Bakit natin Kailangan gamitin ang Mga banal na Pangalan ni YAHUVEH
Bakit natin Kailangan gamitin ang Mga banal na Pangalan ni YAHUVEH, YAHUSHUA at SHKHINYAH GLORY
Naiwasto Noong Setyembre 28, 2009
Ito ay galing sa banal na kasulatan ng New King James Version Bible.
Is. 12:2
Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: sapagka't ang Panginoon si YAH ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.
Is. 26:4
Magsitiwala kayo sa Panginoon magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong YAH ang walang hanggang Kalakasan.
Ps. 68:4
Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan: ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang; ang kaniyang pangalan ay YAH; at mangagalak kayo sa harap NIYA.
Sa loob ng mga nakaraang taon kami ay nakatanggap ng prophesiyang salita na ang anti-kristo ay gagamitin ang pangalan na Hesukristo sa paghuhukom. Kapag ang anti-kristo ay nagsiwalat/nagpakilala at gagamitin ang pangalan Hesus, si YAHUVEH ay HINDI makikinig sa anumang dasal na sasabihin sa pangalan ni Hesus. Paano NYA ito pakikinggan kung ang anti-kristo ay gagamitin ang pangalan na ito at manlilinlang ng bilyon-bilyon. Kailangan mong gamitin ang mga Banal na Pangalan ni YAHUSHUA at YAHUVEH/YAHWEH sa paghuhukom o ang iyong panalangin/dasal ay HINDI mapapakinggan.
Pino-post namin ang sipi (excerpts) sa mga propesiya na tumutukoy sa mga Banal na Pangalan at lalo na sa paghuhukom, bakit natin kailangan HINDI gamitin ang pangalan na HESUKRISTO.
Ito ay kailangan basahin. Ito ay napakahalaga para sa paghuhukom na darating!
Propesiya 77- Narito, AKO si YAHUVEH, IPINADALA SA IYO
Kapag tumawag sila sa AKING ANAK, hindi lang sa pangalan ni Hesukristo, pero kapag binigyan nila ng karangalan/paggalang ang pamana na ibinigay KO dito sa mundo. Dahil SYA (YAHUSHUA) ay galing sa hanay ni David, SYA (YAHUSHUA) ay nanggaling bilang Hebreo, kaya ituro mo sa kanila, Gusto KO na SYA ay galangin/karangalan at tawagin sa Pangalan NYANG YAHUSHUA. AKO ay gumawa ng pangako at banal na panata, sa mga susunod, sa mga tinatawag na sila’y Pentecostals, kayo ay nagkalat sa buong mundo, at ito ang labis na pinangangatog at pinanginginig ni satanas.Kung ito lamang ay iyong tatanggapin, ang katotohanan ang pagiging Jewishness ng Mesyas/Messiah at ibinigay mo rin ang iyong buhay.
Propesiya 83 – AKO, SI YAHUVEH, SINASABING “MAGSIPAGHANDA, ANG PAGTATAPOS AY MALAPIT NA!
Ang lahat na imbitado sa Kasal na hapunan ng Kordero, Mayroon AKONG babala sa iyo, sa Paghuhukom ang isang darating, na karaniwang tinatawag na anti-kristo, na ang sinong tinatawag na tunay na anak ni satanas, na anak ng kapahamakan ng kaluluwa, sya ay darating gagamitin at manlilinlang sa pangalan na kilala sa buong mundo, sa bawat kaanak/pamilya at wika ang pangalan na ang mga Kristiyano ay ginagamit at mahal ang pangalan ay Hesukristo.
[NAPAKAHALAGA! BASAHIN ANG SUMUSUNOD NA TALATA NG MABUTI]
Mag-ingat, palatandaan, kababalaghan, at himala ay ginagamit pa rin at ang mga kaluluwa ay maililigtas pa rin sa pangalan ni Hesukristo, wag matakot. Gayunman, hindi pa ito ang katapusan at ikaw lamang ay mananagot sa iyong mga nalaman/ natutunan. AKO, si YAHUVEH, ginagalang/kinararangal at pinahiran ng langis (Anointed) ang pangalan na “Hesus,” bagaman ang AKING ANAK na si YAHUSHUA ay binigyan ng Hebreo na pangalan ng kanyang Hebreo na ina. At AKO ay ang KANYANG AMA; Ang Pangalan NYA ay may Pangalan ko na YAH. Ang pangalan na Hesus ay binura ang AKING banal na Pangalan, Ang Pangalan na nasa itaas ng lahat ng mga pangalan. Ang Pangalan KO ay YAHUVEH at ang Pangalan na YAHUSHUA ay isinalin sa isang tapat na paalala sa bawat wika na ang YAH ay kaligtasan! Hindi ba ito ang inyong kinagawian na pangalanan ang inyong anak pagkatapos ng kanyang ama? Bakit ano sa tingin na mayroon itong pagkakaiba sa inyong AMANG nasa langit na gawin ang katulad nito? Ito ay isang paalala sa iyo na AKO, si YAHUVEH at ang AKING ANAK, na si YAHUSHUA, ay iisa.
Ito ay si satanas at ang kanyang mga alagad na natatakot sa Pangalan na YAH, ngunit alam KO ang AKING mga anak na may mga pusong mapagmahal. Kahit na pinatawad kita sa pagtalikod mo sa AKING tunay na araw ng pahinga (Sabbath rest day), pagsira sa pang-apat na utos (commandment) muli at muli, Ngunit hindi KO na ito mapapatawad. Ngayon ikaw ay may pananagutan na sa iyong nalalaman. May pananagutan ka na bigyan ng babala ang iba. Mayroon mataas na anointing (pagpapahid ng langis) sa Banal na pangalan na Hebrew ni YAHUSHUA at sa AKING Pangalan, YAHUVEH. Ngayong malapit na ang katapusan at binalaan kita turuan ang iba sa mga nalalaman mo na ngayon na katotohanan. Mayroong higit pang anointing (pagpapahid ng langis) sa AMING banal na Pangalan. Gamitin ang mga ito, huwag ng gumawa ng mga dahilan.Sa panahon ng paghuhukom dapat kang tumawag sa Pangalan na Hebrew ng AKING anak na si YAHUSHUA ha MASHIACH (YAHUSHUA aking MESYAS). Ang Pangalan KO na YAH ay nasa KANYANG pangalan, Ang Pangalan na higit sa ng lahat ng Pangalan.
Kung hindi nyo ito matututunan ngayon, sa darating na paghuhukom kapag kayo ay nagdasal sa inyong pagpalaya/kalayaan, o paglunas, at ginamit mo ang pangalan na “Hesus,” tandaan, na ang anak ni satanas ay gagamitin ang Pangalang ito na bilang Panginoon. Paano mo maasahan na ikaw ay malulunasan, mapapalaya o mabibigyan ng biyaya kung ang paggamit sa katulad na pangalan ng anak ni satanas ay gagamitin mo din? Ang anak ni satanas ay tatawagin mo sa oras na ito ng hindi mo namamalayan.
Ang nag-iisang tunay na paglunas, palatandaan (signs), kababalaghan (wonders), himala (miracles) at pagkabuhay na muli (resurrection) ay maggagaling sa Langit, anumang iba pang mga kalunasan o pagpapalaya ay isa lamang maling akala/ilusyon, at sa panahon ng Paghuhukom mayroong ilusyon na lalabas na katotohanan ngunit ito ay kasinungalingan diretso patungo sa trono ni satanas. Matutunan na ngayon ito at balaan ang iba pa ngayon. Sa darating na Paghuhukom TANGING sa pangalan lamang ni YAHUSHUA, at HINDI sa pangalan ni “Hesus” ngayon magtataka ka kung bakit ang inyong panalangin ay hindi masasagot ang kanilang pananampalataya ay magdurusa at kahit sa inyong pananampalataya kayo ay mamamatay, kung bakit ang pagpapalaya ay hindi dumating sa pangalan na iyon.
Balaan na sila ngayon upang sila ay masanay na gamitin ang Hebrew na Pangalan ni YAHUSHUA, at YAHUVEH at ang RUACH ha KODESH (Espirito Santo). Si satanas ay ayaw gamitin/ihuwad ang Pangalan na YAHUSHUA dahil sa kalakip nito ang AKING Pangalang YAH.
Ang lahat ng iba na itatanggi ang mga salitang ito, kahit na sinasabi nilang mahal nila si Hesus ngunit itinatanggi ang Hebrew na Banal na Pangalan, Sabbath, at Banal na mga araw at mga pista. Sila ay magpapatuloy na iinom ng gatas sa kadahilanang ayaw nila ng ispirituwal na ngipin upang kainin ang mga pagkaing ispirituwal. Sa panahon ng Paghuhukom kanilang maaalala ang kanilang mga nabasa at ang iba ay magsisisi at makikilala ang Ministry/Ministeryo na tunay ngang ipinadala ng Langit. Sa AKING pinakamamahal na mga sanggol (Babies), Ikakasal, mga nahirang (Chosen Ones) at Napili (Elect), tumingin kayo, ang inyong nalalapit na pagtubos ay malapit na. Isang daan o isa pa ikaw ay babalik na muli sa langit na iyong tahanan.
Propesiya 84 – MAG-INGAT SA MGA ILUSYON
Sa Kadahilanan lamang na ang mga griyego ay nagbigay sa Pangalan ng AKING ANAK, sa kadahilanan lamang na ang King James Bible (Bibliya) inuulit ang pangalang Kristo Hesus muli’t muli hindi ibig sabihin na ang KANYANG pangalan ay nabago. Ito ay mananatili sa Pangalang Hebrew, Ang Pangalan na tangan ang Pangalan KO, YAHUVEH. AKO, si YAHUVEH ang pangalan na magpapaalala sa mundong ito kung ano ang bunuwis na halaga ng AKING ANAK na si YAHUSHUA na KANYANG binayaran. Muli, Uulitin ko muli, muli at muli at muli at muli, pwede mong tawagin ang propeta na ito lapastangan sa Diyos, tawagin mo isyang naninira ng puri, pwede mong sabihin na sya ay mapupunta sa impiyerno, ngunit sasabihin ko ito sayo AKO, ANG HARI NG PAGLIKHA, AKO ANG NAG-IISANG BANAL NA ETERNAL, sasabihin ito sa iyo, ANG KANYANG Pangalan na nangunguna sa lahat ng mga Pangalan, ay Pinangalanan kasunod/alinsunod sa AKING Pangalang YAHUVEH. AKO, ay si YAHUVEH ibig sabihin “YAH ang TAGAPAGLIGTAS” (YAH SAVES).
Walang nagbago. Dahil pinarangalan ko ang pangalang Kristo Hesus. Dahil pinahiran ko ng langis (anointed) ang pangalang Kristo Hesus. Dahil AKO ay nagliligtas sa pangalan ni Kristo Hesus. Dahil AKO ay napapalaya at gumawa ng palatandaan (signs), kababalaghan (wonders) at himala/Milagro (Miracles) sa pangalan ni Kristo Hesus. Dahil ginagawa KO pa rin ito sa pangalan ni Kristo Hesus hindi ibig sabihin nito ay hindi mo aalamin ang KANYANG totoong Hebrew (Hebreo) na pangalan. Gagawin mo ito at ikaw ay mananagot sa lahat ng iyong nalalaman. Dahil pinayagan ko ito sa lahat ng oras, sa iyo upang magtipon at tawagin ang Linggo (Sunday) ang AKING Sabbath day, Ginawa ko ang mga parehong bagay na ito, Pinayagan ko ito, Hindi ito ang AKING Kalooban, Pinayagan ko ito. Ngunit sa panahon ng Paghuhukom si satanas at ipapakita sa iyo kung paano nya gagawing huwad (counterfeit) ang mga ito. [ Mag-ingat sa Linggong mga Simbahan].
Sapagka’t sasabihin ko muli, kahit pa ang pinakamayaman na mangangaral ng ebanghelyo (evangelist) na alam ang katotohanan na ito ay ibinagbili ang katotohanan na ito, naikomprimiso ang katotohanan na ito, at ito ang magdadala sayo ng deretso sa mga kamay ng anti-mesyas, ang anak ni satanas. At kanilang sasabihin, “Yan ay si Kristo Hesus, Yan ang inyong Mesyas (Messiah), sya ay darating, Sya ay darating at ngayon ay ang kapayapaan ay nasa buong mundo, huwag mag-alala tungkol sa impiyerno.” Bakit hindi ninyo makita? Ayaw nila AKONG gayahin. Ang Pangalan KO ay YAH. Si King James ay magbabayad. Si King James ay nagbayad noong tinaggal nya ang Banal na Pangalan ng AKING ANAK. BASAHIN MO, BASAHIN MO, BASAHIN MO! Pagsikapan at pagtibayin ang sarili na humarap na subok (study and show thyself approved). Hindi lamang lagi ang King James, basahin ang orihinal na sinulat ng kamay. Basahin kung saan ang Hebreo (Hebrew) ay isinalin. Basahin na kahit saan sa Aramaic alam ang KANYANG Pangalan. BAKIT? BAKIT? BAKIT hindi mo kayang paniwalaan ito?
Matinding paghihirap ang daranasin ng Kristiyanong simbahan dahil tinapon nila ang Hudyong Mesias (Messianic Jews). At ikaw ang Hudyong Mesyas na sinagoga, Itinuturo Ko rin ang AKING daliri sa iyo. Ikaw, na nag-alis ng AKING pangalan at sinabing, “Yeshua ay sapat na.” Ayaw mong galitin ang kinikilalang Hudyo (orthodox Jews). Ikaw ay nakomprimiso. Ikaw na tinatawag ang propetang ito na AKIN na nagsasalita ng Banal na pangalan na manggagamit, tama ka, Kung kaya’t pinahiran ko sya ng langis (anointed her) at hindi ikaw. Ikaw na naglakas-loob na baybayin (spell) ang AKING pangalan na ‘G-D’. Ano iyan? Ano sa palagay mo ang ibig sabihin niyan sa AKIN? Tinanggalan mo pa ako ng pagka - DIYOS at ikaw ay nagtataka/namamangha, kung nasaan na ang mga milagro ng noon?
Propesiya 89- MGA LIHIM NG RUACH ha KODESH (BANAL na ESPIRITO SANTO)
Kapag iyong binasa ang mga salita na naisalin na at naglakas loob sila na tawagin ang Pangalan ng AKING ANAK na si YAHUSHUA, ang anak ng tao. Kailanman ay hindi SYA nagging anak ng tao. SYA ay ANAK ni YAHUVEH! Ang ANAK ni YAH! Kapag nakita mo ito sa isang naisaling wika, Gaano ang naidulot KO sa iyo upang ikaw ay magdalamhati at hindi mo kailanman naramdaman ang kapayapaan at ipinaliwanag mo pa ang lahat ng pagsalin sa mga ito. Ito at hindi galing sa AKING mga kamay! Ito ay plano ni satanas. Bagama’t SYA (YAHUSHUA) ay ipinanganak sa isang taong katawan, Bagama’t SYA ay nagdusa ng sakit sa krus SYA ay hindi kahit kailanman, hindi kailanman, hindi kailanman magiging anak ng isang tao! SYA ay ANAK ni YAH at ang KANYANG pangalan, kahit ang buong mundo ito ay inihahayag. Ano sa palagay mo na si satanas ay isinalin, at sinubukan na kontrolahin SYA at binigyan sya ng pangalan ng tao. AKO ay nagkaroon upang payagan ito, at sa mga oras na ito bago ang Paghuhukom ang pangalan na Hesus ay mananatiling may bisa.
Naku, Ngunit sa Paghuhukom ang lahat na mga nailigtas ngayon at namuhay na mga banal sa harap KO, ang AKING ESPIRITO ay nasa kanila, katulad ng ikaw ay nailigtas sa pangalan na Hesus, Gusto mo pa rin tawagin SYA sa pangalan na yaon. At huwag kang magkamali ng pang-unawa sa AKIN, mayroon kapangyarihan, kapangyarihan sa Langit upang i-back up ang Pangalan na iyon dahil sa awa ng inyong AMA (ABBA) YAHUVEH. Ngunit sa mismong araw ng paghuhukom marami ang mamamatay, kahit pa sila ay ligtas na ngayon, marami ang magtataka kung bakit ang kanilang panalangin ay hindi naririnig/nasasagot. Hindi dahil hindi NAMIN sila mahal. At hindi AKO nagsasalita para sa mga pumupunta sa Linggong Simbahan (Sunday churches) at kukunin ang MARKA, AKO ay nagsasalita sa mga tatawag sa pangalan ni Hesus, na alam na SYA ay isa na ipinako sa krus at nabuhay na magmuli sa mga patay at sa pangatlong araw ay nabuhay na magmuli.
Maghintay kayo sa kanila sa Langit. Ngunit kailangan nilang maintindihan habang ngayon ay may kapangyarihan sa pangalan na yaon (Hesus), mawawalan ng kapangyarihan sa panahon na iyon ang pangalan na ito. Hindi ibig sabihin na sa patuloy na namumuhay na mga banal sa harap KO hindi sila babalik sa Langit, ngunit ang ibig sabihin ay hindi ko maririnig/masasagot tulad ng sinabi KO ito ay sa AKING pagpapahid ng Langis (MY Anointing), Katulad ng pag-ihip ng hangin na halik kay AMA (ABBA) YAHUVEH na ang kanilang panalangin ay masasagot ngunit sa araw na iyon hindi ko matutugunan ang kanilang mga wika na sinasabi dahil mayroong iba sa mukha ng mundong ito na sasabihing, “ ako si Hesus.”
At kahit alam KO kung sino si Hesus na kanilang binabanggit, dahil ang pangalan na iyon ay magiging sumpa, ang kanilang mga panalangin ay hindi makakarating/maabot sa Langit at sila ay magtataka kung bakit. Kaya ikaw ay magbibigay ng babala sa kanila. Ito ang kahalagahan ng Hebreong (Hebrew) Pangalan. Nakikita mo ba na si satanas ayaw niyang gamitin ang pangalang YAH. Naku, Marami AKONG kaaway doon na ngayon ay naglalakas loob na kontrolin ang mga ministeryo (ministries) at gamitin ang pangalang YAH para lokohin ang mga lobo (wolves) at mga kordero (lambs). Ngunit ang anak ni satanas ay ayaw gamitin ang pangalang YAH, gusto niyang gamitin ang pangalan na sa mundo ay nagging kilala at ito ay ang pangalang H-E-S-U-S.
Kaya bagaman ang lahat na mga pangalan na nakasulat sa Aklat na Buhay ng Kordero, sa panahon ng Paghuhukom, sila ay babalik sa Langit. Ito ay nangangahulugan na kailangan nilang ibigay ang kanilang buhay ngunit sila ay hindi kailanman, kailanman papasok sa Linggong simbahan o ang kanilang pangalan ay mapapawi (blotted out). Doon ay walang kaligtasan sa mga oras na iyon sa pangalan ni H-E-S-U-S; ito lamang ay sa Pangalang YAHUSHUA. Ang iba ay sasabihing YAHSHUA. Ngunit ang pangalang YAH ay hindi matatanggal.
Sa mga napahiran ng Langis (Anointed) 144,000 ay hindi magtuturo ng pangalan ni H-E-S-U-S. Ito ay ngayon. Na maging sa pagkatapos. Ibinibigay ko ang mensahe na ito sa iyo para magbabala muli. Na katulad rin ngayon, Hindi ibig sabihin na ang lahat ng mga dumalo sa Linggong simbahan/pagtitipon ay hindi KO pag-aari. At hindi puno ng AKING Epiritu, Ngunit hindi ito nangangahulugan na sa Paghuhukom ay hindi ito papahintulutan dahil dito nila ito ipinagbili sa hayop (beast). Naiintindihan mo ba? Ang kaluluwa ay ligtas ngayon sa pangalan ni H-E-S-U-S. Pinahiran KO ng langis (I anoint) ang Pangalan ni H-E-S-U-S. AKO ay nagpapagaling sa Pangalan ni H-E-S-U-S. AKO ay nagliligtas sa Pangalan ni H-E-S-U-S. Ngunit hindi sa oras na iyon.
Balaan sila. Paano KO sila matutugunan? Paano sila matutugunan ng AKING ANAK na si YAHUSHUA? Kapag sila ay sumigaw na, “Hesus, tulungan mo ako,” at ang anak ni satanas ay naroroon, at sasabihing, “Naririto ako.” Sasabihin nila, “Hesus iligtas mo ako, patawarin mo ako sa lahat ng aking kasalanan!” at ang anak ni satanas ay sasabihing, “ naririto ako.” Hindi mo ba nakikita ang kapahamakan? Hindi mo ba naiintindihan? Hindi mo lamang alam ang AKING pighati/kalungkutan na AKING mararamdaman kapag ang mga pangalan sa Aklat ng buhay ng Kordero, na mas alam na pumunta sa Linggong simbahan/pagtitipon na tatakbo at magtatago, at kakailanganing ibigay ang kanilang buhay dahil sila ay tatangis ng malakas at itatanggi nila na sabihin ang pangalan na YAHUSHUA.
Panghahawakan nila kung ano man ang sa kanila ay itinuro at sasabihin nila ang Pangalan na Hesus at ang kanilang panalangin at hindi maaabot ang Langit dahil hindi ko ito hihipan katulad ng isang halik dahil ang anak ni satanas ay iiyak sa sigaw, “Naririto ako.” Hindi ibig sabihin nito ang kanilang pangalan ay nadungisan/mawawala (blotted out). Nangangahulugan lamang ito na hindi KO kayang iligtas ang kanilang buhay. Hindi KO sila maitatago. Hindi KO sila mapapakain. Hindi KO sila maililigtas.
Kaya ito ang dahilan kung bakit AKO nagtatag ng mga ministeryo (ministries) katulad nito na nagtuturo ng Pangalan ni YAHSHUA, Na nagtuturo ng Pangalan ni YAHUSHUA. Hindi bale. Marami ang tinatanggi ang pangalan kung paano KO ito ibinigay sa iyo ngunit ang Pangalang YAH hindi maiaalis na kahit ang KANYANG pangalan ay nangangahulugang “YAH ay kaligtasan.”
Ibinigay ko sayo ang panaginip na kapag ang mga hugis platito (flying saucer) ay lumilipad tunay na dumarating ang hukbo ni satanas ngunit mayroon silang karapatan sa mga sisigaw paiyak sa maling pangalan dahil sya (ang anak ni satanas) ay ipapahayag “Naririto ako.”
Kaya’t mag-ingat, ngayon ay nagsimula na. Mayroong isa na magpapakilala. Sya ay may maraming malawak na tagasunod at tinatawag ang kanyang sarili na Kristo Hesus. Ngunit ang susi ay itinapon nya kung ano ang mga banal. Mag-ingat sa isang parating, sa isang ito ay isa lamang hamak na tao, ngunit mag-ingat sa isang parating ito ay bilang Judas na nagbabalik muli at sya ay tunay na anak ni satanas, ang anak ni Lucifer.
Balaan na sila ngayon. Mayroong oras at mayroong panahon. Malalaman mo ito kung kalian ang Salita ay magpapatuloy. Ngunit Elisabeth, hindi na kailanman ikaw ay mananabik na labis sa pagmamahal ng isang ina dahil ipinakita KO na sa iyo na pinunuan KO na ito.
Propesiya 90 – Ano ang Pangalan ng RUACH ha KODESH?
Elisabeth, AKO ang iyong MOMMA SHKINYAH GLORY. AKO ang nagpahid ng langis sa iyo (anoints you) para sa palatandaan (signs), kababalaghan (wonders) at milagro (miracles) na kabilang dito ang pag propesiya at nananalangin sa pamamagitan ng banal na mga wika ng tao at banal na mga Anghel. AKO ang iyong SHKHINYAH GLORY. AKO ang namamagitan sa lahat ng mga Banal na Anak dala-dala KO ang iyong panalangin sa harap ng trono ni YAHUVEH katulad ng halik na hinipan sa hangin, kapag ito ay itinawag sa Pangalan ni YAHUSHUA ha MASHIACH kabilang rin dito ang itinawag sa pangalan ni KRISTO HESUS sa ngayon, ngunit mag-ingat, dahil ang anak ni satanas sa panahon ng Paghuhukom ay gagamitin na huwad ang pangalan ni HESUKRISTO. Hindi ko magagawang ipadala ang lahat ng panalangin sa mga oras na iyon sa pangalang HESUS, dahil ang mga alagad ng demonyo ay gagamitin rin ang pangalang HESUKRISTO. Ituro na ngayon ang banal na Pangalang Hebrew ni YAHUSHUA at YAHUVEH sa lahat ng mga may espirituwal na tenga para mapakinggan, maintindihan at sumunod. Matuto at masanay na gamitin ang tunay na pangalan na Hebrew ang isa sa tinatawag ng lahat na HESUKRISTO, ngayon na bago pa mahuli ang lahat. Sabihin sa mga tao huwag maghintay sa panahon ng Paghuhukom na matutunan ito sa mahirap na paraan.
Isigaw ito hanggang ito ay kanilang marinig at ang mensahe ay umalingawngaw sa buong mundo, sa panahon ng Paghuhukom ay may malaking panlilinlang at sa mga oras na iyon, hindi na kakayanin ni YAHUVEH na masagot ang panalangin sa pangalang HESUKRISTO, sa pamamagitan lamang sa pangalang Hebrew na YAHUSHUA ha MASHIACH (YAHUSHUA ang aking MESYAS) magkakaroon ng kalunasan, pagliligtas, ang kapangyarihang muling pagkabuhay. Dahil ang isa sa tatawaging anak ni satanas ay gagamitin at manlilinlang ng milyong-milyon sa paggawa ng mga huwad na palatandaan, kababalaghan at milagro habang huwad niyang gagamitin ang pangalang HESUKRISTO sa harap ng mundo. Kahit ang mga pinili ay malilinlang kung maari. Mag-ingat, ngayon ay may mga masasamang tao sa pamamagitang ng espiritu ng anti-kristo at gagamitin nila ang pangalang HESUKRISTO ngunit sila ay galit sa Hebrew na Pangalan ni YAHUSHUA dahil ito ay tapat na nakakapag paalala na YAH ay tagapagligtas! Si YAHUSHUA lamang ang MESYAS (MASHIACH/MESSIAH).
Pagtatapos ng Sipi na nagmula sa Propesiya
Ito ay idinagdag din noong Setyembre 28, 2009 na nagmula kay Elisabeth
Maraming tao and sumulat at nagtatanog (dahil ang Ministeryo na ito ay ginagamit lamang ang pangalang YAHUSHUA ha MASHIACH) kung maari pa rin nila gamitin ang KRISTO HESUS. Ako ay sumagot sa sumulat na isa nating kapatid kay YAHUSHUA ha MASHIACH, ang kanyang pangalan ay Alex at ang pagpapahid ng langis (anointing) ay nasa akin. Isinulat ko ang lahat ng mga sagot sa lahat ng mga tanong na aming natanggap tungkol sa paggamit ng Banal na Hebreong Pangalang (Hebrew Names).
Tanong: Kahit na itong Ministeryo (Ministry) na ito ay ginagamit lamang ang pangalan na YAHUSHUA ha MASHIACH, Maari ko pa rin bang gamitin ang Pangalan na HESUKRISTO?
Oo, maari mong gamitin ang pangalan na HesuKristo ngunit bakit mo ito gugustuhin? Sinabi na ito sa Propesiya, kapag ikaw ay naririto sa Paghuhukom, ang antikristo ay darating gamit ang pangalan na HESUKRISTO dahil ang antikristo ay ipahahayag na sya ito. Sa panahon ng Paghuhukom kapag ang mga Kristiyano ay gagamitin ang pangalan na HESUKRISTO sa kanilang malakas na panalangin, ang antikristo ang syang lilitaw at malalaman ang lahat ng inyong idinalangin.
Kapag ang pangalan ni HESUKRISTO ay gagamitin ng mga Kristiyano sa malakas nilang panalangin, ang antikristo ay may kapangyarihang hindi banal na maggaling kay satanas at malalaman kung nasaan nagtatago ang mga Kristiyano sa oras na ang sinasabing pangalan ay HESUKRISTO.
Kung kaya’t ito ang tamang panahon/oras para makasanayan na matutunan at gamitin ang tunay na Hebreong pangalan na ang Birheng Maria (ang Hebreong pangalan ay Mariam) ay kanyang ibinigay sa Hebreong sanggol. Pakiusap huwag sana magkamali ng pang-unawa, sa ngayon si YAHUVEH na maaring kilala rin bilang JEHOVAH ang Ama sa Langit, at kapag nakita nyo ang Pangalang ABBA YAHUVEH alam na ito ay nangangahulugang AMA YAHUVEH ay maawain at alam NYA na lahat tayo ay nagkaroon lamang ng King James na Bersiyon (Version) ng Bilbliya upang matuto mula rito. Kaya halos lahat tayo ay natutunan ang “HESUKRISTO” (JESUS CHRIST), ang griyego na pangalang ibinigay sa KANYA. At kasama ako doon.
Noong ibinigay ko ang aking buhay at kaluluwa kay YAHUSHUA ha MASHIACH 25 taon na ang nakakaraan sa isang pagtitipon sa Simabahan ng Pentecostal ng Panginoon (God Pentecostal Church), ako ay nailigtas, nabautismuhan at puno ng BANAL na ESPIRITO sa pangalan ni HESUKRISTO. Noong ako ay pinili ni YAHUVEH para magbigay buhay sa Ministeryo na ito halos 15 taon na ang nakakaraan sa internet at ako ay nakalaan upang maging Apostol/Pastor, ito ay sa pangalan ni HESUKRISTO. Noong ako ay unang nagbigay ng propesiya, ito ay sa pangalan ni HESUKRISTO. Tinawag ko ang Mnisteryo na ito sa pamamagitan ng Griyegong pangalang ALPHA and OMEGA ALMIGHTYWIND HOLY GHOST FIRE CHURCH; at ang Hebreo ay ALEPH and TAV. ( simula at wakas).
Ito ay parte ng itinatag na sistema ng simabahan at hindi alam na ang Christmas/Pasko ay hindi tunay na araw ng kapanganakan ni HESUKRISTO at iyong Easter na Linggo hindi tunay na araw kung saan SYA ay muling nabuhay. Hindi ko alam na ang Linggo pala ay hindi tunay na totoong araw ng Sabbath na pagpapahinga- na kung saan tayo ay minumungkahi na igalang/bigyan ng halaga ayon sa pang-apat na utos (4th Commanments). Natutunan ko kung ano ang itunuro sa akin galing sa Pentecostal Churches at naniwalang kung makukuha ko lamang ang mga tao para dasalin ang panalangin para sa kaligtasan (salvation prayer), sila ay mapupunta sa masidhing kagalakan (rapture) at hindi makakaranas ng Paghuhukom.
Noong nagsisimula pa lamang ang Misnisteryong ito kailanman ay hindi ko narinig ang Banal na Araw ng mga Jewish (Jewish Holy Days) na tayo ay inuutusan na sumunod o na ang HUSUKRISTO ay simbolo sa bawat banal na araw na iyon. Sa panahon lamang ng buwan pagkatapos ng kapanganakan ng Ministeryo na ito, Aking napagnilayan na ang ministeryong ito ay gagamitin bilang isang pakikipag-ugnayan sa kapwa Hudyo at hentil (Jew at gentile) at para ituro ang pagiging hudyo ng ating MESSIAH/MESYAS.
Si YAHUSHUA ha MASHIACH ay mapagpasensiya sa akin; Ipinadala NYA ang isang babae na nagngangalang Wendy sa aking buhay na tinuruan rin ako tungkol sa kanyang mga natutunan bilang isang Messianic na Hudyo. Tinuruan nya ako na ang pangalan ng Messiah ay “Yeshua”, dahil yun ang kanyang natutunang pangalan sa Messianic Jewish na Templo; itinuro ko rin sa iba ang pangalan na iyon at ito ay pinahihintulutan sa Langit-katulad ng pagpapahintulot sa pangalang HESUKRISTO- hanggang sa si YAHUVEH na ang nagturo sa akin ng katotohanan.
Ngayon alam ko na ang totoo, dahil si YAHUVEH ay ibinigay sa akin ang banal na propesiya na nagsasabing ang Messianic na Hudyo ay ayaw lamang pasakitan ang mga Hudyo, kaya ginamit nila ang pangalang Yeshua sa halip na ituro ang pangalang YAHSHUA o YAHUSHUA. ( sa mga Orthodox na Hudyo sa tingin ninyo sa paggamit ng YAH na pangalan ay nilalagay nyo ang pangalan ng Panginoon sa walang kabuluhan) Gayunman ang bibliya ay malinaw na sinasabing, halimbawa sa Awit 91, “Ilalagay ko sya sa katas-taasan dahil kilala nya ang AKING Pangalan”. Sa Bibliya, ang pangalang YAH ay nasa lahat ng dako na ikaw ay nababasa mo ang salitang DIYOS sa Bagong Tipan ( New Testament) at si YAHUVEH ay nasa lahat ng dako na ikaw ay nababasa mo ang salitang PANGINOON sa Lumang Tipan (Old Testament). Ang King James na Bibliya at ang iba pang bersiyon ay ginamit lamang ang “PANGINOON” o “DIYOS”; ito ay hindi mga pangalan, ito ay mga ranggo/pamagat.
Gayunman, ang katotohanan na ang pangalan ng DIYOS, YAHUVEH, ay tinanggal sa Bibliya kahit ito naman dapat ay naiwan o nanatili. Ang Orthodox na Hudyo sa pagkakamaling paniniwala na ang utos na “Huwag mong babanggitin ang pangalan ng mong Diyos sa walang kabuluhan” nangangahulugang hindi mo maaring banggitin ang Pangalan ng DIYOS dahil ang ibang Hudyong Guro na Pariseo (Pharisee Jewish Rabbi) ay ito ang itinuro. Upang higit pang madagdagan ang pang iinsulto sa sakit ang Orthodox na Hudyo at ang maraming Messianic Hudyong mga mananampalataya kay YAHUSHUA ha MASHIACH ay binaybay (spell) ang salitang katulad ng LORD na nagging L-RD o GOD na nagging G-D kailan nila mapagtatanto ito, kahit pa napakalayo ng anumang pagpapatunay ng Makapangyarihan sa lahat ng kapangyarihan sa pangalan ni YAHUVEH at YAHUSHUA ha MASHIACH?!
Ang karamihan sa mga nananampalataya na Messianic na Hudyo kay YAHUSHUA ay tinuruan na baybayin ang pangalan ng ating MESYAS (MESSIAH) bilang YESHUA. Ang pangalan na Yeshua ay hindi naglalaman ng pangalan ni AMA YAHUVEH. Paano magbibigay ng kapurihan ang Yeshua sa YAH? Ang YAH ay maikli para sa pangalang YAHUVEH (maari ring ito ay baybayin sa pangalang YAHWEH). Ang Pangalang YAH ay nasa Bibliya sinusuportahan ito kasama ang Banal na Kasulatan.
Kagaya nga ng aking sinabi, Ako rin ay nagkamali sa pagtuturo na ang Yeshua ay pangalan ng ating MESYAS. Natuto ako sa aking pagkakamali, at nang ang BANAL na ESPIRITU ay pinahintulutan akong bumili ng Aramaic na pagsasatitik (transliteration) bersiyon ng Bibliya, Ako ay namangha sa aking nakita na ang pangalan YAH SHUA ay naroroon at kaagad kong napagtanto na ito ay tama, para baybayin ang pangalan ng ating MESYAS kasama ang salitang YAH rito nagbibigay ng kapurihan sa ating AMA YAHUVEH at ipinaalala sa atin na ang YAH ay tagapagligtas ng ating kaluluwa sa pamamagitan ng pangalan at dugo ng ating MESYAS na si YAHUSHUA. (si YAHUSHUA ay parehas ginamit ang mga salitang Aramaic at Hebrew; ang parehas na salita na ito ay naisulat sana sa Bagong Tipan). Nakatanggap ako ng isang utos sa Langit na simulan na ang paggamit sa Banal na Hebreong Pangalan. Inuulit koi to ay maaring baybayin (spell) bilang YAHSHUA at YAHUSHUA. Ang Pangunahing bagay ay hindi dapat baybayin ito bilang Yeshua. Tayo ay may pananagutan lamang sa kung ano ang ating nalalaman; mayroong pagkakataon na hindi mahusay ang aking nalalaman, gayunman ang aking panalangin ay nasasagot at mayroon akong kapayapaan sa pananalangin sa pangalan ni Yeshua, Ngunit ngayon ay mahusay na ang aking kaalaman, at gawin mo rin ito.
Si Mary ay isang Hebreo at hindi nya bibigyan ang kanyang sanggol na Hebreo na Griyegong pangalan. Ang King James Bible ay sinabing binigyan nya ang sanggol na pangalang Immanuel. Ngayon ano ang ibig sabihin ng Immanuel? Ang kahulugan nito ay “si YAH ay nasa atin”. Ngayon ito ang bagay na kawili-wili: Sa tuwing makikita mo ang salitang “GOD” DIYOS sa bibliya isipin mo lamang na ang totoong salita mula sa Bibliyang panahon ay YAH o YAHUVEH o ang iba ay binabaybay ito ng YAHWEH. Pakatatandaan SYA ay DIYOS ang AMA sa Langit.
Kaya balikan natin kung bakit HESUKRISTO (ang Griyego na pangalang ibinigay) ay walang literal na pagsasalin o kahulugan, at ano ang pangalang YAHUSHUA sa literal na pagsasalin mula sa Hebreo na kahulugan. Ang Pangalang YAHUSHUA na ang literal na kahulugan sa Hebreo ay “YAH ang KALIGTASAN”! hindi ba ito ay Magaling? Ilan sa mga ama na gustong ang kanilang anak ay magdadala ng kanilang unang pangalan? Si YAHUVEH ay ginawa rin ito para sa KANYANG BUGTONG na ANAK!
Ngayon kapag inilagay ang buong pangalan na sama-sama sa Hebreo, YAHUSHUA ha MASHIACH, isasalin ito na ang MESYAS ay si YAHUSHUA! Sa tuwing maririnig ang pangalang YAHUSHUA ang MESYAS ng diyablo, nakakapagpapa-alala ito sa kanya kung paanong wala syang karapatan sa ating kaluluwa – tayo na tinanggap si YAHUSHUA bilang DIYOS, PANGINOON at TAGAPAGLIGTAS – dahil sa halagang KANYANG (YAHUSHUA) ibinayad para sa atin sa Kalbaryo, at dahil si YAHUSHUA ay nag-iisang BUGTONG na ANAK ni YAHUVEH na isang perpekto/walang kapinstasan sa lahat ng gawa/paraan, kahit SYA (YAHUSHUA) ay naglakad dito sa mundo, si YAHUSHUA ay kailanma’y hindi nagkasala kahit isa! Ito ay napakagaling na kung iisipin SYA ay nasa katawang lupa katulad na may kaparehong panunukso sa KANYANG paligid, at gayunpaman SYA ay hindi kailanman nagkasala kahit isa, hindi kahit na isang makasalanang pag-iisip – kung hindi, SYA ay hindi maaaring maging perpektong walang bahid na kasalanan sa dugong sinakripisyo para hugasan at malayo sa lahat ng ating mga kasalanan.
Tanong: Maari bang ang mga panalangin at pagbautismo ay magagawa pa rin sa pangalan ni HESUKRISTO?
Oo, ang pangalang HESUKRISTO ay mayroong pa ring pagpapatawad, kalunasan, Pagpapalaya, Kapangyarihang muling pagkabuhay, at tiyak ito sa pangalan ni HESUKRISTO, ang panalangin ay masasagot pa rin. Ngunit bakit gusto mong gamitin ang pangalan na HESUKRISTO? Kapag nalaman mo na ang tunay na Banal na Hebreo na Pangalan ng iyong MESYAS, ikaw ay may pananagutan na sa iyong mga nalalaman. Bago pa sa mga hindi mo nalalamn noon, wala ka ng idadahilan pa, ngayon ay wala ka ng dahilan. Sa mga oras ng pagtatapos (end times), gagamitin ni YAHUVEH ang Ministeryo na ito at ang iba para ituro ang kahalagahan na malaman ang katotohanan sa Hebreo na pangalan ng ating MESSIAH.
Ginamit rin ni YAHUVEH ang paganong (heathen) actor na nagngangalang Mel Gibson para kami ay tulungan na maabot ang mundo, kabilang sa kanyang pelikula ginamit rin ni Mel Gibson sa panulat ang pangalan na Yeshua. Kahit na si Mel Gibson ay hindi ginamit ang tunay na Banal na Pangalan ni YAHSHUA o YAHUSHUA sapat na alam nya ang kasaysayan at ang katotohanan na hindi tawaging “HESUS” si YAHUSHUA. Sinubukan ni Mel na maging owtentik/tunay ang pelikula hangga’t maaari gamit ang tunay na pangalan na gamit noon. Hindi ba nakakalungkot na ang mensaheng kaligtasan at ang kahalagahan na pamunuan ang Banal na buhay ay hindi binago ang puso ni Mel Gibson? Hindi natin mailalarawan sa ating kaisipan ang naghihintay na paghihirap para sa kanya ni satanas dahil ang lahat ng mga kaluluwa na pumunta kay YAHUSHUA ha MASHIACH – dahil sa kanyang pelikula na sanhi para sa kanila na magsisi at ibigay ang kanilang kaluluwa kay YAHUSHUA ha MASHIACH. Maari lamang tayong manalangin na si Mel Gibson ay mapanood ang kanyang sariling pelikula at maalala at ang halaga na ibinayad para sa kanyang kasalanan sa Kalbaryo at tumalikod sa kanyang mga masamang gawain, mabuhay ng Banal at sambahin si YAHUSHUA ha MASHIACH sa halip na ang Simbahang Katoliko. Walang kaligtasan sa relihiyon, ngunit ito lamang ay sa pagmamahal, pagsunod sa relasyon natin kay YAHUSHUA ha MASHIACH.
Mayroong kaaway ang Ministeryong ito, Na maglakas-loob na tawagin ang kanilang sarili na Kristiyano, gayunpaman galit sila sa akin at hindi pa ako nakikilala, o kahit nakipag-usap sa akin. May ilan na sumulat sa akin, gayunpaman sinasabi nila na ako ay mapanira, nagsisinungaling at ako ay inaakusahan na may espiritong mapagmalaki. Alam ko ito ay hindi totoo, at sa lahat na mga taong nakakakilala sa akin ito ay hindi totoo, Para kay YAHUVEH ako ay pinanatiling mapagpakumbaba, sa lahat ng iba’t- ibang paraan. Isa sa mga ito ay ang malaman ng iba na ako ay napagsasalitaan (rebuked) ng may pagmamahal ni YAHUSHUA ha MASHIACH.
Ito ang totoong istorya tungkol sa akin – Kahit na alam ko na ang katotohanan tungkol sa Banal na Pangalan ng ating MESYAS – ninais ko pa rin at pinilit na tawagin SYA sa Pangalang HESUKRISTO at sinabi ko ito sa KANYA.
Nangyari ito sa mga oras na ako ay may pinag-daraanang krisis sa aking buhay, at ako ay malakas na umiiyak sa kasagutan sa pangalang HESUKRISTO. Ako ay nagdarasal kay HESUKRISTO na Pangalan at nagtatanong ng tanong para ito ay mapagtotoo. Naalala ko ng aking sabihing “ Alam ko ang pangalan MO ay YAHUSHUA ngunit ako ay komportableng tawagin KANG HESUS dahil iyon ang naituro sa akin – at kahit sa mga kantang pambata na aking kinakanta sa aking mga anak ay, ‘ si HESUS ay mahal ako – kaya pakiusap ako ay IYONG patawarin kung IKAW ay tatawagin kong HESUS’?
Sa isang iglap para akong nakarinig ng audible na boses – ito ay napakalakas at may matatag na pananalita. Aking narinig “Ok Sue”. Sinabi ko “uhm….ang pangalan ko ay hindi Sue”. Ang kasunod na aking narinig ay, Hindi ko ito makakalimutan, “Gaano mo gustong tawagin ang pangalan mo na hindi mo naman ito pangalan – kapag alam mo na alam ko ang totoo mong pangalan, at ito ay hindi Sue? Alam mo ang tunay KONG pangalan na Hebreo, gayunpaman sinasabi mong gusto mo pa rin AKONG tawagin sa pangalan HESUS dahil ikaw ay komportable rito – Kahit alam mo na dinala kita sa katotohanan? Gaano mo ito gusto?
Ako ay nagsisi at sinabi kay YAHUSHUA ha MASHIACH na patawarin ako, At sa wakas naunawaan ko na, hindi ako mananagot sa aking nalalaman; hindi katulad noon, ako ay nasa ilalim ng kaawaan sa hindi ko nauunawaan. Naiintindihan ko na ang kahalagahan ng pagtuturo ng Hebreo na Banal Pangalan ni YAHUSHUA ha MASHIACH – kaya para sa mga nananampalataya kay YAHUSHUA sa Paghuhukom ay malalaman ang katotohanan.
Ako ay matatag na naniniwala na ang tinatawag na Kristiyano na patuloy na aatake sa Ministeryo na ito kabilang ang mga naisulat at naipahayag na salita na may kaanyuan ng pagkabanal, ngunit walang buhay o bunga para ito ay patunayan. Ang mga kaaway na ito ay makikita ang pinakamahirap na paraan, hindi nila makikita ang nararapat na pagtakas sa Paghuhukom at ang impiyerno. Ako ay matatag na naniniwala na kay YAHUSHUA ha MASHIACH, na KANYANG sinabi na marami ang hindi magiging karapat-dapat kay YAHUSHUA ha MASHIACH, na umakyat sa langit at matatakasan ang Paghuhukom, dahil sila ay labis ang paninirang puri at kasinungalingan tungkol sa propetang ito at gumawa ng labis na pinsala sa akin. Sinubukan nilang sirain ang Ministeryong ito na tawagin akong huwad na propeta, paninirang-puri sa Ministeryo sa pagtawag na ito ay kulto. Lahat ng ito dahil ang Ministeryong ito ay tinatanggihan ang pagkompromiso sa kasalanan, Ang mga Banal na Propesiya ay naihayag na galing kay YAHUSHUA ha MASHIACH at YAHUVEH – na inutos na igalang ang Sabbath na araw at ang Banal na mga araw, na si YAHUSHUA ha MASHIACH ay iginalang at sinunod/ipinagdiwang – at ginamit ang Banal na Hebreo na pangalan ng ating MESYAS.
Kailangan ko ng kaginhawaan at alam ko na ang demonyo ay galit sa itinuturo ng Ministeryo na ito. Aming Inaabot ang mga kaluluwa sa maraming iba’t-ibang bansa sa kani-kanilang salita para kay YAHUSHUA ha MASHIACH. Kaya ito ang dahilan na ang alagad ni satanas ay inaatake ako at ang ministeryong ito. Tingnan nyo si YAHUSHUA ha MASHIACH, tingnan mo kung paano sya siniraan ng puri, kinutya at tinawag na demonyo. Kaya walang nagbago. Ang mga banal na tao na namumuhay ng Banal kay YAHUVEH ay maghihirap pa rin sa pag-uusig, dahil sa pagkakaiba nya kaysa sa mundo.
Pahintulutan nyo ako na magbigay ng istorya tungkol sa kung paano ko natutunan na ako ngayon ay may pananagutan na sa aking mga nalalaman at wala nang anumang dahilan pa para magdasal gamit ang pangalang HESUKRISTO sa halip na ang KANYANG totoong Hebreo na Pangalan na YAHUSHUA ha MASHIACH (maari ring maging YAHSHUA ha MASHIACH). Madalas kong ilagay ang “ha MASHIACH” dahil hindi lang ito dahil sa KANYANG unang Pangalan – kundi ito rin ay ang KANYANG pangunahing titulo (title) na naglalarawan kung SINO SYA: ang nag-iisa at SYA lamang ang MESYAS. Ako ay tinuruan matagal na panahon na ni YAHUVEH at nahatulan noon ang Banal na mga Propesiya ay naipahayag sa internet. Amin naming isinulat sa malaking titik ang mga Pangalan sa Ingles na salita para sa mga tao. Ngunit hindi ba karapat-dapat lamang o higit pa ang dapat na para sa ating DIYOS na Makapangyarihan sa lahat?
Ang BANAL NA ESPIRITU ang nagturo sa akin na ang mga ito ay isulat sa malalaking titik ang kanilang Pangalan at kahit na ginagamit ko rin ang salitang DIYOS (GOD). Ito lamang ay nagpapakita kung paano ko iginagalang si YAHUVEH, YAHUSHUA ha MASHIACH, at ang ating pinakamamahal na RUACH ha KODESH (BANAL na ESPIRITU). Hindi mahalaga sa akin kung ito ay maiintindihan ng mga tao. Hindi dahil hindi sapat ang aking kaalaman. Kundi ang dahilan ay alam ko ang Kapangyarihan na walang hanggan ng sinaunang araw, Ang gumawa ng Langit at ng lahat, karapat-dapat lamang sa Mataas na paggalang o respeto sa batas na ito. Gawin mo ang gusto mo ngunit ito ang aking matibay na paniniwala at hindi ko kayang isulat ito sa ibang paraan. At hindi nyo rin makikita na aking isusulat sa malaking titik ang salitang demonyo o satanas dahil hindi sila karapat-dapat na igalang kahit ito pa ay sa simula ng isang pangungusap!
Marahil ang pagbabasa nito ay makakatulong sa iyo na mapagtanto kung bakit wala ka ng dahilan pa para hindi gamitin ang Banal na Pangalan ng MESYAS maski sinu.
Binaybay ko at binanggit ang pangalan ni YAHUSHUA ngayon dahil ang aking asawa ay nagkaroon ng panaginip at sa panaginip na yaon, tinuro nya ang kalangitan at nakita nya na si YAHUSHUA ay dumarating sakay ng putting kabayo. Si Niko, ang aking pinakamamahal na asawa, ay sumigaw ng malakas at nagising kaming dalawa si “si YAHUSHUA ay dumarating! Tingnan mo si YAHUSHUA ay dumarating!.” Hindi ko alam kung ito ay nai-post sa website ngunit kung hindi kailangan naming gawin yun. Si Niko ay nasanay na sabihing YAHSHUA hanggang sa kanyang panaginip, ngunit pagkatapos ng panaginip nya na ito kanyang binaybay at bigkasin ang pangalang, YAHUSHUA. Sinabi ko sa kanya na natuto akong gamitin ang YAHSHUA at ito rin ang paraan ko para ito ay ipagpatuloy na bigkasin ito. Sinabi nya na naramdaman nya na dapat niyang gamitin ang pangalang YAHUSHUA ngayon din.
At iyon ang nangyari at sa lahat ng aking isinusulat at kapag ako ay nagdarasal o binabanggit ang pangalan ng MESSIAH/MESYAS, isinusulat ko at binabanggit ang YAHSHUA – hanggang a bagong propesiya ay naihayag at ang pangalang YAHUSHUA, at hindi YAHSHUA, ang maliwanag na lumabas noong ito ay binabanggit ko sa pamamagitan ng Banal na wika at ito ay naisalin sa ingles. Sa katunayan, sa Banal na Propesiya ako ay naatasang gawin ang sinabi ng aking asawa: sabihin at ituro ang pangalang YAHUSHUA ha MASHIACH. Bakit? Hindi ko alam dahil wala akong nakikitang mali sa pangalang YAHSHUA. Ang parehong pangalan ay nagbibigay ng kaluwalhatian (Glory) kay YAH (FATHER YAH), gayon pa man gusto ko na magsikap na sumunod kay YAHUVEH sa lahat ng paraan.
Tanong: Kapag ginamit mo ang Hebreong Banal na Pangalan ni YAHUSHUA, ay nagdarasal ka pa rin kay HESUKRISTO, ang bugtong na Anak ni YAHUVEH?
Oo naman! Gayunman, tandaan na binabalaan pa rin naming kayo ngayon na matutunan ang totoong Hebreong Banal na Pangalan ng ating MESSIAH/MESYAS dahil kapag ikaw ay naririto sa Paghuhukom ang iyong panalangin ay maririnig lamang kapag ginamit mo ang Pangalang YAHUSHUA ha MASHIACH or YAHSHUA ha MASHIACH,dahil ang antikristo ay aangkinin ang pangalang HESUKRISTO. Ilan na ba ngayon ang huwad na kristo na nagsasabing ang pangalan nila ay Jesus Christ at kinukutya ang lahat ng banal? Si YAHUSHUA ay binalaan tayo na ito ay mangyayari bago SYA babalik muli. Tayo ngayon ay nabubuhay sa oras ng pagtatapos na KANYANG na i-propesiya. Ang antikristo ay hindi nya gugustuhin na gamitin ang pangalang YAHUSHUA or YAHSHUA dahil si satanas ay galit sa literal na kahulugan nito, pagsasalin sa pangalan na ito.
Ito ay kung paano ang mga sumusunod na banal na kasulatan ay dapat na naging.
Exodus 20:7
Huwag mong babanggitin ang pangalan ni YAHUVEH sa walang kabuluhan; sapagka’t hindi aariin ng Panginoong (YAHUVEH) walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan*. ( Ang Dating Biblia 1905)
Ang Hebreo na salita sa kabuluhan (vain) sa Ex 20:7 ay shav’ (vain) – ang kahulugan ay walang laman, walang kabuluhan, kawalang-halaga, kasinungalingan at iba pa, halimbawa at upang alisan ng laman ng mga kahulugan.
Jeremiah 8:8
Paano ninyo sinasabi, Kami ay pantas, at ang kautusan ng Panginoon (YAHUVEH) ay sumasaamin? Nguni’t, narito, ang sinungaling (vain) na pangsulat ng mga escriba ay sumulat na may kasinungalingan (vain). (Ang Dating Biblia 1905)
Ang Hebreong salita sa vain sa Jeremiah 8:8 ay sheqer – ang kahulugan ay kasinungalingan, daya o abuso, pagkabigo, kabulaanan.
Jer 23:27
Na nagaakalang magpalimot sa aking bayan ng AKING (YAHUVEH) Pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga panaginip na sinasaysay ng bawa’t isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, gaya ng kanilang mga magulang na nakalimot ng AKING (YAHUVEH) pangalan dahil kay Baal.
Ang kahulugan ng Baal ay panginoon at Baalim, mga panginoon.
Hosea 2: 16-17
At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon (YAHUVEH), na tatawagin mo akong Ishi (asawa), at hindi mo na ako tatawaging Baali. Sapagka’t aking aalisin ang mga pangalan ng mga Baal sa kaniyang bibig, at siya’y hindi na babanggitin sa pamamagitan ng kanilang pangalan. (Ang Dating Biblia 1905)
Zech 13:2
At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon (YAHUVEH) ng mga hukbo, na aking ihihiwalay sa lupain ang mga pangalan ng mga diosdiosan, at sila’y hindi na mangaaalaala pa; at aking papalayasin naman ang mga propeta at ang karumaldumal na espiritu sa lupain. (Ang Dating Biblia 1905)
Zech 13:9
At aking dadalhin and ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko na parang pilak sa dalisay, at sila’y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila’y magsisitawag sa AKING pangalan, at AKIN silang didinggin: aking sasabihin, Siya’y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon (YAHUVEH) aking Diyos. (Ang Dating Biblia 1905).
Zech 14:9
At ang Panginoo’y (YAHUVEH) magiging Hari sa buong mundo: sa araw na yao’y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa. (Ang Dating Biblia 1905).
Isaiah 52:6
Kaya’t makikilala ang AKING bayan ang AKING pangalan: kaya’t matatalastas nila sa araw na yaon, na AKO yaong nagsasalita; narito, AKO nga. (Ang Dating Bibliya 1905)
John 17:6
Ipinahayag KO ang AKING Pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa AKIN mula sa sanglibutan: sila’y iyo, at sila’y ibinigay mo sa AKIN; at tinupad nila ang iyong salita. (Ang Dating Biblia 1905)
Psalm 83:18
Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ang Pangalan ay YAHUVEH, ay Kataastaasan sa buong mundo. (Ang Dating Biblia 1905)
Itong mga kumento ay galling kay Elisabeth na idinagdag noong Febrero 21, 2003
Gusto kong sabihin ang isang bagay at ito ay aking lilinawin. Ako ay nabinyagan sa pangalan ni HESUKRISTO at nagpapalayas ng demonyo sa pangalan ni HESUKRISTO at ako at karamihan ng iba pa ay gumaling sa pangalan ni HESUKRISTO,ang mga kaluluwa ay nailigtas sa pangalan ni HESUKRISTO.
Propeta Veronica, Ang asawa ng kapatid nating si River, ay ginamit rin ang pangalan na HESUKRISTO. Kami bilang katawan ni Kristo ay natutunan ang pangalan na ito sa King James na biblia, Ngunit kung ito lamang ay natutunan naming sa Hebreo na Biblia o ang Aramaic na Bagong Tipan, ang pangalan sana ay naging YAHUSHUA or YAHSHUA.
Kami lamang ay mananagot sa aming nalalaman. Noong natutunan ko ang YAHUSHUA na isang Hebreo na Banal na pangalan, Dito ngayon ako magkakaroon ng pananagutan na gamitin ito. Ang pangalan ko ay Elisabeth Sherrie ngunit sa nagdaang mga taon ginamit ko ang aking panggitnang pangalan na Sherrie, kahit dito sa Ministery na ito. Ito lamang sa nakaraang mga taon na si YAHUVEH ay binigyan ako ng utos na gamitin ang una kong pangalan na Elisabeth dahil sa pagpapahid ng langis (anointing) ay maaring maging mas malakas sa pangalan na yun kung ako ay sumunod sa KANYA at hindi na ginagamit ang kilalang pangalan na ginamit ko sa maraming taon. Hindi ibig sabihin nito ay hindi ako ang parehong tao na iyon.
Si YAHUSHUA at si HESUKRISTO ay pareho ang Pagkatao, ang parehong (the same) TAGAPAGLIGTAS, ang parehong (the same) DIYOS, ang parehong (the same) Bugtong na Anak ni YAHUVEH, Ito lamang sa mga oras ng pagtatapos kailangan natin ng mas maraming pagpapahid ng langis (anointing) na kapangyarihan at mas marami pang pagpapahid ng langis sa pagdarasal sa KANYANG Banal na Hebreo na pangalan. Hindi ko alam ang tungkol sa iba ngunit gusto ko ng mas maraming pagpapahid ng langis (anointing), at hindi kukulangin.
Ang iba ay tumatawag kay YAHUVEH sa pangalan na JEHOVAH. Kapag ikaw ay nagdarasal, ang ating Ama sa Langit, katulad din ng ating TAGAPAGLIGTAS, alam kung ano ang iyong tinutukoy. Pakiusap huwag itong hindi maunawaan. Maraming oras pa ang aking ginugol sa paggamit sa pangalan ni YAHUSHUA. At, Ako ay nailigtas nang 27 na taon at ako ay naipakilala sa aking Tagapagligtas sa KANYANG pangalan sa pagiging HESUKRISTO. Kahit ikaw ay tatawag sa KANYANG pangalan bilang HESUS o YAHUSHUA, ang pinakamahalaga ay ang pagtawag mo sa KANYA bilang nag-iisang pangalan na iyon ang tagapamagitan sa harapan ng ating AMA sa Langit, YAHUVEH.
Tayo ay magpapatuloy mula sa Kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian at pagpapahayag tungo sa pagpapahayag sa pamamagitan ng Banal na Espiritung pagpapahid (anointing).
May ibang tao na ayaw matuto upang malaman ang bagong pagpapahayag galing sa Banal na Espiritu, tinatawag din sa Hebreo na Ruach Ha Kodesh. Sila ay kumportable na lamang sa paginom ng gatas. Ngunit ako ay napagsabihan na magturo rin sa mga nagnanais na kumain ng karne/laman ng Salita.
Ako ay humihingi ng tawad/paumanhin kung ako nakasakit sa sinuman. Marahil ito ay napakaaga sa munting oras ng umaga at hindi koi to naipaliwanag ng sapat, kung bakit ko ginagamit ang banal na pangalan ni YAHUSHUA higit kaysa sa Griyego na pangalan na HESUKRISTO.
Ako ay binigyan ng utos na tawagin si HESUS sa KANYANG Hebreo at Aramaic na pangalan, na YAHUSHUA. Ito ay parehong pangalan ng Anak ni YAHUVEH at ang nag-iisang pangalan na upang ikaw ay makapunta sa Langit kahit ano man ang iyong sabihin HESUS o YAHUSHUA.
Bakit wala sinuman gustong gamitin ang Banal na Pangalan ni ‘YAHUSHUA’ sa halip na ‘HesuKristo’ sa sandaling natutunan nila ang katotohanan?
Apostol Elisabeth Eslijah
Ang Banal na mga Pangalan ni YAHUVEH at YAHUSHUA
Tandaan na ang Joshua = Yoshua o Yahushua dahil walang “J” na tunog sa Hebreo. Ang
Letrang “J” ay 500 na taong gulang lamang at hindi rin ito nakita sa orihinal na 1611 King James na bersiyon.
Si YAHUSHUA ang Mesyas ay hindi si Ama YAHUVEH ang makabagong panahon ng mga Kristiyano ay naniniwalang si YAHUSHUA ang Mesyas ay pre-existed/umiiral sa ibang paraan/anyo o iba pa. Ang iba ay sinasabing SYA ay si Melchizedek, ang iba ay sinasabing SYA ay “ang kapitan ng hukbo (host) ni YAHUVEH” (Josh. 5:4), ang iba naman ay sinasabing SYA ay ang Arkanghel na si Michael, ang iba naman ay sinasabing Sya ay ang “Anghel ni YAHUVEH”. Marahil ang pinakamaling pananaw ay si YAHUSHUA ay si “YAHUVEH” (Panginoon) ng Lumang Tipan. Itong pag-aaral na ito ay naisulat na umaasang ang lahat ng makakabasa ay sa wakas ay maiintindihan na si YAHUVEH ay ang Makapangyarihang Lumikha ng Langit at Lupa at si YAHUSHUA ang Mesyas ay ang KANYANG Anak, ayon sa nasusulat.
Sino ang Ama na sinasabi sa Banal na Kasulatan? Is. 63:16 sinasabing, “ Sapagka’t IKAW ay aming AMA, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi rin kami kilala ng Israel: IKAW, Oh Panginoon YAHUVEH, ay aming AMA, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.” Si YAHUVEH ay ang AMA. Gayunpaman, ang iba ay naghahayag na itong Banal na Kasulatan ay sinasabing si YAHUVEH ay ang AMA ng Israel, at hindi ni YAHUSHUA. Sa gayon kailangan natin na itala ang ibang bersikulo. Heb. 1:5; “ Sapagka’t kanino nga sa mga angel sinabi niya kailan man, Ikaw ay AKING ANAK, IKAW ay aking ipinanganak ngayon? At muli, AKO’Y magiging KANIYANG Ama, At SIYA”Y magiging AKING Anak? Sino ang nagsabi ng mga bagay na ito? Ang lahat ay sasang-ayon na ang Ama ni YAHUSHUA ang nagsabi ng mga ito pagka’t tinutukoy nito na si YAHUSHUA ay KANYANG ANAK. Heb. 1:5 ay siping tuwirang tumutukoy sa Ps. 2:7; “AKING sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon (YAHUVEH) sa akin, IKAW ay AKING ANAK; sa araw na ito ay ipinanganak KITA.” Ang Una “Ako” dito ay tumutukoy kay YAHUSHUA na napapahayag/nagsasalita sa pamamagitan ng propesiya kung saan ay KANYANG sinabi na si YAHUVEH ay KANYANG AMA!
Amin rin nakita noon na si YAHUSHUA ay sinabing “Ang AKING AMA ay mas higit (greater) kaysa sa akin.” Sa katotohanan sinabi NYA rin na, “si YAHUVEH ay mas higit (greater) kaysa sa akin.” Sa gayong paraan ng pagtuturo sa atin na hindi Sya si YAHUVEH. Kung sinuman ang naniniwalang si YAHUSHUA ay si YAHUVEH ay dapat rin maniwalang si YAHUSHUA ay ang Ama sa Langit. Ito ay higit pang walang katotohanan at mas mahirap na patunayan upang magbigay liwanag sa Banal na Kasulatan.
Sa Exodus 23:13 tayo ay inutusan na hindi banggitin ang pangalan ng iba pang mga diyos; Gayun pa man dahil sa kung ano-ano makabangong Ingles na tagapagsalin ay ginawa ito sa ating mga Biblia, Ito ay ang pangalan ng ating Diyos na bihira, kung kahit minsan nabanggit ng nakakaraming mga tao. Ang King James na Bersiyon ng Banal na Biblia ibinigay ang Pangatlong Utos ayon sa sumusunod:
Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan; sapagka’t hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit sa kaniyang pangalan sa walang kabuluhan. (Exodus 20:7) *
Gayunman, hindi ganito ang nilalayon ng Banal na Espiritu ng Diyos kung paano ito isinulat. Ang Pangatlong panukaw (inspired) na utos ay ang sumusunod:
Huwag babanggitin ang pangalan ni YAHUVEH sa walang kabuluhan; sapagka’t hindi aariin ni YAHUVEH ng walang sala ang bumanggit sa kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.
Sa kanilang sariling kagustuhan ang mga Ingles na tagapagsalin ay pinalitan ang Pangalan ng Diyos na may bagay na halos lahat ay binago. Anong kayabangan ito! Kung ano ang pinukaw (inspired) ng Diyos, walang sino mang tao ang may karapatang baguhin o tanggalin, gaano man kaganda ang dahilan ng mga tunog nito. Ang Haring Solomon ay ipinahayag:
“…Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kanyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman? Bawa’t salita ng Diyos ay subok: siya’y kalasag sa kanila, na Nanganganlong sa kaniya. Huwag kang magdagdag ng kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling.” (Proverbs 30:4-6)
Gayunman yun ang ganap na ginawa ng halos lahat ng Ingles na tagapagsalin. Tinanggal nila at dinagdagan sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapalit ng KANYANG personal na pangalan na YAHUVEH kalakip ang malalaking mga titik LORD at GOD o di kaya kalakip na salitang pinaghalong salitang Jehovah.
Ang pagaalis sa mga text/paksa, ang mga Tagapagsalin sa Ingles ay tunay na sinira at ang Pangatlong Utos mula noon na ginawa nila ang pangalan sa walang kabuluhan, yan ay, walang bisa ang salitang walang kabuluhan, na nakita sa Pangatlong Utos, ay naisalin galling sa Hebreo na salitang shav (Strong’s #7723). Si Williams Gesenius ay tinukoy ito sa bahagi na “ walang laman, bagay na walang halaga, walang kabuluhan…kawalang-halaga.”(2) ito rin ay parehong salita na ginamit ni Moses sa pangsiyam na Utos isinalin na huwad:
Ni sasaksi sa di katotohana laban sa iyong kapuwa.
(Deuteronomy 5:20)
Sa ibang salita, kami ay hindi gagamitin ang pangalan ni YAHUVEH sa huwad o magbintag bilang pagpapalit na may paglilinlang na titulo at walang diwang pagpapalit.
Ito ay ipinahayag na ang Pangatlong Utos ay walang kinalaman sa literal na pangalan ni YAHUVEH, ngunit sa halip ito ay sa Kapangyarihan ng KANYANG pangalan. Ang Kapangyarihan ay tunay na nasa Pangatlong Utos; gayunman, mananatiling imposible na na hindi isama ang personal na pangalan ng DIYOS sa Utos na ito. Halimbawa, ang Romanong sundalo na may karapatan ay nasa pangalan ni Caesar, gayun man, sya ay iniharap ang kanyang sarili sa pangalan ni Nebuchadnezzar, ang kanyang karapatan ay sana nawalan ng bisa.
Isaalang-alang ang sumusunod na diin na si YAHUVEH na SYA mismo ang naglagay sa KANYANG pangalan:
At sinabi pa ng Diyos (YAHUVEH) kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon (YAHUVEH), ng Diyos ng inyong mga magulang, ng Diyos ni Abraham, ng Dioyos ni Isaac, at ng Diyos ni Jacob: ito ang AKING pangalan magpakailan man, at ito ang AKING pinakaalaala sa lahat ng mga lahi. (Exodus 3:15)
Dahil dito, tayo ay mayroong pananagutan na maalala, gunitahin at tandaan ang KANYANG pangalan. Gayun pa man, karamihan sa mga makabagong tagasalin ay nagawa itong baligtarin at halos tanggalin ang YAH na banal na pangalan sa mga alaala ng KANYANG nilalang/tao.
Matapos tanggapin/aminin na
“ habang ito ay halos kung hindi lubos na tiyak na ang Pangalan ay orihinal na maliwanag ay ‘YAHUVEH,”
Ang mga tagasalin ng mga binagong pamantayan na Bersiyon na nilagyan ng sumusunod na dahilan para sa pag-aalis ng personal na pangalan ni YAHUVEH sa Banal na Kasulatan:
Para sa dalawang dahilan ng Bagong pamantayan na Bersiyon [Revised standarad Version] ang mga lupon o komite ay ibinalik para sa mas kilalang paggamit [ para sa pagpapalit ng YAHUVEH sa alin man sa Panginoon (LORD) o Diyos (GOD)] ng King James na Bersiyon: (1) ang salitang ‘Jehovah’ ay hindi tumpak na kumakatawan sa anumang anyo ng pangalan na nagamit sa Hebreo; at (2) ang paggamit sa anumang wastong pangalan ng nag-iisang at SYA lamang na Diyos…ay natigil sa Judaism bago ang Kristiyanong panahon at lubos na hindi nararapat para sa pangkahalatang pananampalataya ng Kristiyanong Simbahan.
Anong Kapangahasan ito! Sino ang nagbigay sa sinumang tao o anumang grupo ng tao ng karapatan para ipawalang bisa si YAHUVEH? Si YAHUVEH lamang ang nakakaalam kung ano ang makakabuti kung ano at kung ano ang hindi wasto o angkop para sa Kristiyanong Simabahan.
Ang grupo ng mga patnugot (editorial board) ng New American Standard Bible ay ginawa ang sumusunod na admisyon:
Ang pangalan na ito [YAHUVEH] ay hindi pa binibigkas ng mga Hudyo….Sumakatuwid, ito ay patuloy na isinalin sa pangalang Panginoon (LORD). (4)
Ngunit kung ano ang binibigkas ng mga hudyo, o hindi binibigkas, ay walang kinalaman ( dapat ay walang kinalaman) kung ano ang ipinukaw (inspired) ni YAHUVEH sa KANYANG Salita.
Ang Smith at Goodspeed na pagsalin ay marahil ang pinaka lantad:
Sa pagsasalin na ito sinundan natin ang orthodox na Hudyong (Jewish) tradisyon at pinalitan ang “ang Panginoon (LORD)” para sa pangalang “YAHUVEH” at ang parirala na “Ang Panginoong Diyos na si YAHUVEH” (The LORD GOD YAHUVEH).” (5)
Sa kaliwanagan ng Matthew 15:3, walang anumang dahilan para sa ginawa ng mga Tagapagsalin sa Ingles:
At SIYA’Y (YAHUSHUA) sumagot at sinabi sa kanila, Bakit naman kayo’y nagsisilabag sa utos ng Diyos (YAHUVEH) dahil sa inyong Sali’t-saling sabi?
Ang mga sumusunod ay pitong dahilan para gamitin ang Hebreong pangalan ni YAHUSHUA sa halip na gamitin ang Ingles na pangalan na Hesus:
Ang Diyos ay pinili ang YAHUVEH o ito ay pinaiksi sa anyo na YAH para sa KANYANG alala (memorial) sa KANYANG pangalan para sa lahat ng mga lahi – Exodus 3:15. Ang pangalan lamang ni YAHUSHUA ang magpapaalala sa pangalan na iyon.
Ang KANYANG anak na pangalan ay nangunguna sa lahat ng mga pangalan – Ephesians 1:20-21; Philippians 2:9 Ngunit ano ang pangalan na partikular na higit sa lahat ng mga pangalan?
…Kayo’y magsitayo at magsipuri sa Panginoon (YAHUVEH) ninyong Diyos na mula sa walang pasimula ganggang sa walang haggan: at purihin ang iyong maluwalhating pangalan, na natas ng higit sa lahat ng pagpapala at pagpuri, Ikaw lamang ang lumikha (YAHUVEH), ikaw lamang…. (Nehemiah 9:5-6)
At dahil ang Pangalan ay higit sa lahat ng mga pangalan ay YAHUVEH, si YAHUSHUA lamang ang maaring maging Tagapagligtas na pangalan.
Ang isa pang mas Mahusay na Pangalan
Ang Anak ay minana ang isang mahusay na pangalan – Hebrew 1:4 Mula saan na ang Anak ay namana ang KANYANG Pangalan? Galing ito sa KANYANG AMA, Mangyari pa, Dahil dito, Maaring SYA lamang ang magmamana mula sa Ama kung ano ang Ama mismo ang nagmamay-ari. Ang Ama ba ay nagtataglay ng Pangalan ni Hesus o YAH? Ang sagot ay tila lubos na maliwanag lalo na kapag laging ilalagay sa kaisipan na ang Ama ay sinalita sa pamamagitan ng pagpapaikli ng pangalan na YAH apat na pung siyam na beses sa Lumang Tipan (Psalm o Awit 68;4 at iba pa.) na ito ay matatagpuan lamang sa Hebreo na pangalan ni YAHUSHUA.
Ang Anak na parating sa Pangalan ni YAHUVEH
Ang ating Tagapagligtas ay ipinahayag at nakilala, ang pangalan ng AMA habang naririto SYA sa lupa – John 17:6,26. Sa tatlo lamang na Bagong Tipan na mga talata na makikita natin na ang Anak ay ipinakilala ang KANYANG sarili. Ang una sa oras na nakita sa salaysay ni Apostol Paul na pagpapanayam sa Acts 9. Ang pangalawa at pangatlo sa mga oras na nakita kung saan si Paul ay isalaysay ang parehong kaganapan sa Acts 22 at 26. Isa mga lahat ng mga salaysay na ito ay ipinaalam sa atin sa kung ano ang ating wika na ang Tagapagligtas ay ipinahayag ang KANYANG pangalan kay Paul.
…Ako [Paul], ay narinig ko ang isang tinig na nagsasalita sa akin sa wikang Hebreo,…. At Ako [Paul] At sinabi ko, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi ng Panginoon, Ako’y si YAHUSHUA…. (Acts 26:14-15)
Ang pagkakaroon ng Tagapagligtas sa paggamit ng Ingles na pangalan na Hesus, Hindi na SYA nagkaroon na ipahayag ang pangalan ng AMA.
At dahil ang pamilyang pangalan na YAH ay natagpuan sa parehas na pangalan ng AMA at ng KANYANG ANAK, Maaring sabihin ni YAHUSHUA ang naangkop na salita:
“Naparito AKO sa Pangalan ng AKING Ama…..” (John 5:43)
Sa John 12:12-13, Isa sa mga residenteng Jerusalem ay ipinahayag:
Hossana: Mapalad ang Hari ng Israel na dumarating sa pangalan ng Panginoon
Ito ay nabanggit galing sa Awit/Psalm 118:26 na kung saan ang tetragrammaton (Ang titik ng Hebreo na YHWH) ay ipinalit sa walang diwang salita na “ang Panginoon.” (“the LORD’) sa Madaling Salita, para sa pagpapatupad nitong Lumang Tipan ng Propesiya, ang mga Israelites ay inihahayag na ang Messiah ay dumating sa pagkakaroon ng pangalan ni YAHUVEH. Ito lamang ay sa pangalan ni YAHUSHUA nasasabi na ang Tagapagligtas ay naggaling sa pangalan ni YAHUVEH.
Ang Pangalan ng Anak ay nangangahulugan na “si YAHUVEH ay Tagakapagligtas”
Noong si Mary ay nagdadalang tao sa Anak ni YAHUVEH, si Joseph ay sinabihang bigyan ang kanyang supling na pangalan na nangangahulugang:
“SYA [YAHUVEH] ay illiligtas ang KANYANG mga tao (sanlibutan).” Matthew 1:21
Ang Ingles na pangalan na Hesus/Jesus ay hindi matutupad yaon ( na ito ay walang kahulugan sa anumang wika, sa pagiging griyego/latinong napaghalo; gayunman, iyon ang tiyak kung ano ang kahulugan ng YAHUSHUA. Ang YAHUSHUA sa malakas na kasunduan sa #3091 na tinukoy na naggaling sa #3068 – YAHUVEH, at mula sa #3467 – yasha, na nangangahulugang “ para iligtas/isalba. (6)” ang pagsasama ng YAHUVEH at yasha, o YAHUSHUA, na may kahulugang si YAHUVEH ay Tagapagligtas.
Ang Bagong Tipan ng pagbautismo ay dapat sa Pangalan ng AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. Mula sa napatotoo/ebidensya na nakalaan sa libro ng Acts, alam natin na ang mga disipulo ay hindi nabinyagan gamit ang pormula na “ sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo” Matthew 28:19. Sa halip sila at nabinyagan sa isang partikular na pangalan – Acts 2:38, at iba pa., ang pangalan na tumpak na kumatawan sa tatlo. Anong pangalan ang nagampanan ang kondisyon ng mahusay na komisyon? (Great Commission) Anong mga pagpipilian na mayroon para sa pangalan ng Ama? Walang anumang griyego o ingles na katumbas para sa Pangalan ng Ama, LORD (Panginoon) at GOD (Diyos) ay hindi mga pangalan ngunit ito ay mga titulo (titles) at si Jehovah ay ika-16 siglo na nagpahalong katiwalian. Sa ibang banda, ito ay kilala bilang personal na pangalan ng Panginoon na si YAHUVEH – pinaikling pangalan na YAH-apatnapung siyam nan a beses sa Lumang Tipan.
Anong mga pagpipilian mayroon tayo para sa pangalan ng Anak? Na binigay na pagpipilian sa lesous (griyego), Jesus/Hesus (Ingles) o YAHUSHUA (Hebreo), ano rin sa tatlo ang maaring gamitin para sa Ama at Espiritu Santo? YAHUSHUA lamang.
Si Apostol Paul ay nagpahalaga sa Joel 2:32 (iwinasto ang pagsasalin) ay ipinahayag:
… ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas. (Romans 10:13)
Paano ginagawa ang isang pagtawag sa pangalan ni YAHUVEH? Tangi lamang sa isang parte/dako sa Bangong Tipan na sinabi sa atin kung paano ito natupad/natapos:
[Si Ananias ay nagsalita kay Paul] At ngayon bakit ka tumigil? Magtindig ka, at ikaw ay magbautismo, at hugasan mo ang iyong mga kasalanan, na tumatawag sa kaniyang pangalan. (Acts 22:16)
Bago lamang ang tatlong araw, ang Tagapagligtas ay ipinahayag ang KANYANG pangalan kay Apostol Paul sa Hebreo bilang YAHUSHUA. Kaya anong pangalan ang tingin mo na dapat na paniwalaan ni Paul na natabunan o na tinawag nya para sa katuparan ng Joel 2:32 at Romans 10:13? Ang Pangalan ng Ama, Anak, at ng Espiritu Santo! Ang Pangalan na YAHUSHUA!
Ang PagkaDiyos ni YAHUSHUA
Bilang pagwawakas at ang pinakamahalaga, ang Hebreo na pagbigkas sa ating Tagapagligtas na pangalan ay dapat na gamitin dahil sa PagkaDiyos ni YAHUSHUA ay napatunayan doon. Kung ang Hebreo na pangalan ay naiwan/natanggal ang pagkabuo nito sa Banal na Kasulatan, Ito ay mas magiging mahirap, kung hindi impossible, sa taong nahikayat laban sa PagkaDiyos ni YAHUSHUA ang ating MESYAS/MESSIAH.
Isaalang-alang ang Lumang Tipan na mga propesiya tungkol kay YAHUVEH na maiuugnay kay YAHUSHUA. Halimbawa, Kaninong paraan na si Juan Bautista ay handa? Sino ang ipinagkanulo para sa tatlumpung piraso ng pilak? Kaninong bahagi ang nabutas? Sino ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo, at naging pangunahing/hepe ng panukalang bato? Kung ang sagot sa mga tanong na ito ay si Hesus/Jesus, kailangan mo muling tingnan/basahin ang mga propesiya! Sa mga talata na iyon **, si YAHUVEH ay nawala o natanggal at napalitan ng mga salitang “ang Panginoon (LORD).” Ibalik sa dating kalagayan ang Diyos na Pangalan na YAHUVEH at ito ay kaagad na naging maliwanag na ang mga propesiya ay tungkol kay YAHUVEH na naisakatuparan kay YAHUSHUA.
At hindi lamang iyon, ngunit kapag ating ginagamit ang Pangalan ng ating Tagapagligtas, ito ay maliwanag na inilalarawan hindi lamang kung ano ang ginagawa ng mga tao o kung ano ang ginagawa ng propeta o kahit ano pang ginagawa ng ibang diyos. Inilalarawan nito kung ano Diyos ng diyos, ang kahanga-hangang “Ay AKO”, kung ano ang ginagawa ni YAHUVEH! Ang ating Tagapagligtas ay pinangalanan sa Hebreo na YAHUSHUA dahil ito ay nangangahulugang si YAHUVEH ay Tagapagligtas. Bilang karagdagan, ang ating Savior ay pinangalanan sa Hebreo na Immanuel, ang kahulugan ay si YAH ay nasa atin, na parehong nagpapatotoo.
ANG PITONG MGA DAHILAN (AT MARAMI PANG IBA) NAISIWALAT NA ANG HEBREONG MGA PANGALAN NA YAHUVEH AT YAHUSHUA AY ANG DAPAT NATING PILIIN/GAMITIN.
Contact AmightyWind