PAGPAPAHID ay sumisira sa lahat ng mga yugo at mga pagkakaalipin. AKO ang RUACH HA KODESH at hindi AKO ‘HE’. Nang isinalin ng tao ang Bagong Tipan ang ‘S’ ay inalis mula sa salitang ‘HE’, AKO ay ‘SHE’.
Elisabeth [Elisheva], maging napaalalahanan, ang mga mayroon ng espiritu ng relihiyon at mayroon ng anyo ng kabanalan ngunit walang KABANALAN sa panloob (2 Tim 3:5), ay aatake sa iyo. Wala silang mapagmahal, masunurin na relasyon kay YAHUVEH, at YAHUSHUA, at mararamdaman na sila ay nahatulan at aatake sa iyo at tatawagin ka sa lahat ng uri ng masasamang pangalan.
Tandaan mo hindi ito ang iyong mensahe na kanilang inaatake, ito ay Mensahe ng Langit. Muli kang mabigyan ng katiyakan, mayroon ang mga yaong, ang mga pangalan ay nasa Aklat ng Buhay ng TUPA, na magagalak at sasabihin na palagi nilang pinaghahanap ang mga kasagutan upang malaman pa ang tungkol sa kung SINO ang BANAL NA ESPIRITU. Sila ay magagalak at malalaman na alam nila ito ang Katotohanan na naiwika. Marami na ang mga nagnais na malaman ito, ngunit hindi nangahas na tanungin ang sinuman dahil sa takot na sila’y maaring kutyain.
Ang AKING PANGALAN ay MAMA WISDOM [KARUNUNGAN] at AKO ay magbibigay pa sa inyo ng Karunungan habang hihilingin niyo sa AKIN, “MAMA WISDOM tulungan mo ako sa PANGALAN NI YAHUSHUA HA MASHIACH, ako ay humihiling pa para sa INYONG Karunungan!” Subukan niyo at tingnan kung hindi KO ito gagawin para sa inyo. Tingnan niyo kung hindi madadagdagan ang inyong mga Pagpapahid (Anointing). Ngunit tandaan ninyo, ito’y sa pamamagitan lamang ng PANGALAN NI YAHUSHUA na AKO ay maaaring umihip ng halik [ng mga panalangin] kay YAHUVEH para sa inyong mga panalangin na masagot.31
Elisabeth [Elisheva], AKO ang iyong MAMA SHKHINYAH at ipapakita KO sa iyo ang mga Lihim na naihayag sa Banal na mga Kasulatan upang tulungang turuan ang AKING Banal na mga tao kung SINO ang tunay nga ba na BANAL NA ESPIRITU.
Tinuruan ka na ang RUACH HA KODESH ay masculine, hindi feminine. AKO ay tinawag na ‘HE’ sa halip na ‘SHE’ dahil sa paraang maling pagsasalin ng mga iskolar sa Manuskrito ng mga Unang Panahon—karaniwan dahil ang kayabangan ng mga kalalakihan ay di nais na ito ay maihayag, ni hindi rin ni satanas.
AKO, ang inyong MAMA SHKHINYAH, ang nagtutungo sa inyo kay YAHUSHUA HA MASHIACH, [na SIYANG] nagbabautismo sa inyo ng AKING BANAL NA APOY, na tinatawag niyong BANAL NA ESPIRITU. AKO, ang inyong MAMA SHKHINYAH ang nagpapayo sa inyo. AKO ay maaari ring tawaging MAMA RUACH HA KODESH, o MAMA RUACH, nasa inyong pagpipili. AKO ay nagpapayo at nagtuturo at nagsasalita sa pamamagitan nitong bagong Pagpapahid na ibinigay ko sa iyo Elisabeth [Elisheva]. At ang mga mayroong espirituwal na mga tenga para duminig at maniwala na maririnig ang AKING tinig nang lalong malinaw sa paraang hindi sila nakarinig mula sa AKIN noon.
Mahal na babaeng anak na Elisabeth [Elisheva], binigyan KITA ng Pagpapahid na upang magsalita at interpretahin ang sinasabi ng mga makalangit na Banal na mga Wika. Ikaw ay nagsasalita sa mga wika ng mga makalangit na Banal na anghel at iba’t ibang mga wika ng tao.
Naiintindihan mo lamang ang mga wika habang ibinibigay KO sa iyo ang regalo ng interpretasyon sa sarili mong wika. Kung minsan ikaw ay AKING pinuprotektahan, upang hindi mo malaman ang iyong ipinapanalangin, sapagka’t magpupuspos ito sa iyong laman habang ikaw ay nagsasalita sa makalangit na Banal na mga wika.
Sa ibang mga oras pinipili KO na magsalita mula sa iyo sa Banal na mga wika ng mga lengguwahe ng tao na hindi mo pa natututunan (Mga Gawa 2:4), ngunit madalas sa mga oras ito’y mga wika ng mga makalangit na Banal na anghel, gaya ng ipinapahayag ng mga Kasulatan sa Aklat ng 1 Corinto 13:1.
Kapag pinipili KO na magsalita mula sa iyo sa mga wika ng Banal na anghel, at walang interpretasyon na ibinigay sa iyo, ito ay dahil hindi mauunawaan ni satanas at ng kanyang mga demonyo kung ano ang naipapanalangin o sinasabi. Hindi ito para sa kanilang mga tainga para marinig.
Hindi laging kinakailangan para sa iyo na tanggapin ang interpretasyon ng mga wika, ngunit dumidinig si YAHUVEH at sinasagot NIYA ang iyong mga panalangin, bagaman hindi mo alam kung ano ang iyong ipinapanalangin sa maraming beses.
Minsan ikaw ay nananalangin para sa mga taong hindi mo kahiman kilala—namamagitan ka para sa mga Banal na mga tao na nasa palibot ng mundo. Maraming beses ikaw ay nagdarasal para sa iyong mga personal na mga pangangailangan, o kagalingan para sa iyo o ng iba. Maraming beses ikaw ay nananalangin para sa mga pagpapala sa yaong Banal na Mga Ikakasal at Mga Bisita [Holy Bride and Guests], o Awa at Kaligtasan para sa mga itim na tupa na upang bumalik sa NAG-IISANG MABUTING PASTOL, na YAHUSHUA HA MASHIACH.
Minsan naman nagdarasal ka para sa Kahatulan at Paghihiganti ni YAHUVEH sa mga lingkod ni satanas at ang mga karapat-dapat sa Pisaan ng Matinding Galit (Winepress of Wrath) ni YAHUVEH. WALANG distansiya sa panalangin. Mag-aral kayo at ipakita ninyo ang inyong mga sarili na nasasang-ayunan [approved].32
Hindi ba sinabi ng AKING ANAK na YAHUSHUA HA MASHIACH, “Si Juan ay nagbautismo sa inyo sa tubig, ngunit AKO ay nagbabautismo sa inyo sa APOY NG RUACH HA KODESH” (Mga Gawa 1:5)? AKO rin ay tinatawag na BANAL NA ESPIRITU at HOLY GHOST. Ginagamit AKO ni YAHUSHUA para punuin ang mga yaong Banal upang mag-umapaw sa AKING Pagpapahid, na alin ay mga Banal na mga palatandaan, mga kababalaghan at mga milagro para sa mga tunay na nagmamahal at inilalagay si YAHUVEH at YAHUSHUA una sa kanilang mga buhay at pagmamahal.
Kabilang dito ang Mga Ikakasal ni YAHUSHUA, na mga isinasakripisyo ang lahat para sumunod at sundin ang Banal na Mga Utos na nailatag sa Banal na mga Manuskrito, at gawin ito nang may pagmamahal para kay YAHUVEH at YAHUSHUA at gawin ang kanilang pinakamakakaya upang sumunod at mamuhay na Banal. ANG AKING BANAL NA ESPIRITU ay naninirahan sa loob ng kanilang makalupang templo na tinatawag na katawan.
Ang Mga Ikakasal ni YAHUSHUA ay nagsusumikap na kilalanin pa ang BANAL NA TRINITY bawat araw at sundin ang bawat salitang AMING sinasabi. At ang KALUWALHATIAN NI YAHUSHUA ay nagniningning mula sa kanilang mga mukha at mga buhay. Wala silang anumang pinagpipigilan at ibinibigay ang lahat kay YAHUSHUA HA MASHIACH para sa KANYANG Kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatian. Gaya ng nasusulat sa Mga Gawa 2:37-47, ang Mga Ikakasal ni YAHUSHUA HA MASHIACH ay hahangarin na gawin ang tulad ng mga Unang Panahon at makikiisa sa iyo at magiging isang katulong sa Ministeryong ito at hindi isang hadlang.
Gagawin nila ito para sa isang layunin. Upang luwalhatiin si YAHUSHUA HA MASHIACH!
Elisabeth [Elisheva], AKING babaeng anak, hindi ba’t sinasabi ng Banal na mga Kasulatan, sa simula ng paglikha sa sanlibutang ito, “Halika gumawa tayo ng tao mula sa ATING IMAHE” (Gn 1:26)? SINO sa palagay mo ang pakahulugan ng ‘ATING IMAHE’?
Ginawa si Adan batay sa IMAHE NI YAHUVEH at ginawa si Eba batay sa AKING BABAENG IMAHE. Habang si Eba ay nilikha upang maging isang kasamang makakatulong [helpmate] ni Adan, gayon din, ang inyong MAMA SHKHINYAH ay tinatawag din sa mga Kasulatan na ‘KATULONG’ [‘HELPER’].33 AKO ay CO-CREATOR (KASAMANG-MANLILIKHA) kasama si YAHUVEH at YAHUSHUA. Si YAHUSHUA ay AMING ANAK. KAMING LAHAT NA TATLO ay nagdusa at nagbayad ng HALAGA upang ang mga tao na ang mga pangalan ay nasusulat sa Aklat ng Buhay ng TUPA ay makabalik sa Langit.
AKO ang inyong MAMA SHKHINYAH.
AKO ang SIYANG namumuhay sa loob ng inyong
mga katawan, espiritu at kaluluwa.
AKO ang inyong MAKALANGIT NA TAGAPAYO [MENTOR],
ang inyong GURO.
AKO ang ESPIRITU at ang KATOTOHANAN.
AKO ang SIYANG nabibigay sa inyo ng hangarin
na tanggapin at sundin si YAHUVEH at YAHUSHUA bilang DIYOS.
AKO ang SIYANG nagbibigay sa inyo ng hangarin
na umawit, purihin, manalangin at sambahin
si YAHUVEH at YAHUSHUA.
Ngayon AKO rin ay nagbibigay sa inyo ng bagong hangarin
at iyon ay para kilalanin ninyo ANG SIYANG Nagpapahid sa inyo,
ang inyong RUACH HA KODESH,
ang inyong MAMA SHKHINYAH.
Mga banal na anak, sinisinta KO kapag kayo ay umaawit at nagsasabi ng mga salita ng pagmamahal din sa AKIN. Matiyaga AKONG naghintay para sa oras na ito. Naghintay AKO para sa Rebelasyon na ito na ipakawala at itinalaga sa Langit na ikaw, AMING pinagpalang Ringmaiden, Elisabeth Sherrie Elijah [Elisheva Eliyahu], ang magiging boses upang patunugin ang Banal na Mensahe na ito sa palibot ng mundo. Ito ang isa pang dahilan ikaw ay tinawag na Ringmaiden ni YAHUSHUA.
AKO, ang iyong MAMA SHKHINYAH tinatawag ding RUACH HA KODESH ay pumili sa iyo, Elisabeth [Elisheva], na magkaroon ng karangalan na ipakilala AKO bilang MAMA SHKHINYAH sa AKING mga anak. Napakaraming mga Banal na anak ang mapapagaling mula sa kanilang mga sugat na nagpahirap sa kanila, dahil dito sa lupa hindi nila nabatid ang pagmamahal, pag-aaliw [comforts], at pagpapayo ng isang mapagmahal na ina. At gayunman naroroon AKO nang buong panahon. Ngayon pinahiran KITA upang marinig ang AKING Tinig at sabihin ito sa kanila.
Alam KO na ikaw ay susunod!
Ano man ang halaga na kakailanganin mong bayaran!
AKO ay tinatawag na ‘KARUNUNGAN’.
Ang AKING Bunga ay ang Pitong Espiritu.
Pag-aralan ninyo ang mga Pitong Haligi [Seven Pillars] na binanggit
sa Aklat ng Mga Pahayag.34
AKO ay tinatawag na PASYENSIYA, PAGTITIIS;
AKO ay AWA, at higit pa.
Matuto at pag-aralan niyo na ngayon kung SINO
ang SIYANG NAGPAPAHID sa inyo.
AKO ay higit pa
sa ISANG BANAL NA HANGIN o BANAL
NA PINAHIRANG APOY,
o sa ISANG MATAMIS NA AMOY SA HANGIN.
AKO ay—higit pa
sa PAGSASALITA SA MAKALANGIT
NA BANAL NA MGA WIKA,
at PROPESIYA at MGA PALATANDAAN,
MGA KABABALAGHAN o MGA MILAGRO.
AKO ang inyong MAMA SHKHINYAH,
tinatawag din na RUACH HA KODESH
na nagdadala sa mga kaluluwa patungo
kay YAHUSHUA HA MASHIACH.
AKO ANG SIYANG NAGPAPAHID
NG MAKALANGIT NA MGA KAPANGYARIHAN
at NAGBUBUHOS NG AKING BAGONG ALAK
at SARIWANG MANNA mula sa Langit.
AKO ang inyong MAMA SHKHINYAH
at HINDI KO ibinabahagi ang AKING Kaluwalhatian
sa sinumang babae o lalaki.
Si YAHUVEH, YAHUSHUA at AKO ay IISA.
Kapag sinasamba niyo si YAHUSHUA, sinasamba niyo KAMING LAHAT NA TATLO nang sabay-sabay. Kung gusto niyo maaari niyo AKONG tawagin na ‘MAMA RUACH HA KODESH’, ang iba ay maaari pa rin AKONG tawagin na ‘BANAL NA ESPIRITU’, ngunit hangad KO na maghayag ng higit pa sa mga naghahangad ng mas higit na Pagpapalagayang-loob sa AKIN.
AKO ay nagbababala ngayon, ang sinuman na tumatanggi o umiinsulto sa itinuro ni Shaul (Apostol Pablo) tungkol sa realidad ng Banal na mga regalo ng RUACH HA KODESH, MAGSISI NA NGAYON. Sapagka’t kayo ay nag-insulto at nagpadalamhati sa sukat na ang kaluluwa ninyo ay naitataya!
AKO ay nagsasalita na ngayon sa PANGALAN na nakikilala niyo bilang YAHUSHUA.
Kapag hindi kayo magsisi kayo ay walang hanggang nasusumpa!
Sa mga yaong iginigiit na tanggihan at kutyain ang BANAL NA ESPIRITU, (RUACH HA KODESH) at ang mga regalo ng BANAL NA ESPIRITU, ang inyong mga pangalan ay maski alin hindi kailanman nasa Aklat ng Buhay ng TUPA o ito ay napawi, dahil bago pa kayo ipinanganak sa Sanlibutan, ito ay napag-atasan na sa Langit. Kung ang pangalan niyo ay nasa Aklat ng Sumpa o Aklat ng Mga Pinawi, kung ganoon impyerno ang inyong susunod na tahanan.
Narito ang Lihim inuulit KONG muli35 sa pamamagitan ni Elisabeth [Elisheva]:
Bawat kaluluwang ipinanganak sa lupang ito ay nasubok sa Langit bago pa sila tumungo sa lupang ito at iyan ang dahilan pinagtatrabahuan ng bawat kaluluwa ang kani-kanilang mga kaligtasan ‘nang may takot at panginginig’ (Fil 2:12). Alam na ng inyong kaluluwa kung kayo ay nasa panig ni lucifer o sa panig ni YAHUVEH noong panahon ng Matinding Pagkakanulo (Great Betrayal) na Digmaan sa Langit, bago pa ang Pagkakatatag ng Sanlibutang ito.
Hindi kasalanan ang hindi maintindihan ang mga regalo ng Propesiya o ang pagsasalita sa Banal na mga wika ng tao at mga Banal na anghel, ngunit huwag kayong magsalita laban sa kung anong Banal—dahil lamang hindi niyo ito naranasan, o nagkaroon kayo ng masamang karanasan sa kahuwaran [counterfeit]. Ang iba sa mga bumabasa nito ay nagkaroon na ng karanasan ng pagkapuno ng makademonyong mga wika. Kaya’t huwag niyong tanggihan ang tunay [genuine] dahil lamang pinagbuksan niyo ng inyong mga sarili sa kahuwaran sa pamamagitan ng kasalanan—o ang dugong pinanggalingan [blood line] ninyo ay puno ng okulto.
AKO, si YAHUVEH, ay nagbababala sa inyo na si satanas ay masama sa lahat ng bagay, kahima’t tinuturuan ang mga tao na manalangin sa mga diyosa, dahil alam niya na ang RUACH HA KODESH, ang inyong MAMA SHKHINYAH, ay ang nag-iisang REYNA NG LANGIT.
Pag-aralan niyo kung ano ang kahulugan
ng salitang ‘SHKHINAH GLORY’.
Pag-aralan mo ang mga Kasulatan Elisabeth [Elisheva]
at magkakaroon ka ng katahimikan sa pagbitiw
nitong Lihim na itinago
para sa panahong tulad nito.
Ito ay lulunas sa napakaraming mga sugat. Katulad lamang na nagkaroon ka ng kahungkagan [void] sa sarili mo ng isang PAGMAMAHAL ng isang INA, ngayon mauunawaan mo ikaw ay napagaling na at ang iba rin ay mapapagaling, dahil ang yaong kahungkagan ay napunan na.
Pagkatapos niyong tanggapin si YAHUSHUA bilang MESYAS, kayo ay agad na napuno ng AKING BANAL NA ESPIRITU, AKING RUACH HA KODESH. Ang inyong MAMA SHKHINYAH ay literal na AKING ESPIRITU at ang yaong ESPIRITU ay nananahan sa inyo. Ito rin ay nangangahulugan na AKO ay nakakikita sa pamamagitan ng inyong pisikal na mga mata at nakaririnig sa pamamagitan ng inyong pisikal na mga tenga at kumikilos sa pamamagitan ng inyong pisikal na katawan.
Kaya’t huwag niyo AKONG papagdalamhatiin [grieve].
Huwag kayong magpatuloy na subukin AKO.
Ito ay nalalapat sa lahat ng mga tumanggap kay YAHUSHUA HA MASHIACH bilang DIYOS, PANGINOON, TAGAPAGLIGTAS, KAISA-ISANG BUGTONG NA ANAK NI YAHUVEH, ipinanganak sa laman mula sa babaeng birhen at inialay ang KANYANG SARILI para maging isang BANAL NA SAKRIPISYO SA KASALANAN, na SIYANG namatay at muling nabuhay sa ikatlong araw, at ngayon ay nakaupo sa AKING Kanang Kamay, ni YAHUVEH.
Ang lahat ng mga nagsusumikap na sumunod ay napuno ng AKING RUACH HA KODESH, AKING BANAL NA ESPIRITU sa ilang mga sukat. Ang ilan ay napuno ng hindi gaano at ang ilan ay ng mas maraming sukat habang sila’y lumalago sa kaalaman kung SINO si YAHUSHUA.
Saan sa tingin niyo nanggaling ang ideya na ang isang Banal na asawang lalake at asawang babae ay para magkaisa? Ito’y unang ginanap sa Langit. Nang tinanggap niyo si YAHUSHUA bilang MESYAS, kailanma’y hindi niyo nalalaman na sabay din kayong napupuno ng PAGMAMAHAL NG ISANG MAKALANGIT NA INA. Ang salitang ‘taga-aliw’ [‘comforter’], ay ang kung anong pinakamahusay na ginagawa ng isang ina.
AKO ang inyong MAMA RUACH HA KODESH
at AKO ang inyong TAGA-ALIW.
Pinapahinahon KO kayo kapag kailangan niyo ng pagpapahinahon;
Kapag ang inyong mga damdamin ay mahapdi,
at kayo ay nasasaktan, natatakot, nag-iisa
o nadaramang tinanggihan o naguguluhan,
AKO ANG KAPAYAPAAN
NA NILALAMPASAN ANG LAHAT NG PAG-UNAWA (Fil 4:7);
AKO ANG RUACH HA KODESH, ang inyong MAMA SHKHINYAH
na nagbibigay sa inyo ng Banal na Makalangit
na Makainang Pagmamahal.
Ito ang Lihim na naipahayag kay Propeta Daniel, sa Aklat ni Daniel, at nakaselyado para sa panahong tulad nito (Dn 12:4).
Muli, AKING uulitin, ngayon na ang oras,
na inatas ni YAHUVEH—
Ang AKING Salita ng KARUNUNGAN na upang pakawalan!
Ito ang oras kung kailan ang espiritu ng relihiyon ay babangon at magpapakita kung gaano lamang ito kasama. Ang mga Pariseo ay mayroon ng espiritu ng relihiyon at tandaan kung paano nila inusig hindi lamang si YAHUSHUA ngunit lahat ng mga [naging at ngayon ay] mga Banal? Ang mga Banal ay dapat magkaisang tumayo na ngayon, magtulungan at ipagtanggol ang isa’t isa, dahil ‘ang isang tahanang nahahati ay hindi makatatayo’ (Mt 12:25).
AMING mahal na Ringmaiden na Elisabeth [Elisheva], ito ang Lihim na ibinigay sa iyo—nang ang Mga Tinig ng Pitong (7) Mga Kulog ay gumising sa iyo at kumausap sa iyo maraming taon nang nakalipas.
Sa mga mambabasa ng Salitang ito, mag-aral kayo at ipakita ninyo ang inyong mga sarili na nasasang-ayunan at manalangin para sa mas malaking karunungan sa Pahayag 10 [Revelation 10], dahil sa Pitong (7) Mga Kulog, na narinig ni Elisabeth [Elisheva], binanggit ang ilan sa mga Lihim na inihayag sa Maka-propesiyang mga Mensahe sa ngayon.
Elisabeth [Elisheva], kung naisulat mo ang petsa, makikita mo, nangyari sanang umayon ito sa eksaktong oras na sinabi ng Pitong [7] Mga Kulog ang araw at buwan (8/27)—at tanging sa itinakdang oras at taon lamang na iyon na ito ay maihahayag sa harap ng mundo sa Internet—gaya na ito ngayon ang yaong itinakdang oras at panahon.
Elisabeth [Elisheva], bago nagkaroon ng Ministeryo, natatandaan mo lamang ang paggising mo sa malakas na mga tunog ng kulog pitong ulit na magkakasunod na yaon ay napakalakas yumanig sa iyo para gumising. At gayon pa man walang sinumang nakarinig nito maliban ikaw. Ang araw ay sumisikat sa kalangitan.
Ang tunog ng kulog ay AKO, si YAHUVEH, na nagsasalita sa iyo. Habang ikaw ay natutulog mag-isa nang umagang iyon, ginising KITA, una’y kasama ng isang tunog ng kulog na yumanig sa iyo para gumising. Tumakbo ka sa bintana at nakita ang sikat ng araw at pagkatapos ay kaagad kang bumalik sa tulog—nguni’t para magising lamang sa parehong paraan pitong ulit na magkakasunod-sunod, bawat oras ay bumabalik sa tulog, nagdarasal at itinatanong sa AKIN kung ano ang nangyayari.
Nangyari ito sa ika- pitong oras [7:00] ng umaga.
Ang anong nasusulat ngayon, at sa Mga Propesiya ay palihim na naipahayag sa iyo sa mga oras na iyon, ngunit muli hindi mo ito alam hanggang sa ngayon. Hindi ito sinadya na maihayag hanggang sa AKING tiyempo. Sa itinakdang araw, buwan at taon, malalaman mo na ikaw ay may pahintulot na bitawan ang bagong Rebelasyong ito at mula sa kung anong bansa ang Salita ng Kaalaman na ito ay upang maipahayag kasama nitong walang kapares na Pagpapahid [unique Anointing].
Maging nakahanda, ang mga ikakasal ni satanas, ang mga tagapaglingkod ni satanas, at ang mga anak ni satanas ay aatake sa iyo—nais na itago ni satanas ang Salita ng Kaalaman na ito na maging sikreto. Ang mga tumatawag sa kanilang mga sarili na ‘Kristiyano’ ngunit mayroon lamang anyo ng pagiging makadiyos ngunit walang pagiging MAKADIYOS sa panloob (2 Tim 3:5), ay aatake sa iyo nang pasalita nguni’t AKO, si YAHUVEH, ay tutungo sa iyong harapan at lalaban sa iyong mga labanan para sa iyo.
Nakaraang mga taon bago ka nagbigay silang sa Ministeryong ito, nanalangin ka at tinanong si YAHUSHUA kung anong nangyayari nang narinig mo ang dumagundong na kulog nang pitong beses. Bakit ka gumising at tumakbo at tumingin sa bintana at kaagad na bumabalik sa tulog nang pitong beses? AKO ay magbabahagi ng Lihim sa iyo: ang pito ay kumakatawan rin sa taong 2007. Ang pito ay ang numero ng kalubus-lubusan [perfection] at ito’y AKING perpektong tiyempo na itong Salita ng Kaalaman ay pinapakawalan.
Natatandaan mo nang agad mong naramdaman na napapangunahang pag-aralan ang tungkol sa Pitong Mga Kulog sa Aklat ng Pahayag (Pah 10: 3-4)? Sa buong napakaraming taon hindi ka nagkaroon ng kasagutan hanggang sa ngayon. Sa mga oras na iyon na AKO, si YAHUVEH, ay nagbitaw ng Mga Lihim sinabi sa pamamagitan ng yaong Pitong Mga Kulog—naghayag gaya na AKO ay nagsasalita mula sa iyo ngayon bilang isang Propeta sa mga Nasyon.
Ginagamit KITA dahil bago pa ang Pundasyon ng Sanlibutang ito, ikaw ay pinili upang tumungo sa Sanlibutang ito para dalhin ang lahat ng Kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatian sa AKIN, si YAHUVEH, YAHUSHUA, at ang RUACH HA KODESH, ang ISANG tinatawag niyo ngayong MAMA SHKHINYAH o MAMA WISDOM. Pinahiran ka [anointed] para sa panahong tulad nito.
Ikaw ay pinili bago pa ang Pundasyon ng Mundong ito upang mapuno ng AKING RUACH HA KODESH—kahit habang ikaw ay nasa sinapupunan ng iyong paganong ina, kung saan ikaw ay kinasusuklaman, hindi kaibig-ibig at tinanggihan. Maraming taon na ngayong nagdaan, at ngayon nalaman mo na si MAMA SHKHINYAH ang umaliw sa iyo [comforted you]. Mangyaring mga taong lumipas bago mo nalaman kung sino ka sa pamamagitan ng PANGALAN NI YAHUSHUA at ang KANIYANG DUGONG SAKRIPISYO ay para sa iyo sa Kalbaryo.
Ikaw ay pinili bago pa ang Pundasyon ng Mundong ito upang magbigay silang sa Banal na Ministeryong ito na may Pangalang hindi sumasaklaw sa pangalan ng lalaki o babae ngunit pinaparangalan lamang ang BANAL NA TRINITY.
Elisabeth [Elisheva], ikaw ay napahiran—gaya kay Jeremiah ng mga Unang Panahon, nang ikaw ay nasa sinapupunan ng iyong ina (Jer 1:4-10)—bilang AMING Bibig at nabigyan ng boses ng isang Banal na Propeta sumisigaw sa desyerto ng mundong ito. Tanging ang mga yaong ang mga pangalan ay nahahanap sa Aklat ng Buhay ng TUPA ang maniniwala at tatanggap sa Mga Katotohanan sa Ministeryong ito gaya lamang ng walang pag-alinlangang tinatanggap nila si YAHUSHUA bilang MESYAS.
Ang tagapaglingkod ay hindi mas dakila kaysa sa panginoon, at kung silang lahat ay tumanggap kay YAHUSHUA HA MASHIACH nang lumakad SIYA sa sanlibutan na nagturo at gumawa ng mga milagro para sa AKING Kaluwalhatian, ni YAHUVEH, kung gayon sila rin ay tatanggap sa iyo at sa Mga Katotohanang iwiniwika KO sa pamamagitan ng Ministeryong ito.
Iwiniwika mo ang mga Salita na AKO, si YAHUVEH, ang nagwika, na si YAHUSHUA HA MASHIACH ang nagwika, at ngayon ikaw ay nabigyan ng walang kapares na Regalo para marinig ang iyong MAMA SHKHINYAH na nagsasalita sa iyo. Ang walang kapares na Pagpapahid na ito ay tutungo sa iba pang mga Banal na mga Propeta na maniniwala at tatanggap sa Mga Katotohanang ito at lulukob sa iyo sa panalangin, susuporta sa iyo kasama ang kanilang pagmamahal at gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang maging isang biyaya sa Ministeryong ito.
Elisabeth [Elisheva], AKO ang iyong MAMA SHKHINYAH GLORY. AKO ang SIYANG nagpapahid sa iyo para sa mga palatandaan, mga kababalaghan at mga milagro kabilang dito ang pagpopropesiya at pananalangin sa Banal na mga wika ng tao at Banal na mga anghel.
AKO ang iyong MAMA SHKHINYAH GLORY. AKO ang SIYANG namamagitan para sa lahat ng mga Banal na mga anak habang dinadala KO ang inyong mga panalangin sa Trono ni YAHUVEH gaya ng isang halik36 na hinipan sa hangin kapag ito ay ginawa sa NGALAN NI YAHUSHUA HA MASHIACH.
Kabilang din dito ang Pangalan ni ‘HESU KRISTO’ sa ngayon, ngunit mag-iingat, dahil ang anak ni satanas sa Malaking Kapighatian [Great Tribulation] ay manghuhuwad sa pangalan ni ‘Hesu Kristo’. Hindi KO magagawang maiparating ang mga panalangin sa mga panahong iyon sa ‘pangalan ni Hesus’, dahil ang supling ni satanas ay gagamit din sa pangalan ni ‘Hesu Kristo’.
Ituro niyo na ngayon ang SAGRADONG HEBREONG PANGALAN NI YAHUSHUA at YAHUVEH sa lahat ng mayroong espirituwal na mga tenga para duminig, makinig at sumunod. Matuto kayo at sanayin na gamitin ang tunay na HEBREONG PANGALAN ng ISANG higit na tinatawag na ‘HESU KRISTO’ ngayon na, bago pa maging huli na ang lahat. Sabihin sa mga tao—Huwag niyong hintayin hanggang sa pagdating ng Malaking Kapighatian [Great Tribulation] na matutunan ito sa mahirap na paraan. [Tingnan ang pahinang ‘Bakit Namin Ginagamit ang SAGRADONG MGA PANGALAN’]
Isigaw niyo ito hanggang marinig nila at ang Mensahe’y umalingawngaw sa buong mundo. Sa Malaking Kapighatian magkakaroon ng malaking panlilinlang. At sa mga oras na iyon, hindi na magagawang sagutin ni YAHUVEH ang inyong mga panalangin sa pangalan ni ‘Hesu Kristo’.
Tanging ang HEBREONG PANGALAN NA YAHUSHUA HA MASHIACH lamang ang magtataglay ng Kagalingan, Kaligtasan, ng Muling Pagkabuhay na Kapangyarihan! Dahil ang isa na tinatawag na anak ni satanas ay gagamit at manlilinlang ng mga milyon-milyon—gumagawa ng mga huwad na mga palatandaan, mga kababalaghan at mga milagro—habang hinuhuwad ang pangalan ni ‘Hesu Kristo’ sa harap ng mundo. Kahit ang mga hinirang [elect] ay malilinlang—kung maaari (Mt 24:24, Mk 13:22).
Mag-iingat, sa ngayon mayroong mga nakasasamang mga tao na mayroon ng espirito ng anti-kristo at ginagamit nila ang pangalan ni ‘Hesu Kristo’, ngunit kinasusuklaman nila ang HEBREO NA PANGALAN NI YAHUSHUA. Sapagka’t ito ang palagiang paalala na si YAH ay nagliligtas! Si YAHUSHUA ang nag-iisang MASHIACH (MESYAS).
Elisabeth [Elisheva], narinig mo ang tinig ng iyong ABBA YAHUVEH, at narinig mo ang yaong Tinig at natanggap ang Mga Mensahe sa pamamagitan ng AKING Pagpapahid mula kay YAHUSHUA, ang iyong MASHIACH.
Matiyaga AKONG naghintay para sa yaong oras na para makilala mo AKO bilang ANG PAG-IBIG NG MAKALANGIT NA INA na lagi mong pinananabikan. AKO ang tangi mong INA, at AKO ang SIYANG nagpapahid sa iyo at umaaliw sa iyo at nagpapayo sa iyo. Dahil sa iyong MAMA SHKHINYAH na napapakinggan mo ang AKING Banayad na Munting Tinig at naririnig ang Banal na mga Mensahe mula kay YAHUVEH, at YAHUSHUA. AKO ang BANAYAD NA MUNTING TINIG na kumakausap sa iyo. Para sa mga yaong nagdududa rito, sabihin niyo sa AKIN, kailan na ang lalaking boses ay kailanmang inilarawan bilang ‘banayad na munting tinig’ (1 Hari 19:12)?
AKO ang SIYANG ipinagpanalangin ni Haring David ng mga Unang Panahon, na huwag KO siyang kailanmang iwan. Ipinagdasal niyang, “Huwag mong kunin ang iyong RUACH HA KODESH sa akin” (Awit 51:11).
AKO ang SIYA na sa oras na pinaglapastangan [blasphemed] o pinagpadalamhati o ininsulto sa sukdulan, sasabihin KO, na “Tama na” [“Enough is enough”] at lalakad AKO palayo at wala nang pag-asa pa para sa Kaligtasan ng yaong kaluluwa [ang kuhila (reprobate)]. Tanging ang Matinding Poot lamang ni YAHUVEH ang mababatid ng taong iyon; impiyerno at ang Dagat ng Apoy ang walang hanggang tahanan ng taong iyon.
AKO ang RUACH HA KODESH na sa Aramaic ay tinatawag din na ‘NAIBUKOD NA ESPIRITU’ [‘SET APART SPIRIT’]. AKO AY PAWANG KATOTOHANAN, at tanging sa pamamagitan KO lamang na maihahatid ang sinuman kay YAHUSHUA at tanggapin SIYA bilang ang NAG-IISANG DAAN PATUNGONG LANGIT. AKO ay tinatawag na RUACH HA KODESH, at sa mga titulong HOLY GHOST at HOLY SPIRIT. AKO AY PAWANG KABANALAN, kasama si YAHUVEH at YAHUSHUA. KAMING lahat ay IISA at gayunman ay magkakahiwalay. KAMI ang BANAL NA TRINITY at wala nang iba. Sa Malaking Kapighatian, magkakaroon ng walang-kabanalan na trinity! si satanas ay isa lamang manggagaya—hindi isang manlilikha.
WALANG pasukan na patungong Langit na hindi dumadaan sa pamamagitan NAMING LAHAT NA TATLO: ABBA YAHUVEH, YAHUSHUA, at AKO, ang inyong MAMA RUACH HA KODESH.
Ang Kaligtasa’y dumarating lamang sa pamamagitan ng PANGALAN AT ng BUMUHOS NA DUGO NI YAHUSHUA. At parte ng AKING trabaho ay kailangan KONG ilapit ang mga kaluluwa kay YAHUSHUA. At wala AKONG naiiwan ni isang kaluluwa na nasusulat sa Aklat ng buhay ng TUPA (mula) bago pa ang pundasyon ng mundong ito.
Binibitawan KO ang Lihim na ito sa iyo ngayon—kasama ang AKING regalo ng katapangan na magsalita at magpropesiya samantalang wala pang Propeta ang nakagawa nito nang lantaran sa publiko noon. Mayroong mga iba na nakapagturo na AKO ay babae [feminine], ngunit hindi kailanmang nagpropesiya sa paraang AKO ay nagsasalita mula sa iyo ngayon.
Binibitawan KO ang Lihim na ito para palakasin mo ang loob ng mga yaong tunay na nagmamahal at inilalagay si YAHUVEH at YAHUSHUA una sa kanilang buhay at pagmamahal, upang isaala-ala rin AKO, ang MAMA SHKHINYAH. Sapagka’t AKO ang KALUWALHATIAN NI YAHUVEH at YAHUSHUA gaya lamang ng walang pag-alinlangang ang isang Banal na babaeng asawa ay nilikha upang maging kaluwalhatian ng isang Banal na lalaking asawa.
Sa oras na salakayin ka dahil sa paghayag ng PANGALAN ng BANAL NA ESPIRITU— na kung saan AKING Pangalang: SHKHINYAH—at sa paghahayag ng BANAL NA ESPIRITU na hindi likha sa imahe ng lalaki, ngunit sa halip ay sa babae, sabihin mo sa kanila na mag-aral at ipakita ang kanilang mga sarili na nasasang-ayunan (2 Tim 2:15).
Pagka’t hindi ba tinatawag ng Makalumang mga Aklat—sa mga awit at kawikaan37—ang ‘KARUNUNGAN’ [‘WISDOM’] na ‘BABAE’ [‘SHE’]? Hindi ba’t sinasabi sa Banal na mga Kasulatan, “Ang Simula ng KARUNUNGAN ay ang Takot kay YAHUVEH” (Kaw 1:7)? Ipaalala mo sa kanila na sa KJV na Bibliya—ang PANGALAN NI YAHUSHUA na binabaybay din sa YAHSHUA ay wala rin sa KJV na Bibliya—tanging ang pangalan ni ‘Hesus’ lamang ang naroroon.
Alamin niyo ito: Ang Pangalan na ‘HESU KRISTO’ ay natatanggap pa rin at napapahiran sa ngayon at nagliligtas ng mga kaluluwa, nagpapalaya at nagpapagaling. Gayunman gaya ng ipinaalala KO sa inyo, sa darating na Malaking Kapighatian ang isa na tinatawag ngayong anti-kristo, ay tatawag rin sa kanyang sarili na ‘Hesus’.
Kahit ngayon ay isang huwad ang nakabangon at naglilinlang ng mga milyon sa pangalan ni ‘Hesu Kristo’. Kahit ay lumalayo, para sabihin sa kanila na lagyan ng tattoo ang kanilang mga sarili ng numerong 666 upang patunayan ang katapatan sa masamang tao na ito—tinatawag niya ang kanyang sarili na ‘anak ng Diyos’ at magsabi sa mga tao, “Walang ganoong bagay tulad ng kasalanan, at ang impyerno’y isang kasinungalingan.”38
Inulit KO ang AKING SARILI nang paulit-ulit dahil ang Butil ng Katotohanang ito ay napakamakapangyarihan na mangyaring nanaisin ni satanas na sirain ang Hardin ng Mga Katotohanan—sa Maka-propesiyang Mga Salita ng Kaalamang ito—bago pa ito magkaroon ng ugat.
Ginamit KO ang Ministeryong ito upang magbabala kung bakit napakahalaga na aralin ang SAGRADONG HEBREO NA PANGALAN NI YAHUSHUA (na kung saan kung isalin ay nangangahulugang, ‘SI YAH AY NAGLILIGTAS’), na SIYA ngayong tinatawag din na ‘HESU KRISTO’. Dahil sa Malaking Kapighatian tanging ang HEBREONG PANGALAN NI YAHUSHUA lamang ang magtataglay ng Pagpapahid, Kagalingan, Pagpapalaya at Kaligtasan na Kapangyarihan. Muli AKING inuulit at ipinapaalalahanan.
Kung ginagawa ng mga organisadong mga simbahan ang kanilang mga trabaho, ang mga tao ay hindi malilinlang.
Maging napagbalaan! Magiging ang mga sikat na TV evangelists ang aakay sa mga masa patungo sa anak ni satanas, na darating na gagamit sa pangalan na pinagkakatiwalaan, ang ‘Hesu Kristo’. Magiging ang mga sikat na TV evangelists na nagbenta sa kanilang mga kaluluwa kay satanas para sa kasikatan at kayamanan ang magtuturo ng mga huwad na gawang taong mga doktrina at mag-aakay sa mga tao patungo sa huwad na ‘Hesus’ na ito.
Sa Malaking Kapighatian ang pangalan ni ‘Hesus’ ay huhuwarin ng anak ni satanas, tinatawag ngayong ang anti-kristo. Ang anti-kristong ito ay dudungis sa Pangalan ni ‘HESUS’ at sa ilalim ng kapangyarihan ni satanas, gagawa ng mga palatandaan, mga kababalaghan at mga di-banal na mga milagro sa pangalan na kilala ng mga Kristiyanong Simbahan, ang pangalan na ngayon ay iniibig at pinagkakatiwalaan: —Ang Pangalan ni ‘HESU KRISTO’.
Ang anak ni satanas, tinatawag na anti-kristo ay magpoproklamang siya si ‘Hesu Kristo’. Ididiin niya na ang lahat ay sumamba sa kanya at dakilain siya at dumalo at magtipon sa mga simbahan sa Linggo at tanggapin ang kanyang ‘marka’ (Pah 13:16-18)—para patunayan ang kanilang katapatan. Ang anti-kristo, na sa totoo’y ang bugtong na anak ni satanas—ay darating nang may kasamang espiritu ni Hudas at Hitler muli—ang mga tinatawag ng Mga Kasulatan na ‘anak ng kapahamakan’ [‘son of perdition], o ang ‘anak ng impiyerno’. Ang anak ni satanas ay gagawa ng mga palatandaan, mga kababalaghan at mga huwad na mga milagro sa kapangyarihan ni satanas para sa kaluwalhatian ni satanas.
Ginamit KO ang Ministeryong ito upang magbabala. Sa oras na makita ninyo ang sapilitang Linggo ng Pagsamba na batas na ipinasa, HUWAG kayong pumasok sa Panlinggong mga simbahan. o MAWAWALA ninyo ANG INYONG MGA KALULUWA! Nagbabala AKO na pag-aralan niyo na ngayon kung ano ang Tunay na Sabbath na Araw ng Pagpapahinga—[Paglubog ng araw ng Biyernes hanggang sa Paglubog ng araw ng Sabado].
Ito’y naging isang mabigat na Mensahe para kay Elisabeth [Elisheva] para ihatid dahil hindi ito nais ng mga Kristiyanong mga Simbahan na pakinggan. Gayunman sa inyong mga naging tapat at nagwika sa Mga Katotohanang ito, alam niyo na nabigyan kayo ng Utos ng Ezekiel 3: 17-21.
Ang Ministeryong ito ay nabigyan ng Utos na ituro ang BANAL NA HEBREONG SAGRADONG MGA PANGALAN NG MGA MANLILIKHA at [kasama riyan] si YAHUSHUA HA MASHIACH. Sino ang mas mabuti KONG pinili upang turuan ang mga yaong nais na malaman ang PANGALAN ng BANAL NA ESPIRITU?
Elisabeth [Elisheva], nagtanong ka kay YAHUVEH para sa PANGALAN ng RUACH HA KODESH at AKO ay nagsabi sa iyo. Ngayon ibinibigay KO sa iyo ang Utos na ito na ibahagi ang anong iwinika sa iyo sa lihim. Ipinapangako KO sa iyo na ang mga mayroong espiritwal na mga tenga para duminig ay makikinig at susuporta sa Ministeryong ito. At ipagtatanggol ang Katotohanang ito at magtuturo sa iba.
Ang mga pumipili na manatiling bingi sa espirituwal ay mananatiling bingi. HINDI mo trabaho ang magkumbinsi sa mga tao, trabaho mo LAMANG ang sumunod at ibitaw ang mga Makapropesiyang mga Mensahe at Mga Salita ng Kaalaman samantalang ito’y ipinagkatiwala sa iyo mula sa Langit. Ang lahat ng mga babasa nito o naturuan nito ay mananagot sa kung anong nalalaman na nila ngayon.
Wakas ng Propesiya
Nakapagpapayamot [offending] sa mas marami at nagpapala sa iba na mga mayroong espirituwal na mga tenga para duminig, mga yaong ang mga pangalan ay nahahanap sa Aklat ng Buhay ng TUPA.
Isang Anak, Mandirigma at Ikakasal ni YAHUSHUA HA MASHIACH.
Apostol Elisheva Sherrie Eliyahu
Binitawan noong Agosto 27, 2007
* * * * * * *
Mga Minamahal,
Sa pagtatapos, isinulat ko kung ano ang aking narinig at pinagsabihang isulat. Tinanong ko si YAHUVEH, YAHUSHUA, at MAMA SHKHINYAH GLORY kung SILA ba’y nakatitiyak na wala nang sinuman na makapagbibitaw sa salitang ito nang mas mahusay kaysa sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako ang pinili.
Gayunman, ang aking trabaho ay ang sumunod lamang sa BANAL NA TRINITY. Natatakot ako sa kung ano ang maaring gawin sa akin ni YAH higit sa takot ko kung ano ang iisipin ng tao sa akin. Pinapasalamatan ko ang lahat ng mga sumulat sa amin ng konpirmasyon sa kanilang espiritu tungkol sa Mga Salita nito at ng ibang Mga Propesiya. Ang inyong pagmamahal at suporta ay sobrang mahalaga!
Inaasahan ko ang makasalubong kayo sa Langit kung hindi rito sa Lupa!
Elisabeth Sherrie Elijah
(Elisheva Sherrie Eliyahu)
* * * * * * *
1 Nang ibinigay ang Propesiya na ito hindi pa natanggap ni Propeta Elisheva ang Rebelasyon mula kay YAHUVEH para baybayin ito sa ganitong paraan, na kasama ang PANGALANG YAH.
2 Tingnan ang footnote 68
3 Ang Peshitta ay ang Syriac, Bibliyang Aramaic
4 Ang ibig sabihin ng bugtong [begotten] ay “ para ‘mag-anak’ bilang ang ama, maging ninuno”
5 Ang salitang Hebreo na ginamit dito ay “Adam” na ang ibig sabihin ay “sangkatauhan,” sa halip na isang indibidwal na pangalan.
6 Ito ay hindi pagtatanggol sa polytheism (paniniwala sa maraming diyos) o literal na nangangahulugan—samantala kami ay naniniwala sa IISANG DIYOS—ngunit upang ipakita lamang na ang DIYOS ay walang hanggan at hindi nanggagaling mula sa Nilalang.
7 Jn 3:16 Sapagka’t ganoon na lamang ang pag-ibig ng DIYOS sa sanlibutan kaya ibinigay NIYA ang KANYANG kaisa-isang bugtong na ANAK, upang ang sinuman na sumampalataya sa KANYA ay hindi mamatay kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
8 Ang Griyegong salita para sa Karunungan ay ‘Sophia’, isang pambabaeng pangalan: at sa Hebreo ay ‘Hokmah.’ Tingnan ang Hebreong ebidensiya sa “Ating INA, ang BANAL NA ESPIRITU”; basahin ang mga sipi ng Bibliya sa “SINO si INANG KARUNUNGAN?” at sa appendix –Pagpapatunay na mga Teksto (KJV), Feminine na BANAL NA ESPIRITU—[PUMAPARATING ANG LINKS]
9 Tingnan ang “Huwag Kayong Sumamba sa HUWAD na ‘Reyna ng Langit’!”
10 Si YAHUSHUA ay ang yaong DUGONG ALAY buhat dito ang lahat ay malalaking titik.
11 Si YAHUVEH ay tumukoy sa maraming mga bagay na mga ‘karumal-dumal’ sa mga Propesiya na ibinigay NIYA kay Propeta Eliyahu, kasama ang pagpapangalan ng mga pastor sa mga ministro kasunod sa kanilang mga sarili, pagpapalaglag, pagka-homosekswal, at mga same-sex marriage. Sa ganitong mungkahi SIYA ay tumutukoy sa mga homosekswal na aktibong nakikibahagi sa ganitong mga kasalanan at may lakas loob na mangaral sa loob ng mga simbahan.
12 Juan 10 (Berso 1-30)
1 Sinasabi KO sa inyo, ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi sa pinto nagdaraan, kundi umaakyat sa ibang daanan, ay magnanakaw at tulisan:
2 Ngunit ang nagdaraan sa pintuan ay siyang pastol ng mga tupa.
3 Sa kanya’y nagbubukas ang bantay-pinto, at pinakikinggan ng mga tupa ang kanyang tinig: at tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang pangalan, at inilalabas sa kulungan.
4 Kapag nailabas niya na ang kanyang mga tupa, siya’y nangunguna sa kanila, at sumusunod naman ang mga tupa: sapagka’t nakikilala nila ang kanyang tinig.
5 Hindi sila sumusunod sa iba, bagkus ay patakbong lumalayo sa kanya: sapagkat hindi nila nakikilala ang kanyang tinig.
6 Sinabi ni YAHUSHUA ang talinghagang ito sa kanila, ngunit hindi nila naunawaan ang ibig niyang sabihin.
7 Kaya’t muling sinabi ni YAHUSHUA sa kanila, Sinasabi KO sa inyo, AKO ANG PINTUAN NG MGA TUPA.
8 Ang lahat ng mga nauna sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan: ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa.
9 AKO ANG PINTUAN: ang sinumang pumapasok sa pamamagitan KO ay maliligtas, at papasok siya’t lalabas, at makatatagpo ng pastulan.
10 Kaya lamang pumupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay, at magwasak: Naparito AKO upang ang mga tupa’y magkaroon ng BUHAY, at nang magkaroon pa sila nito nang mas masagana.
11 AKO ANG MABUTING PASTOL: Iniaalay ng MABUTING PASTOL ang KANYANG BUHAY para sa mga tupa.
12 Ngunit ang isang upahan, at hindi isang pastol, na hindi nagmamay-ari sa mga tupa, kapag nakikitang dumarating ang asong-gubat [wolf], iniiwanan ang mga tupa, at tumatakas: kaya’t hinuhuli ng asong-gubat ang mga ito, at pinagkakalat.
13 Tumatakas ang upahan, palibhasa’y siya’y upahan lamang, at walang malasakit sa mga tupa.
14 AKO ANG MABUTING PASTOL, nakikilala KO ang AKING mga tupa, at AKO‘y nakikilala rin ng mga AKIN.
15Gaya ng kung paanong nakikilala AKO ng AMA, at ang AMA’Y nakikilala KO rin: at iniaalay KO ang AKING BUHAY para sa mga tupa.
16 Mayroon AKONG ibang tupa na wala sa kulungang ito: sila rin ay kinakailangan KONG dalhin, at pakikinggan nila ang AKING Tinig; at sa gayo’y magiging isa ang kawan at ISA ANG PASTOL
17 Dahil dito’y minahal AKO ng AKING AMA, sapagkat iniaalay KO ang AKING BUHAY, upang ito’y kunin KONG muli.
18 Walang makakukuha nito sa akin, ngunit kusa KO itong iniaalay. Mayroon AKONG Kapangyarihang ibigay ito, at Kapangyarihang kunin ito muli. Ito ang Utos na tinanggap KO sa AKING AMA.
19 Dahil sa mga pananalitang ito, hindi na naman nagkaisa ng palagay ang mga Hudyo.
20 At marami sa kanila ang nagsabi, Inaalihan SIYA ng demonyo, at nababaliw; bakit kayo makikinig sa KANYA? 21 Sinabi ng iba, Hindi makapagsasalita nang gayon ang isang inaalihan ng demonyo. Makapagpapadilat ba ng mga bulag ang demonyo?
22 At kasalukuyang ipinagdiriwang sa Jerusalem ang Pista ng Pagtatalaga ng Templo [Feast of Dedication], at Taglamig noon.
23 At naglakad si YAHUSHUA sa templo sa portiko ni Solomon.
24 Pagkatapos ay pinaligiran SIYA ng mga Hudyo, at sinabi sa KANYA, Hanggang kailan mo kami pag-aalinlanganin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo na nang tiyakan.
25 Sumagot si YAHUSHUA, Sinabi KO na sa inyo, ngunit hindi kayo naniwala: ang mga ginagawa KO sa NGALAN NG AKING AMA, ay nagpapatotoo tungkol sa AKIN.
26 Ngunit hindi kayo naniwala, sapagkat hindi kayo kabilang sa AKING mga tupa, gaya ng sinabi KO sa inyo.
27 Nakikinig ang AKING mga Tupa sa AKING Tinig, at nakikilala KO sila, at sumusunod sila sa akin:
28 At binibigyan KO sila ng BUHAY NA WALANG HANGGAN; at kailanma’y di sila mapapahamak, ni hindi sila maaagaw sa akin ninuman.
29 Ang AKING AMA, na nagbigay sa kanila sa AKIN, ay LALONG DAKILA SA LAHAT; at hindi sila maaagaw ninuman sa Kamay ng AKING AMA.
30 AKO at ang AKING AMA ay IISA.
13 Tingnan ang “Ang Mapag-arugang Ina na Panig ng DIYOS” [PUMAPARATING ANG LINKS]
14 Juan 14:16 Ang sabi ni YAHUSHUA sa kanya, “AKO ANG DAAN, ANG KATOTOHANAN AT ANG BUHAY. Walang sinuman ang makatutungo sa AMA maliban sa pamamagitan KO.”
15 Dn 12:19 At sinabi niya, Humayo ka sa iyong pararaanan, Daniel: sapagka’t ang mga Salita ay isinara at sinelyado hanggang sa Oras ng Katapusan.
16 Phil 4:13 Ang lahat ng bagay ay magagawa ko sa pamamagitan ni YAHUSHUA HA MASHIACH, na nagbibigay lakas sa akin; Jer 32:27 AKO ang PANGINOONG YAHUVEH, ang DIYOS NG LAHAT NG SANGKATAUHAN. Mayroon bang bagay na mahirap para sa AKIN? Lucas 1:37; 18:27 Sapagka’t ang kasama ang DIYOS walang bagay na magiging imposible; Mateo 19:26; Marcos 10:27 Ngunit tinitigan sila ni YAHUSHUA, at sinabi sa kanila, Sa tao ito ay imposible; ngunit sa DIYOS ang lahat ay posible
17 Juan 14:18-19 Hindi KO kayo iiwan bilang mga nangungulila {Hindi KO kayo iiwan na walang taga-aliw KJV}; AKO ay tutungo sa inyo (NIV), Ngunit kaunting panahon na lamang, at hindi na AKO makikita ng mundo; ngunit nakikita ninyo AKO: dahil AKO ay nabubuhay, kayo rin ay mabubuhay (KJV); 16:7 Ngunit tunay nga sasabihin KO sa inyo, ito’y para sa inyong kabutihan na AKO ay aalis. Kung hindi AKO aalis, ang TAGATAGUYOD {TAGA-ALIW, KJV} ay hindi tutungo sa inyo; ngunit kung AKO ay aalis, ipadadala KO SIYA [HER] sa inyo (NIV).
18 (Ang Aleph at Tav ay ang Hebreong katumbas ng Griyegong Alpha at Omega, mga bawat pangkat ng mga letra na ibig sabihin A at Z o simula at wakas.)
19 Is 42:8 AKO SI YAHUVEH, ganoon ang AKING PANGALAN at ang AKING KALUWALHATIAN hindi KO ibibigay sa sinuman--; tingnan ang Nahum 1
20 Amos 3:7 Tunay na ang PANGINOONG DIYOS ay hindi gagawa ng anumang bagay, ngunit ibinubunyag NIYA ang KANYANG mga lihim sa KANYANG mga lingkod ang mga propeta; tingnan ang Juan 15:15, “Tinawag KO kayong mga kaibigan…”
21 1 Cor 3:16 Hindi niyo ba alam na kayo ay mga Templo ng Diyos at ang ESPIRITU NG DIYOS naninirahan sa inyo?
22 Ang isang aspeto ng Pagpapahid [Anointing], o paghahayag ng PRESENSIYA ng RUACH HA KODESH, ay ang init na nagpapainit sa katawan.
23 Tingnan ang “Huwag Kayong Sumamba sa Huwad na ‘Reyna ng Langit” p. 81.
24 Hindi ito ang “Inang Kalikasan” na tinukoy sa Propesiya 4 sa AmightyWind at Almightywind na mga website. Nang ibinigay ang Propesiya 4 hindi pa panahon para sa Salitang tungkol sa RUACH HA KODESH bilang ang ating BANAL NA INA sa Langit na maibitaw. Sa Propesiya 4 si YAHUVEH ay tumutukoy sa “Inang Kalikasan,” na tinutukoy ng mga tagapag-ulat ng panahon at ang tinutukoy ng dating asawa ni Propeta Eliyahu [Elijah] nang siya’y nangaso at sinabing “Hindi ko kailangan ang DIYOS. Nasa akin ang ‘Inang Kalikasan’.
25 1 Pedro 1:16 Dahil nasusulat, Magpakabanal kayo; sapagka’t AKO ay BANAL.
26 Mt 12:31 Kaya’t sinasabi ko sa inyo, bawat kasalanan at paglalapastang [blasphemy] ay ipatatawad sa mga tao, ngunit ang paglalapastang laban sa ESPIRITU ay hindi ipatatawad.
27 Jer 1:4-5 Ang salita nga ni YAHUVEH ay dumating sa akin, na nagsasabi, “Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa sinapupunan ay pinapaging banal kita [set you apart]. Inihalal kita bilang Propeta sa mga Nasyon“
28 Dt 6:4 “Makinig kayo, O Israel: si YAHUVEH na ating DIYOS, si YAHUVEH [ay] IISA”, {o “Si YAH ay ating DIYOS, si YAH ay IISA”}; tingnan ang 1 Juan 5:7
29 Sa Bagong Kasunduan [New Covenant], nagkaroon ng pagbabago sa pagkapari (mula sa kautusan ni Aaron patungo kay Melchizedek) at sa gayon isang pagbabago sa pagpapairal ng batas (Heb 7:12, tingnan ang [PUMAPARATING ANG LINK]. Kaya ngayon, sa pamamagitan ni YAHUSHUA ang batas ay umiiral sa Bago at Namumuhay na Paraan (Heb 10:20). Halimbawa, ang mga batas tungkol sa pagka-amag, ketong at mga kondisyon ng balat (Lv 13-14), ay hindi na umiiral katulad ng ganoon sa pisikal na katawan—ngunit sa espiritwal sa taong nadumihan ng sinadyang kasalanan hanggan siya ay magsisi (1 Cor 5:9-11). Sa halip na pisikal na pagkaing kosher, ang pagpapahalaga ay una at nangunguna sa lahat sa diet ng puso (pagiging masunurin sa Sampung [10] Utos; Mt 15:19). Ang mga pagdaraos ng mga ritwal/seremonyal ay walang saysay kung ginawa nang may maruming puso. Ang mga ritwal na mga batas ay ibinigay sa atin upang turuan tayo tungkol sa pagkakabukod [separation] at Kabanalan. Ang pagkain ng kashrut (kosher) ay maaaring mabuti, ngunit ngayon ito ay kapakanan ng personal na kombiksyon (Mt 15:11) at hindi sapilitan—para sa kapakanan ng mga Hentil—kung minsan ito’y dapat na kaligtaan (Lucas 10:7-8; 1 Cor 10:27). Tingnan din ang “Si Elijah na nasa Diet” [PUMAPARATING ANG LINK]
Mt 15:10-11; 16-20 10 Nang tinawag NIYA ang mga tao sa KANIYA, sinabi NIYA sa kanila, ”Dinggin niyo at unawain: 11 Hindi ang pumapasok sa bibig ang nakapagpaparumi sa tao; ngunit ang lumalabas mula sa bibig, ito ang nagpaparumi sa tao.” 16 At sinabi ni YAHUSHUA, Kayo rin ba ay wala pang pang-unawa? 17 Hindi niyo pa rin ba naiintindihan, na anumang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan, at idinudumi? 18 Ngunit ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso; at ito ang nagpaparumi sa tao. 19 Sapagkat sa puso nanggagaling ang mga masasamang isipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagsaksi sa kasinungalingan, mga panirang-puri: 20 Ito ang mga bagay na nagpaparumi sa tao: ngunit ang kumain nang hindi nahugasan ang kamay ay hindi nagpaparumi sa tao…
30 Pinaniniwalaan namin ang Bibliya at ang lupang ipinangako kay Abraham para sa Israel, ay ang lupa ng Israel at lupa na hindi dapat ipamigay. Kaya, naniniwala kami sa Biblikal na Zionism na nasa diwang Banal na Burol ni YAH, na tinatawag na Mt. Zion. Ngunit maraming kasamaan ang ginawa sa ngalan ng Zionism. Tumutukoy ito sa katulad pa sa Komunismo na nagnakaw sa Biblikal na tatak na—Zion—ang Zionist na kilusan na base sa kasakiman, pagdadanak ng dugo, destruksyon, pamamatay at terorismo—ang walang kaugnayan sa relihiyon na kilusan ng mga sirang politiko na mga kumukutya sa lahat na niloob ni YAHUVEH na Banal! Ang mga Zionist na mga Hudyo ay nagpasa ng mga batas na nagpapahintulot sa mga pagpapalaglag ng mga sanggol, pagka-homosekswal, kung saan ang gobyerno’y walang pagpapahalaga tungkol sa anumang Banal at sa katunayan ay kinukutya ang Torah sa pamamagitan ng masagwang nagkakasala laban dito!
31 Tingnan ang footnote 1 p.28
32 “winepress”, Pahayag 14:19-20; 19:15; ‘Walang distansya sa panalangin’ 2 Cor 1:8-11, Jn 4:46-54; “ipakita niyo ang inyong mga sarili na nasasang-ayunan” 2 Tim 2:15
33 Jn 14:16, 26 ESV, NASB, ISV, GWT; Ro 8:26
34 Ang PITONG ESPIRITU NG DIYOS (Pahayag 1:4, 3:1, 5:6), PITONG HALIGI NG KARUNUNGAN [7 PILLARS OF WISDOM] (Kawikaan 9:1), PITONG NAGNININGAS NA LAMPARA NG APOY SA HARAP NG TRONO NG DIYOS (Pahayag 4:5) at ang MAY PITONG-SANGA NA MENORAH (Pahayag 1:12, 2:1, tinatawag na ‘lampara’ sa KJV) ay pare-parehong ang PITONG-LUPING BANAL NA ESPIRITU, bagama’t ito rin ay maaaring kumakatawan sa simbahan/mga simbahan.
Ito ay Rebelasyon na ibinigay kay Propeta Elisheva Eliyahu ng BANAL NA ESPIRITU.
Ang KARUNUNGAN [WISDOM] ay ang ‘PUNO NG BUHAY’ sa Kawikaan [Proverbs] at isinasagisag ng Maka-Jewish na 7-branch Menorah [Pitong-Sanga na Menorah]. Parehong ang Lamesa ng Tinapay na Handog at ang Menorah ay inilagay sa Banal na Santuwaryo (Heb 9:2). Ang tinapay ay sumasagisag kay YAHUSHUA ang Tinapay ng Buhay, ngunit ang Menorah, ang PITONG-LUPING ESPIRITU ni YAHUVEH.
Ang PITONG HALIGI NG KARUNUNGAN (Pr 9) na naitala sa Pr 8: 12-14 at ang PITONG ESPIRITU NG DIYOS na naitala sa iba’t ibang order sa Isaiah 11 ay may parehong MGA HEBREONG PANGALAN/TITULO:
[1] RUACH YAHUVEH (ESPIRITU NI YAHUVEH),
[2] HOKMAH (KARUNUNGAN)
[3] BINAH (PAG-UNAWA)
[4] ‘ETSAH (PAYO)
[5] G’VURAH (LAKAS/KAPANGYARIHAN/TIBAY)
[6] DA’AT (KAALAMAN), at
[7] YIR’AH YAHUVEH (TAKOT KAY YAHUVEH)
35 Tingnan ang Propesiya 71, Ang anong Naselyaduhan ay Ngayo’y Naibunyag! sa online.
36 Tingnan ang footnote 1 p. 28
37 Ang Psalms ay mga awit, at ang mga kawikaan ay malalalim, madalas mga maiikling pahayag. Kaya’t ang ‘mga awit at kawikaan’ ay hindi lamang tumutukoy sa Mga Aklat ng Bibliya na tinatawag na Mga Awit at Kawikaan, ngunit mga sinaunang Karunungang literatura rin. Halimbawa, ang Aklat ng Karunungan, Kabanata 7-8 ay mga awit para sa KARUNUNGAN.
38 ‘Jesus’ Miranda ng Florida sa U.S.A.
* * * * * * *
|