PROPESIYA 94

AKO, si YAHUVEH, ay nagsasabi, “Huwag Niyong Maliitin ang AKING Poot Sapagka’t ito ay Nangagbubuo bilang isang Nagngangalit na Impyerno”

Isinulat/Sinalita sa ilalim ng Pagpapahid ng RUACH HA KODESH (BANAL NA ESPIRITU)
Sa pamamagitan ni Apostol at Propeta Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu)
Disyembre 22, 2007; “Maliit na Mensahe”
Tumutukoy sa Propesiya 93

* * * * * * *

Ang Salitang ito ay lumabas dahil sa Sabbath, si Elisabeth (Elisheva) ay naipatungong basahin ang Ezekiel, mga Kabanatang 9-16. Siya rin ay nagdadasal para sa isang lalaki na kanyang nakita sa isang panaginip isang nakaraang sandali. Ang lalaki na tinatawag na “Caleb” sa Propetik na Salitang ito ay ang lalaking nakita ni Elisabeth (Elisheva) sa panaginip. Siya ay namumukhaang niyebeng puti ang buhok na walang isang linya sa kanyang mukha. Mayroon siyang isang ngiti na hindi maalis sa kanyang mukha kahit anumang ginawa ng mga kawal sa kanya, ibig sabihin siya ay pinapahirapan at ginugutom. At saka siya rin ay umiyak, nguni’t walang sinuman ang nakakita nito.

Sa panaginip na iyon lumapit si Elisabeth (Elisheva) sa kanya. Nagpakita lamang siya sa kanya. Siya’y nagdadasal at nagsusuot ng isang panalanging alampay [prayer shawl]. Binigyan niya ito ng isang maliit na apa ng komunyon, na parang walang lebadurang tinapay [unleaven bread]. Sinabi niya (she), “Huwag kang mag-alala, babalik ako at sa susunod dadalhan kita ng masmaraming tinapay at alak [wine].” Mahal ng lalaki si YAHUSHUA. Alam niya [she] na siya [he] ay nasa Jerusalem. Mayroon siyang isang trabaho kung saan kinakailangan niyang palakasin ang loob ng mga iba, kaya, palagi ang ngiti sa kanyang mukha— tinatago ang personal niyang kalungkutan at pagdurusa para sa kapakanan ni YAHUSHUA.

Nang gumising si Elisabeth (Elisheva) mula sa panaginip siya ay humanga sa pagmamahal na kanyang naramdaman para sa lalaking ito.

* * * * * * *

Nilalaman ng propesiyang ito ang HEBREONG mga PANGALAN ng DIOS:
YAH/YAHU ay ang BANAL, SAGRADO na PANGALAN ng DIOS
katulad sa “Alleluia” o “Hallelu YAH,”
na ang literal na kahulugan ay “Purihin si YAH”
YAHUVEH/YAHWEH ANG AMANG DIOS
YAHUSHUA/YAHSHUA ANG KAISANG-ISANG BUGTONG NA ANAK NG DIOS—
HA MASHIACH ay nangangahulugang “ANG MESYAS”
ELOHIM ay nangangahulugang “DIOS”

Ang Rebelasyon ng “SH’KHINYAH GLORY”
-bilang PERSONAL na PANGALAN ng RUACH HA KODESH,
sa Ingles ay tinatawag na “The HOLY SPIRIT”- ay naririto rin sa site na ito.
(HA SH’KHINAH {SHEKINYAH} ay HEBREO
para sa NAMAMALAGING DIBINONG PRESENSIYA NG DIOS
Bukod pa rito, ABBA YAH ay nangangahulugang “AMANG YAH”
at IMMA YAH ay nangangahulugang “INANG YAH.”

Ang mga banggit ng Kasulatan ay KJV o NKJV maliban kung naipahiwatig.

* * * * * * *

Mga Salita ni YAHUVEH kay Elisheva na maidadagdag bago ang mga Propesiya:

Binalaan kita matagal nang panahon Elisabeth [Elisheva],

na huwag ipangalan ang Ministeryong ito sa sino mang lalaki o babae.

Bago pa man nagkaroon ng Ministeryo. Inilagay ko ito sa iyong espiritu.

Pagka’t wala ni isa sa mga ito ang nagawa ng iyong mga kamay.

Wala ni isa sa mga ito ang nagmula sa iyong bibig.

Mula ito sa bibig ni YAHUVEH na nagbigay buhay.

Mula ito sa bibig ni YAHUSHUA,

Ang iyong MASHIACH (Tagapagligtas), na nagbigay buhay.

Mula ito sa bibig ng RUACH ha KODESH (Banal na Espiritu),

Ang iyong IMMAYAH, na nagbigay buhay.

Kung ito lamang ay gawa ng iyong kamay, ito’y nabigo na noon pa man.

Ito ay sa pamamagitan ng hangin ng Kaluwalhatiang SHKHINYAH

Na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na hangin ng Pagpapanibagong-buhay.

Hindi ng iyong hininga o ito’y nabigo lamang.

“AKO ang PANGINOONG YAHUVEH: iyan ang AKING PANGALAN:

At ang AKING KALUWALHATIAN ay hindi KO ibibigay sa iba,

Maging ang AKING KAPURIHAN sa inukit na mga imahe.” Isaia 42:8

(Prophecy 105)

Sa Hulyo 2010, sinabi rin ng Diyos na si YAHUVEH na isama ang sumusunod bilang isang babala sa mga nanlilibak:

Ngunit hinamak nila ang mga Mensahero ng DIOS, kinamuhian ang kanyang mga salita, kinutya ang kanyang mga Propeta, hanggang umabot sa sukdulan ang galit ni YAHUVEH Elohim sa kanyang bayan at sila’y hindi na makaiiwas pa sa kanyang pagpaparusa.

—2 Cronica 36:16

Sumunod, sa Hulyo 2016

Kapighatian ay sumapit sa sinuman na mang-ahas na subukang saktan- ang dalawang mga hinirang na ito. Pagsisisihan niyo ang araw na kayo man ay isinilang. Huwag niyong hipuin ang AKING hinirang at huwag ring gawan ang dalawang Propetang ito ng kasamaan (tingnan ang Awit 105:15; 1 Ch 16:22). Mas magiging mabuti para sa inyo kung AKO, si ABBA YAHUVEH, ay pumilas sa inyong mga dila!

(Propesiya 128)

At mula kay Propeta Ezra

Binabalaan ko kayo – lahat ng mga pumaparating laban sa Ministeryong ito AT SA MGA PROPESIYA at kay Elisheva at ako, sa lahat ng mga Ministro ng AmightyWind Ministry --- Binabalaan ko kayo ngayon, Huwag niyong hipuin ang Hinirang ni YAH at gawan ang KANYANG mga Propeta ng kasamaan (Awit 105:15; 1 Ch 16:22) baka ang Matinding Poot ng yaong Pamalo [Rod] ni YAH ay sumapit sa inyo. Ngunit para sa mga pinagpala at mga pagpapala para sa Ministeryong ito, at mga tapat, at ang mga tumatanggap sa mga Propesiya, lubos na pagpapala ang mapapasainyo --- ang lahat ng prumuprotekta sa kung anong nasa pag-aari ni YAH sa NGALAN NI YAHUSHUA.

* * * * * * *

Ito ay naitala sa audio at sa kasamaang palad hindi namin nakuha ang umpisa sa teyp. Heto ang pagkasalin.

Propesiya 94 ay Nagsisimula:

Disyembre 26, 2007

…. Mula ngayon, sa oras na kayong lima ay tumanggap nito [komunyon], ang lalaking ito ay hindi maiiwan [sa inyong mga panalangin]. At AKO ay magbibigay pa sa inyo ng mga rebelasyon kung sino siya. Sa ngayon maaari niyo siyang tawaging “Caleb.”

Sa araw na ito, Elisabeth [Elisheva], AKIN lamang kitang inuutusan, “Tamasahin mo ang araw na ito.” Gusto KONG makita kang naglalaro. Gusto KONG makita kang gawin ang yaong alin na iyong ikinasasaya kasama AKO. Hayaan mo ang iyong isip na magpahinga. Sapagka’t AKING ipapakita sa iyo at AKING ibubunyag sa iyo at isang bagong Propesiya ay maipapakawala patungkol sa Israel, patungkol sa mga nakatagong kayamanan— nagsisimula sa Ezekiel 9.

Sapagka’t alamin ito! Walang sinumang lalaki ang makapagtatahimik sa iyo! Walang sinumang babae ang makapagtatahimik sa iyo! Walang diyablo ang makapagtatahimik sa iyo! AKO, si YAHUVEH, ang nag-aangkin ng kapangyarihan na patahimikin ka at ikaw nang buong kapakumbabaan ay laging nasa AKING mga Paanan.

Tumatawa AKO sa bawat oras na marinig KITANG sabihin mo, “Iniintindi ko lamang ang sarili kong tungkulin.” Hindi mo kailanmang iniintindi ang sarili mong tungkulin. Elisabeth [Elisheva], lagi mong iniintindi ang sa AKIN! Kapag ikaw ay naglalaro ng isang laro, nariyan ka sa harapan ng AKING Trono. Palagi, AKO ay nasa iyong isipan.

Sapagka’t Elisabeth [Elisheva] ikaw ay AKING iniangat at ngayon isang Salita ang lalabas na magtatanggol sa mga yaong tunay na sa AKIN— sa Israel, na mga nakadadamang sila ay dilang nag-iisa. Tinatawag mo silang mga Mesyanik na mga Hudyo. Wala silang Propeta. Nguni’t AKO ay nag-angat ng isang Propeta at ikaw ay AKING nilagay sa kung saan ka ngayon at ikaw ay gagamitin upang dalhan sila ng Sariwang Mana mula sa Langit.

Ikaw ay gagamitin upang ibabala ang AKING Paghuhukom sa mga yaong iba. Ikaw ay gagamitin upang ilabas ang AKING Bagong Alak. Sapagka’t mayroon AKONG Banal na nakakulong sa Gaza strip. Mayroon AKONG Banal na mga pinagpaparusa na mabuti kasama ang mga kaaway. Mayroon AKONG Ikakasal [Bride] na nakakulong sa Gaza. At ikaw ay AKING tinatawag upang magdasal na sila ay palayain.

Mayroon AKONG Ikakasal sa Lebanon. Oo, mayroon AKONG Ikakasal sa Iraq gayon din— sobrang naitatago, sobrang napabaya/naligtaan, nangangailangan ng Salita mula sa Langit. Mayroon AKONG Ikakasal sa Tsina. Sila ay AKING mga Tsinong Ikakasal. Kaya’t hinahangad ni satanas na patikumin ang iyong bibig, upang patahimikin ka nguni’t AKO ay nagsasabi sa iyo: ikaw lamang ay sisigaw nang mas malakas!

Kayong lahat— kayong lahat simulan ninyo ang pag-aaral sa mga Kasulatan na AKING ibinitaw kay Elisabeth [Elisheva]. Maghukay kayo sa bawat salita. Sapagka’t AKO ay nagsasabi sa inyo mayroong nakatagong minahang ginto na darating pa at ito ay hindi nalalayo.

Habang nakikita ninyo na nangyayari ang mga bagay na ito sa Israel, alamin niyo na AKO ay hindi madaling uyamin [mocked].

AKO ay nagbitaw na ng isang Propesiya at sa loob nito ay AKING ipinahayag— sapagka’t AKO, si YAHUVEH, ay nagsasabi— ‘Hindi niyo maaaring ipamigay ang anong hindi KO ibinigay sa inyo na upang ipamigay.1 Muli, ilagay ang Pabatid na ito sa harap ng mundo. Sapagka’t AKO ay nagsalita.

MAYROONG MGA KAHIHINATNAN NA MAPAGBABAYARAN.
SAPAGKA’T AKING INUTUSAN ANG ISRAEL NA MAGSISI.

Pag-ingatan ang mga isipang darating habang inyong pag-aaralan ang mga Kasulatang ito na AKING iniutos kay Elisabeth [Elisheva] sa araw na ito upang basahin at gunitain. Kapag marinig niyo ang boses na magsasabing, “Hindi iyan gagawin ni YAHUVEH,” alamin niyo lamang ito, oh gagawin KO talaga ito.

Huwag niyong maliitin ang AKING Kapangyarihan. Huwag niyong maliitin ang AKNG Poot sapagka’t ito ay nangagbubuo bilang isang nagngangalit na apoy/impyerno. Ito ang nagdahilan sa impyerno na maging sobra pang napakainit. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pag-init ng mundo. Mismong ang mga apoy ng impyerno ang nagpapainit sa mundong ito— pinagsama sa yaong alin na nakabaon at naitatago sa pinakamalamig na parte ng mundo! Pagsamahin ang lahat ng ito kasama ng gawa-ng-taong polusyon— mga kemikal sa himpapawid. Sapagka’t ito ay mas higit pa sa isa. Iniisip ng mga mayayaman sila lamang ang mananatiling buhay.

Pinaniniwalaan nila ang mga kasinungalingang sinasabi ni satanas. Nguni’t ang AKING Salita ay nagsasabi, “Ang maaamo ang magmamana ng mundong ito,” (Ps 37;11; Mt 5:5) ang mapagpakumbaba— hindi ang mapagmataas at ang mapanghamak at ang mayayaman.2

KAYO AY MAYAMAN SA PAMAMAGITAN NG INYONG PANANAMPALATAYA SA AKIN.
KAYO AY MAYAMAN SA PAMAMAGITAN NG MGA KAYAMANANG HINDI MAKITA NG IBA;
AKO AY NAGBIGAY SA INYO NG ISANG PROTEKSYONG HINDI MABILI NG PERA.3
AKO ANG MGA PAKPAK NA SA ILALIM KAYO AY NAGTATAGO (PS 91).
AKO—ANG SIYA— NA NAGBIBIGAY LAKAS NG LOOB SA INYO.
ANG AKING DUGONG DUMALOY SA KALBARYO AY ANG KAISA-ISANG BAGAY LAMANG NA NAGLILIGTAS SA INYO.
SA PAMAMAGITAN NG AKING PANGALAN!
SA PAMAMAGITAN NG AKING DUGO!
NASA INYO ANG SAKSI (1 JOHN 5:9)!
NASA INYO ANG TESTIMONIYO!4
KAHIT PARA SA MGA YAONG SINO NA SA MUNDONG ITO ANG KANILANG BUHAY AY BINIGYAN NG WAKAS,
ISA LAMANG ITONG BALAT5 NA KANILANG TINUTUKOY.
HINDI NILA MAPAPATAY ANG YAONG ALIN NA DAPAT AY WALANG HANGGAN (MT 10:28).6
ANG MAWALA SA KATAWAN AY ANG NARIYAN SA AKING TABI,
PARA SA MGA YAONG SINO NA ANG MGA PANGALAN AY NAKASULAT SA AKLAT NG BUHAY NG TUPA.

Katapusan ng Salita

Gayon ito ay sinalita, gayon ito ay isinulat sa
Disyembre 22, 2007
Propeta Elisheva Eliyahu.

[Mga Katapusang komento sa audio:]

[Elisheva:] Kami lamang ay nagpapadala ng mga biyaya kay Caleb, ABBA YAHUVEH, sa PANGALAN NI YAHUSHUA. Kami ay nagpapadala ng lakas at pag-asa sa kanya. Kami ay nagpapadala ng mga panalangin. Kami ay nagpapasalamat sa IYO na narinig niya ang mga dasal na ito. Kami ay nagpapasalamat sa IYO, ABBA YAHUVEH na siya ay susulat. Siya ay makakapunta sa isang kompyuter. Hindi ko alam kung nasaan siya ABBA YAHUVEH. Hindi ko alam kung papaano mo ito gagawin. Ngunit sa ilang paraan, sa anumang paraan, ang Salita ay maibibigay at kukunin niya ang mga Propesiyang ito upang palakasin ang loob ng lahat na mga yaong sino na Ikakasal [Bride] ni YAHUSHUA sa Israel, sa Jerusalem, sa PANGALAN NI YAHUSHUA, sa Lebanon, saan man sila nakakalat sa palibot ng mundo, MAKALANGIT NA AMA.

Sinabi MO mayroon KA ngunit iisang Ringmaiden lamang. Kapag marinig iyan ng diyablo iniisip niya na siguradong kinakailangan niya akong habulin, nguni’t kung ito lamang ay pahihintulutan MO ABBA YAHUVEH. Kaya’t kahit itong paghihirap na sumapit sa mahinang katawan na ito, ABBA YAHUVEH, IKAW lamang makapagpapagaling nito sa PANGALAN NI YAHUSHUA. IKAW lamang ang SIYANG tagapagpalaya, YAHUSHUA. Ang IYONG BUMUHOS NA DUGO lamang. Salamat sa IYO. Salamat sa IYO.

Kami [Caleb at AKO] ay iisa. Kapag ako ay mapapahirapan mararamdaman niya na siya ay pinahihirapan. Tayong lahat ay iisa. Tayong lahat ay tatanggap ng komunyon at sa bawat komunyon. Sabi NIYA [sabi ni YAH], “Sa ngayon AKING binibigay ang pangalan na Caleb.”

Ezekiel [9]! Naroon! Ito ay kay YAHUVEH. Ang diyablo ay mayroong huwad [UFO] at si YAHUVEH ay mayroong isang tunay [na mga sasakyan, kalesang apoy ng Anghel], ang siyang nagpalabas nito. Ito ay “unidentified flying object {hindi makilalang lumilipad na bagay}.” At nakita ni Ezekiel ang gulong dakong itaas sa gitna ng himpapawid at hindi lamang na palaging mayroon niyong gulong, ang gulong sa loob ng isang gulong.

Tungkol sa Israel din, mayroong isang bagay na papasok sa Israel. Magsimula kayong magbasa mula sa Ezekiel 9. Mayroon tayong Propesiya. Ito ay tungkol sa Tagasulat ng Manunulat, isang Propeta humahayo at minamarka ang lahat ng Banal at ang mga walang marka sa Israel ay mapapatay. SIYA [YAHUVEH] ay sobrang nagagalit. SIYA ay nagagalit sa Israel. SIYA ay nagagalit sa kawalan ng kabanalan. SIYA ay nagagalit ngayon. Sabi NIYA gusto ng diyablo na patayin ako dahil ayaw niyang lumabas ang Salitang ito.

Ang lahat ay tungkol sa kung bakit ang… ito ay hindi tungkol sa akin. Kaya ok, ang mga sekreto ay nakatago— nagsisimula sa Ezekiel 9 at pagkatapos pinababasa NIYA sa akin ang [pahina] 13 kahit ang hanggang sa mga kunwang propeta. Wow, ito’y napakalaki. Bagaman ito ay si YAHUVEH. Ito ay si YAHUVEH na mamamahala sa mga mabubuting UFOs at may pakpak na mga nilalang.

Ang mga ito ay hindi tumutukoy sa walang mga kalesa. Walang mga kalesa. Sinasabi ng aking Biblia na ito ay mayroong mukha ng isang may pakpak na nilalang. Ito ay mayroong mukha ng isang tao, ang mukha ng isang leon at ang mukha ng isang agila. Iyan ay apat muli.

[At] ang mga pakpak, kapag babasahin ninyo ang Ezekiel 10, ito ay tumutukoy sa mga gulong at pagkatapos ito ay tumutukoy sa mga mukha.

Hindi man ako umaangkin na naiintindihan ko. Hindi man ako umaangkin dahil malalim ito. Ito ay napakalalim at ito ay hindi pa nangyayari nguni’t ito ay nahahandang mangyari. Dahil naniniwala ako na natanggap ko ang Rebelasyon na ito ngayon na yaong pumaparating at ako ay naniniwala kung ano ito kapag ang mga alien ay darating sa mundo at sila ay makikipaglaban sa mga tao, naniniwala ako na si YAHUVEH ay magpapadala ng KANYANG mga anghel, KANYANG mga sandata rin upang makipaglaban ng sabay-sabay dahil hindi makakayang pagtagumpayan ng mga tao ang mga alien na ito.

Kakailanganin nating magkaroon ng higit sa karaniwang tulong mula sa Langit. At ipinapadala NIYA ito para sa mg Banal. Nguni’t ito ay nakatali sa Israel ngayon. Kasama ng lahat ng mga bagay na nangyayari sa Israel. Kaya iyan ang iniisip ko na ang bagong Propesiya ay magiging tungkol sa Israel. Ito ay talagang magiging tungkol sa Israel, sobra {big time}. Purihin si YAHUSHUA!

Katapusan ng Pagtatala

* * * * * * *

1 sa mga Propesiya 31, 32, 37, 42, 48, 50, 58, 80, 81, 87

2 San 5:1-8 1 Magsiparito ngayon, kayong mayayaman, kayo'y magsitangis at magsihagulhol dahil sa mga karalitaan ninyong sa inyo'y darating. 2 Ang inyong mga kayamanan ay mga bulok, at ang inyong mga damit ay nginangatngat ng tanga. 3 Ang inyong ginto at ang inyong pilak ay kinakalawang na; at ang mga kalawang na ito ay siyang magiging patotoo laban sa inyo, at gaya ng apoy na lalamunin ang inyong laman. Kayo'y nagtipon ng inyong mga kayamanan sa mga huling araw. 4 Narito, ang kaupahan ng mga manggagawa na nagsiani sa inyong mga bukid, na iniring ninyo sa pamamagitan ng daya, ay humihibik: at ang mga hibik ng mga nagsiani ay nagsipasok sa mga pakinig ng PANGINOON YAHUVEH NG MGA HUKBO. 5 Kayo'y nangabuhay ng tamasa sa ibabaw ng lupa, at nangagalak; inyong pinataba ang inyong mga puso sa araw ng patayan. 6 Inyong hinatulan, inyong pinatay ang matuwid; hindi niya kayo nilalabanan. 7 Mangagtiis nga kayo, mga kapatid, hanggang sa pagparito ng Panginoon. Narito, inaasahan ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa, na may pagtitiis, hanggang sa tanggapin ang ulang maaga at huli. 8 Mangagtiis din naman kayo; pagtibayin ninyo ang inyong mga puso, sapagka't ang pagparito ng Panginoon ay malapit na.

3 Mt 6:19-21 [Sabi ni YAHUSHUA,] 19 Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito'y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito'y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: 20 Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: 21 Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.

4 Pa 12:11, 17 11 At siya'y kanilang dinaig dahil sa DUGO NG KORDERO, at dahil sa SALITA NG KANILANG PATOTOO, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan… 17 At ang dragon… ay pumunta upang makipagdigmaan sa bahagi [sinong]nangalaga sa mga kautusan ng DIOS, at mayroong PATOTOO NI YAHUSHUA HA MASHIACH. 19:10 ANG PATOTOO NI YAHUSHUA siyang ESPIRITU NG PROPESIYA.

1 Jn 5:3, 5-13 3 Sapagka't ito ang Pagibig sa DIOS, na ating tuparin ang KANYANG mga Utos: at ang KANYANG mga Utos ay hindi mabibigat… 5 At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si YAHUSHUA ay ANAK NG DIOS? 6 Ito ay SIYA YAONG naparito sa pamamagitan ng TUBIG at DUGO- si YAHUSHUA HA MASHIACH; hindi sa TUBIG lamang, kundi sa TUBIG at sa DUGO. At ang ESPIRITU ang NAGPAPATOTOO, sapagka't ang ESPIRITU ay KATOTOHANAN. 7 Sapagka't may TATLONG NAGPAPATOTOO sa Langit: ANG AMA, ANG SALITA, at ANG BANAL NA ESPIRITU; at ang TATLONG ito ay isa. 8 At may TATLONG NAGPAPATOTOO sa Mundo: ANG ESPIRITU, ANG TUBIG, at ANG DUGO [Link]: at ang TATLO ay nagkakaISA. 9 Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ang PATOTOO NG DIOS ay lalong dakila, sapagka't ito ang PATOTOO NG DIOS: sapagka't ito papatotoo tungkol sa KANYANG ANAK. 10 Ang nananampalataya sa ANAK NG DIOS ay may PATOTOO [Ro 8:16, Jn 15:4-7] sa kaniyang sarili: [nguni’t] ang hindi nananampalataya sa DIOS ay ginagawang [tinatawag na] isang sinungaling ang Dios: sapagka't siya ay hindi sumampalataya sa Patotoo na ibinigay ng DIOS tungkol sa KANYANG ANAK. 11 At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng DIOS ng buhay na WALANG HANGGAN, at ang BUHAY na ito ay nasa KANYANG ANAK. 12 Ang sinong nasa kanya ang ANAK ay may buhay; ang sinong wala ang ANAK NG DIOS ay walang buhay. 13 Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo na sinong naniniwala sa PANGALAN ng ANAK NG DIOS, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong Buhay na Walang Hanggan, at yaong kayo ay maipagpatuloy ang inyong pananampalataya sa PANGALAN ng ANAK ng DIOS.

5 2 Cor 5;1-9; 1 Sapagka't nalalaman natin na kung masira ang ating bahay [ang katawan] na tabernakulong ukol sa lupa, ay mayroong tayong isang Gusaling mula sa DIOS, Bahay na hindi gawa ng mga kamay, Walang Hanggan, sa sangKalangitan. 2 Sapagka't tunay na sa ganito [katawan] tayo ay nagsisihibik, na nangagnanasang mabihisan tayo ng aming Tahanang alin ay mula sa Langit: 3 Na kung mabihisan nga tayo niyaon ay hindi tayo mangasusumpungang hubad. 4 Sapagka't tunay na kaming nangasa tabernakulong ito [itong katawan] ay nagsisihibik, na nangabibigatan; hindi sa ninanasa naming maging hubad, kundi ninanasa naming kami'y bihisan, upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay. 5 Ngayon ang SIYANG gumawa sa atin ng bagay ding ito ay ang DIOS, SINONG nagbigay sa amin ng patotoo ng Espiritu. 6 Kaya nga kami'y laging malakas ang loob, at nalalaman namin na, samantalang tayo ay nangasa tahanan sa katawan, ay wala tayo sa harapan ng PANGINOON YAHUSHUA. 7 Sapagka't nagsisilakad tayo sa pamamagitan ng pananampalataya, HINDI sa pamamagitan ng paningin; 8 Na malakas ang loob natin, oo, at ibig pa nga natin ang mawala sa katawan, at mapasa tahanan na kasama ng PANGINOON YAHUSHUA. 9 Kaya't ang atin namang pinagsisikapan, maging sa tahanan man o di man, ay maging kalugodlugod tayo sa KANYAN. Tingnan ang Mga Taga-Filipos 1:23

6 Mt 10:16-34 16 Masdan, sinusugo KO kayong gaya ng mga tupa na nasa gitna ng mga lobo. Kaya mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati. 17 Nguni’t mangagpakaingat kayo sa mga tao: sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga Sanedrin at kayo'y hahampasin sa kanilang mga sinagoga; 18 Oo at kayo'y dadalhin sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa AKIN, sa pagpapatotoo sa kanila at sa mga Hentil.

19 Nguni’t pagka kayo'y ibinigay nila, huwag ninyong ikabalisa kung paano o kung ano ang inyong sasabihin: sapagka't sa oras na yaon ay ipagkakaloob sa inyo ang inyong sasabihin. 20 Sapagka't hindi kayo ang mangagsasalita, kundi ang ESPIRITU ng inyong AMA ang sa inyo'y magsasalita.21 Ngayon ibibigay ng kapatid ang kapatid sa kamatayan, at ng ama ang kaniyang anak: at mangaghihimagsik ang mga anak laban sa kanilang mga magulang, at sila'y ipapapatay. 22 At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa AKING PANGALAN: Nguni’t ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.

23 Pagka kayo'y pinagusig nila sa isang bayang ito, ay magsitakas kayo tungo sa kasunod na bayan: sapagka't sa katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo matatapos libutin ang mga bayan ng Israel, hanggang sa pumarito ang ANAK NI {YAH}. 24 Hindi mataas ang alagad sa kaniyang guro, ni hindi rin mataas ang alila sa kaniyang panginoon. 25 Sukat na sa alagad ang maging katulad ng kaniyang guro, at sa alila ang maging katulad ng kaniyang panginoon. Kung pinanganlan nilang Beelzebub ang panginoon ng sangbahayan, gaano pa kaya ang mga kasangbahay niya! 26 Kaya huwag nga ninyo silang katakutan. Sapagka't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag; at natatago na hindi malalaman. 27 Ang sinasabi KO sa inyo sa kadiliman, ay sabihin ninyo sa kaliwanagan; at ang narinig ninyo sa bulong, ay inyong ipagsigawan sa mga bubungan. 28 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, ngubi’t hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impyerno. 29 Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? At kahit isa sa kanila'y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot {KAGUSTUHAN} ng inyong AMA. 30 Nguni’t maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat. 31 Kaya huwag nga kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya. 32 Kaya't ang bawa't kumikilala sa AKIN sa harap ng mga tao, ay kikilalanin KO naman siya sa harap ng AKING AMA na nasa Langit. 33 Nguni’t sinomang sa AKIN ay magkaila sa harap ng mga tao, ikakaila KO naman siya sa harap ng AKING AMA na nasa Langit. 34 Huwag ninyong isiping AKO'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi AKO naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak.

* * * * * * *